You are on page 1of 4

PROSESO NG PAGSULAT

Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakapokus sa akto ng pagsulat. Kasangkot dito ang mga
manunulat sa pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-eedit at pagsulat muli ng
nabuong sulatin. Ang pagsulat ay isang prosesong paulit-ulit na pagsulat at pagkatapos ay pagsulat muli
hanggang sa mabuo ang sulatin

A. Bago Sumulat (Prewriting)


-Ito’y isang estratehiya tungo sa pormal na pagsulat. Ito ang unang hakbang na isasagawa sa
pagpapaunlad ng paksang isusulat. Ang gawaing ito ay maaaring ginagawa nang isahan o nang
pangkatan.

B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)


-Ito’y aktuwal na pagsulat nang tuloy-tuloy na hindi isinasaalang-alang ang maaaring
pagkakamali.

-Ang mga kaisipan at saloobin tungkol sa paksang sinusulat ay malayang ipinahahayag ng


estudyante.

-Ang guro ay nakaantabay sa maaaring maitulong o tanong na maaaring hingin ng mag-aaral


kung nasa klasrum ang gawain.

-Matapos maisagawa, maaaring balikan at suriin ng estudyante ang natapos na sulatin upang
maaayos at malinaw ang ginagawang paglalahad.

C. Pagrebisa

-Ito’y pagbabago at muling pagsulat bilang tugon sa sagot sa mga payo at pagwawasto mula sa
guro, kamag-aral, editor o mga nagsuri.

-Pangunahing konsern ng rebisyon ang pagpapalinaw sa mga ideya. Ginagawa ito upang suriin
ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling
maunawaan ng babasa.

-Sa bahaging ito, iniwawasto ang mga inaakalang kamalian, binabago ang dapat baguhin at
pinapalitan ang dapat palitan.

D. Pag-eedit

-Ang bahaging ito ay pagwawasto sa gramatika, ispeling, estruktura ng pangungusap, wastong


gamit ng salita at mga mekaniks sa pagsulat.

-Sa bahaging ito pinapakinis ang papel upang matiyak na ang bawat salita at pangungusap ay
naghahatid ng tamang kahulugan. Sa pag-eedit, ang mga di-magkaugnay na pangungusap ay muling
isinusulat upang higit na maipakita ang kaugnay na mga ideya.

E. Paglalathala

-Ang paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa


gawaing ito ang mga sumusunod:

1.Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus

2.Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba

3.Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat

4. Eksibit o pagdidispley sa buletin bord ng mga naisulat


Akademikong Sulatin Layunin at Gamit Katangian
Ito ay ginagamit sa pagbubuod Ito ay kailangang makatotohanan at

Abstrak ng mga akademikong papel


tulad ng tesis,papel siyentiko at
teknikal, lektyur at report.
organisado ayon sa pagkakasunod-
sunod

Ito ay ginagamit sa pagbubuod Ito ay nararapat na maliwanag at

Sintesis ng tekstong naratibo tulad ng


maikling kwento.
organisado ayon sa pagkakasunud-
sunod ng pangyayari sa kwento.

Ito ay ginagamit sa pagbubuod Makatotohanan and impormasyon.

Bionote ng personal profile partikular na


ang academic career.
Ito ay ginagamit upang Ito ay dapat na organisado at
Memorandum maghatid ng mensahe o makatotohanan.
impormasyon ukol sa
gaganaping pulong o
pangyayari.
Ito ay listahan ng mga magiging Ito ay nararapat na organisado para

Agenda paksa sa isang pagpupulong. sa maayos na daloy ng pagpupulong.

Ito ay proposal na naglalayong Ito ay dapat na simple klaro ang datos


Panukalang makapagmungkahi ng
proyektong maaaring
at nakakapanghikayat.

Proyekto makaresolba ng suliranin o


problema.
Ito ay isang sulating Ito ay obhetibo at maayos ang daloy

Talumpati nagpapaliwanag ng isang


paksang naglalayong
manghikayat, tumugod,
ng ideya.

mangatwiran at magbigay ng
kabatiran o kaalaman.
Ito ay ang tala o rekord o Ito ay dapat na organisado ayon sa
Katitikan pagdodokumento ng mga pagkakasunud-sunod ng mga puntong
mahahalagang puntong nailahad napag-usapan at makatotohanan.
ng Pulong sa isang pagpupulong.
Ito ay naglalayong maipaglaban Ito ay nararapat na maging pormal at
Posisyong kung ano ang alam mong tama. organisado ang pagkakasunod-sunod
Ito ay nagtatakwil ng kamalian ng ideya.
Papel na hindi tanggap ng karamihan.
Ito ay uri ng sanaysay kung saan Ito ay kalimitang personal at nasa
Replektibong nagbabalik tanaw ang anyong tuluyan.
manunulat at nagrereplek.
Sanaysay Nangangailangan ito ng reksyon
at opinyon ng manunulat.
Ito ay isang sulatin na nakatutok Ito ay kadalasang personal, simple at
Pictorial sa isang tema kung saan mas
maraming larawan kaysa sa
epeketibo.

Essay salita.

Ito ay isang sanysay na hindi Ito ay personal at kalimitang


Lakbay lamang tungkol sa paglalakbay nakakapang-akit ng mambabasa.
kundi ito ay maaari ring tungkol
Sanaysay sa natuklasan o nalaman ng
manunulat ukol sa lugar na
napuntahan.
URI NG PAGSULAT
Teknikal na pagsulat – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa
komersyal o teknikal na layunin. Limilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya. Isang
espesiyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga kognitibo at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mamasyong maari makatulong sa pagbibigay solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito
ang pagsulat ng FEASIBILITY STUDY at KOREPONDING PAMPANGANGALAKAL. Gumagamit ng mga
teknikal na terminolohiya sa idang partikular na paksa tulad ng science and technology. Nakatuon sa
isang tiyak na audience o pang kat ng mga mambabasa.

Referensiyal na pagsulat – isang uri ng pagsulat na nagpapapliwanang , nagbibigay impormasyon o


nagsusuri. Layunin nito na maiharap ang impormasyon batay sa katotohanan, naglalayong
magrekomenda ng iba pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa madalas, binubuod ng isang
manunulat ang ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan ng ibang manunulat at
tinutukoy ang pinaghanguan nitong maaring sa paraang pamaklong (parential) footnotes o endnotes.
Madalas itong makikita sa mga TEKSBUK, PAMANAHUNANG PAPEL, TESIS, O DISERTASYON.
Maihahanay din dito ang paggawa ng BIBLIOGRAPHY, INDEX at NOTE CARDS.

Jornalistik na pagsulat – isang uri ng pagsulat ng balita. Pampahayagan ang uring ito ng pagsulat na
kadalasang ginagawa ng mga mamahayag o jornalist. Saklaw nito ang pagsulat ng BALITA, EDITORYAL,
KOLUM, LATHALAIN at iba pang akdang mambabasa sa mga PAHAYAGAN at MAGAZINE.

Masining na pagsulat – masining na uri ng pasulat sa larangan panitikan o literatura, ang tuon ay ang
imahinasyo ng manunulat. Layunin nitong paganahin ang imahinasyon ng manunulat at pukawin ang
damdamin ng mga mambabasa. Maihahanay sa uring ito ang pagsulat ng TULA, NOBELA, MAIKLING
KUWENTO, DULA, at SANAYSAY.

Akademikong pagsulat – Ito ay may isinusulat na partikular na kumbensiyon. Ito’y may layuning
maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Ito ay maaring maging KRITIKAL NA
SANAYSAY, LEB REPORT, EKSPERIMENT, KONSEPTONG PAPEL, TERM PAPER o PAMANAHONG
PAPEL, TESIS o DISERTASYON. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil sa layunin nitong
pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Propesyonal na pagsulat- Uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusib sa isang tiyak na propesyon.


Police Report, Investigative Report, Medical Report

LAYUNIN NG PAGSULAT
1. PANSARILING PAHAYAG- Ito ay pagsulat ng mga bagay na narinig, nakita, o nabasa.

2. PAGBIBIGAY IMPORMASYON- Isinasagawa kung nais magpaabot ng mensahe,


balita,magpaliwanag, magpayo, mangatwiran, makiusap.

3. MALIKHAING PAGSULAT- Sa tulong ng imahinasyon ng manunulat at register ng


wika,nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang ginagalawan, at ang
mga damdaming nananaig.

4.AUDIENCE- Dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa pagsulat.


Kung minsan ang manunulat ay may interaksyon sa kanyang sarili. Kailangang linangin din
ngisang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin niya kung sino ang
susulatan, ano ang gusto niyang isulat, ano ang lawak ng kanyang pag-unawa, at iba pa.

5.WIKA- Ang kakayahan sa paggamit ng wika ay mahalaga sa pagsusulat. Ang mga binuong
pangungusap ay kailangang may kabuluhan. Ang mga tuntuning pambalarila, palabaybayan, at
pagbabantas ay kailangan tumugon sa mga alintuntunin at kumbensyon.
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Kompleks Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon at bokabularyo.
Kompleksidad ng gramatika.
Pormal Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita
Tumpak Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang labis o kulang
Obhetibo Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at ang mga
argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.
Eksplisit Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano ang iba't ibang
bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words"
Wasto Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat nito sa pag
gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang manunulat
Responsible Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lao na sa paglalahad ng mga
ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable sa hanguan ng
impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang playgyarista
Malinaw na layunin Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanong kaugnay ng
isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin.
Malinaw na pananaw Akademikong pag sulat ay di lamang listahan ng mga katotohanan o facts at pag
lalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay nag lalahad ng ideya at saliksik ng iba, layunin ng
kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag iisip, "punto de bista" ng manunulat
May pokus Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na pahayag. Kailangan
iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at taliwas na impormasyon
Lohikal na organisasyon Akademikong pagsulat ay may sinusunod na istandard na organisasyonal na
hulwaran. Ang karamihang akademikong papel ay may introduksyon, katawan at kongklusyon. Bawat
talata ay lohikal na nauugnay sa kasunod na talata
Matibay na suporta Ang katawan ng talataan ay kailangang may sapat at kaugnay na suporta para sa
pamaksang pangungusap at tesis na pahayag. Ang suportang ito ay maaaring kapalooban ng facts,
figures, halimbawa, deskripsyon, karanasan, opinyon, ng mga eksperto at siniping pahayag o quotations.
Malinaw at kumpletong eksplanasyon
Bilang manunulat, kailangang matulungan ang mambabasa tungo sa ganap na pag-unawa ng paksa ng
papel at magiging posible lamang ito kung magiging malinaw at kumpleto ang pagpapaliwanag sa bawat
punto ng manunulat
Epektibong pananaliksik
Kailangan gumamit ng napapanahon, propesyonal, at akademikong hanguan ng mga impormasyon.
Napakahalaga ng pananaliksik sa akademikong pag sulat. Mahalangang maipamalas ang intelektwal na
katapatan sa pamamagitqn ngbdokumentasyon ng datos. Ang dokumentasyon ay iminumungkahe gamit
ang estilo A.P.A
Iskolarling estilo sa pag sulat
Sinisikap dito ang kalinawan at kaiiklian. Kailangan ding maging madaling basahin ang akademikong
papel, kung kaya't napakahalaaq na maiwasan ang mga pagkakamali sa gramar, ispeling, pagbabantas, at
bukabolaryo. Pag nag kamali ay nag papahiwatig ng kawalan ng pag iingat o kakulangan sa kaalaman ng
wika

You might also like