You are on page 1of 2

Chavez, Margarette Anne C.

12-Honesty
F. Pagsulat: Replektibong Sanaysay Marso 6, 2020

Ang Buhay ng Isang Estyudante

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang


walang katapusang paglalakbay sa mundong sinasaklawan ng aspektong
‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangyarihang sandata na kahit sinuman ay
walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanenteng nakaukit
na sa diwa at kamalayang pantao ng isang nabubuhay. Maging sa
kauna-unahang pagsambit natin ng salitang “mama” hanggang sa tayo ay
unti-unting nabihasa sa ating “abakada” tayo ay nabibilang na pundasyon ng
edukasyon. Karaniwang pamantayan sa edukasyon na kung ang tao ay nasa
gulang tatlo na ay maari na itong magsimulang pumasok sa isang paaralan. Sa
makatuwid, mahabang panahon ang iginugugol ng isang tao para sa kanyang
edukasyon.
Sa aking buhay ng pagiging isang estyudante, masasabi kong ako ay
parang nasa isang paraiso. Bagamat hindi sa lahat ng pagkakataon ay masaya
ako, maraming pagkakataon naman sa aking buhay ang nagpapaunawa sa akin
na ang edukasyon ay patuloy na umaangkla sa aking pagkatao at maging sa
aking kalapit na hinaharap. Ito rin ay patuloy na nag-iiwan ng hindi mga
matatawarang implikasyon ng pagbabago sa aking pagkatao na siyang dahilan
kung bakit ganito ako katatag ngayon. Ito rin ang nagsilbing balangkas upang
mabuksan ko pa ang lagusan sa kabilang ibayo. Sinubukan kong magsipag at
umayon sa kung ano ang pamantayan sa aming klase. Lahat ng ito ay hindi
naging madali sa akin. Sapagkat noo’y wala pa akong kabatiran patungkol sa
mahalagang papel ng edukasyon sa aking magiging kinabukasan. Sa pagiging
masipag at pagkakaroon ng mga mataas na marka, ako nagsimulang yumabong
at nagpatuloy sa pagkamit ng aking mga adhikain sa paaralan. Hanggang
ngayon sa kasalukuyan, patuloy pa rin akong naglalakbay papalapit sa aking
mga pangarap sa buhay.
Ang karanasang ito ang nagturo sa akin kung paano umunlad hindi
lamang sa aking mga markang nais matamo subalit nakaanib na rin dito ang
mga prinsipyo at impresyong hindi na maiaalis sa aking puso’t isipan sa
kalagitnaan ng aking paglalakbay sa mundong ibabaw. Nawa’y lubusan nating
mabatid na sa ibayo ng mga pamantayang sumasaklaw sa kultura ng
edukasyon, ang layon nitong magbigay ng magaganda at makabuluhang
karanasan ang magsisilbing proteksyon at sandata natin sa pakikidigma sa ating
mga sarili at sa kung ano mang pagbabagong nakaukit na sa ating panahon.

You might also like