You are on page 1of 41

KABANATA 1

SANDIGAN SA PAG-AARAL

A.Introduksyon

Ang Study Habit ay isang regular na nakasanayan na paraan sa pag-


aaral na batay kay Nathaniel Emmons Habit is either the best of servants or the
worst of masters dahil ang habit ay maaaring makatulong o makasagabal sa
pag-aaral ng isang estudyante depende na lamang sa kaniyang nakasanayang
paraan ng pag-aaral.
Ang susi upang maging isang mahusay na estudyante ay ang pag-aaral
sa matalinong paraan: ito ay ang pagkakaroon ng ibat ibang mabuting gawi
upang maging epektibo ang pag-aaral sa bahay man o sa eskwelahan. Ang ilan
sa mga mabubuting gawi ng isang estudyante ay ang pagtatala ng mga sinasabi
ng guro. Ang paraang ito ay nakatutulong upang mas madali ang iyong
pagmemorya sa mga paksang iyong tinala. Pagpapahinga ng sapat ay isa rin sa
mainam upang ang isang estudyante ay maging isang epektibong mag-aaral.
Kung kulang ka sa enerhiya na kakailanganin sa buong araw, madali kang
mapapagod at ang iyong isip ay mahihirapan makapagkonsentreyt sa iyong
pinag-aaralan, at higit sa lahat ay ang pag-oorganisa ng kanilang oras.
Nahihiwalay nila ang oras nila sa paglilibang o pagpapahinga sa kanilang pag-
aaral, kung sila ay mag-aaral itoy nangangahulugang pag-aaral lang muna
walang paglalaro o anumang makakasagabal sa kanila dahil sa ganitong paraan
ay mas madaling matututunan ang mga bagay na kailangan aralin kumpara sa
paraan na nag-aaral habang ginagamit ang gadyet.
Kung kayat ang nagtulak sa mga mananaliksik na talakayin ang paksang
ito ay upang matukoy ang paraan ng pag-aaral ng mga estudyanteng isinasabay
ang kanilang pag-aaral sa pagtatrabaho para makatapos at ng mga
estudyanteng nag-aaral habang ginagawa ang kanilang mga interes na laro.
Upang magkaroon ng ideya sa kung paano nga ba nahahati ng mga
estudyanteng nabanggit ang kanilang oras sa pag-aaral at sa

1
kanilang mga ginagawa. Upang malaman din kung mayroon pa ba silang sapat
na oras sa pagpapahinga.
Ang pagkakaroon ng mabuting Study Habits ay mainam sa mag-aaral
maging sa guro. Higit na napapalawak ng pagkakaroon ng Study Habits ang
mga ideya ng guro at ng mag-aaral sa kanilang tinatalakay na takdang aralin
dahil maaaring magpalitan ng ideya ang dalawang panig na grupo guro at
estudyante.
Nagkakaroon ng sariling pang-unawa ang estudyante sa mga tinatalakay
na aralin. Sa pagkakaroon ng mabuting nakasanayan ay maaaring maging
dahilan ng pagiging matagumpay ng estudyante sa kanyang pangarap.
Ang bawat estudyante ay may ibat ibang paraan upang matuto sa
paaralan o sa bahay. Subalit ito ay nangangailangan ng oras upang sapat na
matutunan ang kanilang mga leksyon sa bawat asignatura. May mga
estudyanteng kulang ang kanilang buong araw upang magawa ang mga gawaing
bahay na tulad na lamang ng mga Working Students at Varsity Players, ang
kanilang mga oras ay nakalaan sa ibang bagay na kung hindi nila kayang i-
organisa ay maaaring maging resulta ng pagkawala ng opurtunidad na mayroon
sila.

2
B. Suliranin

Ang mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod na


katanungan:

1. Ano-anu ang mga suliranin na nakaaapekto sa magandang gawi ng pag-


aaral ng mga varsity players at working students?
2. Bakit kinakailangan magkaroon ng magandang gawi sa pag-aaral ang
mga varsity players at working students?
3. Sa paanong paraan makatutulong ang pagkakaroon ng magandang gawi
sa pag-aaral sa mga varsity players at working students ng Wesleyan
University-Philippines?

C. Layunin

Ang mananaliksik ay naglalayong mapagtagumpayan ang mga sumusunod na


layunin:

1. Mailahad ang mga suliranin na nakaaapekto sa magandang gawi ng pag-


aaral ng mga varsity players at working students.
2. Maibigay ang kahalagahan ng pagkakaroon ng magandang gawi sa pag-
aaral ng mga varsity players at working students.
3. Matukoy ang mga paraan na makatutulong sa mga varsity players at
working students upang magkaroon ng magandang study habits.

3
D. Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang anumang pag-aaral na pinagbuhusan ng panahon ay mayroong


kaakibat na kahalagahan hindi lamang sa makakabasa nito kung hindi maging sa
gumawa ng pag-aaral.

Estudyante:

Mahubog ang bawat estudyante na magkaroon ng epektibong gawi o


Study Habits lalo na ang mga Varsity Players at Working Students, na hati ang
oras sa pagitan ng pagrerepresenta ng Unibersidad sa pamamagitan ng sports o
pagtratrabaho, na mapanatili ang magandang estado sa akademikong pag-aaral
sa loob ng Unibersidad.

Unibersidad:

Magkakaroon ng ideya o kaalaman ang Unibersidad patungkol sa kung


anong uri ng Study Habits mayroon ang isang Varsity Player at isang Working
Student ng Unibersidad. Pagkakaloob ng mga oportunidad sa mga estudyanteng
walang sapat na kakayahang pinansyal upang makapag-aral at maitaguyod ang
kani-kanilang pangarap.

Guro:

Makapagbigay ng dagdag kaalaman at impormasyon na maaari nilang


ibahagi sa iba. Malalaman din nila ang mga kailangang gawin at iwasan na
maaaring makakaapekto sa kanilang pagtuturo. Maibabatid din ng pag-aaral na
ito ang epekto ng kanilang tungkulin sa mga mag-aaral. Makakapagbigay din ang
pananaliksik na ito sa mga guro tungkol sa ginagawa ng isang varsity player at
working student.

4
Mananaliksik:

Mahalaga ang pag-aaral na ito sa isang mananaliksik dahil ito ay


makapagbibigay ideya sa kanila. Upang mabigyang halaga at pansin ang mga
working students at varsity players. Magkaroon ng inspirasyon ang mga
makakabasa nito. Makapagbibigay ito ng kaalaman sa mga mambabasa. Ang
pag-aaral na ito ay makatutulong sa nais makaalam ng klase o kaibahan ng
pamumuhay ng working student at varsity player sa isang normal na estudyante.
Makakatulong ang pag-aaral na ito sa mga nais ding manaliksik sa mga pag-
aaral na may kinalaman sa paksang ito sa hinaharap. Maaari nilang gamitin ang
mga nakalap na impormasyon at maaari silang magdagdag ng mga
karagdagang kaalaman.

E. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay kinasasangkutan ng mga Varsity Players at


Working Students na kasalukuyang nag-aaral sa Unibersidad ng Wesleyan. Ito
ay isinagawa sa taong panuruan 2015-2016 ng ikalawang semestre.

F. Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Gawi- Gawain o mga bagay na ginagawa.


2. Tinatalakay- Sinasabi o itinuturo ng isang tao.
3. Matugunan- Maibigay ang mga kinakailangan na sagot.
4. Suliranin- Mga bagay na kailangan mabigyan ng solusyon.
5. Kaakibat- Kasama na bagay o kahalagahan.
6. Mahubog- Maimulat sa maayos na paraan.
7. Maitaguyod- Maipaglaban ng buong puso.
8. Kinasasangkutan- Mga taong kasama sa isang paksa.
9. Pananaliksik- Paghahanap ng sagot o paghahanap ng impormasyon.
10. Mananaliksik- Taong nagsasagawa ng pananaliksik.

5
Kabanata 2
KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, ipapakita ang ibat ibang kaugnay na literatura at pag-


aaral sa loob at labas ng bansa upang mapalawak at mapaunlad ang
impormasyong napapaloob sa pag-aaral na ito upang mas maging kapaki-
pakinabang sa sinumang makakabasa.

Kaugnay na Literatura

A. Sa Loob ng Bansa

Ang matutunan ang pamamahala ng oras ay pangunahing kahalagahan


para sa isang mag-aaral na atleta, sabi ni Janice Montelibano (2012), Director of
Student Services for Athletes (SSA). "Mga praktis, mga laro at mga klase, ito ay
kumukuha ng maraming oras sa isang mag-aaral na atleta bawat linggo, at para
sa bawat atleta, ang time commitment ay naiiba."

Jane Espinoza na binanggit ni Espejo (2012), Hindi naman sinasabi ng


mga estudyante na ang mga estudyanteng atleta ay nadadaig ng ibang
estudyante sa loob ng silid-aralan, ngunit hindi rin naman sila nahuhuli.

Ayon kay Muega (2003), Dapat nakuha ng mga estudyante ang


kakahayang mangatwiran at pagbabasa upang mapalawak ang kaalaman.

Ayon naman kay Dela Cruz, M.C. (Baguio City, 2004), Mas madalas
magpaliban ng gawain ang mga babae dahil sila'y humahanap ng
kaginhawahan. Samantalang ang mga lalaki ay kinakabahan at takot na
ipagpaliban ang gawain.

The Research Students' Guide to Success (Being a Mature Student), Ang


pagiging 'Mature' na estudyante ay nauunawaan ang iba lalo na kapag alam nila
ang kanilang mga kahinaan at kalakasan. Alam nila kung ano ang ayaw at gusto
nilang makuha.

6
Ayon kay Aquino. L (2011), Ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro
ang nakakaapekto sa ibang estudyante. Ang mga estudyante ng unang taon sa
kolehiyo ay magagaling sa pagpaplano ngunit dapat nilang matutunan ang pag-
aaral ng pagbabasa at pagsusulat ng mga notes para malinang ang kanilang
akademikong batayan.

B. Sa Labas ng Bansa

Ayon sa librong pinamagatang "Time Management for Dummies" ni


Jeffrey J. Mayer (The Time Management Mind-Set), Sa dami ng mga gawain
natin lahat tayo ay pumapasok ng maaga at nagpupuyat halos gabi-gabi at halos
hindi na kumakain matapos lamang ang mga gawain. At kahit na ganoon, hindi
pa rin natin natatapos ang mga ito. At kung minsan ay naghihintay pa tayo ng
ibang araw na walang masyadong gagawin upang matapos lamang ang mga ito.
Pero sa walo, sampu o labindalawang oras kada araw, ano nga ba ang
ginagawa natin?

Sampung Paraan upang Magamit natin ng mahusay ang oras sa pagbiyahe:

Planuhin ang mga maaaring gawin habang nasa bus, tren, jeep o tricycle.
Planuhin ang mga gagawin kinabukasan. Planuhin maging ang mga gagawin sa
susunod pa na mga araw, linggo o buwan. Isipin ang mga gagawin at ilagay ito
sa listahan. Magtanong sa mga kakilala kung ano ang mga dapat tapusin.
Magrecord ng mga dapat kabisaduhin at pakinggan ito habang nasa biyahe.
Gamitin ang oras upang magsulat ng ilang dokumento. Magbasa ng mga
babasahin kagaya ng dyaryo, magasin o libro. Makinig sa mga rekording.
Makinig sa balita.

Psychology: Theory and Practice ni Slavin R., Ano nga ba ang epekto ng
oras sa pagkakatuto? Ayon sa pag-aaral ni Adelman Haslam at Pringle (1996) na
kung walong oras ang itutuon sa pagtuturo, walang matututunan ang estudyante.
Gaano nga ba kalaki ang diperensya na nagagawa ng oras sa natututunan ng
isang estudyante?

7
Ayon kina Gijselaers at Schmidt (1995) at Karweit (1989), Kahit na
malinaw naman na mas madaming oras ang nagagamit sa pag-aaral mas
maganda ang epekto nito sa mag-aaral ngunit hindi lahat ay ganoon. Kung
titignan ang araw na may pasok at bilang ng taon sa paaralan ay maliit lang ang
epekto sa mga napapagtagumpayan ng estudyante. Ang importante ay ang oras
sa pag-aaral at oras na nilalaan sa mga pagsagot o paggawa ng mga bagay na
tungkol sa pag-aaral. Sa katunayan ang pinaka-importanteng aspeto ng oras ay
ang tamang pagkontrol ng guro sa silid-aralan.

Ayon kay Jesslyn Reinecke (2007), Ang kasanayan sa Time Management


ay isang magandang prediktor ng mabuting akademikong perpormans, at ito ay
sinusuportahan ng mga pag-aaral. Nagpapakita sa isang pananaliksik na ang
epektibong estratehiya sa time management ay nagpapataas ng akademikong
perpormans at achievement lalo na sa mga mag-aaral ng kolehiyo. Dagdag pa
rito, ayon sa isang pag-aaral na ginawa para malaman kung saan sa dalawang
time management o paglilibang ang epektibo sa pagpapababa ng stress sa pag-
aaral. Ang time management ay mas mabisa sa pagpapababa ng stress
kumpara sa paglilibang. Dahil dito, ang mga estudyante ay hinihikayat na dumalo
sa mga seminar tungkol sa time management. Ang maayos na paggamit nito ay
nakakatulong sa ibang aspeto ng akademikong pag-aaral: sa pagpaplano, sa
paggawa ng mga requirements at sa araw-araw buhay estudyante.

Ayon sa Law of Proximity ng Gestalt psychology, Ang mga porma ay


nagugrupo ayon sa paraan ng kanilang pagkakaespasyo, kung saan ang
naglalapit na bagay ay mas madaling naigugrupo kaysa sa nalalayo (Tria, et. Al.,
1998) Sa pagkatuto, ito ay sumasaklaw sa pagkakalapit ng mga bagay ayon sa
espasyo o oras. Ito rin ay nagpapaliwanag kung bakit mas madaling natatandaan
ang mga sariwang kaganapan at mas madaling sumali sa interes ng
kasalukuyan. Sa aplikasyon ng proseso ng pagkatuto, ang regular na study
periods at paggawa ng mga requirements ay madalas na magresulta sa mas
mahusay na pagganap kaysa sa naantala at mali-maling study periods. Ang Law
of Exercise ni Thorndike ay sumusuporta sa prinsipyong ito. Ang mas madalas

8
na paggamit ng isang modipikadong koneksyon sa pagitan ng isang sitwasyon at
tugon ay nakakalakas ng koneksyon. Ngunit kapag ang modipikadong
koneksyon ay hindi gaanong ginagamit sa loob ng mahabang panahon, ang
lakas ng koneksyon ay humihina. Kung kayat ang regular na pagsanay at pag-
ulit ng isang kaugalian ay humahantong sa habit formation.

Kaugnay na Pag-aaral

A. Sa Loob ng Bansa

Ayon kay Mark Gilly (2000), Ang mga matagumpay na estudyante ay


nababalanse ang sosyal na aktibidad sa mabuting study habits. Ang
pagdadaybert mula sa pag-aaral ay nakakabawas ng istres at nakakaiwas sa
pagkapagod. Sabi niya, dapat sa isang estudyante ay magkaroon ng break time
ng isang oras pagkatapos ng pag-aaral para makisalamuha sa mga kaibigan:
maglaro ng baraha, magwork-out sa gym o makipagkilala sa ibang tao. Sa
ganoong paraan, ang estudyante ay nagkakaroon ng konsentrasyon sa pag-
aaral kapag may plano siyang sosyal na aktibidad pagkatapos. Dagdag ni Gilly,
Para madebelop ang isang magandang sosyal na pamumuhay, dapat
madebelop ang isang magandang malagiang study habits. Pagkatapos ng
hapunan, dalhin ninyo ang inyong aklat sa silid aralan, humanap ng komportable
at payapang lugar at mag-aral ng dalawa hanggang tatlong oras na may break
na sampung minuto kada apat naput limang minuto. Ang pakikipagkaibigan sa
mga taong may similar na study habits at pagsabay sa kanila sa silid-aralan ay
isa sa pinakamabuting paraan ng pagdebelop ng study habits, sabi ni Mark.

Ang mga sumusunod ay mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa mga


iskolar at working students: Ang mga iskolar at Working Students ay naudyok na
magtrabaho para sa kanilang sarili. Ang pinakarason sa pagtatrabaho nila ay
upang mabawasan ang problemang pinansyal ng kanilang mga magulang.

Si Leao at iba pang mananaliksik na nagsagawa ng pag-aaral ayon sa


pang-akademyang Gawain ng isang Student Assistant sa Unibersidad ng

9
Bisayas taong 1987. Nakalap dito na ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang
malaman ang mga pangangailangan ng isang Student Assistant. Ito ang mga
kailangan ng Student Assistant: Kailangan nito ng pinansyal upang makapag-aral
bukod sa allowance na binibigay ng unibersidad sa kanila; kailangan nila ng oras
para sa kanilang pag-aaral tulad ng oras ng pagbabasa, paggawa ng takdang
aralin; kailangan din nila ng kapahingahan minsan sa isang semester
pagkatapos ng huling pagsusulit.

Base sa isang thesis na hindi naimprenta na may pamagat na "Study


Habits: Its Effectiveness", na para mawala ang pagiging tamad sa klase ng mga
estudyante ay tinuturuan nila itong gumamit ng mga sariling paraan sa pag-aaral
at base sa nakuha nilang datos nalaman nila ang mga dahilan kung bakit
nawawala ang atensyon ng mga estudyante sa pag-aaral.

B. Sa Labas ng Bansa

Ayon sa Palm Beach Community College (PBBC, 2008), Inirerekumenda


nila na ang pag-aaral ng mag-aaral ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa
tatlong oras sa labas ng klase para sa bawat oras na ginugol sa klase. Sinabi rin
nila na ang isang mag-aaral ay dapat magkaroon ng isang espesyal na lugar
upang mag-aral. At mga mag-aaral ay hindi dapat nagmamadali sa kanilang
gawain. Kanilang ipinagpapalagay na ang pag-aaral ay mas mainam kung ang
estudyante ay nagkakaroon ng konting minuto bago magsimula para maituwid ng
maayos ang mga bagay- bagay

Ayon kay Sarah Moore sa kanyang magazine na "How To Be A Student"


nalaman ang mga salik ng Study Habits - ang Time Management, ang Study
Skills, at ang Learning skills - ay talagang may malaking epekto sa academic
performance ng isang mag-aaral. Ang mga estudyanteng napakalaki ng
ginugugol na oras sa pag-aaral ang siyang mga estudyanteng nakakakuha ng
matataas na marka sa kanilang mga asignaturang pinag-aaralan sa paaralan. Ito
ang mga estudyanteng huwaran sa pagsisikap at pagtatiyaga para mapasaya
ang kanilang mga magulang. Ang mga estudyanteng nakilala dahil sa kanilang
karangalan ay natutong magkaroon ng time management. Naglalaan sila ng

10
tamang oras para magpakasaya, para sa pamilya, sa kaibigan, sa paaralan, at
lalong lalo na sa pag-aaral. Dahil sa study habits na mayroon sila, lalong
nahuhulma ang study skills na mayroon din sila. Mas nahahasa ang kanilang
mga isipan, at mas lumalawak ang kanilang mga kaalaman. Hindi na tayo
magtataka kung madali nilang naiintindihan ang mga leksyon na itinuturo sa
kanila sa paaralan. Nagkakaroon sila ng lakas ng loob para itaas ang kanilang
mga kamay at ibahagi ang kanilang nalalaman sa buong klase ng walang kaba
dahil sa kasanayan nila sa pagsasalita. Nahasa sila ng mabuti sa pamamagitan
ng paulit-ulit nilang pagbasa at pagbigkas ng mga salitang mula sa kanilang
aklat. Dahil nga madalas na silang aktibo sa klase, dulot nito ang magandang
academic performance na mayroon sila. Sa pamamagitan ng Time Management,
di na mahihirapan ang isang estudyante sa pagbalanse ng kaniyang pag-aaral at
ng iba pa niyang gawain o pinagkakaabalahan. Sa pagkasanay niya sa pagtakda
ng gawain sa isang partikular na oras, hindi na siya mahihirapan pa at mag-
aalala sa kung anong paraan ang gagamitin niya sa pag-aaral. Mahahasa ang
kanyang isipan, at madali na para sa kanya ang umintindi ng mga bagay-bagay
sa paligid niya. Dapat na magsanay ang mga estudyante sa pagkakaroon ng
magandang study habits upang maging maganda rin ang Academic Performance
nila sa paaralan.

Sinabi ni M.Schwartz (1973), Para makakuha ng magandang marka ang


isang estudyante kailangang idebelop niya ang magandang study skills na
sinusunod ang outline ng mga estratehiya sa kaniyang ginawang libro.
Iminungkahi ng kanyang libro na ang paggamit ng kanyang estratehiya ay
nagpapabuti ng akemikong perpormans. Ayon sa awtor, ang tagumpay sa
paaralan ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng mataas na IQ, ngunit
kailangan lang ang apat na elementong ito: teknik, direksyon, gabay at study
skills. Itinanggi niya na ang pag-aaral ay isang kasanayan kung kayat ang study
skills ay dapat maidebelop ang pinakamataas na resulta sa akademik
perpormans ng mga estudyante.

Crede and Kuncel (2008), Found that non-cognitive factors like study
habit, skill and study motivation, among other attitudinal constructs, accounted

11
for incremental variance in academic performance beyond standardized tests
and previous grades. Moreover, a literature review by Nagaraju (2004) pointed
out that, for good academic success, good study habits and attitudes are
important.

Ang pagkakaroon ng magandang gawi sa pag-aaral at magandang


motibasyon ay nakapagpapataas sa academic performance ng isang indibidwal.
Ito ay napatunayan sa pamamagitan ng standardized tests at mga markang
nakuha rito. Magandang pag-uugali at gawi sa pag-aaral ay kinakailangan rin
para sa academic success.

A substantial amount of research has examined the role of students study


habits and their attitudes to study on academic performance. The study of Osa-
Edoh and Alutu (2012) which examined the usefulness of imbibing in the
students study habit, as a means of enhancing their academic performance,
revealed a high correlation between study habits and students academic
performance. This suggests that it is only when students imbibe or cultivate
proper study habits that their academic performance can be improved upon.

Ayon sa pag aaral nina Osa-Edoh at Alutu (2012), Nakatutulong ang


pagkakaroon o paglikha ng isang magandang gawi sa pag-aaral upang
magkaroon ng mas magandang resulta sa akademikong pag-aaral ng isang
estudyante.

De Escobar (2009), Stated that if students are a college student, high


school student or elementary student they still need good study habits in order to
perform better and succeed in school. Good study habits for students start at
home, however we learn the most of them by participating them and through trial
and error. For instance, students should start with taking notes in class. Write
down what the teachers says but only what students think is important and could
be on your next test. Use colours and highlights the most important things
because this will help you study better and in less time for your next test. Pay
attention in class. Sometimes we go to class and start thinking about who knows
that. You know what I am thinking about, right? Well, try to actually listen to what

12
is going in class, what the professor is saying and other peoples questions as
well. Another good study habit for students is to do their homework at school.
This is very rewarding for anyone because by the time you get home you will
have more enough time to enjoy what you like to do the most without worrying
about your assignments for the next day. Studying for tests and exams ahead of
time is also a very good habit. If one knows a test is approaching the way then
start going through ones notes today, read little by little everyday so when the
time comes one is prepared and ready to take on it. The above examples are
only a few good study habits one could implement into ones routine. (De
Escobar, 2009)

Ayon kay Escobar (2009), Ang bawat estudyante ay kailangan


magkaroon ng magandang gawi sa pag-aaral upang mapabuti at maging
matagumpay sa pag-aaral. Ang mga ilang halimbawa ng magangadang gawi sa
pag-aaral ay isulat lahat ng mga mahahalagang detalye na inyong natatalakay sa
klase upang mas madali mo itong matatandaan. Gumamit ng mga palatandaan
katulad ng coloured highlighters upang mas mabilis ang pagkakabisa ng mga
impormasyon. Ugaliin din ang pagsasagot ng mga takdang aralin kung ikaw ay
mayroong libreng oras o vacant hour habang ikaw ay nasa paaralan. Ito ay
magandang gawi upang mayroon ka pang oras na maaari mong magamit sa
mga bagay na gusto mong gawin ng hindi binabahala kung may nakaligtaan ka
bang takdang aralin.

According to Menzel, cited by Rana and Kausar (2011), Many students fail
not because they lack ability but because they do not have adequate study skills.
Students who have difficulty in college frequently do not have adequate study
habits that affect their academic achievement. A central problem noted was that
many of these students had not learned how to take effective notes and manage
time for studying (cited by Mutsotso S.N. & Abenga E.S., 2010). Moreover, a
study by Nagaraju (2004) found that students usually do not devote sufficient
time to their studies and seldom have proper study habits.

Ayon kay Menzel, cited by Rana and Kausar (2011), Ang pagbagsak ng
mga estudyante sa kolehiyo ay hindi sanhi ng kulang sa kaalaman o abilidad
13
bagkus ito ay sanhi ng kakulangan sa isang magandang gawi sa pag-aaral.
Kalimitan sa mga estudyante sa kolehiyo ay walang sapat na kaalaman sa
pagbabalanse ng kanilang oras at kaalaman sa pagtatala ng mahahalagang
impormasyon na siyang nagiging sanhi sa pagkakaroon ng hindi mabisang pag-
aaral.

14
Kabanata 3

Pamamaraan at Metodolohiya

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay tumatalakay sa pamamaraang


ginamit sa pag-aaral, pamamaraang sampling, mga instrumento sa pangangalap
ng datos, disenyong ginamit sa pagsusuri at paraan ng pangangalap ng datos.

Paradigm

Di- Malayang Baryabol Malayang Baryabol

Marka, Edad,
Kasarian, Oras
Varsity Player o
Working
Student

Pagkakaiba ng Study Habits ng


Varsity Player at Working
Student: Isang Komparatibong
Pag-aaral

Study Habits

Pigura I. Ang modelong ito ay nagpapakita ng ugnayan sa pagitan ng baryabol


na malaya at baryabol na di-malaya.

15
Balangkas ng Konsepto

Ang oras ay isa sa mga salik na nakakaapekto ng isang magandang gawi


sa pag-aaral ng isang estudyante. Kung hindi ito mai-oorganisa ng tama ay
maaari itong maging hadlang sa pagkamit ng mataas na antas ng pagkatuto sa
isang asignatura na iyong inaaral. Alam dapat ng isang estudyante kung paano
hati-hatiin ang kaniyang oras upang mas maging epektibo ang kaniyang pag-
aaral. Dapat mabigyan ng sapat na panahon ang bawat area katulad ng sa pag-
aaral, pagprapraktis at pagtratrabaho. Allowance o baon sa eskwelahan ay isa
ring mga salik na nakaaapekto ng magandang gawi ng pag-aaral. Kawalan ng
konsentrasyon at pokus sa pag-aaral ay maaaring bunga ng kakulangan o
kaliitan ng baon ng isang estudyante. Hindi na ito nakakakain ng sapat na
pagkain kung kayat nagiging resulta sa mababang lebel ng pagkatuto. Pagliban
sa klase upang magsaya kasama ang mga kaklase ay maaaring isa sa mga
bunga ng pagkakaroon ng malaking baon. Sa halip na ituon ang isip at
konsentrasyon sa pag-aaral upang mas lalong maintindihan ang isang
asignatura ay napapalitan ito ng hindi magagandang gawi na siyang nagiging
hadlang sa epektibong pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito na isinagawa ng mga mananaliksik, ipinapakita


lamang nito ang kaugnayan ng oras at baon ng isang estudyante sa
pagkakaroon ng magandang gawi sa pag-aaral o study habits ng mga Varsity
Players at Working Students bilang pag-aaral.

16
Pamamaraang sampling

Ang sampol na populasyon ng pag-aaral na ito ay 70 respondanteng mga


lalaki at babaeng varsity players at working students ng Wesleyan University-
Philippines Cabanatuan City, Nueva Ecija. Ginamit ng mananaliksik ang
purposive sampling bilang teknik sa paghahanap ng mga respondante.

Instrumento

Isang maingat na paghahanda ang isinagawa ng mga mananaliksik upang


makabuo ng angkop na instrumentong gagamitin sa pangangalap ng mga
kinakailangang mga datos para sa isinasagawang pag-aaral. Bumuo ang mga
mananaliksik ng talatanungan na tungkol sa Pagkakaiba ng Study Habits ng mga
Varsity Players at Working Students.

Paraan ng pangangalap ng Datos


Ang mga mananaliksik ay personal na nangalap ng datos para sa pag-
aaral na ito sa pamamagitan ng talatanungan at pakikipanayam. Ang
talatanungan ay personal na ipinamigay sa mga Varsity at Working Students at
personal din naming kinolekta upang makalap ang mga kinakailangang
impormasyon at datos. Sa pakikipanayam naman ay personal na tinanong ng
mananaliksik ang mga piling respondante at ito ay itinala.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang mananaliksik ay gumamit ng metodong deskriptib upang mailarawang
mabuti ang mga epekto ng pagkakaiba ng study habits ng mga varsity players at
working students.

Pagsusuri ng datos

Ang mga nakalap na datos mula sa mga respondante ay itinala, itineybol,


at sinuri gamit ang frequency counts at percentage means.

17
Kabanata 4

PRESENTASYON, ANALISIS AT INTERPRETASYON NG MGA


DATOS

Ang bahaging ito ay tumatalakay sa mga interpretasyon ng mga nakalap


na datos na may kaugnayan sa pagkakaiba ng study habits ng varsity player at
working student ng Wesleyan University-Philippines, Cabanatuan City, Nueva
Ecija. Kinapapalooban din ito ng mga impormasyong pangsosyo-demograpiko.

Impormasyong Pangsosyo-Demograpiko

Ang mga impormasyong pangsosyo-demograpiko ng mga mag-aaral ay


may malaking gampanin sa pag-aaral na ito.

Edad

Ang mga repondante ay nasa 16 hanggang 22 taong gulang. 5.71% sa


kanila ay may edad na 16, 40% ay mayroong edad na 17, 15.71% sa kanila ay
may edad na 18, 22.86% ang may edad na 19, 8.57% ay may edad na 20,
5.71% ay may edad na 21, at 1.43% ay may edad na 22.

Marka

Ayon sa datos na nakalap ng mga mananaliksik, nakakakuha ng mas


mataas na grado o 1.0-1.50 ang mga varisty players na mayroong porsyento na
2.86 habang zero o wala ni isa man sa mga working students ang nakakuha ng
markang 1.0-1.50. Ngunit mas maraming varsity player ang nakakuha ng mark
na 1.76-pataas na mayroong 11.43% habang 6.71% lamang ng working students
ang nakakuha ng 1.76-pataas.

18
Teybol 1: Impormasyong Pangsosyo-Demograpiko

Edad Bilang Porsyento

16 4 5.71%

17 28 40%

18 11 15.71%

19 16 22.86%

20 6 8.57%

21 4 5.71%

22 1 1.43%

Kabuuan 70 100%

Marka ng mga Working Students

Marka Bilang Porsyento

1.0-1.5 0 0%

1.51-1.75 5 14.29%

1.76-2.0 10 28.57%

2.01-2.25 14 40%

2.26-2.50 3 8.57%

2.51-2.75 1 2.86%

2.76-pataas 2 5.71%

Kabuuan 35 100%

19
Marka ng mga Varsity Players

Marka Bilang Porsyento

1.0-1.25 1 2.86%

1.26-1.50 2 5.71%

1.51-1.75 5 14.29%

1.76-2.0 10 28.57%

2.01-2.25 6 17.14%

2.26-2.50 6 17.14%

2.51-2.75 1 2.86%

2.76-pataas 4 11.43%

Kabuuan 35 100%

Ipinapakita sa teybol na ito na mayroong mas magandang study habits


ang mga varsity players kumpara sa mga working students dahil ang mga varsity
players ay mayroong 2.86 porsyento ng nakakuha ng 1.0-1.25 habang zero o
wala ni isa man ang nakakuha sa mga working students ng 1.0-1.25.

Ang matutunan ang tamang pamamahala ng oras ay pangunahing


kahalagahan para sa isang mag-aaral na atleta, sabi ni Janice Montelibano
(2012), Director of Student Services for Athletes (SSA). "Mga praktis, mga laro
at mga klase, ito ay kumukuha ng maraming oras sa isang mag-aaral na atleta
bawat linggo, at para sa bawat atleta, ang time commitment ay naiiba."

Ayon kay Jane Espinoza na binanggit ni Espejo (2012), Hindi naman


sinasabi ng mga estudyante na ang mga estudyanteng atleta ay nadadaig ng
ibang estudyante sa loob ng silid-aralan, ngunit hindi rin naman sila nahuhuli.

20
Teybol 2.1 Paraan ng mga Varsity Players Sa Pag-Aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Group study 12 34.29%

Self-study 23 65.71%

Teybol 2.2 Paraan ng mga Working Students Sa Pag-aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Group study 14 40%

Self-study 23 65%

Ipinapakita sa teybol na ito na 65% ng mga varsity players at 65% ng mga


working students ang mas gustong mag-aral sa kanilang sarili kaysa sa sumali
sa mga group study.

Base sa isang thesis na hindi naimprenta na may pamagat na "Study


Habits: Its Effectiveness", Na para mawala ang pagiging tamad sa klase ng mga
estudyante ay tinuturuan nila itong gumamit ng mga sariling paraan sa pag-aaral.
At base sa nakuha nilang datos nalaman nila ang mga dahilan kung bakit
nawawala ang atensyon ng mga estudyante sa pag-aaral.

21
Teybol 3.1 Paraan ng mga Varsity Players sa Pag-Aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Paulit-ulit na pagbigkas ng malakas 7 20%

Pagsusulat sa flash/index cards at 3 8.57%


paggamit nito

Paghihighlight ng teksto sa 9 25.71%


aklat/kwaderno

Tahimik na pagrereview 18 51.43%

Teybol 3.2 Paraan ng mga Working Students sa Pag-aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Paulit-ulit na pagbigkas ng malakas 12 34.29%

Pagsusulat sa flash/index cards at 7 20%


paggamit nito

Paghihighlight ng teksto sa 9 25.71%


aklat/kwaderno

Tahimik na pagrereview 15 42.86%

Ipinapakita sa teybol na ito na mas maraming woking students ang


nagrereview ng paulit-ulit na pagbigkas na mayroong 34.29 % kumpara sa mga
varsity players na mayroon lamang 20%. 20% naman ng mga working students
ang nagrereview sa pamamagitan ng pagsusulat sa flah/index cards at paggamit
nito habang 8.57% lamang sa mga varsity players ang gumagamit nito. 25.71%
ng mga working students at 25.71% ng mga varsity players ang nagrereview sa
pamamagitan ng paghihighlight ng teksto sa aklat/kwaderno at mas maraming
varsity players ang nagrereview ng tahimik na mayroong porsyentong 51.43
habang 42.86 lamang sa mga working students.

22
Ayon kay Aquino. L (2011) ang mga paraan ng pagtuturo ng mga guro
ang nakakaapekto sa ibang estudyante. Ang mga estudyante ng unang taon sa
kolehiyo ay magagaling sa pagpaplano ngunit dapat nilang matutunan ang pag-
aaral ng pagbabasa at pagsusulat ng mga notes para malinang ang kanilang
akademikong batayan.

Teybol 4.1 Lugar Kung Saan mas Madalas Mag-aral ang mga Varsity
Players

OPSYON BILANG PORSYENTO

Bahay 25 71.43%

Klasrum 12 34.29%

Library 3 8.57%

Teybol 4.1 Lugar Kung Saan mas Madalas Mag-aral ang mga Working
Students

OPSYON BILANG PORSYENTO

Bahay 29 82.86%

Klasrum 6 17.14%

Library 4 11.43%

Ipinapakita sa teybol na ito na karamihan sa mga varsity players at


working students ang mas pinipiling mag-aral sa kani-kanilang tahanan kaysa sa
klasrum o library.

Ayon sa Palm Beach Community College (PBBC, 2008), Sinabi nila na


isang mag-aaral ay dapat magkaroon ng isang espesyal na lugar upang mag-
aral. At ang mga mag-aaral ay hindi dapat nagmamadali sa kanilang gawain.
Kanilang ipinagpapalagay na ang pag-aaral ay mas mainam kung ang

23
estudyante ay nagkakaroon ng konting minute bago mag simula para maituwid
ng maayos ang mga bagay- bagay.

Teybol 5.1 Bilang ng Oras na Iginugugol ng mga Varsity Players sa


Kanilang Pag-aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Kalahating oras 8 22.86%

Isang oras 15 42.86%

Higit sa tatlong oras 17 48.57%

Teybol 5.2 Bilang ng Oras na Iginugugol ng mga Working Students sa


Kanilang Pag-aaral

OPSYON BILANG PORSYENTO

Kalahating oras 10 28.57%

Isang oras 13 37.14%

Higit sa tatlong oras 12 34.29%

Ipinapakita sa teybol na ito na mas maraming varsity players ang


naglalaan ng higit sa tatlong oras sa kanilang pag-aaral na mayroong
porsyentong 48.57% habang 34.29% lamang ng mga working students ang nag-
aaral ng higit sa tatlong oras. Nakakalap ng 37.14% ang pag-aaral ng isang oras
ng mga working students. Makikita ang pagkakaiba nila sa stidy habits sa bilang
pa lamang ng oras na kanilang ginugugol sa pag-aaral.

Ayon sa Palm Beach Community College (PBBC, 2008), inirerekumenda


nila na ang pag-aaral ng mag-aaral ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa
tatlong oras sa labas ng klase para sa bawat oras na ginugol sa klase.

24
Teybol 6.1 Oras ng mga Varsity Players sa Pagprapraktis

OPSYON BILANG PORSYENTO

Madaling araw 2 5.71%

Umaga 7 20%

Tanghali 1 2.86%

Hapon 20 57.14%

Gabi 12 34.29%

Hating gabi 0 0%

Teybol 6.2 Oras ng mga Working Students sa Pagtratrabaho

OPSYON BILANG PORSYENTO

Madaling araw 3 8.57%

Umaga 15 42.86%

Tanghali 2 5.71%

Hapon 10 28.57%

Gabi 7 20%

Hating gabi 3 8.57%

Ipinapakita sa teybol na ito na karamihan o 57.14% ng mga varsity players


ang pinipiling magpraktis sa hapon habang 42.87% ng mga working students
ang nagtratrabaho sa umaga. Makikita na karamihan ng mga working students
ay nagtratrabaho tuwing bago pumasok sa paaralan. Ang mga varsity players
naman ay inuuna ang pagpasok kaysa sa paprapraktis.

Ayon sa awtor, ang tagumpay sa paaralan ay hindi nangangahulugan ng


pagkakaroon ng mataas na IQ, ngunit kailangan lang ang apat na elementong
ito: teknik, direksyon, gabay at study skills. Itinanggi niya ang pag-aaral ay isang

25
kasanayan kung kayat ang study skills ay dapat maidebelop ang pinakamataas
na resulta sa akademik perpormans ng mga estudyante.

Teybol 7.1 Bilang ng Oras na Iginugugol ng mga Varsity Players sa


kanilang pagprapraktis

OPSYON BILANG PORSYENTO

Isang oras 9 25.71%

Dalawang oras 15 42.86%

Tatlong oras 8 22.86%

Higit sa tatlong oras 3 8.57%

Teybol 7.2 Bilang ng Oras na Iginugugol ng mga Working Students sa


kanilang pagtatrabaho

OPSYON BILANG PORSYENTO

Isang oras 3 8.57%

Dalawang oras 1 2.86

Tatlong oras 1 2.86%

Higit sa tatlong oras 30 85.71%

Ipinapakita sa teybol na ito na 25.71% ng mga varsity players ang


nagprapraktis ng isang oras habang 8.57% lamang sa kabuuang porsyento ng
mga working students ang nagtratrabaho sa parehong bilang ng oras. Dalawang
oras naman ang ginugugol ng 42.86% ng mga varsity players sa pagprapraktis
habang 2.86% lamang sa working students. Mas maraming varsity players ang
naglalaan ng tatlong oras sa pagprapraktis na mayroong porsyentong 22.86%
habang 2.86% lamang sa mga working students. 8.57% lamang ng mga varsity
players ang naglalaan ng higit sa tatlong oras na praktis kumpara sa 85.71% ng

26
mga working students na nagtratrabaho ng higit sa tatlong oras. Makikita rin dito
na halos lahat ng mga working students ay nagtratrabaho ng higit sa tatlong oras
magkaroon lamang ng ekstrang pagkakakitaan.

Ang ilang mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa mga iskolar at Woking


Students. Pag-aaral tungkol sa kanilang mga suliranin pang-akademiko,
paggawa, kaugalian at iba pang aspeto na ginawa at sinuring mabuti. Ang mga
sumusunod ay mga pag-aaral na isinagawa tungkol sa mga iskolar at working
students: Ang mga iskolar at Working Students ay naudyok na magtrabaho para
sa kanilang sarili. Ang pinakarason sa pagtatrabaho nila ay upang mabawasan
ang problemang pinansyal ng kanilang mga magulang.

Teybol 8.1 Mga Negatibong Epekto ng Pagiging Varsity Player

OPSYON BILANG PORSYENTO

Pagbaba ng grado 10 28.57%

Pagliban ng klase upang magpraktis o 23 65.71%


magtrabaho

Pagkakasakit 4 11.43%

Iba pa 2 5.71%

Kulang sa oras
Palaging pagod

27
Teybol 8.2 Mga Negatibong Epekto ng Pagiging Working Student

OPSYON BILANG PORSYENTO

Pagbaba ng grado 14 40%

Pagliban ng klase upang magpraktis o 22 62.86%


magtrabaho

Pagkakasakit 8 22.86%

Iba pa 2 5.71%

Wala
Nagkukulang sa oras

Ipinapakita sa teybol na ito na ang negatibong epekto ng pagiging varsity


player o working student ay ang pagliban ng klase upang magpraktis o
magtrabaho. Sa pagiging varsity player o working student hindi maiiwasan ang
mga biglaang pangyayari kung kayat pati ang oras nila sa pagpasok sa klase ay
nahahati. Mahigit 60% ng mga working students at varsity players ang nagsabing
ang pagliban sa klase ang hindi magandang naidudulot ng pagiging varsity
player o working student.

Ang buhay ng estudyante ay maaaring maging mahirap. Para sa iba, ito


ay madali dahil kailangan lamang nilang mag-aral. Ngunit, hindi ito ang palaging
nangyayari. Tulad ko, sa SDSU, maraming estudyante ang nagtatrabaho at nag-
aaral ng sabay. Ang pagtatrabaho at pag-aaral ng sabay ay mahirap dahil nga
kadalasan ay hindi nagkakaroon ng sapat na oras ang mga estudyante para
gawin ang lahat ng kanilang kailangang gawin. Mahirap din na isipin kung ano ba
ang dapat nilang unahin na gawin. Sa hirap ng buhay ngayon, marami ang
walang trabaho o mga naghahangad na makakuha ng mas magandang trabaho.
Kailangan nilang maghanap ng pansamantalang trabaho at sumali sa iba`t ibang
samahan o maghanap ng mga kaibigang mayroong koneksyon para makahingi
ng tulong. Kung may kilalang tao na maimpluwensyahan, mas madaling
makakakuha ng trabaho pero ang karamihan ay hindi maswerteng nakakakilala

28
ng mga ganitong tao. Minsan, halos walang oras magpahinga ang mga
estudyante dahil nga nagtatrabaho at nag-aaral sila. At bilang estudyante,
siyempre mayroon ka pang mga kaibigan at pamilyang dapat intindihin.
Siguradong hihingian ka rin nila ng tulong. Isa pa, mas maraming oras din ang
kailangan mo kung ikaw ay makikipag-date pa maliban sa ilang bagay na dapat
nating gawin sa weekend tulad ng pagsi-simba, paglilinis ng bahay, at iba pa.
Talagang maraming bagay ang dapat gawin ng mga mag-aaral. Para sa iba,
mayroon silang prebilehiyo na ituon lamang ang oras sa pag-aaral. Ngunit
marami din ang nangangailangan na pagtuonan ng oras ang ibang bagay,
katulad ng pagtatrabaho. Ganoon pa man, kahit na mahirap ang mag-aral at
magtrabaho ng sabay, sinisikap at pinagbubuti ko ang lahat ng ginagawa ko.
Sana nga mayroon akong mas maraming oras para magawa ko ang lahat na
balak ko sa buhay para maging maganda ang aking kinabukasan.

Teybol 9.1 Paraan Kung Paano Nila Binabalanse ang Kanilang Oras sa
Pagiging Varsity Player

Mga Paraan ng mga Varsity Players BILANG PORSYENTO

Paggawa ng mga asignatura tuwing 13 37.14%


vacant

Pagpaplano kung anong leksyon o 23 65.71%


gawain ang uunahin

Pagbabasa habang nasa biyahe 3 8.57%

29
Teybol 9.2 Paraan Kung Paano Nila Binabalanse ang Kanilang Oras sa
Pagiging Working Student

Mga Paraan ng mga Working Students BILANG PORSYENTO

Paggawa ng mga asignatura tuwing 14 40%


vacant

Pagpaplano kung anong leksyon o 22 62.86%


gawain ang uunahin

Pagbabasa habang nasa biyahe 8 22.86%

Ipinapakita sa teybol na ito na 65.71% ng mga varsity players at 62.86%


ng mga working students ang nagpaplano kung anong leksyon o gawain ang
kanilang uunahin. Mas nababalanse ng mga varsity players at working students
ang kanilang oras kapag one-at-a-time ang kanilang gagawin. Nakaplano ang
mga ito at sinusunod ng tama.

Ayon sa librong pinamagatang "Time Management for Dummies" ni


Jeffrey J. Mayer (The Time Management Mind-Set) Sa dami ng mga gawain
natin lahat tayo ay pumapasok ng maaga at nagpupuyat halos gabi-gabi at halos
hindi na kumakain matapos lamang ang mga gawain. At kahit na ganoon, hindi
pa rin natin natatapos ang ilang importanteng gawain. At kung minsan ay
naghihintay pa tayo ng araw na walang masyadong gagawin upang matapos
lamang ang ibang gawain. Pero sa walo, sampu o labindalawang oras kada
araw. Ano nga ba ang ginagawa natin?Paraan Upang Magamit Natin ng
Mahusay ang Oras sa Pagbiyahe: Planuhin ang mga maaaring gawin habang
nasa bus, tren, jeep o tricycle. Planuhin ang mga gagawin kinabukasan. Planuhin
maging ang mga gagawin sa susunod pa na mga araw, linggo o buwan. Isipin
ang mga gagawin at ilagay ito sa listahan. Magtanong sa mga kakilala kung ano
ang mga dalat tapusin. Magrecord ng mga dapat kabisaduhin at pakinggan ito
habang nasa biyahe. Gamitin ang oras upang magsulat ng ilang dokumento.
Makinig sa balita.

30
Kabanata 5

LAGOM, KONKLUSYON, at REKOMENDASYON

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay nakalaan para sa paglalahad ng


lagom, mga konklusyong nabuo batay sa mga resulta ng pag-aaral at mga
rekomendasyon na iminungkahi ng mananaliksik. Isang maingat at maayos na
pag-aanalisa ang ginawa upang lubos na makamit ang isang tiyak at
makatotohanang mga pagpapatibay.

Lagom

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Pagkakaiba ng Study Habits ng


mga Varsity Players at Working Students: Isang Komparatibong Pag-aaral ay
isinaliksik upang malaman ang mga pangsosyo-demograpikong katangian ng
mga Working Students at Varsity Players at ang pagkakaiba ng kanilang Study
Habits.

Nakalap ang mga kinakailangang datos upang matugunan ang mga


suliranin at mapagtagumpayan ang mga layunin ng pag-aaral mula sa 35 na
Working Students at 35 na Varsity Players. Sa pag-aaral na ito, ang mga
respondante ay personal na binigyan ng mananaliksik ng talatanungan at ang
mga nakalap na datos ay itineybol at sinuri gamit ang Frequency Counts at
Percentage Means. Gumamit ang pag-aaral na ito ng pamamaraang deskriptib
upang mas maging organisado ang lahat ng mga datos at mas maging kapaki-
pakinabang ito sa mga mambabasa.

Karamihan sa mga nakalap na datos mula sa Working Students 65% ang


mas gustong magself-study at mula naman sa Varsity Players 65.71% ang mas
gustong magself-study. Ito ay marahil nagkukulang sila sa oras upang
magkaroon pa ng group study kasama ang kaibigan dahil mahaba ang panahon
ang kanilang ginugugol sa pagtatrabaho o pagprapraktis. 85.71% ng mga
Working Students ang nagtatrabaho ng higit sa tatlong oras at 42.86% naman ng
mga Varsity Players ang dalawang oras ang ginugugol sa pagpapraktis. 42.86%

31
ng mga Working students ang nagtatrabaho sa umaga at 57.14% sa mga Varsity
Players ang nagpapraktis sa Hapon.

Kadalasan sa bahay nag-aaral ang mga Working Students dahil batay sa


nakalap, 82.86% sa kanila ang gustong mag-aral sa bahay kaysa sa klasrum o
silid-aklatan. 37.14% ng mga Working Students ang nag-aaral sa loob ng isang
oras at 34.29% ang higit sa tatlong oras. Gayun din naman ang mga Varsity
Players kung saan 71.43% sa kanila ang mas madalas sa bahay mag-aral ngunit
48.57% sa Varsity Players ang ginugugol ang pag-aaral sa loob ng higit sa
tatlong oras at 42.86% ang nag-aaral sa loob ng isang oras.

May ibat ibang paraan ng pag-aaral at 42.86% ng Working Students ang


pinipiling mag-aral ng tahimik, at sumunod ang paulit-ulit na pagbigkas ng mga
salita kung saan 34.29% ng Working Students ang may pamamaraan na ganito.
Sa Varsity Player naman, 51.43% ang may paraan ng tahimik na pagrereview
ngunit ang sumunod ay 25.71% sa kanila ang may paraang paghihighlight sa
teksto mula sa libro o kwaderno.
Ang resulta ng komparatibong pag-aaral na ito ay ipinapakita na hindi
nagkakalayo ang Study Habits ng Varsity Player at Working Students.

32
Konklusyon
Sa isinagawang pag-aaral tungkol sa Study Habits ng mga Working
Students at Varsity Players, ang mga nabuong konklusyon ay ang mga
sumusunod:
Karamihan sa mga Working Students ang nagtatrabaho ng higit sa tatlong
oras kung kayat marami rin sa kanila ang madalas mag-aral sa bahay kumpara
sa klasrum o silid-aklatan. Karamihan din sakanila ay pinipili ang pagseself-study
at tahimik na pagrereview, kung kayat kapansin-pansin na 40% ng mga Working
Students ang may marka ng 2.01-2.25.
Sa mga Varsity Players naman, ang kanilang pagpapraktis ay kadalasang
dalawang oras lamang, ngunit mas pinipili pa rin nila ang bahay bilang lugar ng
pag-aaral at pagseself-study upang tahimik na makapagreview, kung
mapapansin ang 28.57% ng Varsity Player ang nakakakuha ng marka na 1.76-
2.0.
Ayon sa mga resultang nakalap, masasabing ang oras ay isang suliraning
nakakaapekto sa pag-aaral ng mga Working Students at maging ng mga Varsity
Players, dahil mas mapapansin na mas mahaba ang oras na ginugugol ng mga
Working Students sa pagtatrabaho kesa sa oras na ginugugol ng mga Varsity
Players sa pagpapraktis, kung kayat ito ay maaaring dahilan kung bakit mas
mababa ang kanilang marka kumpara sa mga Varsity Players.
Isa pa ay ang pagkakaroon ng magandang gawi sa pag-aaral at batay sa
resulta mula sa mga Working Students at Varsity Players ito ay ang pagpaplano
kung anong leksyon ang uunahin na nakakuha ng 62.86% mula sa Working
Students at 65.71% mula sa mga Varsity Players, ito ay kinakailangan upang
maiwasan ang negatibong epekto sa kanilang pag-aaral na pagliban sa klase
upang magpraktis o magtrabaho, na nakakuha ng 62.86% mula sa Working
Students at 65.71% naman mula sa Varsity Players at pagbaba ng grado, 40%
mula sa Working Students at 28.57% mula sa Varsity Players na kadalasang
nararanasan ng Working Students at Varsity Players.
Ayon sa nakalap na impormasyon, ang pagkakaroon ng magandang study
habits ay malaki ang naitutulong sa mga varsity players at working students sa
paraan nila ng pagbalanse ng kanilang oras. Makikita mula sa itinalang teybol na
33
mahigit sa 60% ng mga varsity players at working students ang nagpapalano
kung anong leksyon o gawain ang kanilang uunahin at paggawa nito sang-ayon
sa kung ano ang kanilang itinala. Ang paggawa ng mga paraang: pagpaplano ng
leksyon o gawain na uunahin, paggawa ng mga asignatura tuwing vacant, at
pagbabasa tuwing nasa biyahe ay ang mga pangunahing paraan ng mga
estudyante upang mabalanse ng tama ang kanilang oras at ito ay upang
maiwasan ang negatibong epekto na pagliban sa klase upang magpraktis o
magtrabaho, pagbaba ng kanilang grado at pagkakaroon ng sakit. Mahalaga
para sa isang estudyante ang pagkakaroon ng study habits lalo na sa mga
estudyanteng mayroong ibang pinagkakaabalahan.

34
Rekomendasyon
Ayon sa pag-aaral na ito ukol sa Pagkakaiba ng Study Habits ng Varsity
Player at Working Student, ang mananaliksik ay nakalikom ng ilang
rekomendasyon para sa lahat ng makababasa nito.
1. Inirerekomenda ng mananaliksik sa mga mag-aaral na Working Students at
Varsity Players na ipagpatuloy nila ang pagbabalanse ng kanilang oras at
panahon sa pagtatrabaho o pagpapraktis upang hindi maapektuhan ang kanilang
akademikong pag-aaral.
2. Sa mga magulang, inirerekomenda ng mananaliksik na patuloy ninyong
alagaan, gabayan at suportahan ang inyong mga anak, maging Working Student,
Varsity Player o Regular Student pa man yan.
3. Sa mga guro, lalong lalo na sa antas ng kolehiyo, maibigay natin ang mga
nalibang quiz, activity o asisnatura ng mga Varsity Players at Working Students
ng sa gayon ay makahabol sa mga leksyon.
4. Sa mga regular students, inirerekomenda ng mga mananaliksik na sa inyo
manggaling ang iba pang aksyon ukol sa pagtulong sa mga varsity player o
working student. Tayo na mas maluwag ang iskedyul kumpara sa mga varsity
player at working student ang manguna sa paggabay sa kanila, bigyan ng mga
photocopy ng mga notes o hand-out na wala sila, tulungan sa mga assignments
at sa mga leksyon na hirap nilang intindihin. Habaan din natin ang ating
pasensya kapag sila ay hindi nakasasama sa mga group projects o reports.
5. Inirerekomenda naman ng mananaliksik sa mga susunod na gagawa ng
pananaliksik na lawakan pa ang sakop ng pangangalap ng datos upang mas
maging kapaki-pakinabang ang gagawing pag-aaral sa mga mambabasa.
Kabilang din sa inirerekomenda ng mananaliksik na pahalagahan ang bawat
oras dahil ang gawaing ito ay hindi basta-basta lamang at sadyang may
sinusunod na sistema para mas maging maayos ang resulta ng kabuuan.

35
Bibliography

Mga Aklat

Agas,P.P., Carina, S.S., et al. (1999-2000) The Study Habits of Students at


Barangay Militar National High School, Palayan City.

Alvarez,C.B., Manipon, L.L., et al. (1999-2000) Cause of Poor Study Habits as


Perceived by the Teachers in Pearanda Central School, Pearanda, Nueva
Ecija

Crede, M. and Kuncel, N. (2008) Study Habits Meta-Analysis, Perspectives


on Psychological Science in Press, Vol. 3 (6), 425-453

Esguerra, D.G., Lacanilao, I.M., et al. (n.d.). Problems and Issues


Encountered by Sports and Cultural Scholars of Wesleyan University-
Philippines, Wesleyan University-Philippines

Gaspar, R.F., Mintac J.A., et al. (October 2001) Academic Performance of


Student Assistants at Wesleyan University- Philippines and Assessment,
Wesleyan University-Philippines

Hassanbeigi, A. et al. (2011). The relationship between study skills and


academic performance of university students. Procedia-Social and
Behavioral Sciences, Vol. 30. 1416-1424

Moore, S. (April 2005) How to be a Student, Open University Press

Mutsotso, S.N. and Abenga, E.S. (2010). Study methods for improving quality
learning and performance in higher education. Educational Research and
Review, Vol. 5 (12), 808-813

Nonis, S. and Hudson, G. (2006). Academic performance of college students:


Influence of time spent studying and working. Journal of Education for
Business, January/February 151-159.

36
Osa-Edoh, G. and Alutu, A. (2012) A Survey of Students Study Habits in
Selected Secondary Schools: Implication for counseling. Current Research
Journal of Social Sciences, Vol. 4 (3), 228-234

Rana,S. and Kausar, R. (2011) Comparison of study Habits and Aacademic


Performance of Pakistan, British and White British Students, Pakistan
Journal of Social and Clinical Psychology, Vol. 9, 21-26

Verde, M.V., Villareal, M.T., et al. (2014) Study Habits and Study Skills among
Graduation Education Students: Its Implication in the Academic
Performance of the Students, Wesleyan University-Philippines

Elektroniko

Connie R. (2010-2011). Kaugnayan Ng Study Habits Ng Mga Mag- Aaral Sa


Ikalawang Taon Ng Edukasyon Tungo Sa Akademikong Perpormans
Sapamantasan Ng Xavier. Retrieved from (n.d.). from:
https://www.scribd.com/doc/235368762/Kaugnayan-Ng-Study-Habits-Ng-Mga-
Ma
De Escobar V.M. (n.d.). Good Study Habits for College Students. Retrieved on
July 14, 2009 from: http://ezinearticles.com/?Good-Study-Habits-for-College-
Students&id=2231413

37
Biograpiya

Pangalan: Hanna Trish P. Arceo

Tirahan: Caridad Village, Cabanatuan City

Kapanganakan: Sept. 3, 1999

Contact no.: 0905 189 1615

Email: hannatrisharceo@yahoo.com

Edad: 16 Kasarian: Babae Taas: Timbang: Relihiyon: Roman Catholic

Magulang: Tatay: Joselito B. Arceo Nanay: Atty. Jennifer G. Patacsil-Arceo

Call Center Agent Abogado

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan University-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: HCPSMSHS Cabanatuan City 2011-2015
Elementarya: CECS Cabanatuan City 2008-2011

Pangalan: Mhica Chrizhelle Cariaga

Tirahan: Aduas Centro, Cabanatuan City

Kapanganakan: June 12, 1999

Contact no.: 09053971673

Email: acihmcariaga@yahoo.com

Edad: 16 Kasarian: Babae Taas: Timbang: Relihiyon: Roman Catholic

Magulang: Tatay Allan Diaz Nanay: Contessa Cariaga

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan Univeristy-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: Good Samaritan College Cabanatuan City 2011-2015
Elementarya: CNES Cabanatuan City 2008-2011

38
Pangalan: John Mharviric F. Esguerra

Tirahan: Cecilia Village, Cabanatuan City

Contact No: 0927 920 5189


Email: Esguerra.Johnny.167@gmail.com

Edad: 17 Kasarain: Lalaki Taas: 511 Timbang: 43kls Relihiyon:


Katoliko

Magulang: Tatay: Michael Esguerra Nanay: Minnie Esguerra

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan

Tertiarya: Weslayan University-Philippines Cabanatuan City 2015-

Sekondarya: Weslayan University-Philippines Cabanatuan City 2011-2015 3rd Honorable Mention

Elementarya: JPMMES Cabanatuan City 2005-2011 3rd Honorable Mention

Pangalan: Rucel Nicole G. Garcia

Tirahan: #038. J.Cea St. Matias Dist. Talavera, Nueva Ecija

Kapanganakan: September 05, 1998

Contact no.: 0905-289-5815

Email: rucel.garcia@yahoo.com

Edad: 17 Kasarian: Babae Taas: 55 Timbang: 65 kls. Relihiyon: Roman


Catholic

Magulang: Tatay Ruben C. Garcia Nanay: Maricel G. Garcia

OFW OFW

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan University-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: REH Montessori College Talavera 2011-2015 5th Honorable Mention
Elementarya: REH Montessori College Talavera 2005-2011 Salutatorian

39
Pangalan: Aaron Kyle Salonga

Tirahan:
Kapanganakan: Oct. 03, 1998
Contact no.: 09777891104
Email: aaronkyle_salonga@yahoo.com
________________________________________________________________

Edad: 17 Kasarian: Lalaki Taas: 5'7 Timbang: 60kg Relihiyon: Protestant

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan University-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: Gen. Tinio National High School General Tinio 2010-2015
Elementarya: Gen. Tinio East Central School General Tinio 2007-2010

Pangalan: Rachelle Sigue


Tirahan: 132 Melencio St. Cabanatuan City
Kapanganakan: January 11, 1999
Contact no.: 09179586973
Email: rachelle_sigue22@yahoo.com

________________________________________________________________
_____
Edad: 17 Kasarian: Babae Taas: 5'2 Timbang: 60kgs Relihiyon: Roman
Catholic
Magulang: Tatay N/A Nanay: Myralyn Sigue

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan University-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: College of the Immaculate Conception Cabanatuan City 2011-2015
Elementarya: College of the Immaculate Conception Cabanatuan City 2005-2011

40
Pangalan: Cristiana M. Teao

Tirahan: Talabutab Norte General M. Natividad Nueva Ecija

Kapanganakan: October 19, 1998

Contact no.: 09169969805

Email: Cristianateano@yahoo.com

Edad: 17 Kasarian: Babae Taas:5'0 Timbang: 50kgs Relihiyon:


Methodist

Magulang: Tatay Crisanto R. Teao Nanay: Ivory M. Teao

Paaralan Lokasyon Taon Karangalan


Tertiarya: Wesleyan University-Philippines Cabanatuan City 2015-
Sekondarya: Our Lady Of Fatima Academy Poblacion, Natividad 2011-2015
Talabutab Norte Elementary Talabutab Norte
Elementarya: School Natividad 2005-2011

41

You might also like