You are on page 1of 16

Edukasyong Pantahanan at

Pangkabuhayan
(Home Economics)
Modyul 4:

Wastong Paglilinis ng
Tahanan at Bakuran

ii
Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Wastong Paglilinis ng Tahanan at Bakuran
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi
sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng
ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristina R. Imperial


Editor: Joan G. Camasura
Tagasuri: Roger S. Tamondong
Rodolfo F. De Jesus PhD
Rebecca C. Kalaw
Tagaguhit: Mike Armentia
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes, Heidee F. Ferrer
Tagapamahala: Jenilyn Rose B. Corpuz, CESO VI, SDS
Fredie V. Avendaño, ASDS,
Ebenezer A. Beloy, OIC-CID Chief
Heidee F. Ferrer, EPS – LRMS
Roger S. Tamondong, EPS - AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlunsod, Lungsod Quezon


Kagawaran ng Edukasyon, Pambangsang Punong Rehiyon
Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Telefax: 3456-0343
E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com
4
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan

Modyul 4:
Wastong Paglilinis ng
Tahanan at Bakuran
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP) 4 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para
sa araling Wastong Paglilinis ng Tahanan at Bakuran.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa
iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4
(Home Economics) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa
Wastong Paglilinis ng Tahanan at Bakuran
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan o tahanan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


matutuhan sa modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa
maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay
upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang
maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga
Pagwawasto gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

iii
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan
Sanggunian sa paglikha o paglinang ng modyul na
ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul


na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Kasiya-siyang pagmasdan ang isang malinis na tahanan at bahagi nito


ang ating bakuran.Maaliwalas sa pakiramdan at nakadaragdag ito sa
kagandahan ng ating pamamahay kaya ang modyul na ito ay ginawa
upang matutuhan ang araling ito.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matutukoy


mo ang mga sumusunod:

1. nasasabi ang mga hakbang sa wastong paglilinis ng bahay at bakuran;


2. naisasagawa ang wastong paglilinis ng bahay at bakuran; at
3. nagagamit ng wasto ang mga kagamitan sa paglilinis ng bahay at
bakuran.

Subukin

Panuto: Alin-alin sa mga sumusunod ang mga gawaing nauukol sa


wastong paglilinis ng tahanan at bakuran. Sa iyong sagutang papel,
lagyan ng tsek (√) ang bawat angkop na bilang .

__________1. Pagpupunas ng mga kasangkapan.


__________2. Pag-aalis ng agiw sa kisame at dingding.
__________3. Pagbubunot ng mga damong ligaw na tumutubo sa paligid.
__________4. Pagdidilig ng mga halaman.
__________5. Pagluluto ng pagkain para sa mga anak.
__________6. Pagtatapon ng basura.
__________7. Paglilinis ng kanal.
__________8. Pag-aaral ng leksiyon.
__________9. Pag-aayos ng mga gamit sa kabinet.
__________10. Paglalampaso ng sahig.

1
Aralin
Wastong Paglilinis ng Tahanan at
4 Bakuran

Sinasalamin ng malinis na tahanan ang isang masaya at nagkakasundo


na kasapi ng pamilya. Mula sa mga magulang hanggang sa
nakababatang kapatid ay dapat na tulong-tulong sa pagganap ng
tungkulin ayon sa kanya-kanyang kakayahan sa pagpapanatili nang
masinop, maayos at malinis na tahanan at bakuran.

Balikan

Mula sa nakaraang aralin ay ating napag-aralan ang iba’t ibang mga


kagamitan sa paglilinis ng tahanan. Tukuyin ang mga sumusunod. Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

2
Mga Tala para sa Magulang

Inaasahan po ang masusing paggabay sa inyong mga


anak sa pagsagot sa modyul na ito. Hangad po naming ang
inyong pakikiisa upang lalong matuto ang iyong mga anak

Tuklasin

Ang malinis at maayos na


tahanan at kapaligiran ay
kawili-wiling tingnan. Sa
pagtutulungan ng mga
mag-anak sa paglilinis ng
tahanan malilinang sila
sa magagandang katangiang
https://bit.ly/2N38oOc
pangkatauhan tulad ng
kasipagan at pagmamahal
sa paggawa. Bahagi ng
ating pang araw-araw
na pamumuhay ang
pagkakaroon ng isang malinis
at maayos na tahanan at
kapaligiran. Muli, pagmasdan
ang mga larawan. https://bit.ly/3fwxkd5

3
Suriin

Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang malaki ang magagawa mo upang


makatutulong sa paglilinis ng inyong tahanan at bakuran.
Narito ang mga mungkahing gawain upang makatulong ka sa paglilinis.

Paglilinis ng Tahanan

a. Pagwawalis – Gumamit ng walis-tambo sa pagwawalis ng sahig.


Dahan-dahan ang pagwawalis upang hindi lumipad ang alikabok. Simulan
sa mga sulok at tabi ng mga silid patungong gitna ang pagwawalis.
Gumamit ng pandakot at dakutin agad ang naipong dumi.
b. Pag-aalis ng alikabok – Ang mga kasangkapan ay madaling
maalikabukan. Kailangang punasan ang mga ito araw-araw. Ang lumang
damit o lumang kamiseta ay mainam gamitin kung malambot at hindi
nag-iiwan ng himulmol. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi
ng mga kasangkapan, pababa. Ang mga dekorasyon at palamuti ay
kailangang punasan din.
c. Paglalampaso ng sahig – Ang paglalampaso ng sahig na gamit ang
mop ay ginagawa pagkatapos walisan ang sahig. Basain at pigain ang
mophead. Ilampaso ito sa sahig sa pagitan ng muwebles, sa sulok, at
ilalim ng mesa at cabinet. Kapag marumi na ang mophead, banlawan sa
isang timba na katamtaman ang dami ng tubig o itapat ito sa gripo at
yugyugin hanggang sa maalis ang dumi. Pigain at gamiting muli.
d. Pagbubunot – Binubunot ang sahig upang kumintab. Punasan muna
ang sahig bago lagyan ng floorwax. Gawing manipis at pantay-pantay ang
paglalagay. Patuyuin muna ito bago bunutin. Punasan ng tuyong basahan
upang lalong kumintab.

Ilang Paraan ng Paglilinis ng Bakuran

1. Ugaliin ang pagwawalis sa loob at labas ng bakuran. Tapat mo, linis


mo.
2. Diligan ang mga halaman araw-araw. Paminsan-minsan, lagyan ito
ng patabang organiko at bungkalin ang lupa sa paligid ng halaman.
3. Gupitan din ang mga halaman kung kailangan upang gumanda ang
hugis at haba ng mga sanga at maging malusog ang halaman.

4
4. Kung magtatapon ng basura, paghiwalayin ang nabubulok at hindi
nabubulok. Ang mga tuyong dahon ay mga basurang nabubulok at
maaaring gawing pataba. Ang mga hindi nabubulok gaya ng mga
bote at plastik ay maaaring ipagbili o gamiting muli (recycle).
5. Kinakailangang takpan ang mga basurahan upang hindi pamugaran
ng daga, langaw, ipis, at iba pang mga insekto.
6. Bunutin ang mga damong ligaw hanggang sa mga ugat upang hindi
kaagad tumubo ang mga ito. Isama sa compost ang mga binunot
na damo o ibaon sa lupa upang maging pataba.
7. Siguruhing ang mga kanal o daluyan ng tubig ay dumadaloy nang
tuloy-tuloy upang hindi pamahayan ng mga lamok at upang
makaiwas sa sakit na dengue.

Pagyamanin

Unang Gawain
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang isulat ito sa
sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod ang kailangang gawin araw-araw?
a. pag-aayos ng mga muwebles c. paglilinis ng kisame
b. paglalagay ng floor wax d. pagwawalis ng sahig
2. Kabilang sa pang lingguhang gawain ay ang _______.
a. kahit kailan c. pagliligpit ng kinainan
b. pag-aayos ng kabinet d. pagpupunas ng mga muwebles
3. Ang pagtatapon ng basura ay dapat gawin ___________.
a. araw-araw c. linggo-linggo
b. buwan-buwan d. paminsan-minsan
4. Unahing walisin ang _______________pababa sa sahig.
a. banyo b. bintana c. kisame d. sulok
5. Ang paraan ng pagwawalis ng silid ay ginagawa mula sa _______
papuntang gitna.
a. bintana b. hagdanan c. salas d. sulok

5
Pangalawang Gawain
Panuto:Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B. Gawin ito sa iyong
sagutang papel
__________1. ginagawa araw-araw a. basahang tuyo
__________2. panlinis sa sahig b. floor polisher
__________3. pamunas sa kasangkapan c. hukay na basura
__________4. pinagbabaunan ng basura d. lampaso
__________5. makabagong walis e. pagwawalis
f. sulok

Isaisip

Ang tulong-tulong na paggawa ng mag-anak ay kailangan upang


maging malinis at maayos ang tahanan. Ang pagsunod sa wastong
paraan ng paglilinis ng tahanan ay may malaking maitutulong upang
makatipid sa oras, salapi, at lakas.
Ang malinis na bakuran ay nakapagpapaganda ng tahanan at ng
pamayanan. Ito ay nagdudulot ng kasiyahan sa buong mag-anak.
Nasasalamin din sa malinis na bakuran ang pagtutulungan ng bawat
kasapi ng mag-anak.

Isagawa

1. Tumulong sa paglilinis ng kani-kanilang tahanan at bakuran.


Suriin ang checklist sa ibaba kung nasunod ito. Palagdaan ang
ginawang checklist sa magulang.Gawin ang checklist sa hiwalay
na papel.

Mga Gawain/Pamamaraan OO HINDI


1. Ginamit ang walis tingting sa pagwawalis ng mga tuyong
dahon sa loob at labas ng bakuran.
2. Ginamit ang pandakot sa pagdampot ng basura at inilagay
ito sa basurahan.
3. Nasunod ang wastong paraan ng pagbubunot ng damo
4. Pinaghiwalay ang mga basurang nabubulok at di-nabubulok.
5. Diniligan ang mga halaman gamit ang rigadera

6
Tayahin

A.Panuto: Piliin ang wastong karugtong ng pangungusap sa loob ng


kahon. Isulat sa sagutang papel ang angkop na sagot sa
bawat bilang:

a. binubunot b. dahan-dahan
c. pababa d. sulok
e. timba f. tuyong basahan

1. Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan. Kailangang


punasan ang mga ito ng _____ araw-araw.
2. Ang sahig ay ______ upang kumintab.
3. Ang pagwawalis ng sahig ay ginagawa nang ______ upang
hindi lumipad ang alikabok.
4. Sa pag-aalikabok, simulan sa mataas na bahagi ng mga
kasangkapan _______.
5. Ang pagwawalis sa sahig ay sinisimulan sa mga _________
patungo sa gitna.

B. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang kung ang isinasaad ng


pangungusap ay wastong paraan ng paglilinis ng bakuran at ekis
(X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
____1. Linisin ang daanan ng tubig o kanal upang maiwasan ang
pamamahay ng mga daga at iba pang mga hayop.
____2. Ang mga damong ligaw na tumutubo ay kailangang bunutin
kasama ang ugat nito.
____3. Ang bakurang malinis ay nakatutulong sa pagkakaroon ng
malinis na pamayanan.
____4. Kinakailangang walisin ang mga tuyong dahon at ibang kalat
sa loob at labas ng bakuran.
____5. Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa
compost pit.

7
Karagdagang Gawain

Magtala ng limang gawain ng paglilinis sa inyong tahanan at


bakuran, isulat ang iyong sagot sa hiwalay na sagutang papel
1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

4. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

5. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

8
Susi sa Pagwawasto

5. / 5. b
4. / 4. c
3. / 10. /
3. a
2. / 9. /
2. d
1. / 8.
7. / 1. e
B.
6. / Pangalawang Gawain
5. d 5. 5. d
4. c 4. /
4. c
3. b 3. /
2. / 3. a
2. a
1. f 1. / 2. b
A. Subukin 1. d
Tayahin Unang Gawain
Pagyamanin

bata.
sasagutan ng
Praktikal na
Gawain
Karagdagang

Sanggunian

Dolores M. Lavilla, et.al. 2015. Edukasyong Pantahanan at


Pangkabuhayan, Pasig City, Philippines: Vibal Group, Inc. ph. 280-285
Rosalia A. Bonotan, et.al. 2002. Sanayang Aklat sa EPP 4, Quezon City,
Philippines. Cultural Publisher ph. 81-85
Most Essential Learning Competencies (MELCS) Code - EPP4HE-0f-9

9
10

You might also like