You are on page 1of 1

Salamat sa Iyo…. Ikaw ang Gumawa ng mga Gamit Ko!

Kung ating pagmamasdan ang ating kapaligiran,


Dulot sa kalooban ay saya, ganda, at kapanatagan.
Kaya’t wag nating abusuhin bagkus ay alagaan,
Dahil lahat ng kagamitan ito ang pinagmulan.

Tulad ng mga puno sa ating mayamang kagubatan,


Dito nagmula ang lamesa at upuan sa ating tahanan.
Hindi ba’t ito’y yari sa kahoy na galling sa kalikasan,
Na dapat ipagmalaki, pakaingatan, at pangalagaan.

Dumako naman tayo sa dakila at mahal na paaralan,


Mga kagamitang tulad ng pisara, cabinet cabinet, at mga upuan.
Ang mga ito’y kailangan sa pag-aaral ng mga kabataan,
Kaya’t pakaingatan para magamit nang pangmatagalan.

Kung ating iisa-isahin at pag-aralan ang mga kagamitang ito.


Gamit nating papel, lapis at kuwardenong ginawa ng tao.
Huwag sayangin, tipirin, at i-recycle sapagkat puwede pa ito.
Para magamit pa sa mga susunod na taon at siglo.

kung araw ng Linggo mga tao’y nagtutungo sa simbahan,


pagkatapos ng misa mga bata’y pumupunta sa palaruan.
Lahat ay nagkakaisang naglalaro sa siso, akyatan at duyan.
Ang dulot ay lubos na kasiyahan sa ating mga kabataan.

Ang kalikasan sadyang ipinagkaloob ng Panginoon sa atin,


Siya’y masasabing tunay maunawain at mahabagin.
Kaya’t mga biyaya’y mahalin, paunlarin, at pagyamanin.
Upang lubos na ang pag-unlad n gating bansa’y kamtin.

You might also like