You are on page 1of 5

Iba’t Ibang Uri Ng Teknikal Bokasyunal Na Sulatin

Pagsulat

o Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang


layunin. Ito ay mental na aktibidad sapagkat ipinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. Ito naman ay
matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng paggalaw ng kamay.
Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:

o Ayon kay Sauco, et al., (1998), ang pagsulat ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa
mga bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng
mga tao.

o Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na


komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis
na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato

o Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain (complex).
Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang
kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.

Kahalagahan ng Pagsulat

Mahalagang pag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makatutulong sa pang-araw-araw na


buhay lalo na sa komunikasyon.

Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng pagsulat. Ito ay ang
kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at pangkasaysayan.

Kahalagahan ng Pagsulat
1. Kahalagahang Panterapyutika – gumaan ang pakiramdam kapag may mabigat na nararamdaman.
2. Kahalagahang Pansosyal – maipadama ang mga saloobin sa nangyayari sa kaniyang paligid.
3. Kahalagahang Pang-ekonomiya – para sa kaniyang hanapbuhay.
4. Kahalagahang Pangkasaysayan – pag prepersiba ng mga impormasyon.

Proseso ng Pagsulat
1. Panimulang Pagsulat (Pre-Writing) 4. Pagrerebisa (Revise)
2. Pagsulat ng Borador (Draft) 5. Final na Borador (Final Draft)
3. Pagwawasto o Editing 6. Palathala
Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat

Akademiko

Teknikal Journalistik

Mga Uri
ng
Pagsulat

Referensyal Propesyunal

Malikhain

 Akademiko – mataas ang antas ng kalidad ng kaalaman ng mga mag-aaral.

 Thesis  Pagawa ng iba’t ibang sanaysay


 Experiment  Mga Teksto

 Teknikal – espelisyadong uri ng pagsulat na tumotugon sa kognitibo at solohikal na


pangangailangan ng mambabasa.

 Feasibility Study  Charting


 Matematical

 Journalistik – mga akdang makikita sa pahayagan at magazine latahain (feature)


 Referensyal – mga rekomenda ng sanggunian para sa iba pang paksa. Kadalasan makikita sa
likurang bahagi ng aklat.
 Propesyunal – nakatuon o ekslosibo sa isang tiyak na prosesyon.
 Malikhain – paganahin ang imahenasyon at pukawin ang damdamin ng isang mambabasa

 Idioma  Tula
 Tayutay  Nobela

Teknikal Bokasyunal na Sulatin


Ang Teknikal at Bokasyonal na sulatin ay madalas ginagamitan ng mga ulat pang-laboratoryo
(laboratory report), mga proyekto, mga panuto, at dayagram.

Uri ng Pagsulat ng Anyo ng Teknikal Bokasyunal na Sulatin


 Menu  Liham  Deskripsyon ng
 Dokumentasyon sa Pangnegosyo Produkto
Paggawa ng  Anunsyo  Feasibility Study
Produkto  Manwal  Leaflets
 Babala  Naratibong Ulat  Flyers
 Paunawa

Manwal - naglalaman ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran sa isang
organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura,at iba pang
mga detalyeng nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito.
Liham Pangnegosyo - karaniwang ito ay liham mula sa isang kompanya para sa isa pang
kompanya, o sa pagitan ng mga organisasyon at kanilang kostumer, kliyente at iba pang
panlabas na partido
Deskripsyon ng Produkto – pagpapakilala at pagbibigay katangian sa isang produkto o
serbisyo bago ito tangkilin ng isang mamimili.
Feasibility Study - pag-aaral na isinasagawa bago lumikha ng isang negosyo o proyekyo.
Naratibong Ulat - ito ay isang ulat sa parang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang
narrative report mula sa ibat-ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa
gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon.
Paunawa/Babala at Anunsyo - nagbibigay impormasyon sa mga nakakabasa nito. Nakatutlong ang mga
babala upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente o iba pang hindi kanaisnis na pangyayari para
sa isang indibidwal.
Menu - talaan ng mga pagkain mabibili sa isang karinderya, fast food o restaurant.Nakalagay din sa
menu ang halaga ng bawat pagkain upang makapili ang mga mamimili ng kanilang gusto o
kaya’y abot kaya para sa kanila.
Flyers/Leaflets - ay uri ng nakasulat na adbertismo o patalastas na ang layuning ay para sa malawak na
distribyusyon at karaniwan ibinabahagi sa pampublikong lugar sa mga indibidwal o sa
pamamagitan ng selyo.
Naratibong ulat - ito ay isang ulat sa parang naratibo o pasalaysay. Karaniwang nakikita ang
narrative report mula sa ibat-ibang ahensya o kompanya na nagbubuo ng mga ulat hinggil sa
gawain o kaya’y mahalagang pangyayari sa isang organisayon o institusyon.
3 Uri ng Tech-voc na Sulatin

1. Ebidensya
2. Balanse
3. Katotohanan

3 Layunin ng Pagsulat sa Tech-voc


1. Mapanghikayat
2. Mapanuring Layunin
3. Impormatibo

Katangian

Kompleks

Ang pasulat na wika ay mas kompleks kaysa pasalitang wiks. Ang pasulat na wika ay mas higit na mahahabang
salita, nas mayanan sa leksyon at bokabularyo. Masdaragdag pa rito ang kompleksidad ng granatika na higit na
kapansin pansin sa anomang pagsulat ng Gawain.

Tumpak

Sa akademikong pagsulat. Ang nga datos tulad ng fects and figures ay inilalahad ang tumpak o walang labis at
walang kulang.

Pormal

Higit na pormal ang akademikong pagsulat keysa iba pang sangay ng pagsulat. Hindi angkop dito ang mga kolokyal
at baibal na salita at ekspresyon.

Obhetibo

Ang akademikong pagsulat sa pangkalahatan ay obhetibo, sa halip na personal. Ang pokus kasi nito kadalasan ay
ang impormasyong nais ibigay at ang nga argumentong nais gawin, sa halip na ang manunulat mismo o ang
kaniyang mambabasa.

Eksplisit

Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba’t ibang hahagi ng teksto ny
nauugnay sa isa’t isa. Ang ugnayang ito ay nagagawang eksplisit sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang
signaling words sa teksto.

Wasto

Ang akademikong pagsulat ay gumagamit ng mga wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang
manunulat nito sa paggamit ng mga salitang madalas katisuran of pagkamalian ng mga karaniwang manunulat.

Responsible

Ang manunulat ay kailangang maging Responsible lalong-lalo na sa paglalahad ng mga Ebidensya, patunay, o
Anomang nagpapatibay sa Kaniyang argumento: Kailangan din niyang Maging responsables pagkilala sa anomang
Pinagkuman ng impormasyong kaniyang ginamit.
Malinaw na Layunin

Ang layunin ng akademikong pagsulat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng isang paksa. Ang mga tanong na
ito ang nagbibigay ng layunin.

Malinaw na Pananaw

Hindi lamang listahan ng nga katotohanan o facts at paglalago ng mga hanguan sources ang akademikong
pagsusulat. Samantalang ang manunulat ay naglalahad ng ngs ideya at saliksik ng iba, ang layunin nito ay maipakita
ang kaniyang sariling pag-isip hinggil sa pakas ng kanyang papel Ito ang tinatawag na sariling punta de bista ng
manunulat.

May Pokus

Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangang iwasan ang mga
hindi kinakailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon.

Lohikal na Organisasyon

May sinusunod na Letandard na organisasyon na halwaran ang akademikong pagsulat. Ang karamihan ng
akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. But talata ey lohikal na nauugnay sa kasunod
na talata.

Matibay na Suporta

Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa penaksang pangungusap at tesis
na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts, figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan,
opinion ng mga eksperto, atbp.

Malinaw at Kumpletong Eksplanasyon

Kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng papel at magiging possible
Imang ito kung nagiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat punto ng manunulat.

 Sanggunian
 Ang sanggunian ay isang ugnayan sa pagitan ng mga bagay kung saan ang isang bagay ay nagtatakda,
o gumaganap bilang isang paraan upang umugnay o kumawing sa isa pang bagay. Ang unang bagay sa
ugnayang ito ay sinasabing tumutukoy sa pangalawang bagay. Ang ikalawang bagay na ito – ang bagay
na tinutukoy ng unang bagay.
 Ang isang talaan ng mga sanggunian ay tinatawag na talasanggunian.

You might also like