You are on page 1of 41

4

Modyul sa Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Ikalawang Markahan – Linggo Blg. 5 - 8
4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Ikalawang Markahan – Modyul 5
(Ikalimang Linggo)
Wastong Paghihiwalay ng
Basura sa Bahay

4
EPP – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya
o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal
na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carlene S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala / Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, CESE

Development Team of the Module


Writer: Berlyne Paat Panganiban
Editor: Janeth L. Dumaplin
Reviewer: Celedonia T. Teneza EdD
Layout Artists: Carlo J. Navarro, Maria Fe M. Samares

Management Team: Neil Vincent C. Sandoval


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division
Celedonia T. Teneza EdD
Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

2nd Edition Revalidation 2021


Content Validator: Editha V. Villamor
Language Validator: Rey P. Cimatu

Layout Validator: Mayumi P Realosa EdD


Reviewer: Jerold V. Magturo
Teacher III- SCES
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Principal IV - BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Public School District Supervisor
Celedonia T. Teneza EdD
Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education- Schools Division of Makati City

Office Address: Gov. Noble St. Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861/8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa araling ito, ay inyong matutuhan ang wastong paghihiwa-
hiwalay ng basura sa bahay.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin


tungkol sa wastong paghihiwalay ng basura sa bahay.
Aralin 1: Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay.
Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:
1. matutukoy ang wastong paraan ng paghihiwalay ng basura sa
bahay
2. makatutulong sa pagpapanatiling malinis ang kapaligiran
3. maisasagawa ang wastong paghihiwalay ng basura sa bahay

Subukin
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga katanungan. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Ang pagtatapon ng basura ay dapat gawin ?
A. Araw-araw
B. Kahit kailan
C. Lingguhan
D. Paminsan-minsan

2. Napansin mo na madumi at malabo ang salamin ng


bintana ninyo. Bilang kasapi ng pamilya ano ang gagawin mo?
A. Bubuhusan ng tubig ang salamin.
B. Lilinisan ito ng hindi malinis na basahan.
C. Lilinisan ito nang basa at tuyong diyaryo.
D. Sasabihin ko sa kuya ko na siya na lang maglilinis.

3. Puno na ang laman ng basurahan ninyo sa kusina. Ito ay


maaaring daan sa pagkakasakit ng mga kasapi ng pamilya.
Ano ang gagawin mo?
A. Tatakpan ko na lang ng mabuti.
B. Itatapon ko ang kalahati at hahayaan ko na lang.
C. Ilalabas ko at bibili na lang ng bagong basurahan.
D. Itatapon ko kaagad, huhugasan ang basurahan,
patuyuin bago gamitin muli.

4. Napansin mong maraming mumo sa sahig sa kusina at ito


ay nakatawag pansin sa mga insekto. Ano ang gagawin mo?
A. Mamaya ko na lang ito pupunasan.
B. Ipapadampot ko sa kapatid ko isa-isa.
C. Wawalisin ko ito at pupunasan ng basang basahan.
D. Tatapatan ko ng bentilador para magliparan ang mga
mumo.

5. Napansin ni Abigail na may boteng plastik ang kanilang


dinadaanan. Ano ang gagawin ni Abigail?
A. Hihintayin na lang na niya na iba ang kukuha.
B. Ang mga taga-barangay na lang ang kukuha.
C. Hihintayin na lang dumami at saka na ito pupulutin.
D. Kukunin niya ito at ilalagay sa hindi nabubulok na
basurahan.

1
Aralin
Wastong Paghihiwalay ng
1 Basura sa Bahay
Alam mo ba ang mga wastong hakbang sa paghihiwalay-
hiwalay ng mga basura sa loob ng inyong pamamahay?
Narinig mo na ba ang balita na may ordinansang
ipinatutupad ang bawat pamahalaang lokal tungkol sa wastong
paghihiwa-hiwalay ng mga basura?
Matututunan sa modyul na ito ang wastong paghihiwalay ng
basura. Ito ay makakatulong sa iyo at sa iba pang kasapi ng pamilya
upang mapanatiling malinis, ligtas, at maayos ang kapaligiran, mga
sakuna at ibang simpleng sakit o karamdaman ay maiiwasan kung
lahat ay sama-samang gagawa at susunod sa wastong pag-uugali sa
paghihiwalay ng basura.

Balikan

Panuto: Alin-alin sa sumusunod ang mga gawaing nauukol sa


paglilinis ng tahanan. Lagyan ng ( )sa patlang ang tamang sagot.
1. Paglalampaso sa sahig
2. Pagpupunas ng mga kasangkapan
3. Pag-aaral ng leksiyon
4. Pag-aalis ng agiw sa kisame at dingding
5. Pagpupunas ng bintana
6. Pagatatapon ng basura
7. Pagluluto ng pagkain para sa mag-anak
8. Pagliligpit ng mga kasangkapang ginamit
9. Pag-aalaga ng nakababatang kapatid
10. Pag-aayos ng mga gamit sa kabinet

Tuklasin
Panuto: Gumuhit ng tiglilimang (5) halimbawa ng nabubulok at hindi nabubulok na basura
sa loob ng kahon.

Nabubulok na Basura 'Di Nabubulok na


Basura

2
Suriin
Wastong Paghihiwalay ng Basura sa Bahay
Ang malinis na bakuran ay nakakapagpaganda hindi
lamang sa bahay kundi nakatutulong ito sa pagpapanatiling
malinis ng pamayanan. Sa bawat tahanan, gusali ng
pampamahalaan o pribado man ay kailangan maglaan ng tatlong
sisidlan o basurahan para sa di-nabubulok (non-biodegradable)
nabubulok (biodegradable) at nareresiklo (recycled). RA 9003
Ecological Solid Waste Management Act of 2000 ang batas sa tamang
paghihiwa-hiwalay ng basura. Ang waste management aniya ay
hindi lamang problema at trabaho ng gobyerno mas malaki ang
magagawa ng bawat isa at bawat tahanan kung saan nagmumula
ang mga basura. Dapat lahat ng miyembro ng pamilya ay matuto
sa tamang paggawa ng garbage segregation upang masanay ang
lahat dito.
Mahalaga ang kaalaman ng tao sa basura dahil sa epekto
nito sa ating kapaligiran. Halimbawa na lamang ay ang masamang
naidudulot na sa kalikasan gaya ng baha. Maaari rin itong
magbigay ng sakit sa mga mamamayan. Ang wastong pagtatapon ng
basura ay isang simpleng gawain na malaki ang naitutulong sa
sambayanan. Ugaliin ang maayos na pagtatapon ng basura
dahil kung hindi, maaring magkakatotoo ang kasabihang “Ang
basurang itinapon mo ay babalik din sayo”.
Narito ang mga wastong paraan ng paghihiwalay ng mga
basura.

Ang mga basurang nabubulok tulad


ng tuyong dahon, pinagtulapan ng
gulay at prutas, at dumi ng alagang
hayop ay maaaring ipunin sa compost
pit o hukay sa lupa. Kapag natuyo ang
mga ito, magagamit na pampataba sa
NABUBULOK halaman.
(biodegradable) Compost pit ay dapat gawin sa likuran
ng bahay. Takpan ito upang hindi
mangamoy.

Ang mga nareresiklong bagay naman


tulad ng bote, lumang diyaryo, at
karton ay maaaaring ipagbili. Ang mga
NARERESIKLO gamit na gawa sa plastic tulad ng
sando bags, at styro, mga metal tulad
(recyclable) ng aluminum cans, copper wires,
mga bakal tulad ng lumang kaldero,
yero at iba pa ay maaaring dalhin sa
mga junk shop.

Ang mga Hindi Nabubulok gaya ng


papel, bote at lata ay maaaring
DI-NABUBULOK magamit muli o kaya’y ipagbili.
(Non- biodegradable)
3
Ngayon at natutunan na natin ang mga wastong paraan ng
paghihiwalay ng basura. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Sa paanong paraan mo maipapakikita ang pagsunod sa batas
tungkol sa tamang pagtatapon ng basura sa inyong tahanan?
2. Ano-ano ang magandang maidudulot kung ang bawat pamilya
ay nagsasagawa ng Garbage Segregation?
3. Ano-ano ang magiging masamang epekto sa ating kapaligiran
kung mali ang pagtatapon ng basura sa ating tahanan?

Pagyamanin
Gawain 1: “I-shoot Mo!”
A. Panuto: Isulat sa tamang basurahan ang mga sumusunod na
basura sa pamamagitan ng pagsulat sa tamang lalagyan.

NABUBULOK HINDI-NABUBULOK NARERESIKLO

Balat ng diapers dahon papel

prutas Gulay plastic container balat ng candy

Seramics tira-tirang pagkain sanitary napkins

Gawain 2: “Happy Ka Ba?!”


Panuto: Iguhit ang masayang mukha (☺) kung ang mga sumusunod na
pangungusap ay nagpapahayag ng katotohanan at malungkot( ) naman
kung hindi.
1. Malaki ang magagawa ng bawat isa sa pagpapanatili na
malinis ang ating kapaligiran.
2. Ang pagreresiklo (recycle) ay malaking tulong sa pag-
preserba ng mga raw materials na galing sa kalikasan na
ginagamit upang makagawa ng mga bagay-bagay.
3. Ang maruming kapaligiran ay maaari itong magbigay ng
sakit sa mamamayan.
4. Ang R.A. # 9003 o “The Ecological Solid Waste Management Act
of 2000” ay isang pambansang batas na may kinalaman sa
maka- kalikasan (environmental) at praktikal na pamamahala
sa BASURA.
5. Ang waste segregation ay hindi problema ng gobyerno.

4
Gawain 3: “Anong Konek?!”
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang letra ng
sagot sa patlang.

HANAY A HANAY B
1. Ito ang Batas sa A. Hindi - nabubulok
tamang
paghihiwalay ng
basura. B. Compost pit

2. Ito ang
mga bagay na tulad ng C. Nabubulok
bote, lumang diyaryo, at karton
ay maaaaring ipagbili.
D. RA 9003
3. Ito ang mga basurang tulad
ng tuyong dahon, pinag
tulapang gulay at prutas, at E.Nireresiklo o Recycle
dumi ng
alagang hayop.
4. Ito ang mga basura F. Waste Segregation
gaya ng papel, bote at
lata na maaaring
magamit muli o kaya’y ipagbili.
5. Ito ay dapat gawin sa likuran
ng bahay. Tapunan ng mga
basura kagaya ng
pinagtalupan ng prutas at mga
dumi ng hayop.

Gawain 4: “Piliin Mo Ako!”


Panuto: Piliin ang letra ng nagpapakita ng sitwasyong
makatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng
tahanan at kapaligiran. Isulat ang letra ng kasagutan sa loob ng
bahay sa ibaba.

Batang lalaki na Mga bata ng


isang paaralan na Magkakaibigan na
nagtatapon ng kumakain habang
nagbubukod-
plastic na bote sa naglalakad itinatapon
bukod ng mga
basurahan na may plastik, papel, ang plastik kung
tatak na hindi- lata, bote at saan- saan.
nabubulok. babasagin.

A B C

Ang mga bata ay Mga batang


Ang mga taga-
nagkakampanya gumagawa ng
barangay Pitogo kanilang proyekto
na naglilinis ng para i-recycle o
na gamit ang mga
estero at gamitin muli ang nareresiklong
mga patapong bagay tulad ng
drainage.
bagay. bote, karton at
plastik.
D E F

5
1.
2.
3.
4.
5.

Isaisip

Ano-ano ang mga wastong paraan ng paghihiwalay ng basura sa


ating tahanan?

Narito ang mga paraan ng tamang paghihiwalay sa basura o


waste segregation sa loob ng ating tahanan.

Nabubulok- ito ang mga bagay na maaaring gawing pataba sa


mga halaman katulad ng tuyong dahon, pinagtalupan ng
gulay at prutas at dumi ng alagang hayop.

Hindi-nabubulok- ito ang mga basura gaya ng papel, bote at


lata na maaaring magamit muli o kaya’y ipagbili.
Nareresiklo o Recycle - Ito ang mga bagay na tulad ng bote,
lumang diyaryo, at karton ay maaaaring ipagbili.

Isagawa
Panuto: Iguhit o ipakita ang tamang pamamaraan sa paghihiwalay
ng basura sa inyong tahanan. Tingnan ang rubriks para sa
pamamarka.

6
Rubriks sa Pagguhit Iskor

Pamantayan sa Pagguhit 5 10 15 20 25
1.Nasunod ba ang layunin sa
Tanda:
pagguhit? 25-Napakahusay
2.Naipakita ba ang angkop na mga
basurahan sa waste segregation? 20-Mas Mahusay
3.Naipapakita ba ang pagiging
malikhain? 15-Mahusay
4.Malinis at maayos ba ang kanya
ng
ginawa? 10-Di-gaanongmahusay
Kabuuan: 5-Di –lubusangmahusay

A. Panuto: Gamit ang tsart sa ibaba. Sumulat ng limang (5) bagay


na nabubulok, hindi-nabubulok at nareresiklo

WASTONG PAGHIHIWA-HIWALAY NG BASURA

NARERESIKLO
NABUBULOK HINDI-NABUBULOK

Tayahin

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga katanungan. Piliin ang letra


ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.

1. Gumawa ng hukay sa lupa si Nilo para sa mga


tuyong dahon at pinagtalupan ng gulay at prutas. Ano
ang tawag sa lalagyanan na ito?
A. basurahan
B. compost pit
C. kahon
D. paso
2. Inaalis ni Allan ang mga plastik na nakabara sa
daluyan ng tubig anong paglilinis ng bakuran ang
tinutukoy?
A. Paglilinis ng kanal
B. Pagtatapon ng basura
C. Pagsusunog ng basura
D. Pagbabaon ng basura

7
3. Ihinihiwalay ni Abigail ang nabubulok sa di-
nabubulok na basura. Anong magandang pag-uugali o
gawi ang kanyang ipinapakita?
A. Pagbabaon ng basura
B. Pagtatanim ng halaman
C. Paglilinis ng kanal
D. Wastong Pagtatapon ng basura o Proper Waste
Segregation

4. Si Athena ay SPG president sa kanilang paaralan.


Anong programa ang dapat niyang ipatupad para sa
ikagaganda ng kanilang paaralan?
A. Munting Basura, Pakibulsa Muna
B. Huwag Magtakbuhan sa Hagdanan
C. Bawal Magsalita nang Malakas sa Pasilyo
D. Panatilihing Tahimik Anumang Oras

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong


paghihiwa-hiwalay ng basura?
A. Maayos na nilagay sa isang lalagyanan lahat ng
basura.
B. Mag-kukunwaring wala kang nakitang basura
kahit punong- puno na ang inyong basurahan.
C. Itapon ang hawak na plastik ng tubig sa hindi-
nabubulok na basurahan.
D. Dumating na ang nangongolekta ng basura,
inutusan ka ng tatay mo ngunit nagtutulog
tulugan ka.

Karagdagang Gawain
Panuto: Sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa loob ng
kahon sa ibaba.

Gaano ba kahalaga ang paghihiwa-hiwalay ng basura sa ating


tahanan at pamayanan?

8
4
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Ikalawang Markahan – Modyul 6
(Ika-anim na Linggo)
Paghahanda ng Masustansiyang
Pagkain
EPP – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carlene S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala / Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, CESE

Development Team of the Module


Writer: Jelord V. Magturo
Editor: Janeth L. Dumaplin
Reviewer: Celedonia T. Teneza EdD

Layout Artists: Carlo J. Navaro, Maria Fe M. Samares

Management Team: Neil Vincent C. Sandoval


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division
Celedonia T. Teneza EdD
Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

2nd Edition Revalidation 2021


Content Validator: Editha V. Villamor
Language Validator: Mellany R. Arandia
Layout Validator: Mayumi P Realosa EdD
Reviewer: Jerold V. Magturo
Teacher III- SCES
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Principal IV - BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Public School District Supervisor

Celedonia T. Teneza EdD


Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education- Schools Division of Makati City

Office Address: Gov. Noble St. Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861/8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa modyul na ito, iyong matutuhan at malalaman ang mga kailangan sa
paghahanda ng masustansiyang pagkain.

Ito ay may araling tungkol sa paghahanda ng masustansiyang pagkain.


Aralin1: Paghahanda ng Masustansiyang Pagkain

Matapos gamitin ito, ika’y inaasahang:


1. matutukoy ang mga pagkaing Go, Grow, at Glow Foods.
2. maiisa-isa ang mga alituntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paghahanda ng pagkain; at
3. nabibigyang kasiyahan ang pagkain ng masustansiyang pagkain

Subukin

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag


ng katotohanan at MALI naman kung hindi.

_____________ 1. Isara ‘ng maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.

_____________ 2. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin


ang potholder para maiwasan ang pagkapaso.

_____________ 3. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at


maglagay ng hairnet o bandana sa ulo.

_____________ 4. Ang tawag sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya, lakas, at


sigla ay Glow Foods.

_____________ 5. Ang dalanghita ay Glow Food na nagpapalakas ng katawan


laban sa impeksiyon at sipon.

Aralin
Paghahanda ng Masustansiyang
1 Pagkain

Bilang isang mag-aaral, ikaw ay dapat magkaroon ng malusog na


pangangatawan at isipan upang magawa ang mga gawain o aralin na dapat
mong matutunan. Para makaiwas sa sakit at impeksiyon, kumain ng mga
masustansiyang pagkain gaya ng gulay at prutas. Ano-ano kaya ang mga
pagkain na dapat mong kainin upang maging masigla at malakas ang iyong
pangangatawan? Halina na at ating alamin.

1
Balikan
Panuto: Isulat sa patlang ang N kung ito nabubulok at DN naman kung hindi.

_________ 1. talbos ng kamote


_________ 2. pakete ng toyo
_________ 3. balat ng kalabasa
_________ 4. lata ng sardinas
_________ 5. tangkay ng kangkong

Tuklasin

Tingnan ang larawan na nasa ibaba.

https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/622

Ano-anong mga pagkain ang inihain para sa kanya? Masustanya ba ito? Bakit?
Ano-anong pagkain naman ang mga inihain ng iyong magulang para sa iyo?

2
Suriin
Ang Tatlong Pangkat ng Pagkain
(Lavilla, Garcia, Dispabiladera, 2015, 302-305)

1. Pangkat I- Mga Pagkaing Nagbibigay ng Enerhiya, Lakas at Sigla o Go


Foods
Ang mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng mga sustansiyang
carbohydrates, taba, at langis. Nagbibigay ang mga ito ng enerhiyang
nagpapalakas at nagpapasigla ng katawan. Kapag kumakain ka ng mga ito,
ikaw ay magiging masigla at malakas. Ikaw ay makapaglalaro, makapag-aaral,
at makagagawa ng iba’t ibang gawain.
Ang sumusunod ay mga pagkaing mayaman sa carbohydrates: kanin,
kakaning gawa sa bigas tulad ng puto, suman, kalamay, kutsinta, lugaw,
tsamporado, at ginataang mais. Kasama sa pangkat ang mga pagkaing gawa sa
arina tulad ng keyk, tinapay, at biskwit. Ang mga bungang-ugat tulad ng
kamote, kamoteng-kahoy, gabi, taro, yakon, sugar beats, at ube ay kasama din
dito. Kabilang din ang mga matatamis na pagkain gaya ng asukal, tubo at pulot
o honey. Sa pangkat na ito kasama ang mantikilya, mantika, at niyog.

2. Pangkat II- Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki ng Katawan o Grow


Foods
Mayaman sa protina ang mga pagkaing ito. Ang protina ay responsable
sa pagpapalaki ng mga kalamnan at ng buong katawan. Ito ay nagpapalakas
din ng mga buto at nakatutulong sa pagpapalakas ng katawan, kung ang isang
tao ay galing sa pagkakasakit. Sa sumusunod na pagkain makukuha ang
sustansiyang protina: karne ng baboy, baka at manok, isda, itlog, at gatas.
Pinagkukunan din ng protina ang mga pagkaing galing sa butil, tulad ng
monggo, mani, kadyos, sitaw, bataw, at sitsaro. Mayaman din sa protina ang
mga lamang dagat gaya ng alimango, alimasag, hipon, dilis, halaan, tulya,
tahong, talaba, at talangka. Kasama din sa pangkat na ito ang hamon, bacon,
tocino, at longganisa.

3. Pangkat III - Mga Pagkaing Pananggalang sa Sakit at Impeksiyon o


Glow Foods
Mga pagkaing ito ang pinagkukunan ng bitamina at mineral. Bitamina
A, B-1,6,12, C at mga mineral tulad ng iron, calcium, yodo (iodine) phosphorus
at potassium ang mga sustansiyang nagsisilbing pananggalang sa sakit at
impeksiyon. Lahat na mga gulay at prutas ay mayaman sa bitamina at mineral
na ito ang nagsasaayos ng mga bahagi ng katawan.
Makukuha ang bitamina at mineral sa mga sumusunod na pagkain:
Madahong gulay, madilaw, at maberde tulad ng petsay, malunggay, talbos ng
kamote, talbos ng sayote at kalabasa. Ang saluyot, ispinats, alugbati, celery,

3
kintsay, carrot, at kangkong ay mayaman sa Bitamina A, calcium, at iron. Ang
mga sustansiyang nakatutulong sa pangangalaga at pagpapalusog ng mga
mata, ngipin, at buto. Kapag sapat ang taglay na iron, ang katawan ay malakas
at maganda. Ito rin ay nakatutulong sa pamumuo ng dugo kapag nasugatan at
madaling nakapagpapagaling ng sugat. Ang mga maaasim at makakatas na
gulay at prutas tulad ng dalanghita, suha, bayabas, kamyas, mangga, pipino,
at kamatis ay mayaman sa Bitamina C. Ito ay nagpapalakas ng katawan laban
sa impeksiyon at sipon. Nakabubuti rin ito sa ngipin at gilagid. Ang mga prutas
tulad ng tsiko, santol, duhat, pakwan, kaimito, langka, saging at mga gulay na
tulad ng okra, sitaw, talong, at sigarilyas ay tumutulong sa pagtunaw ng
kinakain at sa pagbawas ng dumi. Nililinis nito ang mga bituka at tiyan upang
maging laging maayos at mahusay ang mga ito.

Mga Alituntuning Pangkalusugan at Pangkaligtasan


sa Paghahanda at Pagluluto ng Pagkain
(Lavilla, Garcia, Dispabiladera, 2015, 307-308)

1. Hugasang mabuti ang mga kamay bago at pagkatapos maghanda ng pagkain.


2. Gumamit ng apron upang hindi marumihan ang damit at maglagay ng hairnet
o bandana sa ulo.
3. Ihanda ang lahat ng gagamiting sangkap at kasangkapan sa pagluluto upang
maiwasan ang abala.

4. Ihanda at lutuin lamang ang dami ng pagkaing kayang ubusin o tama lang sa
mag-anak.

5. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda, at karne bago
balatan at hiwain. Iwasang ibabad ang mga ito sa tubig upang hindi mawala
ang sustansiya.

6. Mag-ingat sa paggamit ng mga matutulis at matatalas na kutsilyo.

7. Maglaan ng hiwalay na basurahan para sa basa at tuyong basura upang hindi


magkalat sa lugar na paglulutuan.

8. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw, pagkatuyo, o


pagkasunog nito.

9. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin ang potholder


para maiwasan ang pagkapaso.

10. Ilagay sa medium low ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo na,
magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit mahina na ang apoy.

11. Timplahan ng tama ang pagkain. Uminom ng kaunting tubig kung muli
itong titikman. Iwasan ang sobrang patis, asin, suka, o betsin.

12. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan upang
maiwasan ang pagkadurog o pagkalamog at di mawala ang sustansiya.

13. Isara nang maayos ang gas cylinder matapos itong gamitin.

4
14. Ilagay sa tamang lalagyan ang pagkaing niluto at takpan ito.

15. Linisin at iligpit ang lahat ng gamit pagkatapos magluto, pati ang lugar na
pinaggawaan.

Pagyamanin

Gawain 1: “Halina’t Alamin”

Panuto: Isulat sa patlang ang GO FOOD kung ito ay napabilang sa unang


pangkat, GROW FOOD sa ikalawang pangkat at GLOW FOOD sa ikatlong
pangkat.

_______________1. itlog
_______________2. tinapay
_______________3. kalabasa
_______________4. bayabas
_______________5. karne ng baboy

Gawain 2: “Halina’t Pag-aralan”


Panuto: Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pangungusap ay ligtas sa
paghahanda at pagluluto ng pagkain at MALI naman kung hindi.

_______1. Hinahayaang iluto ni Aling Sisa ang gulay na hindi nahugasan.

_______2. Magluluto si Mang Lito ngunit wala pang naihanda na lulutuin.

_______3. Itinatapon ni Sita ang kaniyang mga basura kahit saan.

_______4. Nililigpit ni Athena ang mga kasangkapan sa pagluluto pagkatapos


gamitin.

_______5. Sina Tina At Beth nagtutulungan sa paghuhugas ng mga


kasangkapan matapos gamitin ang mga ito.

5
Isaisip

Ano-ano ang tatlong pangkat ng pagkain?

1. Pangkat I - Mga Pagkaing Nagbibigay ng Enerhiya, Lakas at Sigla o Go Foods

2. Pangkat II- Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki ng Katawan o Grow Foods

3. Pangkat III-Mga Pagkaing Pananggalang sa Sakit at Impeksiyon o Glow


Foods

Isagawa
Panuto: Gumuhit ng tiglilimang halimbawa ng Go Foods, Grow Foods at Glow
Foods sa loob ng kahon. Gawing gabay ang rubrik na nasa ibaba sa pagguhit.

Go Foods Grow Foods Glow Foods

6
Rubrik sa Pagguhit
Napakahusay Mahusay Katamtamang Nangangailangan
PAMANTAYAN husay pa ng Kasanayan
6–7 4–5 2–3 1
NILALAMAN Ang mensahe Di-gaanong Walang
Medyo magulo
(7 PUNTOS) ay mabilisang naipakita ang mensaheng
ang mensahe.
naipakita. mensahe. naipakita.
4–5 3 2 1
Maganda
Napaganda at Maganda at ngunit di
PAGKAMALIKHAIN Di maganda at di
napakaayos ng maayos ang gaanong
(5 PUNTOS) pagkakaguhit pagkakaguhit maayos ang
maayos ang
pagkakaguhit at
at at pagkakaguhit
pagkakakulay.
pagkakakulay. pagkakakulay. at
pagkakakulay.
KAUGNAYAN SA 4 3 2 1
PAKSA May malaking Di gaanong Kaunti lamang
Walang kaugnayan
(4 PUNTOS) kaugnayan sa naipakita ang ang kaugnayan
sa paksa.
paksa. paksa. ng poster.
4 3 2 1
KALINISAN
Malinis na Di-gaanong
(4 PUNTOS) Malinis ang Marumi ang
malinis ang malinis ang
pagkakabuo. pagkakabuo.
pagkakabuo. pagkakabuo.
KABUUANG PUNTOS=20

Tayahin

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag


ng katotohanan at MALI naman kung hindi.

____________ 1. Ang Go Foods ay tawag sa mga pagkaing nagbibigay ng enerhiya,


lakas, at sigla.

____________ 2. Ang puto ay mayaman sa protina.

____________ 3. Ang kamote ay Grow Food na nagpapalakas ng katawan laban sa


impeksiyon at sipon.

____________ 4. Linising mabuti sa umaagos na tubig ang prutas, gulay, isda, at


karne bago balatan at hiwain.

____________ 5. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin


ang potholder para maiwasan ang pagkapaso.

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Sa tulong ng kasapi ng pamilya, gumawa ng slogan tungkol sa pagkain


ng masustansyang pagkain. Ilagay ito sa loob ng kahon.

Sanggunian
Boy eating breakfast_bw.jpg. (2014). Retrieved June 10, 2021 from
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/622

Lavilla, Dolores M., Imelda O. Garcia, Bernie C.Dispabiladera. 2015.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral.
Pasig City: Vibal Group, Inc.

8
4

Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Ikalawang Markahan – Modyul 7
(Ikapitong Linggo)
Wastong Paggamit ng Kubyertos
EPP – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Wastong Paggamit ng Kubyertos
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carlene S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala / Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, CESE

Development Team of the Module


Writer: Jelord V. Magturo
Editor: Janeth L. Dumaplin
Reviewer: Celedonia T. Teneza EdD
Layout Artists: Carlo J. Navarro, Maria Fe M. Samares

Management Team: Neil Vincent C. Sandoval


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division
Celedonia T. Teneza EdD
Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

2nd Edition Revalidation 2021


Content Validator: Editha V. Villamor
Language Validator: Mellany R. Arandia
Layout Validator: Mayumi P Realosa EdD
Reviewer: Jerold V. Magturo
Teacher III- SCES
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Principal IV - BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Public School District Supervisor

Celedonia T. Teneza EdD


Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education- Schools Division of Makati City

Office Address: Gov. Noble St. Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861/8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa modyul na ito, iyong matutuhan at malalaman ang mga wastong
paggamit ng kubyertos.

Ito ay may araling tungkol sa wastong paraan ng paggamit ng kubyertos


Aralin 1: Wastong Paraan ng Paggamit ng Kubyertos

Matapos gamitin ito, ika’y inaasahang:


1. matutukoy ang mga wastong paraan ng paggamit ng
kubyertos;
2. maiisa-isa ang mga kagandahang-asal sa hapag-kainan
habang kumakain; at
3. nasusunod ang mga kagandahang-asal sa hapag-kainan
habang kumakain

Subukin
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag
ng katotohanan at MALI naman kung hindi.

_____________ 1. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

_____________ 2. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.

_____________ 3. Ilagay sa kanang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na


nakatihaya.

_____________ 4. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit


dito kung gusto mong kumuha nito.

_____________ 5. Iwasang magsasalita kung puno o may pagkain ang bibig.

Aralin
Wastong Paraan
1 ng Paggamit ng Kubyertos

Ang hapag-kainan ay isang lugar na kung saan madalas sama-sama ang


pamilya upang masayang ninanamnam ang sarap at sustansiya ng pagkain at
dito rin nakapagbabahaginan ng kanilang saloobin at saya na kanilang
naranasan sa buong maghapon. Dito napagbuklod-buklod at lumalalim ang
kanilang relasyon bilang mag-anak. Kaya ito ay binibigyan oras sa paghahanda
ng hapag kainan. Paano nga ba ang tamang paggamit ng mga kubyertos sa
hapag-kainan?

1
Balikan
I. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasaad ng kaligtasan
sa paghahanda ng pagkain at MALI naman kung hindi.

_____________ 1. Huwag iwanan ang niluluto upang maiwasan ang pag-apaw,


pagkatuyo, o pagkasunog nito.

_____________ 2. Gumamit ng basahan para sa kamay at kagamitan pati na rin


ang potholder para maiwasan ang pagkapaso.

_____________ 3. Ilagay sa medium low ang apoy kung ang niluluto ay kumukulo
na dahil magpapatuloy pa rin ito sa pagkulo kahit mahina na
ang apoy.

_____________ 4. Timplahan nang tama ang pagkain.

_____________ 5. Ilagay ang gulay kung malapit na itong hanguin sa kalan.

II. Panuto: Isulat sa patlang ang GO FOOD kung ito ay napabilang sa unang
pangkat, GROW FOOD sa ikalawang pangkat at GLOW FOOD sa ikatlong
pangkat.

_______________1. isda

_______________2. tinapay

_______________3. kalabasa

_______________4. kanin

_______________5. karne ng baboy

2
Tuklasin

https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/623

Ano-anong mga kasangkapan o kagamitan ang makikita sa hapag-kainan?


Paano kaya ito ilalagay sa mesa nang maayos?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Suriin

Mga Wastong mga Hakbang sa Pag-aayos ng Hapag-kainan


(Lavilla, Garcia, Dispabiladera, 2015, 313)

3
1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat
taong kakain. Ito ay tinatawag na one cover.

2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang


pulgada mula sa gilid ng mesa.

3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya.


Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang itaas
nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.

4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.

5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang makakilos
nang maluwag at maayos ang mga kakain.

Mga Kagandahang-asal sa Hapag-kainan.


(Lavilla, Garcia, Dispabiladera, 2015, 312 )

1. Magdasal bago at pagkatapos kumain.

2. Maglaan ng upuan sa bawat isa. Unang paupuin ang babae bago ang lalaki.

3. Umupo nang tuwid na nakalapat ang paa sa sahig. Iwasang ipatong ang mga
siko sa ibabaw ng mesa.

4. Gamitin nang maayos ang kutsara at tinidor. Tinidor ang gamitin bilang
pamalit sa kutsilyo kung may puputuling pagkain.

5. Kung may sopas o sabaw gamitin ang gilid ng kutsara nang paiwas sa iyo at
higupin ang sabaw nang walang ingay.

6. Magsubo ng katamtamang dami ng pagkain gamit ang gilid ng kutsara at


hindi ang dulo nito.

7. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit dito kung gusto
mong kumuha nito.

8. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamang kumakain.


Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

9. Iwasang hipan ang pagkain kung ito ay mainit pa sa halip ito ay hayaang
kusang maalis ang init.

10. Iwasang magsalita kung puno o may pagkain ang bibig.

11. Magkuwento ng masasayang bagay. Iwasan ang paksang ukol sa patay,


sakit o kalamidad sapagkat ito ay nakawawala ng gana sa pagkain.

12. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang kutsara at
tinidor sa pinggan.

4
Pagyamanin

Gawain 1: “Halina’t Hanapin”


Panuto: Bilugan ang limang kagamitan na makikita sa palaisipan.

P K S E R B I L Y E T A

M U A G B A B T T I E I

A T I N I D O R B P D T
P S G H I H I A A O C A

A A M E S S Z Y S I V T

P R M T A S A L O P F G

M N N T E L A H A L O B

E N P L A C E M A T U R

Gawain 2: “Halina’t Pag-aralan”


Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
kagandahang asal sa hapag-kainan at MALI naman kung hindi.

_____________1. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

_____________2. Masayang pasalamatan si Nanay sa kanyang inihain na pagkain.

_____________3. Magkukunwaring busog kung gulay ang ulam .

_____________4. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

_____________5. Magbangayan ang magkakapatid habang kumakain.

5
Isaisip
Paano ang tamang ayos ng mga kagamitan o kasangkapan sa hapag-kainan?
1. Punasan ang mesa at maglagay ng mantel o placemat sa lugar ng bawat
taong kakain.

2. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover na may pagitang isang


pulgada mula sa gilid ng mesa.

3. Ilagay sa kaliwang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na nakatihaya.


Sa kanang bahagi naman ang kutsara na nakatihaya rin at sa bandang
itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.

4. Ilagay ang nasa tray na prutas sa gitna ng hapag-kainan.

5. Gawin ito sa iba pang cover. Bigyan ng sapat na pagitan upang makakilos
nang maluwag at maayos ang mga kakain.

Isagawa
Panuto: Iguhit ang tamang posisyon ng mga kagamitan sa pag-aayos ng isang
cover sa hapag-kainan. Gawing gabay ang rubrik na nasa kabilang pahina sa
pagguhit.

6
Rubrik sa Pagguhit

PAMANTAYAN Napakahusay Mahusay Katamtamang Nangangailangan


husay pa ng Kasanayan
6–7 4–5 2–3 1
NILALAMAN Ang mensahe Di-gaanong Walang
Medyo magulo
(7 PUNTOS) ay mabilisang naipakita ang mensaheng
ang mensahe.
naipakita. mensahe. naipakita.
4–5 3 2 1
Maganda
PAGKAMALIKHAIN Napaganda at Maganda at ngunit di
Di maganda at di
napakaayos ng maayos ang gaanong
(5 PUNTOS) maayos ang
pagkakaguhit pagkakaguhit maayos ang
pagkakaguhit at
at at pagkakaguhit
pagkakakulay.
pagkakakulay. pagkakakulay. at
pagkakakulay.

KAUGNAYAN SA 4 3 2 1
PAKSA May malaking Di gaanong Kaunti lamang
Walang kaugnayan
( 4 PUNTOS) kaugnayan sa naipakita ang ang kaugnayan
sa paksa.
paksa. paksa. sa paksa.
4 3 2 1
KALINISAN
Malinis na Di-gaanong
(4 PUNTOS) malinis ang
Malinis ang
malinis ang
Marumi ang
pagkakabuo. pagkakabuo.
pagkakabuo. pagkakabuo.
KABUUANG PUNTOS=20

Tayahin
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag
ng katotohanan at MALI naman kung hindi.

_____________ 1. Maging magalang at ibigay ang atensyon sa iba pang kasamang


kumakain.

_____________ 2. Sa kanang bahagi ng plato, ilagay ang kutsara na nakatihaya


rin at sa bandang itaas nito ilagay ang baso na may ¾ na tubig.

_____________ 3. Ilagay sa kanang bahagi ng plato ang serbilyeta at tinidor na


nakatihaya.

_____________ 4. Ipakisuyo ang pagkaing malayo sa iyo sa kasamahang malapit


dito kung gusto mong kumuha nito.

_____________ 5. Iwanang ubos ang pagkain sa plato at ilagay ng pahalang ang


kutsara at tinidor sa pinggan.

7
Karagdagang Gawain
Panuto: Isagawa sa bahay ang iyong natutunan sa paggawa ng cover. Kunan
ito ng larawan at ipasa sa iyong guro.

Sanggunian
Boy eating breakfast_bw.jpg. (2014). Retrieved June 10, 2021 from
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/623

Lavilla, Dolores M., Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral.
Pasig City: Vibal Group, Inc.

8
4
Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan (EPP)
Ikalawang Markahan – Modyul 8
(Ikawalong Linggo)
Pagliligpit at Paghuhugas ng
Pinagkainan
EPP – Ika-apat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring
gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyulna ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carlene S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala / Nanunuparang Hepe: Jay F. Macasieb, CESE

Development Team of the Module


Writer: Jelord V. Magturo
Editor: Janeth L. Dumaplin
Reviewer: Celedonia T. Teneza EdD
Layout Artists: Carlo J. Navaro, Maria Fe M. Samares

Management Team: Neil Vincent C. Sandoval


Chief Education Supervisor, Curriculum Implementation Division
Celedonia T. Teneza EdD
Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

2nd Edition Revalidation 2021


Content Validator: Editha V. Villamor
Language Validator: Mellany R. Arandia
Layout Validator: Mayumi P Realosa EdD
Reviewer: Jerold V. Magturo
Teacher III- SCES
Lilybeth D. Sagmaquen PhD
Principal IV - BNAHS
Samuel L. Sia EdD
Public School District Supervisor

Celedonia T. Teneza EdD


Education Program Supervisor, EPP/TLE/TVE/TVL/ABM

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education- Schools Division of Makati City

Office Address: Gov. Noble St. Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861/8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Sa modyul na ito, iyong matutuhan at malalaman ang mga sistema sa
pagliligpit at paghuhugas ng pinagkainan.

Ito ay may araling tungkol sa sistema ng pagliligpit at paghuhugas ng


pinagkainan.
• Aralin 1 – Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan

Matapos gamitin ang modyul na ito, ika’y inaasahang:


1. maibibigay ang wastong paraan ng paghuhugas at pagliligpit ng
pinagkainan at pinaglutuan;
2. makagagawa nang may sistema sa pagliligpit at paghuhugas ng
pinagkainan at pinaglutuan;
3. mapapahalagahan ang ginawang pagliligpit paghuhugas ng
pinagkainan at pinaglutuan sa bahay.

Subukin
Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng
katotohanan at MALI naman kung hindi.

_____________ 1. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay


sa tray.

_____________ 2. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato bago dalhin sa


lababo.

_____________ 3. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang dumikit na


sabon o panghugas at maalis ang amoy.

______________ 4. Sabunin ang mga pinagkainan gamit ang maliit na palanggana


na may sabon o dishwashing liquid at espongha o sponge.

______________ 5. Banlawang mabuti ang mga huhugasang pinagkainan.

Pagliligpit at Paghuhugas
Aralin

1 ng Pinagkainan
Ang gawain ng mag-anak ay hindi lang nagtatapos sa paghahanda at
pagluluto ng pagkain. Kailangan na magkaroon ng sistema sa pagliligpit at
paghuhugas ng pinagkainan. Ang aralin na ito ay matutulungan ka kung ano
ang gagawin sa mga kagamitan pagkatapos gamitin.

1
Balikan

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng


katotohanan at MALI naman kung hindi.

______________ 1. Ilagay ang baso na may ¾ na tubig.

______________ 2. Ang pagitan ng plato at kutsara ay dalawang pulgada.

______________ 3. Ilagay ang prutas na nasa tray sa gitna ng hapag-kainan.

______________ 4. Ang tawag sa hapag-kainan na may placemat o mantel ay cover.

______________ 5. Ilagay ang nakatihayang plato sa gitna ng cover.

______________ 6. Magalang na tanggihan ang pagkaing hindi gusto.

______________ 7. Mag-ukol ng atensyon sa kalapit na kumakain.

______________ 8. Magbangayan ang magkakapatid habang kumakain.

______________9. Kakainin ko lang ang gusto kong pagkain na nasa mesa.

_____________10. Masayang pasalamatan si Nanay sa kanyang inihain na


pagkain.

Tuklasin

Ano-anong gawain pa ang dapat mong gawin pagkatapos magluto at kumain?

Mga Gawin Pagkatapos Magluto at Kumain

2
Suriin

Pagliligpit at Paghuhugas ng Pinagkainan


(Lavilla, Garcia, Dispabiladera, 2015, 315-316)

Basahin at pag-aralan ang sumusunod na paraan sa pagliligpit at


paghuhugas ng pinagkainan at iba pang kagamitan sa pagluluto. Ang mga ito
ay makatutulong upang mapadali at mapagaan ang nasabing gawain.

A. Paglilinis ng mesa
1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa plato.
2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa tray.
3. Dalhin ang mga ito sa kusina upang hugasan.
4. Itago ang mga pagkaing hindi naubos at linisin ang mesa.

B. Paghuhugas ng pinagkainan at mga kagamitan sa pagluluto


1. Simulan ang paghuhugas ng pinagkainan sa mas malinis na kasangkapan.
Ilagay ang mga huhugasang pinagkainan sa dakong kanan ng lababo ayon
sa pagkasunod-sunod:

a. baso o glassware
b. kubyertos o silverware
c. plato o chinaware
d. sandok at siyansi
e. kaldero, kaserola, kawali, at iba pa

2. Sabunin ang mga ito gamit ang maliit na palanggana na may sabon o
dishwashing liquid at espongha o sponge. Tiyaking malinis ang mga ito bago
gamitin. Sundin ang pagkasunod-sunod sa pagsasabon.

3. Banlawang mabuti. Kuskusin ang mga binabanlawan upang maalis ang


dumikit na sabon o panghugas at maalis ang amoy. Kapag ang ulam ay
masebo o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng mainit na tubig sa
pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos.

4. Ilagay sa dish rack at pabayaang tumulo ang tubig.

5. Patuyuin ang mga ito gamit ang malinis na pamunas.

6. Ang mga baso ay hindi pinupunasan upang hindi lumabo.

3
7. Iligpit o ilagay ang mga ito sa dapat kalagyan, pagkatapos hugasan at
patuyuin ang lahat ng pinagkainan at pinaglutuan.

8. Tiyakin na ang mga lalagyan ay malinis at walang amoy, bago iligpit ang
mga kasangkapang ginamit. Sa ganitong paraan walang ipis o daga na
pupunta.

9. Ilagay sa bandang unahan o sa lugar na madaling makuha ang mga


kasangkapang karaniwang ginagamit.

Pagyamanin

Gawain 1: “Halina’t Tuklasin”


Panuto: Maglista ng sampung bagay na ginagamit sa inyong kusina na
kailangang lilinisin pagkatapos gamitin.

1.____________________

2.____________________

3.____________________

4.____________________

5.____________________

6. ___________________

7. ___________________

8. ___________________

9. ___________________

10. __________________

4
Gawain 2: “Halina’t Alamin”

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay tamang gawain at


malungkot na mukha kung hindi.

________________1. Sina Alice at Arnold ay nagtuturuan kung sino ang


maghugas ng kanilang pinagkainan.

________________2. Si Tatay ay kusang naghuhugas kung ang mga anak ay


abala sa paggawa ng kanilang takdang-aralin.

________________3. Si Janine ang panganay sa kanilang magkakapatid kaya


siya lagi ang naghuhugas ng kanilang pinagkainan.

_______________ 4. Sina Ben, Lilia at Sandy ay may kanya- kanyang iskedyul sa


paghuhugas ng kanilang pinagkainan.

_______________ 5. Binibilisan ni Alex ang pagkain para siya ang maunang


matapos upang makaiwas sa paghuhugas.

Gawain 3: “Halina’t Unawain”

Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ito ay gawaing naaayon sa mga
paraan ng tamang paghuhugas at ekis ( X ) naman kung hindi.

_________ 1. Maaring maghugas sa ibabaw ng mesa upang hindi na bubuhatin


ang mga pinagkainan.

________ 2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong gamit bago


magsimula ng paghuhugas.

_________ 3. Unahin ang mga kaldero at kawali bago ang mga maliliit na
pinagkainan.

_________ 4. Inaalis ang mga pagkaing natira sa mga plato upang hindi
makakabara sa lababo ang mga ito.

_________ 5. Uunahin ang mga baso at kutsara sa paghuhugas.

5
Gawain 4: “Halina’t Iguhit”

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang sampung (10) kagamitan sa kusina


na kailangan hugasan at iligpit pagkatapos gamitin.

Isaisip

Tandaan:

Ang mga gawaing bahay tulad ng paghuhugas ng pinagkainan ay


simula ng iyong pagiging responsable na anak at nagpapakita ng pagiging
matulungin at mapagmahal na anak. Ang pagtulong sa gawaing bahay ay
tanda ng kasipagan at may kabutihang puso at may pagmamahal sa
magulang. Ang paghuhugas ay simple lamang na gawain, ngunit kung ito
ay gagawin ng may pagmamahal ikaw ay isang napakadakila sa harap ng
Diyos at iyong mga magulang. Binibigyan mo sila ng pagkakataon upang
makapagpahinga sa kanilang pagod sa maraming gawain mula bahay
hanggang sa kanilang pinagtatrabahuhan.

6
Isagawa
Panuto: Sa isang puting papel, gumawa ng iskedyul sa inyong magkakapatid o
mag-anak. Ilagay ang pangalan mo sa ibaba ng araw at pipili sa
Agahan, Tanghalian o Hapunan. Ipapirma sa iyong mga kapatid at
magulang ang iskedyul na iyong gagawin.

Iskedyul Linggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado

Agahan

Tanghalian

Hapunan

Tayahin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.

A. espongha B. dish rack C. plato D. tray E. tubig

______ 1. Alisin ang mga tira-tirang pagkain sa ____________.

______ 2. Pagsama-samahin ang mga magkakaparehong pinggan at ilagay sa


___________.

______ 3. Sabunin ang mga kagamitan gamit ang sabon at ______________.

______ 4. Kapag ang ulam ay masebo o mamantika gaya ng adobo, gumamit ng


mainit na ___________ sa pagbabanlaw ng mga pinggan at kubyertos.

______ 5. Ilagay sa ______________ ang mga kubyertos at plato at pabayaang


tumulo ang tubig.

7
Karagdagang Gawain

Panuto: Magpakuha ka ng iyong larawan habang naghuhugas ng inyong


pinagkainan at ipasa ito sa iyong guro.

Sanggunian

Lavilla, Dolores M., Imelda O. Garcia, Bernie C. Dispabiladera. 2015.


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4 Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig
City: Vibal Group, Inc.

You might also like