You are on page 1of 21

K Kindergarten

Unang Markahan
Modyul 1: Ako ay Kabilang sa Kindergarten
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ako ay Kabilang sa Kindergarten
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lunsod Quezon
Lokal na Pamahalaan ng Lunsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Ethellyn Karen V. David at Florence S. Pajimola


Editor: Marimel Jane P. Andes, Rodolfo de Jesus at Nimia D. Centillo Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang
Tagasuri: Shiarell Loida M. Cruz
Panlungsod, Lunsod Quezon

Tagaguhit: Sherwin Alixes B. Barba, Maria Gracia L. Diaros at Shiela Rose A. Macasaya Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
Tagalapat: Leilani S. Yutiampo, Brian Spencer B. Reyes
Rehiyon

Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, Tagapamanihala Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Mr. Fredie V. Avendano, Pangalawang Tagapamanihala Telepono: 3456-0343
Mr. Juan C. Obierna, Puno, CID
sdoqcactioncenter@gmail.com
Dr. Heidee F. Rerrer, Tagamasid Pansangay-LRMS
Mrs. Marimel Jane P. Andes, Tagamasid Pampurok
K
Kindergarten
Modyul 1: Ako ay Kabilang sa Kindergarten
Paunang Salita

Para sa Tagapagpadaloy: (Magulang/Guardian)


Ang araling ito ay naglalayong ituro at malaman ng bata ang iba’t ibang bagay tungkol sa sarili. Inaasahan ang inyong paggabay sa
pagkatuto sa aralin sa pamamagitan ng pag-aalalay sa inyong anak sa paggawa ng iba’t ibang gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Bago magsimula ng pag-aaral, siguraduhing naihanda ang mga kakailanganing kagamitan para sa iba’t ibang gawaing nakapaloob dito.
Mayroon ding mga katanungang kailangang sagutin, hayaan natin sumagot ang bata mula sa kanilang pagkakaintindi at nalalaman.
Upang makasigurado sa pagkatuto ang inyong anak, gabayan siya mula sa simula hanggang sa matapos ang modyul at siguraduhing
nagawa ng bata ang bawat gawaing nakapaloob dito.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga iba’t ibang gawain sa bawat aralin. Basahin ng mabuti ang panuto sa paraan na mauunawaan ng
bata at sundin ang mga pamamaraan na nakapaloob dito. Bigyan ng oras ang bata para tapusin ang mga gawain.
May mga sagutang papel na nakapaloob sa modyul na ito, doon magsusulat at sasagot ang mga bata. Gabayan ang bata sa pagsagot
dito.

Para sa Bata:

Siguraduhing nakikinig nang husto ang bata sa mga panuto na babasahin sa kanila. Hayaan ang bata na tapusin ang mga gawain sa
modyul na ito sa abot ng kanyang makakaya.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga bata na nasa baitang ng kindergarten upang matulungan siya sa
mabisang pagkatuto. Sa pamamagitan nito, maaaring malinang ng modyul na ito ang kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng
iyong anak sa mga pagsasanay nang buong husay.

Ang mga pagsasanay na kinakailangan niyang gawin sa loob ng limang araw. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng mga
gawaing ito, inaasahang maisasagawa niya ang mga sumusunod na kasanayan:

● nakikilala ang tungkol sa iyong sarili; buong pangalan, kasarian, gulang, kapanganakan, ang mga gusto at hindi mo
gusto.
● naipakikilala ang iyong sarili nang buong husay gamit ang mga magagalang na salita

Subukin

Panuto: Itanong ang mga sumusunod:

1. Kumusta! Ano ang iyong pakiramdam sa unang araw ng pagpasok?


2. Ano ang pangalan mo?
3. Ano ang iyong kasarian, ikaw ba ay lalaki o babae?
4. Ilang taon ka na?
5. Kailan ka ipinanganak?
6. Ano - ano ang mga bagay na gustong - gusto mo? Ano naman ang ayaw o hindi mo gusto?
Aralin
Kinder na Ako!
1
Tuklasin

Pamamaraan:
1. Basahin ang tula sa bata “Kinder na Ako!” ni Ethellyn Karen V. David .
2. Bago basahin ang tula itanong ang mga sumusunod:.

Ikaw ba ay isang batang Kinder?


Ano-ano kaya ang ginagawa ng isang batang kinder?
Kaya mo bang gawin ang mga bagay na ginagawa ng isang batang kinder?

3. Sabihin: Tama! Ngayon, halina at makinig sa tulang babasahin ko na may pamagat na “Kinder Na Ako!”
Tuklasin natin kung ano - ano ang mga sinabi ng tauhan sa tula.

4. Basahin ang tula nang buong sigla. Maaaring ulitin ang pagbigkas ng tula na gagayahin o susundan ng iyong
anak.
KINDER NA AKO!
ni Ethellyn Karen V. David

Mga batang edad lima


Katulad ni Lisa, ay Kinder na!
Papasok sa paaralan araw-araw,
Siya ay masaya, matututo pa.

Sa unang araw, kailangang magpakilala


Lahat ng mga bata dito ay kasama
Pangalan, edad, kaarawan at kasarian
Iyan ay isasaulo, upang hindi malimutan.

Gayahin natin ito


“Magandang umaga!
Ako po si Lisa Go, limang taong gulang po
Kaarawan ko ay sa ika-walo ng Hulyo
Babae po ako, Maraming salamat po.”

Upang lubos na makilala


Ang mga gusto ay sabihin pa
“Gusto ko ng laruan, tsokolate, regalo
Ang pagkaing mapait , iyon naman ang ayaw ko.”
Suriin

Pamamaraan:
Suriin
Basahin ang mga tanong sa bata ayon sa tulang binasa.
Gabayan ang bata sa pagsasagot sa mga tanong.

Mga tanong: Mga Sagot


1. Ano ang pamagat ng ating tula? (Kinder Na Ako)
2. Sino ang binanggit sa tula? (Lisa)
3. Nasaan si Lisa? (paaralan)
4. Ano- ano ang mga sinabi niya? (pangalan,edad, kaarawan, kasarian, gusto at hindi gusto)
5. Ano-ano ang mga bagay na gusto niya? (laruan, tsokolate at regalo)
6. Ano naman ang hindi niya gusto? (pagkaing mapait)
7. Ano – ano kaya ang mga pagkaing mapapait? (ampalaya, kape)
8. Ano ang magagalang na salita ang nabanggit sa tula? (po)
9. Sa iyong palagay, bakit kaya kailangang magpakilala
ang batang Kinder sa unang araw ng pagpasok? (para malaman pangalan, edad, kasarian, gusto at hindi gusto)
10. Katulad ni Lisa, kaya mo na rin bang ipakilala
ang iyong sarili? Subukan mo nga? (opo)
Pagyamanin

Gawain 1: ANG AKING PANGALAN (NAME TAG)

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga kagamitan; sagutang papel, pandikit, lapis,gunting


at pangkulay.
2. Kunin ang sagutang papel at ipagupit ang putul- putol na linya.
3. Idikit ang larawan ng bata sa gitna.
4. Isulat ang buong pangalan sa ibaba.
5. Lagyan ng disenyo sa gilid ang inyong name tag.
6. Hayaan ang batang magsulat ng kaniyang pangalan.

Gawain 2: ANG MGA LETRA NG AKING PANGALAN

Pamamaraan:
1. Ipasulat ang buong pangalan ng bata sa linya sa gawaing papel.
2. Kung hindi pa kaya ng batang magsulat, maaring ipakopya sa bata
ang kaniyang pangalan sa “name tag.”
3. Ipakulay ang mga letra sa bata na makikita niya sa kaniyang pangalan.
4. Gabayan ang bata sa pagsasagawa ng gawain lalo na sa pagsulat
ng kanilang pangalan.
Gawain 3: AKO AY BABAE / AKO AY LALAKI

Pamamaraan:

1. Ipatukoy sa bata kung ano ang kaniyang kasarian; lalaki o babae


2. Ipakulay ang larawan ng lalaki kung ang bata ay lalaki
o babae kung ang bata ay babae sa sagutang papel.
3. Ipakulay ang angkop na damit ayon sa kasariang napili nito.
4. Basahin ang panuto sa bata.

Gawain 4: ANG AKING KAARAWAN

Pamamaraan:

1. Ipakulay at disenyuhan ang larawan ng cake sa sagutang papel.


2. Ipaguhit ang kandila sa ibabaw ng cake ayon sa edad ng bata.
Halimbawa: 5 kandila kung ang bata ay limang taong gulang na.
3. Basahin ang panuto sa bata.
Gawain 5: ANG GUSTO AT HINDI KO GUSTO

Pamamaraan:

1. Itanong sa bata kung ano ang mga bagay


na gusto at hindi niya gusto.
2. Ipaguhit sa bata ang larawan ng mga bagay na gusto niya
at hindi niya gusto sa sagutang papel.
3. Kung ang bata ay hindi pa marunong gumuhit, maaring gumupit ng
mga larawan na gusto at hindi niya gusto at idikit ito sa sagutang papel.
4. Basahin ang panuto sa bata.

Isaisip

Pamamaraan:

1. Gabayan ang bata sa pagsagot sa patlang sa


sagutang papel tungkol sa kaniyang sarili.
2. Basahin ang mga salita at hayaan ang bata na sabihin ang kaniyang
sagot upang makumpleto ang pangungusap.
3. Bigyan ng pagkakataon ang bata na magsanay
sa pagpapakilala sa kaniyang sarili gamit ang mga
magagalang na salita.
4. Basahin ang panuto sa bata.
Isagawa

Pamamaraan:

1.Hayaan ang bata na ipakilala ang kaniyang sarili. Maaaring bigyan ng pagkakataon ang bata na magsanay muna bago siya
magpakilala ng kaniyang sarili.
2. Sabihin:
“ Katulad ni Lisa, tumayo nang tuwid at ipakilala ang iyong sarili . Sabihin ang iyong pangalan, edad, kaarawan, kasarian
kung ikaw ba ay isang babae o lalake. Sabihin mo rin kung ano-ano ang iyong mga gusto at hindi gusto.”

Karagdagang Gawain
Pamamaraan:

1. Basahin ang panuto at mga pangungusap sa bata kung ito ay nagawa o hindi niya nagawa.
2. Ipakulay sa bata ang angkop na mukha sa kaniyang sagot.
(Sagutang Papel)

ANG AKING PANGALAN (NAME TAG)

larawan

______________________________________________________________________________________
PANGALAN
(Sagutang Papel)

ANG MGA LETRA NG AKING PANGALAN

A a B b C c D d E e
F f G g H h I i J j
K k L l M m N n Ñ ñ
O o P p Q q R r S s
T t U u V v W w V v
W w X x Y y Z z
Sagutang Papel)

Pangalan_________________________________________________
AKO AY BABAE / AKO AY LALAKI
Panuto: Kulayan mo ang larawan kung ano ang iyong kasarian at ang damit na isusuot mo.
(Sagutang Papel)

Pangalan_________________________________________________

ANG AKING KAARAWAN

Panuto: Kulayan at disenyuhan mo ang cake. Gumuhit ka ng mga kandila sa ibabaw


nito ayon sa iyong gulang o edad.
(Sagutang Papel)

Pangalan_____________________________________________________________________________
ANG GUSTO AT HINDI KO GUSTO

Panuto: Gumuhit o gumupit at magdikit ka ng mga larawan ng mga bagay na gusto o


hindi mo gusto.

Mga Bagay na

Gusto ko Hindi Ko Gusto


(Sagutang Papel)

Panuto : Sabihin mo ang tamang sagot para makompleto ang mga sumusunod
na pangungusap.

Magandang Umaga!

Ako po ay si __________________________________________________________.
Ako po ay ___________________________________________ taong gulang.
Ipinanganak ako noong ________________________________________________.
Isa po akong ____________________________________________ (babae/lalaki).
Ang mga bagay na gusto ko ay _________________________________________.
Ang mga bagay na hindi ko gusto ay ____________________________________.

Salamat po.
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Kulayan mo ang kung nagawa mo at kung hindi mo nagawa.


Nasasabi ko ang aking buong pangalan (pangalan
at apelyido) at tamang edad.

Napapakilala ko ang aking sarili gamit ang mga


magagalang na salita.

Nasasabi ko ang petsa ng aking kapanganakan


(buwan, araw, at taon).

Nasasabi ko ang aking kasarian (babae o lalaki).

Nasasabi ko ang mga bagay na gusto at hindi ko


gusto.
Susing Pagwawasto

Sanggunian

● K to 12 Most Essential Learning Competencies pp. 8


● KINDERGARTEN CURRICULUM GUIDE pages 8, 16, 17, 18, 25, 26, 27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Quezon City
Email Address: sdoactioncenter@gmail.com
Telephone No: 8352-6806 / 8352 6809
Telefax: 3456-0343

You might also like