You are on page 1of 4

A.T.

: Pananaliksik
Paksa: Edukasyon
Pamagat:

Ang Kto12 Program ng gobyerno ng Pilipinas ay tumutukoy sa pagkakaroon


ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2 taon sa dating 10-year Basic
Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng anim na taon sa elementarya at apat na taon sa
hayskul (kabuuang 10 taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng
Kto12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa karagdagang 2 taon pagkatapos
ng apat na taong hayskul. Sa bagong sistema, tinatawag na senior high school o junior
college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng hayskul sa lumang sistema ay tinatawag
naming junior high school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic
Education sa ilalim ng Kto12. Sa loob ng dalawang taon sa Senior High ay maaaring mamili ang
isang estudyante ng kanyang espesyalisasyon na Technical/Vocational course o isport at iba pang
pagpipilian. Kasama rin dito ang pagpatutupad ng mother-tongue-based multilingual education
program, o ang paggamit ng wikang kinagisnan sa pagtuturo sa mga mag-aaral ng Grade 1
hanggang 3.

Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng kindergarten sa mga


pampublikong paaralan. Noon namang School Year 2012-2013 ay sisimulan na ang
implementasyon ng Kto12 curriculum sa Grade 1 (elementarya) at Grade 7 (unang taon sa junior
high school). Unti-unting ipapatupad ang Kto12 curriculum hanggang sa makagraduate ang
unang batch ng senior high school sa School Year 2017-2018. Batay sa plano ng gobyerno,
ngayong School Year 2018-2019 pa lang makapagsisimulang kumuha ng bachelor’s degree sa
kolehiyo/unibersidad ang unang batch ng senior high school na dumaan sa Kto12.

Ayon sa DepEd, mababa ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan daw


ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa. Sa buong Southeast Asia raw, ang
Pilipinas na lang ang may 10-year Basic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa
Basic Education Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas daw ang isa sa 3 bansa na may 10-year
Basic Education Cycle. Sa lumang sistema raw, pagkagraduate ng hayskul ay di pa rin handa
para magtrabaho ang mga estudyante (masyado pang bata para makapagnegosyo at iba pa).
Hindi rin daw handang magkolehiyo ang maraming graduate ng hayskul sa lumang sistema.

Dahil sa lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala o nirerecognize ng ibang
bansa ang mga propesyunal na grumaduate sa Pilipinas. Sa Amerika, kailangan daw ang 12 taon
ng Basic Education para sa mga engineer. Sa Europa naman, kailangan daw ng 12 taon ng Basic
Education para sa mga gustong mag-aral sa mga unibersidad doon at para sa mga gustong
magtrabaho bilang propesyunal doon.

Tinatayang 150 bilyong piso ang magagastos para sa karagdagang guro, libro at klasrum
pa lamang. Hanggang ngayon, di pa rin nililinaw ng gobyerno kung saan kukunin ang ganitong
kalaking pera. Suportado (at talagang matagal nang itinutulak) ng World Bank ang Kto12
Program kaya may posibilidad na sa karagdagang utang manggaling ang pera para sa Kto12.
Kamakailan, lumabas din ang balita na inirerekomenda ng World Bank sa gobyerno ng Pilipinas
na magtaas at magdagdag ng bagong buwis. Kung hindi utang, karagdagang buwis ang
pagmumulan ng pondo para sa Kto12 dahil wala namang ibang source ang Pilipinas.

Ano nga ba ang kabutihang dulot ng bagong sistemang ito?


Una, pinapatibay at pinapahalagahan ang Early Childhood Education sa Kindergarten. Ang
unang 6 na taon ng isang bata ay ang mga kritikal na taon para sa brain development.
Ikalawa, idinagdag sa curriculum ang makabuluhang life lessons tulad ng pagbubukas ng
diskusyon at pag-aaral tungkol sa Disaster Risk Reduction, Climate Change Adaptation, at
Information & Communication Technology (ICT), na sadyang mahalaga sa mga mag-aaral na
Pilipino.
Ikatlo, may integrasyon at Seamless Learning o Spiral Progression—ang pag-uulit ng pag-aaral
ng mga konsepto at aralin mula pinakasimple hanggang sa pinakakomplikado, sa bawat grado o
baitang. Inaayon ito sa edad ng mga mag-aaral, kaya’t higit na naiintindihan at naaalala ang
bawat aralin.
Ika-apat, itinuturo ang mga aralin gamit ang sariling wika, o tinatawag na Mother Tongue-
Based Multilingual Education sa unang 3 baitang, bago ituro ang ikalawang wika tulad ng
English. May 12 mother tongue languages na sinimulang gamitin sa pagtuturo noong 2012-2013:
Bicolano, Cebuano, Chavacano, Hiligaynon, Ilokano, Kapampangan, Maguindanaoan, Maranao,
Pangasinense, Tagalog, Tausug at Waray. Idinagdag din ang Aklanon, Ibanag, Ivatan, Kinaray-a,
Sambal, Surigaonon at Yakan ng sumunod na taon.
Ika-lima, may pitong learning areas at tatlong specialization na maaaring pagpilian ang mga
mag-aaral para sa senior high school, ang 2 taon ng specialized upper secondary education. Ang
Core curriculum learning areas ay languages, literature, communication, mathematics,
philosophy, natural sciences at social sciences.
Ika-anim, itinuturo ang information, media at technology skills, learning at innovation skills,
communication skills at life at career skills, para lumaking handa sa lahat ng pagsubok lalo na
bilang isang adult.

Ang nabago sa High School o Sekondaryang Aralin

Junior High School ang tawag sa dating 4 na taon ng high school. Ang Senior High
School naman ang ika-11 at ika-12 taon, na naghahanda sa mga kabataan para sa kanilang
pagtatrabaho. Ito ang specialized upper secondary education, na base sa kakayahan at interes ng
isang mag-aaral.

Maaari na silang mag-apply ng TESDA Certificates of Competency (COCs) at National


Certificates (NCs) para makapagtrabaho ng ayon sa kakayahan nila. May technical, vocational at
entrepreneurship courses sila. Kung nais pa nilang magpakadalubhasa, maaari nilang ipagpatuloy
ang pag-aaral sa kolehiyo. Sa tulong ng Commission of Higher Education (CHED), magiging
sapat ang kaalaman at kakayahan ng isang mag-aaral na nakatapos ng Senior High School, para
makapagtrabaho na ng bokasyonal o magnegosyo, o magtuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.

May mga maaaring piliin para sa specialization, o "specific tracks” o patutunguhan ng


espesyalisasyon:

1. Academic (para sa kolehiyo): Accountancy, Business & Management (ABM),


Humanities & Social Sciences (HUMSS) Science, Technology, Engineering &
Mathematics (STEM), General Academic Strand (GAS).
2. Technical-Vocational-Livelihood, ang para sa technical at vocational learning. Kasama
ang Home Economics, Industrial Arts, Agricultural at Fishery Arts, Information, at
Communications Technology,
3. Arts and Design
4. Sports

At ang bagong dagdag na Maritime.

Ang K to 12 ang sinasabing naghahanda sa bawat Pilipinong mag-aaral para sa mas


mabuting kinabukasan dahil mas matibay ang pundasyon nito. May mga certification na
maaaring kunin ang mga mag-aaral sa bawat baitang pagkatapos ng elementarya, na nagsasanay
at naghahanda sa kakayahang pang bokasyonal at may specialization, tulad ng Certificate of
Competency (COC) sa Grade 9 at 10, halimbawa.
Maraming naging problema nang agad na ipinatupad ang mandatory kindergarten: kulang
ng silid-aralan, kulang ng guro at mababa lang din ang sweldo ng mga guro sa kindergarten.
Noong School Year 2012-2013, ayon sa ACT Teachers Partylist, kulang ng 132,483 guro,
97,685 silid-aralan at 153,709 pasilidad sa tubig at sanitasyon ang mga pampublikong paaralang
elementarya at hayskul sa Pilipinas. Mismong ang Department of Education ay umaamin na may
kulang pa ring guro at pasilidad ang mga pampublikong paaralan dahil sa kakulangan ng pondo.

Samantala, may problema rin ang Kto12 curriculum na ipapatupad noong School Year
2012-2013. Una, minadali ang paggawa sa curriculum na ito (ngayong summer lang ng 2012 ito
ginawa). Mas malala ang problema sa hayskul dahil noong 2010 ay may inilabas nang
curriculum ang DepEd. Kumbaga, mainit-init pa ang 2010 curriculum ay may bago na naman
kaya laganap ang pagkalito ng mga guro at maging ng mga administrador. Sa katunayan, noong
panahaon na iyon, di pa tapos ang implementasyon ng 2010 curriculum sa hayskul (ang
curriculum na ito’y tinatawag na 2010 Secondary Education Curriculum o 2010 SEC). Pinupuna
rin ng ibang guro ang pag-adopt ng ilang bahagi ng Kto12 curriculum sa mga tema ng isang
institusyong pang-edukasyon sa Amerika gaya ng nangyari sa draft ng curriculum para sa
Araling Panlipunan.

Noong May 28, 2012, tumatanggap pa rin ng suhestyon atbp. ang Bureau of Secondary
Education ng DepEd hinggil sa curriculum ng 3rd Year sa hayskul sa ilalim ng 2010 SEC na ayon
sa website nila ay “DRAFT” pa lang. Tumatanggap pa rin sila ng suhestyon hinggil sa Kto12
curriculum para sa Grade 7-12 (samakatwid, “draft” lang din ang Kto12 curriculum). Sa
kabuuan, ang prosesong sinunod sa pagbubuo ng Kto12 curriculum ay top-down: mga eksperto
ang namamahala sa pagbuo ng curriculum at halos walang papel ang mga simpleng gurong
aktwal na nasa field.

Problematiko rin ang kasabay na pagpapatupad ng Kto12 at ng Mother Tongue-Based


Multilingual Education (MTB-MLE) ng DepEd: hati ang oras at resources ng ahensya para
sa training ng mga guro.

Mabuti nga ba ang mga pagbabago?

Halos 6 na taon na ang nakalipas mula ng sinimulang ipatupad ang bagong sistemang ito
sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa buong Pilipinas. Maraming sumalungat noon pa
lamang, ngunit sa ngayon, may karamihan na rin ang may nakikitang kabutihan at positibong
resulta ang programang ito.
Ayon sa mga guro at mga mag-aaral na rin na nagsimula na ng K to 12 program sa
kanilang mga paaralan, isa sa mga kabutihan nito ay ang pagkakaroon ng mga asignatura at
araling praktikal at nagagamit ng mga mag-aaral sa araw-araw na pamumuhay. Ang mga aralin
ngayon ay may practical application na, ika nga. At dahil nga mas maraming taon ang pag-aaral
at paghahanda, nagiging competitive ang Pilipino kapag nag-aaply sa ibang bansa. Sunod na kasi
sa education requirements na pang-international, na higit sa 10 taon, base nga sa programa sa
mga mauunlad na bansa.

Para sa mga guro


Para sa mga matagal nang nagtuturo, sinasabi nilang hindi sapat ang panahon ng
paghahanda para mapatupad ng tuluyan ang programang ito. Pakiramdam pa rin ng mga guro na
napakarami pang problemang at balakid para makamit ang primary goal ng DepEd para sa K to
12 program. “Iba kasi ang nagiging produkto, dahil hindi pa naman handa para sa
implementasyon,” kwento ng isang guro na 20 taon nang nagtuturo sa Public School. Hindi daw
kumpleto ang mga materyal, wala pang textbooks, at hindi pa makasabay sa requirement ng
programa lalo na sa Public school dahil wala namang internet, computer at telebisyon. Kaya ang
resulta, hindi pa nila tuluyang nararamdaman ang pagbabago, kahit 6 na taon na itong
pinapatupad.
Malayo pa nga siguro ang tatahakin ng programang pang-Edukasyon ng Pilipinas bago
tuluyang marating ang ninanais nitong progresibong sistema para sa ating mga kabataan. Marami
ang naniniwala na simula ito ng magandang kinabukasan. Kailangan lang talagang paigtingin at
pagsikapan ang pagsasaliksik at patuloy na paghahanda para maging mas makabuluhan ang
pagbabago.

You might also like