You are on page 1of 17

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan
(Linggo: Una)
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Miraflor R. Samorin
Editor: Janicevel G. Alanano
Tagasuri: Rodita T. Plaza,Ed.D Rosa Leah E. Dagoy
Janicevel G. Alanano Segundina T. Calitizen
Miraflor R. Samorin Geraldine Q. Cano
Tagaguhit:
Tagalapat: Miraflor R. Samorin
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Nilita L. Ragay, Ed.D. Maricel S. Rasid
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao

Ikaapat na Markahan – Modyul 1:


Buhay Buhay nasa
na Mula Mula sa Diyos,
Diyos, Pahalagahan
Pahalagahan
(Linggo: Una)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Buhay na Mula sa
Diyos, Pahalagahan !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pangdalawampu’t isang siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga T al a par a sa Gur o


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo
na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang
mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong
tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan
sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga
sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Aralin 1: Buhay na Mula sa Diyos, Pahalagahan

Alamin

Most Essential Learning Competency (MELC)

 Napahahalagahan ang lahat ng mga likha: may buhay


at mga materyal na bagay. (EsP4PD- IVa-c–10)

Layunin:
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagbubuo nang paraan kung paano pahalagahan ang
buhay na ipinagkaloob ng Diyos.
2. Naisasakatuparan ang mga gawain at naipapakita ang
pagpapahalaga ng kaibahan ng tao sa hayop na parehong
nilalang ng Diyos.
3. Nakapagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa at pagmamahal
sa Maylikha.

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Isulat mo ang iyong


gagawin at dahilan sa bawat sitwasyon sa iyong kwaderno.

1. Napanood mo sa telebisyon ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyo


sa Tacloban. Maraming nangangailangan ng pagkain, gamot at damit.
Gagawin:_____________________________________________
Dahilan:_______________________________________________

1
2
2. Si Lola Amanda na 78 taong gulang ay mag-isang naninirahan sa
kanyang bahay sa Brgy. San Pedro, Vigan City.Nasa Sultan Kudarat
ang kanyang mga kaanak. Napansin mong lagi siyang malungkot at
nakatingin sa malayo.
Gagawin:________________________________________________
Dahilan:_________________________________________________

3. Nasira ang bahay ng pamilyang Santos dahil sa malakas na lindol.


Wala silang matutuluyan.
Gagawin:________________________________________________
Dahilan:_________________________________________________

Balikan

Pag-aralan ang ipinahihiwatig na mensahe. Dugtungan ang mga lipon


ng mga salita upang makabuo ng isang pahayag na nagpapakita ng
pagpapahalaga at pangangalaga sa ibat- ibang bahagi ng iyong
katawan. Gawin ito sa iyong kwaderno.

May mga mata ako upang_____________________________________


Dahil dito dapat kong________________________________________

May mga tainga ako upang____________________________________


Dahil dito dapat kong________________________________________

May puso ako upang ________________________________________


Dahil dito dapat kong________________________________________

May mga kamay ako upang___________________________________


Dahil dito dapat kong________________________________________

May bibig ako upang_________________________________________


Dahil dito dapat kong________________________________________

32
Tuklasin

“Alam Ko Na!”
Noon, madalas akong kumain ng fries at uminom ng soft drinks
tuwing recess. Sa pananghalian, pritong manok o kaya’y sinigang na
baboy lamang ang gusto kong kainin. Ayaw na ayaw kong makakita ng
ampalaya, kalabasa, kangkong, o anumang gulay. Mas nanaisin ko
pang kumain ng tsokolate mula sa refrigerator kaysa kumain ng saging
o atis.
Madalas ay nanonood lamang ako ng telebisyon o naglalaro ng
computer games.Mahilig din akong magbabad sa harap ng laptop at
mag-upload ng selfie pictures sa facebook o makipag-text sa mga
kaibigan. Madalas, puyat, pero ayos lang sa akin, ikinatutuwa at masaya
naman ako sa ginagawa ko.
Ilang panahon ang lumipas, napansin ko na bumibigat ang aking
timbang. Ako’y nagtataka. Bakit ako nanghihina gayong malakas naman
akong kumain? Bakit madalas sumasakit ang aking mga mata? Parang
kinakailangan ko nang gumamit ng salamin dahil lumalabo na ang aking
paningin. Madalas ay nagkakasakit ako. Laging bugnutin at umikli ang
aking pasensya. Ang aking mga kaibigan, kamag-aral at pamilya ay
napansin ang pagbabago ng aking ugali.
Dahil sa mga pagbabagong ito ay bumaba ang aking grado.
Iniiwasan din ako ng aking mga kamag-aral at kaibigan dahil madali
akong mapikon sa mga biro na naging sanhi ng aking pagiging bugnutin.
Naninibago ako sa mga nangyari. Napagtanto kong hindi ito ang
gusto ko. Hindi rin ito ang pinangarap ko.
Tandang-tanda ko pa ang pangaral ni Inay at Itay.” Anak, ingatan
mo ang iyong sarili. Handog ito sa iyo ng Diyos.Ang bawat handog ng
Diyos ay may kaakibat na pananagutan.”
“Tama si Inay at si Itay”, wika ko sa aking sarili.

34
Suriin
n
Sagutin ang mga tanong:
1. Anu-ano ang mga paboritong kainin at madalas gawin ni Adrian? Itala
ang mga ito.
______________________________________________________
______________________________________________________
2. Paano makaapekto ang mga ito sa kaniyang:
a. ugali____________________________________________
b. kalusugan________________________________________
c. pakikipagkapwa-tao________________________________

3.Kung ipinagpatuloy ni Adrian ang ganitong gawi, ano kaya ang


magiging epekto nito sa kaniyang:

a. Sarili__________________________________________
b. Kapuwa________________________________________
c. Relasyon sa Diyos________________________________

Biyaya ng Diyos ang pagpapahalaga natin sa


kalusugan ng ating katawan at isipan. Ito ay
nagbibigay daan upang malinang sa atin ang ugaling
kumain ng tamang pagkain at magkaroon ng sapat na
oras sa pagtulog, pamamahinga at ehersisyo.
Gayundin ang pagiging malinis at maayos sa ating
mga sarili. Lagi nating tandaan na “Ang kalusugan ay
kayamanan” Sinuman at lalo’t higit ang Diyos ay
magiging masaya kung inaalagaan natin ang ating
kalusugan at pangangatawan.
Handog ng Diyos ang ating buhay. Nararapat
lamang na atin itong ingatan at pahalagahan para sa
sarili natin at para sa iba na nagmamahal sa atin.

4
5
Pagyamanin

Suriin ang sumusunod na pangungusap. Lagyan ng ( ) ang iyong


pinaniniwalaang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Madalas Paminsan- Hindi ko
Ako ba ay…. minsan ginagawa
1.nanunukso sa aking kaklase
2.namimintas sa pananamit ng iba
3.nakikinig kapag may nagsasalita
4.nagtatakip ng aking bibig kapag
umuubo, bumabahin, o naghihikab
5.nagpapasalamat sa taong pumuri
sa aking pagbati sa bago kong
kamag-aral
6.humihingi ng tawad kapag
nakasakit ng iba
7.nagbibigay ng aking upuan sa
nakatatanda
8.nakikinig sa nagsasalita
9.nakikipag-unahan sa pila
10. tinatawag ang kapwa tao gamit
ang kanilang pangalan

Isaisip

Sagrado ang buhay! Ito ang pinakadakilang kaloob ng Diyos


sa atin.

Mahalaga na maunawaan natin ang layunin sa buhay.


Ang ating buhay ay hindi natin sarili. Ibig ng Diyos na ihandog
natin ito sa ating kapwa o sa ibang buhay na Kaniyang nilikha. Ibig ng
Diyos na ating padaluyin ang buhay para sa ibang tao. Kung gayon,
pananagutan nating mahalin, igalang at pahalagahan ang ating kapwa.

5
6
Maraming paraan upang pahalagahan natin ang ating kapwa tao.
Karaniwan sa mga ito ay ang pagtugon sa kanilang pangangailangan sa
panahon ng kahirapan. Madalas na nangyayari ito sa panahon sa
kalamidad tulad ng bagyo, baha at lindol. Huwag din nating kaligtaan
ang mga pagkakataong kailangan nila ang ating tulong o kalinga sa
panahon ng kahirapan at problemang kinasusuungan.
Naipakikita rin ang pagpapahalaga sa iba sa paglutas ng mga
suliranin para sa kapakanan ng higit na nakararami.
Ang pagpapahalaga sa ibang tao ay maipamamalas sa
pamamagitan ng pagdamay sa kanila sa panahon ng kalungkutan, sa
kanilang pag-iisa, sa mga panahong nangangailangan sila ng karamay.
Sa kabila ng paghihirap at pagdurusa, nakasisilip tayo ng pag-asa dahil
sa kapwang handang dumamay, tumulong at kumalinga.

Isagawa

Basahin ang mga sitwasyon sa unang hanay. Sa ikalawang hanay


lagyan ng tsek (⁄) kung ito ay ginagawa mo at, ekis (X) kung hindi. Sa
ikatlong hanay naman ipaliwanag ang dahilan ng iyong mga sagot.
Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Sitwasyon ⁄ o X Paliwanag
Nag-eehersisyo ako
araw-araw
Naghuhugas ako ng paa
pagkahubad ng sapatos
Nagpapahinga ako
pagkatapos ng pagdidilig
ng mga halaman
Naliligo ako pagkatapos
maglaro ng basketball
Madalas akong kumain
ng hotdog,tocino, at
barbecue

76
Tayahin

Sa iyong kwaderno, gumawa ng isang pangako o resolusyon na


nagpapahayag ng mga gawain upang matamo ang kapayapaang
panloob.

PANGAKO KO, TUTUPARIN KO

Ako,________________________________________________bilang
Isang nilikha ng Diyos ay nangangakong______________________________
Simula___________________________________upang_________________
__________________. Naniniwala ako na_____________________________
Dahil___________________________________________________________

_____________
Lagda

Karagdagang
Gawain

Sagutin sa iyong kuwaderno.

Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa


buhay mo, kapwa mo, at sa lahat na nilikha ng
DIYOS?

87
Susi sa
Pagwawasto

Answer may vary Answers may vary

Balikan: Pagyamanin:

Answers may vary Answers may vary

Suriin: Karagdagang Gawain:

may vary Answer may vary


Answer may vary
Answer
Isagawa:
Subukin: Tayahin:

Sanggunian
Abac, F.E. (2015). Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Unang Edisyon. Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education, Curriculum and Instruction Strand. K12 Most Essential
Learning Competencies (MELC's). Pasig: Department of Education, 2020.
Oriental, DepEd - Schools Division of Negros. DLP in EsP IV . Dumaguete: DepEd -
Schools Division of Negros Oriental, 2018.

89
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education– Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental
Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

910

You might also like