Professional Documents
Culture Documents
•Isinasagawa sa isang
akademikong institusyon kung
saan kinakailangan ang mataas na
antas ng kasanayan sa pagsulat.
Akademikong Pagsulat
•Ang pagbuo ng akademikong
pagsulat ay nakadepende sa
kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal.
(Arrogante et al.2007)
Katangian ng
Akademikong
Pagsulat
1. PORMAL
-mataas ang antas ng wika na
ginagamit.
-hindi ginagamitan ng mga
impormal, balbal o kolokyal na
pananalita.
2. OBHETIBO
-binibigyang-diin ang
impormasyong gustong ibigay at
ang argumento sa mga ideya na
sumusuporta sa paksa (Alejo et al
2005).
3. MAY PANININDIGAN
-may sariling pagpapasya.
-ipinapaliwanag at binibigyang-
katwiran ang mahahalagang
layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral.
4. MAY PANANAGUTAN
-ilatag at ihayag ang mga
katibayan at pangatwiranan ang
bunga ng pananaliksik at pag-
aaral.
5. MAY KALINAWAN
-maliwanag, sunod-sunod
at magkakaugnay ang mga
ideya.
Layunin ng
Akademikong
Pagsulat
1. Makapagsagawa ng
wastong pangangalap ng
mga impormasyon at
malikhaing pagsasagawa
ng ulat.
2. Nagagamit ang mga
kasanayan sa pagbasa sa
pagsusuri ng iba’t ibang uri
ng teksto na magagamit sa
mga gawain ng
akademikong pagsulat.
Tatlong antas ng pag-unawa sa
pagbasa.
Una, ay ang literal na
pagpapakahulugan.
Pangalawa, pagbasa nang may pang-
unawa.
Pangatlo, pagbasa nang may
aplikasyon.
3. Natatalakay ang paksa ng
mga naisagawang pag-aaral
ayon sa pananaw ng may-akda
kasabay rin ang pag-unawa ng
mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at
nakabubuo ng wastong
konsepto mula sa
tinatalakay na paksa ng mga
naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang
kasanayan ng mga mag-
aaral para makasulat ng
iba’t ibang anyo ng
akademikong sulatin
6. Matukoy na ang Akademikong
Pagsulat ay isang kurso na
lumilinang sa pagiging inobatibo
ng mag-aaral sa pagkakaroon ng
mataas na pagkilala sa
edukasyon.
7. Napahahalagahan at
naiingatan ang mga
nagawang sulatin sa
pamamagitan ng paggawa
ng portfolio.
Anyo ng
Akademikong
Pagsulat
1. PAGLALAHAD (ekspositori)
-kung ang teksto ay
nagbibigay-linaw o
nagpapaliwanag hinggil sa
proseso
2. PAGLALARAWAN (deskriptiv)
- kung ang teksto ay bumubuo
ng isang imahe sa pamamagitan
ng paglalantad ng mga
katangian nito.
3. PAGSASALAYSAY (narativ)
- kung ang teksto ay
nagkukwento ng mga
magkakaugnay na pangyayari.
4. PANGANGATWIRAN
(argumentative)
- kung ang teksto ay may
layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan
ng pagbibigay ng mga rason at
ebidensya.
Akademikong
SULATIN
AKADEMIKONG LAYUNIN/GAMIT KATANGIAN
SULATIN
ABSTRAK Ito ay ginagamit sa Ito ay kailngang
pagbubuod ng mga makatotohanan at
akademikong papel tulad organisado ayon sa
ng tesis, papel pagkakasunod-sunod.
siyentipiko at teknikal,
lektyur at report.
DAMDAMIN
• ideya • nararamdaman • tugon
• konsepto • saloobin • aksiyon
ISIP KILOS
PAGSULAT
Pundasyon ang ISIP na magluluwal ng
mabungang impormasyon. Hindi maihihiwalay
sa isip ang DAMDAMIN o PUSO ng
akademikong sulatin. Bukod sa
nararamdamang saya, lungkot, galit, at iba
pang saloobin, litaw ang damdaming nais
maiparating ng akademikong sulatin na lalong
nagiging mabisa sa pamamagitan ng kaugnay
na tiyak na pagtugon o PAGKILOS batay sa
layunin ng akademikong sulatin
PAGNINILAY
Ano ang katangiang dapat
mong taglayin upang
magkaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat?
LIKHAIN MO NA
PAGSULAT!
Basahin ang ang talata pagkatapos
tukuyin kung kanino nauukol ang sulatin
at kung anu-ano ang katangian ng teksto
na nagsasabing para nga ang teksto sa
kinauukulan nito.
Ang Pilipinas ay isang agricultural na bansa.
Itinuturing ang bigas na isa sa mga nangungunang
produkto nito. Subalit dahil sa globalisasyon, nag-
iimport na tayo ng bigas. Noong 2008, Pilipinas ang
nangunguna sa buong mundo sa listahan ng mga
bansang nag-iimport ng bigas.
Bukod sa bigas, marami pang produkto ang inaangkat
tulad ng bawang, prutas, at karne. Maraming
Pilipinong magsasaka at maliliit na negosyante ang
nalulugi dahil sa pagpasok ng mga imported na
produkto.
-mula sa SIBIKOMIKS Magasin, June-August 2014
1. Sino ang mambabasang pinag-uukulan
ng teksto?
2.Ano ang layunin ng tekstong binasa para
sa kinauukulan nito?
3.Ano ang mahalagang mensahe na nais
bigyang-halaga ng teksto para sa
mambabasa?