You are on page 1of 2

AKADEMIKONG PAGSULAT

Ang akademikong sulatin ay uri ng pagsulat ng mga akademikong papel at isang intelektwal na
pagsulat dahil ang mga produkto nito ay mga teknikal na pagsulat. Ang akademikong pagsulat ay
may mga anyo kagaya ng:

talumpati pictorial essay agenda


replektibong sanaysay abstrak memorandum
posisyong papel synthesis bionote
lakbay sanaysay panukalang proyekto katitikan ng pulong

Makatutulong ang Akademikong Pagsulat sa:


pagpapataas ng kaalaman at pagpapalawak ng kaisipan sa iba’t ibang larangan.
Ito ay para rin magkaroon ng makabuluhang pagsasalaysay habang ang repleksyon nito ay
nagpapakita ng mga kultura, karanasan, reaksyon, at kahit pa opinyon base sa manunulat.
Ginagamit din ang mga akademikong sulatin para makapagpahayag ng mga impormasyon at
saloobin.
Sa akademya, dapat na katiwa-tiwalang kunan ng aral at sanggunianan ang mga akademikong
materyal lalo at kung ito ay pinagtitibay ng mga luma at bagong pananaliksik.

Anyo ng Akademikong Pagsulat


Narito ang mga anyo ng akademikong pagsulat, ang kalikasan ng akademikong pagsulat, at ang
mga katangian ng akademikong pagsulat:

Talumpati
Akademikong sulating na nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat,
tumugod, mangatwiran at / o magbigay ng mga kabatiran o kaalaman. Maaaring pormal at
nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may malinaw ang ayos ng ideya.

Posisyong Papel
Naglalayong maipaglaban kung ano ang alam na katotohanan.Dapat ay nagtatakwil ng kamalian
o mga kasinungalingang impormasyon. Ito ay nararapat lamang na isulat sa pormal at
organisadong pagkakasunod-sunod ng mga ideya.

Replektibong Sanaysay
Isang uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw ang akda at siya ay nagninilay.
Nangangailangan ito ng reaksyon at ng mga opinyon.

Lakbay Sanaysay
Isang uri ng sanaysay na makakapagbalik-tanaw sa paglalakbay na ginawa ng may akda. Mas
marami syempre ang mga tekstong diskriptiv kaysa sa mga larawan.

Pictorial Essay o Sanaysay na Piktoryal


Mas maraming litrato ang laman ng sanaysay kaysa sa mga salita. Pero dapat organisado at may
makabuluhang pagpapahayag sa mga litrato. Maaring may 3-5 na pangungusap ang paliwanag sa
bawat larawan.
Abstrak
Karaniwang gamit sa pagsulat ng akademikong papel na kalimitan ding inilalagay sa mga tesis,
pananaliksik, mga pormal na papel siyentipiko, at mga teknikal na papel, mga lektyur, at pati sa
mga report. Layunin nitong mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.

Sintesis
Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ng buod an mga maiklling
kwento o kaya naman iba pang tuluyan o prosa.

Bionote
Ginagamit naman ito para sa personal na profile ng isang tao. Maaaring nakalagay rito ang mga
academic career ng isang tao o kaya naman iba pang impormasyon ukol sa kanya. Dapat ay hindi
katha at may makatotohanang paglalahad sa isang tao.

Memorandum
Ito naman ay para maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o
pagtitipon.

Agenda
Ang layunin naman nito ay ang ipabatid ang paksa na tatalakayin sa pagpupulong at para na rin
sa kaayusan at organisadong pagpupulong.

Panukalang Proyekto
Proposal sa proyektong nais ipatupad na naglalayong mabigyan ng resolba ang mga suliranin.

Katitikan ng Pulong
Tala o rekord na siyang pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa isang
pagpupulong.

Christopher mahilum  

Gas 12 -1

You might also like