You are on page 1of 33

K Kindergarten

Unang Markahan
Modyul 4: Ako ay Bukod Tangi
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4: Ako ay Bukod Tangi
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marife C. Eugenio at Bernard L. Sorrosa


Editor: Marimel Jane P. Andes, Rodolfo de Jesus, Cecilia C. Alba at Cesar B. Retes Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang
Panglungsod, Lunsod Quezon
Tagasuri: Shiarell Loida M. Cruz
Tagaguhit: Sherwin Alixes B. Barba, Maria Gracia L. Diaros, Shiela Rose A. Macasaya Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong
at Leilani S. Yutiampo Rehiyon
Tagalapat: Brian Spencer B. Reyes Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City
Tagapamahala: Dr. Jenilyn Rose B. Corpuz, Tagapamanihala
Telepono: 3456-0343
Mr. Fredie V. Avendaǹo, Pangalawang Tagapamanihala
Mr. Juan C. Obierna, Puno, CID sdoqcactioncenter@gmail.com

Dr. Heidee F. Ferrer, Tagamasid Pansangay-LRMS


Mrs. Marimel Jane P. Andes, Tagamasid Pampurok
K
Kindergarten
Modyul 4: Ako ay Bukod Tangi
Paunang Salita

Para sa Tagapagpadaloy: (Magulang/Guardian)


Ang araling ito ay naglalayong ituro at malaman ng bata ang iba’t- ibang bagay tungkol sa sarili. Inaasahan ang inyong paggabay sa
pagkatuto sa aralin sa pamamagitan ng pag-aalalay sa inyong anak sa paggawa ng iba’t- ibang gawaing nakapaloob sa modyul na ito.
Bago magsimula ng pag-aaral, siguraduhing naihanda ang mga kakailanganing kagamitan para sa iba’t – ibang gawaing nakapaloob dito.
Mayroon ding mga katanungang kailangang sagutin, hayaan nating sumagot ang bata mula sa kanilang pagkakaintindi at nalalaman.
Upang makasigurado sa pagkatuto ang inyong anak, gabayan siya mula sa simula hanggang sa matapos ang modyul at siguraduhing
nagawa ng bata ang bawat gawaing nakapaloob dito.
Ang modyul na ito ay binubuo ng mga iba’t- ibang gawain sa bawat aralin Basahin ng mabuti ang panuto sa paraan na mauunawaan
ng bata at sundin ang mga pamamaraan na nakapaloob dito. Bigyan ng oras ang bata para tapusin ang mga gawain.
May mga sagutang papel na nakapaloob sa modyul na ito, doon magsusulat at sasagot ang mga bata. Gabayan ang bata sa pagsagot
dito.

Para sa Bata:

Siguraduhing nakikinig ng husto ang bata sa mga panuto na babasahin sa kanila. Hayaan ang bata na tapusin ang mga gawain sa
modyul na ito sa abot ng kanyang makakaya.
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda para sa mga bata na nasa baitang ng Kindergarten upang matulungan siya sa
mabisang pagkatuto. Sa pamamagitan nito, maaari malinang ng modyul na ito ang kahusayan sa pang-unawa at pagsagot ng
iyong anak sa mga pagsasanay nang buong husay.

Ang mga pagsasanay na kinakailangan niyang gawin sa loob ng limang araw. Pagkatapos niyang gawin ang lahat ng
mga gawaing ito, inaasahang maisasagawa niya ang mga sumusunod na kasanayan:

 naisasakilos ang mga kakayahan sa iba’t ibang paraan


 natutukoy ang letra , bilang at mga salita na naiiba sa pangkat

Subukin

Pamamaraan :

1. Basahin ang panuto sa bata.


2. Hayaan ang bata na sabihin kung ano ng nasa larawan.
3. Gabayan ang bata sa pagsagot sa mga gawain.
Aralin
Ako ay Bibo!
1
Tuklasin

Pamamaraan:
1. Awitin ang “Ako ay Batang Bibo” sa tono ng Ako ay my Lobo.
2. Awitin ito ng dalawang beses. Sa ikalawang beses hayaan na sumabay ang bata sa pag-awit.
3. Pagkatapos umawit itanong sa bata ang mga sumusunod na mga tanong.

AKO AY BATANG BIBO


(sa tono ng Ako ay may Lobo)

Ako ay si Lito
Isang batang bibo
Sa aming tahanan at sa paaralan
Kaya kung kumanta, magsayaw at magpinta
Pati na pagkulay, pagguhit pagsulat
(ulitin ng dalawang beses)
Mga tanong: Sagot

1. Sino ang batang bibo sa awitin? (Lito)


2. Ano-ano ang mga bagay na kaya niyang gawin? (kumanta, sumayaw at magpinta)
3. Saang mga lugar niya ito ginagawa? (sa tahanan at sa paaralan)
4. Ano – ano ang mga kayang mong gawin?

Suriin

Pamamaraan:
1. Ipakita ang mga larawan sa sagutang papel.
2. Ipatukoy sa bata kung ano- ano ang mga ito.
3. Basahin ang mga sumusunod na tanong.

Mga tanong:

1. Alin sa mga kakayahan ang ginagamitan ng lapis at papel?


2. Anong larawan ang nagpapakita ng husay sa pagsayaw?
3. Ano ang ginagamit ng bata sa kanyang pagbabasa?
4. Ano ang hawak ng bata sa pagkanta?
5. Alin sa mga kakayahan ang kaya mong gawin?
Pagyamanin

Gawain 1: TAPATAN ANG KAKAYAHAN

Pamamaraan:

1 .Basahin ang panuto sa bata.


2. Ipaguhit ang linya sa Hanay A patungo sa Hanay B.
3. Basahin isa isa ang mga salita upang makabit ng bata
sa angkop na larawan na tinutukoy ng salita.

Gawain 2: KAYA KO ITO!

Pamamaraan:

1. Basahin ang panuto sa bata.


2. Ipatukoy sa bata ang mga larawan na kaya niyang gawin.
3. Gabayan ang bata sa pag-guhit ng masayang mukha.
4. Bigyan ng pagkakataon ang bata na ipaliwanag ang kanyang sagot.
Gawain 3: TUWING KAILAN?

Pamamaraan:
1. Ipatukoy sa bata ang mga larawan.
2. Basahin ang panuto.
3. Basahin mga salita sa loob ng kahon.
4. Gabayan ang bata sa pagsagot sa gawain.

Isaisip

Pamamaraan:
1. Basahin sa bata ang mga katanungan.
2. Bigyan ang bata ng pagkakataon na makapag-isip at masabi ang kanyang opinion.

Mga Tanong
1. Kailan ka kumakanta?
2. Kailan ka sumasayaw?
3. Kailan ka nagsusulat?
4. Kailan ka nagpipinta?
5. Paano mo maibabahagi ang iyong sariling kakayahan sa kapwa mo bata?
6. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maipakita ang iyong kakayahan ng iyong guro o magulang,
ano ang gagawin mo? Bakit?
Isagawa

Gawain: ANG AKING MGA KAKAYAHAN


Kagamitan:

1. lumang diyaryo o magazine


2. gunting
3. pandikit
Pamamaraan:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Basahin ang panuto.
3. Gamit ang lumang diyaryo o magazine hayaan ang bata na tukuyin ang mga larawan na kanyang gugupitin.
4. Gabayan ang bata sa paggupit sa mga larawan.
5. Muling ipatukoy sa bata ang mga larawan na kanyang idinikit sa loob ng bahay.
6. Ipakilos sa bata ang mga larawan na kanyang idinikit.

Aralin
Kakaiba Nga!
2

Tuklasin
Pamamaraan:

1. Sabihin: Sa unang aralin ay pinag-aralan natin ang iba’t-ibang kakayahan kagaya ng pagsulat,
pagkanta, pagpinta, pagsayaw at pagguhit. Tingnan ang mga larawan sa loob ng kahon.
2. Ipakita ang mga larawan sa gawaing papel.
3. Itanong sa bata ang mga sumusunod na katanungan.

Mga tanong: Sagot

1. Ano-ano ang mga nasa loob ng kahon? (mga batang kumakanta at sumasayaw, mga letra at
mga bilang)
2. Ano ang masasabi mo sa mga larawan sa loob ng kahon? (may mga kahon na may magkaparehong
larawan sa loob nito at may mga kahon na may
magkaiba ang larawan sa loob nito)
3. Aling kahon ang may magkaparehong larawan? (ang kahon na may larawan ng 2 letrang S at
2 salitang aso)
4. Aling kahon ang may magkaibang larawan? (ang kahon na may larawan ng 2 bata at kahon na
may bilang 3 at 2)
5. Paano mo malalaman na ang mga larawan o bagay
ay magkaiba? (hindi ito magkapareho o magkatulad)
Suriin

Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto.
2. Isa-isang ituro ang mga larawan sa bawat hanay.
3. Basahin ang salita sa loob ng kahon.
4. Sabihin: Alin ang naiiba?
5. Gawin muli ang bilang 2 at 3 sa iba pang hanay ng mga
larawan.

Pagyamanin

Gawain 1: ALIN ANG NAIIBA

Pamamaraan:

1. Basahin ang panuto.


2. Isa-isang ituro ang mga larawan sa bawat hanay.
3. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata.
4. Basahin ang salita sa loob ng kahon.
5. Sabihin: Magkaiba ba ang mga larawan sa kahon?
6. Gabayan ang bata sa pag-gupit.
Gawain 2: PAGHAMBINGIN MO!

Pamamaraan:

1. Basahin ang panuto.


2. Isa- isang ituro ang mga larawan sa bawat hanay.

3. Basahin ang salita sa loob ng kahon.


4. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata.
5. Sabihin: Magkaiba ba ang mga larawan sa kahon?

Gawain 3: BILUGAN MO!

Pamamaraan:

1.Basahin ang panuto.


2. Isa- isang ituro ang mga larawan sa bawat hanay.

3. Basahin ang salita sa loob ng kahon.

4. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata.

5. Sabihin: Magkaiba ba ang mga larawan sa kahon?


Isaisip

Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto sa bata.
2. Isa-isang ituro kung ano ang nasa loob ng lobo.
3. Ipatukoy sa bata kung ano ang naiiba.

Isagawa

Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto.
2. Isa- isang ituro ang mga nasa loob ng bilog.

3. Basahin ang salita sa loob ng bilog.

4. Bigyan ng pagkakataon na mag-isip ang bata.

5. Ipaguhit sa bata ang naiiba sa loob ng kahon.

.
Karagdagang Gawain

Pamamaraan:
1. Basahin ang panuto sa bata.
2. Basahin ang mga pangungusap sa loob ng kolum.
3. Gabayan ang bata sa pagsagot.

Susing Pagwawasto:
Sanggunian

 Kindergarten Teacher’s Guide, 2017 pp.34-33, Week 4 pp. 49-52


 MELCs page 9.
(sagutang Papel)

Pangalan
A. Panuto: Kulayan mo ang larawan na kaya mong gawin.

B. Panuto: Bilugan sa hanay ang naiiba.

A A A a
2 1 2 2
Suriin

sumasayaw kumakanta nagsusulat

nagbabasa nagpipinta
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Pagtapatin mo ang mga salita na nasa sa Hanay A mula sa mga larawan na
nasa Hanay B.
A B

nagsusulat

kumakanta

sumasayaw

nagkukulay
(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Alin sa mga sumusunod na larawan ang kaya mong gawin? Lagyan ng

masayang mukha ( ) ang maliit na kahon.


(Sagutang Papel)

Pangalan

Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang hanay kung gaano mo kadalas ginagawa ang nasa larawan.

Ginagawa ko ito Palagi Minsan Hindi


(Sagutang Papel) Ang Aking Kakayahan

Pangalan
Panuto: Gumupit ka ng mga larawan na nagpapakita ng iyong mga kakayahan.
Idikit mo ito sa loob ng bahay.
Tuklasin

S Ab S

aso aso
3 2
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Bilugan mo ang naiibang larawan sa bawat hanay.

m b b

3 3 2 ama ama asa


(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Lagyan mo ng batang umaawit ang mga larawan na magkaiba sa
bawat pangkat. Gupitin at idikit mo ito sa loob ng kahon.

D M S

3 3 3 uso aso isa


(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Lagyan mo ng hugis bilog ( ) kung magkaiba ang dalawang larawan sa
bawat hanay. Lagyan mo ng hugis tatsulok ( ) kung hindi magkatulad ang dalawang
larawan sa bawat hanay.

________________

2 2 ________________

s m ________________

ama ama ________________


(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Bilugan mo ( ) ang batang sumasayaw kung ang larawan sa bawat pangkat
ay magkaiba. Bilugan mo ( ) naman ang batang kumakanta kung hindi magkaiba.

0 2
M W
mali lima
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Kulayan ang naiibang larawan sa bawat pangkat ng lobo.

2 m
1 2 1 r n
m
(Sagutang Papel)

Pangalan
Panuto: Hanapin mo ang naiiba sa bawat pangkat. Iguhit mo ang mga ito sa loob ng
kahon.
(Sagutang Papel)

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Lagyan mo ng ( ) ang kolum ng


iyong sagot.

Mga Tanong Opo Hindi po


1. Kaya mo ba gawin ito?

2. Kaya mo ba gawin ito?

3. Kaya mo ba gawin ito?

4. Ito ba ang naiiba sa sumusunod na


pangkat?
2 3 2 2
5. Ito ba ang naiiba sa sumusunod na
pangkat?
asa asa ama asa
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Quezon City
Email Address: sdoactioncenter@gmail.com
Telephone No. : 8352-6806 / 8352 6809
Telefax: 3456-0343

You might also like