You are on page 1of 16

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA
CITY OF SAN FERNANDO

MODIFIED STRATEGIC INTERVENTION


MATERIAL IN FILIPINO
Filipino sa Piling Larang: AKADEMIK
Quarter 1-Lesson 1

GRADE 12
TITLE CARD

GUIDE CARD

Alamin

Sa panahon ng pandemya ang akap o pagyakap sa mga taong mahalaga sa atin ay isang pagbating
Pilipino na kinailangan nating isantabi sapagkat lahat ay nangangambang mahawa sa kalabang hindi natin
nakikita. Ipinagbabawal ang pagiging malapit sa isat-isa sa literal na sabi ngunit sa ating aralin sinasabi ko sa
iyo na ang AkaP o Akademikong Pagsulat ay talagang para sa iyo.
Isang mabiyayang araw ang aking pagbati sa iyo!
Ngayon ay nakarating ka na sa yugto kung saan lalo mo pang mapalalawak ang inyong kaalaman sa
Filipino sa pamamagitan ng asignaturang ito – ang Filipino sa Piling Larang- Akademik. Pihadong ang mga
gawain na inilatag ko sa bawat bahagi nito ay susubok sa katalasan ng inyong pag-iisip, kalaliman ng inyong
pang-unawa, at magtuturo rin sa inyo na maging maalam sa buhay sapagkat ang pahapyaw na gawain sa
pananaliksik ay iyong isasagawa.
Pahapyaw lamang ito sa maraming kaisipan na nais ikintal ng araling ito kaya handa ka na sa Aka.P
na ito? Natitiyak kong kapag inAkaP mo ito ay hindi ka naman mapapahamak sa halip mabubusog pa ang
iyong kaisipan ng kaalamang magagamit mo sa hinaharap.

LEARNING LEARNING OBJECTIVES


COMPETENCY
A. Natutukoy ang kahulugan at katangian ng akademikong
Nabibigyang-kahulugan pagsulat.
ang akademikong B. Napapahalagahan ang panuntunan sa panghihiram ng
pagsulat. salita at ang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa
(CS_FA11/12PB–0a–c- akademikong pagsulat.
101) C. Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng ibat-
ibang anyo ng akademikong sulatin sa pamamagitan ng
panimulang pananaliksik.

Subukin

Ang paksa ay nagmula sa dalawang salita-ang akademiko at pagsulat. Ang bawat salitang ito ay may
kanya-kanyang kahulugan. Samantala, sa AkaP o akademikong pagsulat ay may pagkakataon na gagamit tayo
ng mga salitang teknikal o kaya ay hihiram tayo sa wikang banyaga upang maging malinaw ang ibig nating
iparating sa ating mambabasa lalo na kung ukol sa pananaliksik ang ating isinusulat.

2
Bilang panimula, hayaan mong alamin natin ang iyong kahandaan sa araling ito. Matapat mong sagutin
ang mga gawain sa ibaba.

A. Basahin at unawain mong mabuti ang mga pahiwatig upang maibigay mo ang angkop na titik sa
salitang tinutukoy sa mga pahiwatig.

o e t b o 1. Ito ay ang paglalarawan o pagpapahayag ukol sa isyu o


paksa na may pinagbatayang katotohanan.
k i t k 2. Ito ay may malinaw at makatuwirang pag-iisip na
kinakasangkutan ng pagpuna.
t i a 3. Ito ay nagsasaad na ang bawat disiplina ay kailangan sa
pagsasagawa nang maayos na proyekto o pagsulat.

p g u l 4. Ito gawaing matrabaho at mahaba ang proseso para


maisagawa ito.
u h i b 5. Ito ay ang paglalarawan o pagpapahayag ukol sa isyu o
paksa na batay sa sariling opinyon lamang.

B. Kahunan mo ang kasingkahulugan ng salitang nakasulat nang pahilis sa bawat pangungusap.


6. Napakahalagang kasangkapan ang pagsusulat sa pagpapaabot ng pansin sa isang tao na ito ang
ginagamit na instrumento kung hindi masabi nang harapan ang gusto niyang iparating.
7. Ang mayamang bunga ng isipan ng mga dakilang henyo ay nakararating sa taong bihasa sa pamamagitan
nang wasto at masining na pagsulat.
8. Hindi matagumpay ang pag-aaral ng pagsulat kung hindi marunong makinig at hindi maalam magbasa
ang isang nag-aaral.
9. Ang manunulat ay kailangan na may kaalaman ukol sa alpabetong Filipino, ang kombinasyon ng mga titik
sa pagbuo ng mga pantig, ang pagbuo ng mga salitang ngalan ng bagay-bagay sa kaligiran, tawag sa
ibat-ibang ideya.
10. Walang masama sa panghihiram ng salita at hindi naman mali kung ginamit nang walang pahintulot sa
bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagkatapos na hiramin at hindi
rin ito nakakahiya.

C. Piliin ang titik ng wastong sagot sa mga pagpipilian sa ibaba. Isulat ito sa nakalaang patlang.
___ 11. Ito ay isang mental na aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan ng isang tao na
mailabas ang kanyang mga ediya sa pamamagitan ng pagsasatitik sa mga ito. A. Pagsulat
___ 12. Ang manunulat na nagsabi na ang pagsusulat ay maaring ito ay maukit o masulat sa makinis
na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato. C.Badayos
___ 13. Ayon sa kanya ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain at nag-uumpisa sa sa
pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit. D.
Rivers
___ 14. Ayon sa kanya may apat na ang pagsulat ito ay ang panterapyutika, pansosyal, pang-
ekonomiya at pangkasaysayan. B. Arogante
___ 15. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang
maayos na pagkakahanay. C. pagsasalaysay

11 12 13 14 15
A. pagsulat A. Rivers A. Arogante A. Kellogg A. Paglalahad
B. pagbasa B. Kellogg B. Badayos B. Arogante B. paglalarawan
C. panonood C. Badayos C. Kellogg C. Rivers C. Pagsasalaysay
D. pakikinig D. Arogante D. Rivers D. Badayos D. Pangangatwiran

Mahusay ka lalo pa kung tama ang lahat ng iyong sagot. Tiyak na madali na lamang para sa iyo ang mga
kasunod na gawain.

3
Balikan

Alam mo ba na ang bawat mag-aaral sa mataas na antas ay inaasahang matututunan ang


pagsulat na ginamitan ng pananaliksik at matalinong konsepto na nagmula sa mga
mapagkakatiwalaang sanggunian. Ito ay maaaring mula sa nabasa mula sa mga aklat, internet at
maging sa iba pang sulatin.
Bilang mag-aaral sa Senior High School, nararapat na ikaw ay maging handa sa gawaing
ito. Nararapat na magkaroon ka ng mahabang pasensya sa pagkuha ng mga impormasyon bago
mo ito gamitin at ipasok sa iyong isusulat.
Kung paano makapagsulat ng abstrak, bionote, panukalang proyekto atbp. ay
matututunan mo sa larang na ito. Maging ang pagiging sistematiko at mapanuri ay gagawin mo
upang magawa mo ang iyong sariling sulating akademik.

ACTIVITY CARD
Tuklasin

Lapis o ballpen at papel madalas na laman ang ating bag lalo na kung papasok sa paaralan. Ngunit minsan
ba ikaw ay napaisip na bakit kailangan pa natin ang mga ito? O kaya ay napagbulay-bulay mo na ba kung bakit si
Dr. Rizal na sa murang edad ay nakapagsusulat na ng kanyang tula. Sa araw-araw na lang, lahat ng nababasa mo
sa facebook o wattpad ay text na maaaring simpleng pahayag o kaya ay ‘nobela’ na ang tawag mo kapag lumampas
na sa 5 pangungusap ang nakasulat.
Ngayon, upang magkaroon ng sagot ang mga ito ay bumuo ka ng isang talata mula sa iyong sariling
damdamin. Buuin mo ang iyong talata sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong na Bakit ako nagsusulat?

Bakit ako nagsusulat?

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_______________________________________
_____________________________________________
https://www.dreamstime.com/stock_image90825599
_______________________________________
Basahin mo ang iyong talata at pagnilay-nilayan ang iyong sinulat. Pagkatapos ay sabay nating alamin
__________________________________________
kung ang mga dahilan ba na iyong sinulat at may kaugnay sa kabuuang konsepto ng ating aaralin sa modyul na
ito. Halika, gagabayan kita!
4
Suriin

Kumusta? Handa ka na bang alamin kung ano ang akademiko? ang pagsulat?
at ang akademikong pagsulat? Basahin natin ang kasunod na teksto upang malaman
ito.

Akademiko
Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang Pranses na academie, sa Latin na academia, at
Griyego na academia. Ang huli ay mula sa Academos, ang bayaning Griyego, kung saan ipinangalan ni
Plato ang hardin.
Sa mga mag-aaral na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at kasanayan
sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ng tagumpay sa buhay akademiya.
Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman, kakayahan, pagpapahalaga, at talino
upang epektibong harapin ang mga sitwasyon at hamon sa buhay akademiko, at maging sa mga gawaing
di-akademiko.
Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao. Nagtutulungan pa nga at
nagtatalaban ang dalawang kakayahang ito upang makabuo ng mga paniniwala sa buhay at pagdedesisyon
tulad ng pagpili ng kurso, karera, o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain, pakikipag-ugnayan sa kapuwa,
at pagkakaroon ng makabuluhan at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating
ginagalawan.
Sa akademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang
maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga hamon sa kolehiyo, trabaho, araw-araw na
pamumuhay.
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo (Pranses: academique;
Medieval Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa
edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag-aaral na nagbibigay tuon sa pagbasa, pagsulat at
pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.

Nalilinang ang mga kasanayan at natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadalubhasaan. Kasanayan sa pagbasa, pagsasalita, panonood at pagsusulat ang napapaunlad. Sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at eskperimentasyon
ang mga isinasagawa rito. Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan, ebidensiya, at balanseng
pagsusuri. Ginagabayan din ito ng karanasan, kasanayan at common sense.

Ilan sa mga uri ng sulating Akademik


1.Abstrak – Isang maikling buod ng artikulo, ulat at pag aaral na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito ang
siksik na bersiyon ng mismong papel.
2.Sintesis – Pagsasama-sama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akda nakapag-ugnay.
Talumpati - isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.
3.Panukalang Proyekto – isang detalyadong deskripsyon ng isa basahin ng serye ng mga aktibidad na
naglalayong malunasan ang isang suliranin.
4.Bionote –isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol sa isang magtatanghal o sinumang
magiging panauhin sa isang kaganapan (event, seminar, symposium, mga patimpalak at / o sa gig).
5. Agenda at Katitikan ng Pulong - ang agenda ay layunin o gabay ng isang pagpaplano na dapat ay matupad
ngunit ang planong ito ay pinananatiling sikreto. Samantala ang katitikan ng pulong ay isang akademikong
sulatin na naglalaman ng mga tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa
isang pagpupulong.
Sinipi mula sa aklat na Filipino sa Piling Larang (Akademik) p.3-9

5
Pagsulat
Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing gawain ng mga estudyante. Dito naipapahayag ng mga
mag-aaral ang kanilang mga naiisip. Sa tekstong ito, ating bibigyan ng kahulugan ang pagsulat at ating
aalamin kung bakit ito mahalaga at talagang para sa iyo.
Ito ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang kaalaman o mga ediya ng tao ay isinasalin sa
pamamagitan ng mga titik at simbolo. Ito ay nagbibigay-daan para maihayag ng mga tao ang kanilang mga
saloobin sa pamamagitan ng tekstuwal na pamamaraan.
Ito ay mental at pisikal na aktibidad na isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin sapagkat
pinapairal dito ang kakayahan na ng isang tao na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng
pagsasatitik sa mga ito. Ito din naman ay matuturing na pisikal na aktibidad sapagkat ginagamitan ito ng
paggalaw ng kamay.
Iba pang kahulugan ng pagsulat ayon sa mga dalubhasa:
• Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga bagay o kasangkapan
tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng mga tao.
• Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal na komunikasyon
na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa makinis na bagay tulad ng papel,
tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng bato.
• Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain (complex). Ang prosesong
ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan, hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang
nagagamit.

Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalagang mapag-aralan ang pagsulat. Ang kasanayan na ito ay makakatulong sa pang-araw-
araw na buhay lalo na sa pakikipagkomunikasyon. Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na
kahalagahan ng pagsulat. Ito ay ang kahalagahang panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at
pangkasaysayan.
1. Kahalagahang Panterapyutika
Mahalaga ang pagsulat sapagkat nagiging daan ito upang maihayag ng indibidwal ang kanyang
mga saloobin. Sa pamamagitan ng pagsulat, ang hindi natin masabi sa bibig ay naibabahagi natin ng
maayos sa iba. Nakakatulong ito sa ibang tao sapagkat ito ang kanilang ginagawang paraan upang
naiibsan at mailabas ang mabigat nilang nararamdaman.
2. Kahalagahang pansosyal
Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng impormasyon sa ating kapwa.
Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin sa ating lipunan. Nakakatulong ito upang magkaroon ng
interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga kausap. Sa modernong panahon, ang
pagsulat ay nahaluan na ng teknolohiya kung kaya’t mas napabilis at napadali pa ang ating
komunikasyon. Nakakatulong din ito upang makapagpalaganap ng impormasyon tungkol sa
nangyayari sa kapaligiran tulad ng pagbabalita gamit ang mga dyaryo at gamit ang social media.
3. Kahalagahang pang-ekonomiya
Alam mo ba na nakakatulong din ang pagsusulat sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa? Ang
pagsulat ay maari ding ituring bilang isang propesyonal na gawain. Sa pagkakaroon ng mataas na
kaalaman at kasanayan sa pagsulat, nagagamit ito ng isang indibidwal upang matanggap sa mga
trabaho tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa
na maaaring makatulong upang magkaroon ng kita.
4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Isa sa mga paraan upang mapangalagaan ang kasaysayan ay ang pagtatala at pagdodokumento
dito. Ang mga nailimbag na mga libro at mga naisulat na balita sa kasalukuyang panahon ay maaring
magamit na reperensiya sa hinaharap.
Paraan ng pagpapahayag sa pagsusulat
1. Paglalahad ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin nito ay magpaliwanag. Sinasagot ito ng
katanungang “bakit”. Sinasaklaw ng paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng sinusulat, binabasa, aklat,
diksyunaryo, manwal, aklat, dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntuning pangradyo.

6
2. Paglalarawan ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay maipamalas sa kausap o mambabasa
ang katangian, kulay, hugis, anyo at sukat ng isang bagay na nagsasaad ng kaibahan sa mga kauri nito. Ito
ay nagbibigay buhay at kulay sa isang salaysay.
3. Pagsasalaysay ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay mag-ulat ng mga pangyayari sa isang
maayos na pagkakahanay. Ito ay tinutugunan ang mga tanong na sino, saan, kailan, at ano.
4. Pangangatwiran ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang hangarin ay makaakit sa mga sarili opinyon o
dahilan ng mga bagay. Ito ay isang paraan ng pagdepensa sa sarili.
https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/

Sa kabuuan ang akademikong pagsulat ay isinusulat na may partikular na kumbensiyon. Ito’y may
layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa. Itinuturing din itong isang intelektwal
na pagsulat dahil sa layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.

Ngayon, basahin mo ang isang halimbawa ng akademikong sanaysay. Pansinin ang mga salitang
nakasulat nang pahilis.
Bakit ako nagsusulat?
Ni : Karenyu (04/24/2017)
(bahagi lamang ang kanyang akda)

Sulat. Bura. Sulat.


Bakit nga ba ako nagsusulat? Sa paghahanap ng kasagutan, muling naiguhit sa isipan ang una
kong karanasan.
“Room 8. Sports writing- Filipino, Elementary” Kinakabahan, subalit patuloy akong humakbang.
Natapos ang araw na yun ng masaya, bilang isang bata, sa katunayan ay nasa ikatlong-baitang pa lang,
isang laro lamang ang pagsabak sa kompetisyon, kung kaya’t hindi alintana ang pagkatalo.
Akala ko’y doon na magwawakas. Subalit hindi. Nasundan pa ng isang kompetisyon. Nung mga
pagkakataong iyon, dilat ako. Subalit hindi mulat. Ang alam ko lang, ako’y nagsusulat. Hanggang sa
nasundan pa ng isang kompetisyon. “Best Sports Writer” Hindi ko alam subalit may kung anong galak ang
aking naramdaman.
Bakit nga ba ako nagsusulat? Para pumukaw ng damdamin.
“Write to express, not to impress”. Ito ang mga salitang tumatak sa isip. Simula noo’y nagsulat
ako ng may puso. Waring marahang ilog na patuloy na umaagos. Ang mga salita’y kusang naisusulat sa
mga puting papel. Simula noo’y nakita ko ang tunay na kalagayan ng sambayanang Pilipino, ng kapwa ko.
Napakaraming tao ang walang tinig upang sabihin ang kanilang mga hinaing at kailangang magsilbing
tinig. Mga kwento ng karahasan, pang-aalipin, at inhustisya. Mga kwento ng maliliit na tao sa lipunan na
hindi nabibigyang pansin, kaya kailangang maging salamin upang sila’y makita. Napakaraming tao ang
hindi naabot, at kailangang magsilbing tulay. Noo’y alam ko na. Hanggang sa narating na nga ang
pinakamataas na kompetisyon sa larangan ng pagsusulat kung maituturing- National Schools Press
Conference. Subalit hindi dun matatapos ang aking pagsusulat.
Maraming tinta pa ang magagamit. Maraming papel ang masasayang. Upang bawat kwento’y
marinig. Nang sa ganon, bawat tao, mabigyang pansin.
Bakit nga ba ako nagsusulat? Ngayon alam ko na. Alam ko na.
Sulat. Bura. Sulat.

Makikita na ang mga ito ay hiram na salita. Ngunit ano ba ang dapat tandaan sa panghihiram ng
salita? Bakit kailangan na manghiram ng wika o salita? Narito ang mga sagot sa tanong na ito.
Ayon sa pag-aaral:
• Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.
• Tatlong libong salitang malay.
• Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin,
Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
• Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.

7
Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang mga salitang ito. Bukod sa
katotohanang ang wika ay nakasandig sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan ng kilalang tao
tulad ng voltage, watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay maaaring bigyan
ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalo ang mga salitang agham at teknikal.
Kung susuriin natin, may dalawang paraan ng panghihiram ng salita ang umiiral.

1. Tuwirang Hiram - hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa
ortograpiyang Filipino. Halimbawa: Barco - Barko
2. Ganap na hiram - dahil sa praktikalidad hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang pagbabago sa
anyo. Halimbawa ang mga salitang cake, ice cream, computer, door bell, humburger, physics, laser, atbp.
Noong mga nakakaraang panahon kapag nanghihiram ng salita, ang unang preperens ay Kastila
sapagkat konsistent ang ispeling nito (Kastila) tulad ng Filipino. Ngunit ngayon, higit na pinipili ang Ingles.
Noon - Ngayon
Sorbetes - Ice cream
Klinika - Clinic

Halimbawa ng maugnayang Pilipino


Daktinig (mikropono)
Si Dr. Alfonso Santiago ay nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang
“Sining ng Pananaliksik”. Narito ang mga mungkahi niyang paraan.

Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kastila ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay dito ayon sa
palabaybayang Filipino.
Halimbawa: Liquid=liquido=likido

Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at
baybayin sa palabaybayang Filipino. Halimbawa: Tricycle=trisikel

Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong
gawin sa pagbaybay. Halimbawa: Manila Zoo = Manila Zoo

Mga alituntunin hinggil sa mga bagong hiram na salita

1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong hiram na salita, maliban sa sumusunod
na kaso:
1.1.1 Pangngalang pantangi
1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita
1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura
1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag
binaybay sa Filipino
1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita

1.2. Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles, piliin ang
pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt (gate),
istandardiseysiyon (standardization), layt (light).
1.3. Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang baybay.
Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-oil, i-salvage,
mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na salita. Halimbawa,
dumelit, hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.

Ni: Arnel B. Mahilom (06/29/2012)


https://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html

8
ENRICHMENT CARD

Pagyamanin

Gawain 1

Mula sa binasang teksto, ibigay mo ang iyong pakahulugan sa mga salita sa ibaba.

1. Pagsulat
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
2. Akademiko
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

3. Akademikong Pagsulat
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Tayahin 1

Mula sa iyong natutunan sa binasang teksto, punan mo ng angkop na salita ang mga patlang
upang mabuo ang diwa nito.

1.Ang salitang akademiya ay mula sa mga salitang ____________________ na academie, sa Latin na


academia, at Griyego na academia.
2. Sa mga____________________ na magpapatuloy sa kolehiyo, malaki ang maitutulong ng kaalaman at
kasanayan sa malikhain at mapanuring pag-iisip upang masiguro ng tagumpay sa buhay akademiya.
3. Hindi ____________________ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain ng tao.
4. Nagtutulungan ang ____________________ at ang mapanuring pag-iisip nito upang makabuo ng mga
paniniwala sa buhay at makabuluhang pagdedesisyon sa komplikadong mundong ating ginagalawan.
5. Ang pagsusulat ay isa sa pangunahing ____________________ ng mga estudyante.

9
ENRICHMENT CARD
Gawain 2

Magaling ang iyong pinakitang kahusayan sa pagsagot sa mga naunang gawain.


Ngayon naman muli mong balikan ang seleksyon ni Karenyu ukol sa dahilan kung siya
nagsusulat. Ilahad mo ang iyong sagot sa mga tanong sa ibaba.

1. Kailan nagsimulang magsulat ang may-akda? Ilahad ito.


____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga dahilan ng may-akda sa pagpapatuloy niya sa pagsusulat?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang tatanungin, paano mo gagamitin ang iyong kasanayan sa pagsulat? Ipaliwanag
ang iyong sagot.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Tayahin 2

Suriin ang pangungusap sa bawat hanay. Isulat sa nakalaang patlang ang titik ng
salita/pariralang nagpamali dito. Kung walang maling salita/parirala ay isulat ang titik E.

__ 1. Maiiwasan/ ang panghihiram ng mga salita/ lalo /ang mga salitang agham at teknikal.
A B C D
__ 2. Ang pagsusulat/ ay may layuning mailahad /ang kaisipan ng mga tao /gamit ang diwa.
A B C D
__ 3. Hinihiram ng buo/ ang salitang banyaga/ at inaangkop ang bigkas/ at ispeling sa ortograpiyang
Filipino
A B C D
__ 4. Sa halip na/ lumikha tayo ng salita,/ hinihiram na lamang natin /ang mga salitang ito.
A B C D

__ 5. Ang pagsasalaysay /nagbibigay buhay/ at kulay/ sa isang salaysay.


A B C D

10
ENRICHMENT CARD

Malayang Gawain 1

A. Suriin ang mga salita sa ibaba. Isulat sa ikalawang hanay ang Oo kung ito ay hiram na salita at
H kung hindi, Gamitin mo rin ang mga salitang ito sa makabuluhang pangungusap.
Pangungusap mo para rito

1. COVID - 19 _____ ____________________________________________________


____________________________________________________
2. pinansyal _____ ____________________________________________________
____________________________________________________
3. tuntunin _____ ____________________________________________________
____________________________________________________
4. akademiya _____ ____________________________________________________
____________________________________________________
5. pag-aaral _____ ____________________________________________________
____________________________________________________

Malayang Gawain 2

B. Basahin ang pangkat ng mga salitang hiram na binaybay sa Filipino. Bilugan ang salitang
naiiba sa pangkat.

1) kemikal likido protina masustansya


2) saloobin tuntunin kakayahan intelektuwal
3) akademiya sekondarya kaisipan benepisyo
4) itayp i-delete i-relate mis-call
5) xerox pantablay taxi mall
6) kudeta radikal komerysal tahanan
7) feng shiu mardi grass geisha sodyum
8) alterneyt geyt drayb virus
9) computer tablet eroplano website
10) palabas kwetyuner interbyu sarbey

11
Malayang Gawain 3

Ibigay ang angkop na salitang hiram ang patlang upang mabuo ang diwa ng bawat pahayag sa ibaba.
Gawing gabay ang mga panuntunan na binasa sa itaas.

1. Nagpatupad ng (rules) ________ ang pamahalaan at ang DOH Dulot nang patuloy na
pagtaas ng bilang mga taong nahahawaan ng COVID 19.
2. Ugaliing mag-fact check sa mga balitang natatanggap gamit ang (legit)__________ na
sanggunian.
3. Ayon kay Pang. Duterte, ang (cellphone) ____________ ay maaaring gawing libangan ng
mga kabataan sa loob ng tahanan habang may Enhanced Community Quarantine.
4. Sa pagsasagawa ng (research) _____________ nararapat na ang isang tao ay matiyaga at
mapanuri sa mga datos na nakakalap.
5. Ang sulating (academic) ____________ ay kinakailangang matutunan ng mga mag-aaral lalo
na kung siya ay mag-aaral pa sa kolehiyo.
6. Sa pagbabaybay ng salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles,
piliin ang pinakamalapit sa (sound) ________ at anyo ng palabaybayang Filipino.
7. Iwasan ang pagpapalit ng titik kung malayo na ang anyo sa (original)__________ upang hind
imaging mahirap makilala o hindi maging kakatwa ang anyo kapag binaybay sa Filipino.
8. Sa (spelling) ____________ng mga salitang hiram huwag kalimutan kung may katumbas ba
ito sa ating wika.
9. Ang game na (Mobile Legends) __________________ ay maihahalintulad sa laro ng ating
buhay, kailangan mgsikap para manalo sa mga hamon.
10. Sa (school) ____________ mas mahahasa ang ating kasanayan sa pagsulat ng
akademikong akda.

REFLECTION CARD

Isaisip

A. Gamit ang form a phrase dugtungan mo kaibigan ng iyong saloobin ang mga pahayag sa ibaba.
1. Maaaring manghiram ng mga salita kung ___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
2. Hindi lahat ay binayayan ng kahusayan sa pagsulat ngunit _____________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________
3. Mahalagang matutunan ang akademikong pagsulat sapagkat ___________________________________
_______________________________________________________________________________________

12
Isagawa

Nakita ko na alam mo na ukol sa AkaP at talagang mahusay ka sa mga nakaraang gawain.


Ngayon ba ay malinaw na sa iyo kung bakit talagang para sa iyo ang AkaP na ito? Para mas maluwag sa
iyo na tanggapin ang AkaP na ito, kinakailangan na ikaw ay magsagawa ng pananaliksik gamit ang pormat
at pamantayan sa ibaba. Gamit ang internet, maghanap ka ng isang halimbawa ng mga uri ng
akademikong sulatin na ating tinalakay.

Pamagat ng teksto:
May-akda:
Uri ng akademikong sulatin:
Buod nito: (gawan mo ito ng
sarili mong buod gamit ang 5
pangungungusap lamang)

Mga salitang hiram na ginamit


sa teksto:
Paraan ng pagpapahayag na
ginamit:
Mensaheng hatid nito:
Sanggunian:

Narito ang pamantayan sa iyong gagawing pananaliksik. Huwag kang mag-alala dahil malaya
kang balik-balikan ang teksto sa araling ito upang hindi ka mahirapan sa iyong pananaliksik. Naniniwala
akong kayang-kaya mo iyan.

Pamantayan Puntos Natamong


Puntos
Matapat na paglalahad ng impormasyong nakalap mula sa 40
pananaliksik
Maingat na sinunod ang hakbang sa pagsusuri ng sulating 30
akademik
Wasto ang aspekto ng pandiwang ginamit. 30
Kabuuan 100

13
ASSESSMENT CARD

Tayahin

Sa puntong ito, sukatin ang iyong natutunan sa kabuuan ng ating aralin. Gawin mo ang huling gawain
na magpapatunay na ganap mong natamo ang ating layunin.
A. Isulat ang T kung wasto ang pangungusap at X naman kung ito ay mali.
_____ 1. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa notecard hinggil sa mga
impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.
_____ 2. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon ng kaniyang ginagawang
pag-aaral.
_____ 3. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na kwestiyonable.
_____ 4. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita ng mga pangyayari hinggil sa mga paboritong
artista sa telebisyon.
_____ 5. Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-uulat ng mga pananaliksik na
ginawa ng iba’t ibang mga iskolar hinggil sa iba’t ibang mga disiplina.
_____ 6. Ang manwal, gabay sa pag-aayos ng kompyuter o gabay sa pagluluto ay halimbawa ng teknikal na
sulatin.
_____ 7. Sa malikhaing pagsulat hindi binibigyang-pansin ang wikang ginagamit.
_____ 8. Lahat ng hiram na salita kung gagamiting pandiwa ay hindi dapat lagyan ng gitling.
_____ 9. May pagkakataon na ang hiram na salita ay nasusulat sa Filipino lalo na kung ito ay may katumbas
naman.
_____ 10. Ang lahat ng wika ay puro.

B. Tukuyin natin ang mga detalye na tumatalakay ukol sa AkaP o akademikong pagsulat. Isulat ang iyong
sagot sa loob ng graphic organizer.

Akademikong Pagsulat

Kahulugan: Katangian: Halimbawa:


______________________ ____________________ ____________________
______________________ ____________________ ____________________
______________________ ____________________ ____________________
______________________ ____________________ ____________________
______________________ ____________________ ____________________
Kahalagahan:
___________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
_
Binabati kita! Matagumpay mong nagawa ang modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa susunod
na gawain. Tandaan, kapag kailangan mo ng tulong sa mga susunod na aralin malaya mong mababalik-balikan
ang AkaP ko este ang mga natutunan mo rito. Sulong at tiyak kong kering -keri mo iyan dahil para sa iyo lagi
ang AkaP na ito!

14
REFERENCE CARD

http://myresearchesandstudies.blogspot.com/2017/11/pakikipagtalastasan-at-apat-na-
paraan.html
https://karenyusite.wordpress.com/2017/04/24/64/
https://teksbok.blogspot.com/2012/06/paghihiram-ng-mga-salita.html
https://www.123rf.com/photo_95982538_stock-vector-education-online-training-courses-
distance-education-flat-vector-illustration-internet-studying-onli.html
https://www.dreamstime.com/stock-illustration-student-writing-desk-vector-illustration-
young-asian-sitting-table-thinking-thinking-exercise-book-thinking-smiling-
image90825599
https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/

Susi sa Pagwawasto

MODYUL 1 ( AKADEMIKONG PAGSULAT)


Subukin Tayahin 1 Malayang gawain Isaisip
A 1. Pranses 2
1. Obhetibo 2. mag-aaral 1. masustansya (Ang guro ang magwa-
2. Kritikal 3. nasasagkaan 2. intelektuwal wasto sa kanilang sagot.
3. Etika 4. tao 3. kaisipan Isang puntos bawat
4. Pagsulat 5. gawain 4. itayp bilang.)
5. subhetibo 5. pantablay
B. Gawain 2 6. tahanan
6. kasangkapan (Ang guro na ang 7. sodyum Isagawa
7. henyo bahalang magbigay 8. virus (Gagamitin ng guro ang
8. maalam ng puntos sa 9. eroplano rubrik sa pagwawasto ng
9. ideya saloobin ng mag- 10. palabas output ng mag-aaral)
10. masama aaral)
C. Malayang gawain
11. A. Pagsulat Tayahin 2 3 Tayahin
12. C. Badayos 1.A 1. panuntunan A
13. D. Rivers 2.D 2.mapagkaka- May sagot na T
14. B. Arogante 3.E tiwalaan 1,2,5,6,8 at 9
15. C. 4.E 3.cellphone
pagsasalaysay 5.A 4.pananaliksik May sagot na X
5.akademik 3,4,7,10
Gawain 1 Malayang gawain 1 6.tunog
(Ang guro na ang 7.orihinal B.
bahalang magbigay ng Bilang 1,2 at 4 OO 8.pagbabaybay (Ang guro ang
puntos sa saloobin ng Bilang 3 at 5 HINDI 9.Mobile Legends magwawasto sa kanilang
mag-aaral) (ang guro ang 10.paaralan sagot. 10 puntos sa
magwawasto ng kabuuan.)
pangungusap / 1pt.
bawat isa)

15
This material was contextualized
by the

Curriculum Implementation
Division (CID)
Learning Resources Management and Development System
(LRMDS)
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF PAMPANGA

Bumuo sa Pagsusulat ng Modified Strategic intervention Material


Manunulat: Yunie M. Solitario
Editor: Cherry G. Vinluan, EdD
Tagasuri: Cherry G. Vinluan, EdD-EPS Filipino
Ellaine D. Chua, PDO-LRMDS
Tagaguhit: Carlo S. Yambao / Timothy Bagang (cover)
Tagalapat: Roland M. Suarez

Tagapamahala: Zenia G. Mostoles, EdD, CESO V- Schools Division Superintendent


Leonardo C. Canlas, EdD, CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Rowena t. Quiambao, CESE-Asst. Schools Division Superintendent
Celia R. Lacanlale, PhD, Chief, CID

Cherry G. Vinluan, EdD, EPS-Filipino


Ruby Murallo Jimenez, PhD, EPS-LRMS
June D. Cunanan, EPS -ADM Coordinator

16

You might also like