You are on page 1of 7

Paunang Salita

Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay naglalayong maibahagi sa mga mag-


aaral ang mga paraan ng WASTONG PANGANGASIWA NG MGA
PANGUNAHING LIKAS NA YAMANG LUPA ng sariling lalawigan.

Isa sa mga suliranin ngayon ng ating lalawigan ang hindi wastong


pangangasiwa ng karamihan sa ating mga yamang lupa. Kaya naman sa tulong ng
self-learning kit na ito malalaman ng mga mag-aaral ang iba’t ibang paraan ng
wastong pangangasiwa sa mga ito.

Mga Layunin
Cognitive
Nasasabi ang mga wastong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na
yamang lupa ng sariling lalawigan.

Psychomotor
Naisasagawa ang mga wastong paraan ng pangangasiwa ng mga likas
na yamang lupa ng sariling lalawigan.

Affective
Napapahalagahan ang mga paraan ng wastong pangangasiwa ng likas
na yamang lupa sa sariling lalawigan.

Pamantayan sa Pagkatuto

Pamantayang sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang wastong paraan ng pangangasiwa ng mga pangunahing
likas na yaman ng sariling lalawigan at rehiyon. (Yamang Lupa)

Code: (AP3LAR-Ii-13)

I. ANO ANG NANGYARI?


Sa nakalipas na aralin ay iyong napag-alaman ang mga likas na yamang lupa.
Ngayon ay iyong alalahanin ang mga ito. Tignan ang mga larawan sa ibaba at isulat
ang mga ngalan ng mga ito sa patlang.
mais palay

kamatis
talong
mangga

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN?


Nakatutuwang isipin na ang ating lalawigan ay sadyang sagana sa iba’t
ibang uri ng mga likas na yamang lupa. Mga likas na yamang malaki ang
naitutulong sa ating pamumuhay. Sapagkat ang mga ito ay maaari nating
kainin o pagkakitaan. Subalit nakalulungkot ding makita na ang ibang tao
ay hindi marunong ng wastong paraan ng pangangasiwa sa mga ito.
Anu-ano nga ba ang mga wastong paraan ng pangangasiwa ng ating mga
likas na yamang lupa na dapat nating malaman at isagawa nang sa ganun
ang mga ito ay ating mapakinabangan ng husto. Halika pag-aralan natin
ang mga ito: Larawan ng mga nagtatanim
ng gulay.

1. Huwag hayaang nakatiwangwaang ang mga lupain sa ating


bakuran o bukirin sa halip magtanim ng mga halaman at puno
dito upang may makain o pagkakitaan. Alagaan ang iyong mga
pananim.
Larawan ng mga nagtatanim
ng puno.
2. Kung kinakailangan, putulin lamang ang mga punong may sapat
na gulang na. Siguraduhing kapag pumutol ng isang puno
magtanim nang dalawang puno na kapalit nito upang mapigilan
ang pagguho ng lupa o pagbaha sa ating lugar.
Larawan ng mga gumagamit
ng mga dumi ng hayop bilang
pataba.

3. Gumamit ng mga nabubulok na basura, dahon, at dumi ng


hayop bilang pataba. (organic fertilizer) Nakakatulong ang mga
ito upang lumaking malusog ang iyong mga tanim.
Makakatulong ka na sa pagbabawas ng mga basura sa iyong
paligid makakatipid ka pa.
Larawan ng mga gumagamit
ng mga abono.

4. Iwasan ang paggamit ng iba’t ibang uri ng abono sa ating mga


tanim. Maaari tayong magkasakit kung kakainin natin ang mga
ito.
Larawan ng mga nagtatanim Larawan ng mga nagtatanim
ng palay. ng mais.

5. Magpalit nang pananim upang makatulong sa pagpapanatili ng


pagiging mataba ng lupa nang sa ganun ay maging maganda ang
tubo ng mga halamang itatanim dito.

Tandaan:
Mahalagang isabuhay ang mga wastong pamamaraan ng pangangasiwa ng
mga likas na yamang lupa upang ang mga ito’y lubos nating
mapakinabangan.

III. Ano ang Natutunan Mo?


Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng wastong pangangasiwa
sa mga likas na yamang lupa at bilugan ang hindi nagpapakita ng wastong
pangangasiwa .

Paggamit ng organic Pagputol ng mga


fertilizer maliliit na puno

Pagtatanim ng mga Paggamit abono Pagtatapon ng mga


puno sa bakanteng basura sa loteng may
lote tanim

GAWAIN I
Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bakit kailangan nating taniman ang mga tiwangwang na lupa sa ating bakuran
o bukirin?
a. Upang may magawa lamang.
b. Upang may didiligan araw-araw.
c. Upang mapakinabangan ito ay may makuhang pagkain.
2. Alin sa mga sumusunod ang dapat na gamiting pataba sa mga halaman?
a. abono b. dumi ng hayop c. plastic
3. Ano ang maaaring mangyayari kapag pinutol lahat ang mga puno sa ating
bakuran?
a. Gaganda ang ating paligid.
b. Mababaha ang ating paligid kapag bumagyo.
c. Dadami ang mga ibon sa ating paligid.
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi magandang maaaring maidulot nang
paggamit ng mga abono sa ating pananim?
a. Mamamatay ang ating mga tanim.
b. Kaunti lamang ang magiging bunga ng mga ito.
c. Maaari tayong magkasakit kapag kinain natin ang mga bunga nito.
5. Bakit kailangang pangasiwaan ng wasto ang ating mga likas na yamang lupa?
a. Upang mapakinabangan natin ang mga ito.
b. Upang maubos ang mga ito.
c. Upang mamatay ang mga ito.

GAWAIN II
Gumuhit ng masayang mukha sa loob ng kahon kung ang pangungusap ay
nagpapahayag ng wastong pangangasiwa ng likas na yamang lupa at
malungkot na mukha kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng di-wastong
pangangasiwa.
1. Tinatayuan ng mall ang mga lupain sa halip na taniman.
2. Pagtatanim ng iba’t ibang uri ng gulay sa ating mga bakuran.
3. Hinahayaang nakatiwangwang ang mga bukirin.
4. Ginagamit na pataba ang mga dumi ng hayop.
5. Pagtatapon ng iba’t ibang uri ng basura sa mga bakanteng lote.

GAWAIN III

Gumuhit ng mga larawan ng wastong pangangasiwa ng likas na yamang lupa


sa loob ng bilog. Sumulat ng isang pangungusap patungkol sa mga ito.

1. 2.
------------------------------------------------------------- --------------------
------------------------------------
------------------------------------------------------------- --------------------
------------------------------------

SYNOPSIS

Ang ating lalawigan ay sadyang mayaman sa mga likas na yamang lupa.


Dapat natin itong pangasiwaan ng wasto upang ating mapakinabangan.

Sa tulong ng Self-Learning Kit (SLK) na ito, matututunan ang mga wastong


pamamaraan ng pangangasiwa sa mga likas na yamang lupa.

Directory

This module was conceptualized by the


Curriculum and Learning Management Division (CLMD)
Learning Resources Management System (LRMDS)
Department of Education

SCHOOL DIVISION OF TARLAC PROVINCE

RONALD A. POZON, PhD., CESO V


School Division Superintendent

DR. MELISSA S. SANCHEZ


DR. LEANDRO C. CANLAS, PhD
Assistant School Division Superintendent

BOBBY P.CAOAGDAN, EdD


Education Program Supervisor – LRMS

LAMBERTO F. GAMUROT, PhD


Education Program Supervisor (EPSvr-I) - Araling Panlipunan

ROGER P. RAMOS, EdD


District Supervisor

ROSALYN I. BARLAAN/ IRIS GAY O. VALLEJOS


Writers

ROMMEL U. YABIS
Illustrator

KRISTHEL ANNE RESSURECCION


Layout Artist

DEPARTMENT OF EDUCATION-REGION OFFICE III

NICOLAS T. CAPULONG
School Division Superintendent
OIC-Regional director
Office of the Regional Director

ELIZABETH M. PERFECTO, EdD


Chief Curriculum and Learning Management Division

MA.EDITHA R. CAPARAS, EdD


LRMS Supervisor

You might also like