You are on page 1of 9

DEPARTMENT OF EDUCATION Region III

SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE


Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City

Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa


Grade IV First Quarter
Week I

picture

SELF LEARNING KIT


FOREWORD

Isang masayang bungad na pagbati sa iyong pagtuntong sa Ikaapat na Baitang!

Itong SLK na ito ay base sa Most Essential Learning Competencies (MELC) sa Araling
Panlipunan ng Grade four, First Quarter, Week One.

Ang Kit na ito ay sadyang ginawa para sa kapakanan ng mga bata katulad mo na hindi muna
papasok sa loob ng paaralan para makapag-aral ng face to face dahil sa pandemic na dulot ng
corona virus.

Sa aralin dito ay inaasahang matatalakay mo ang konsepto ng bansa. Mabubuo mo ang


kahulugan ng bansa, at maipapaliwanag mo na ang Pilipinas ay isang bansa.
MOST LEARNING COMPETENCIES
Content Standards:
Ang mag-aaral ay …..
Naipamamalas ang pang-unawa sa pagkakakilanlan ng bansa ayon sa mga katangiang
heograpikal gamit ang mapa.

Performance Standards:
Ang mag-aaral ay …..
Naipamamalas ang kasayanan sa paggamit ng mapa sa pagtukoy ng ibat-ibang lalawigan at
rehiyon ng bansa.

Most Essential Learning Competencies:

Cognitive:
Natatalakay ang konsepto ng bansa

Psychomotor:
Naiguguhit ang katangian ng isang lugar para masabing ito ay isang bansa

Affective:
Napapahalagahan ang ating bansa sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapanatili sa apat na
elemento

Code:
AP4AAB-Ic-4

I. ALAMIN MO

1. Paano masasabing ang isang lugar ay isang bansa?


________________________________________________
________________________________________________

2. Bakit tinawag na bansa ang Pilipinas?


_______________________________________________
_______________________________________________
3. Ano ang kahulugan ng bansa?
_______________________________________________
----------------------------------------------------------------------------

II. ANO ANG DAPAT MALAMAN

BANSA
Ang bansa ay isang lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na
may magkakatulad na kulturang pinanggaligan kung kaya makikita ang iisa o pare-
parehong wika, pamana, relihiyon at lahi.
Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na
elemento ng pagkabansa- tao, teritoryo, pamahalaan, at ganap na kalayaan o
soberanya.

TAO
Ang tao ay tumutukoy sa grupong nainirahan sa loob ng isang teritoryo na
bumubuo ng populasyon ng bansa.
TERITORYO
‘ Ang teritoryo ay tumutukoy sa lawak ng lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas nito. Ito rin ang tinitirhan ng tao at pinamumunuan ng
pamahalaan.
PAMAHALAAN
Ang pamahalaan ay isng samahan o organisasyong political na itinataguyod ng
mga grupo ng tao na naglalayong magtatag na kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
lipunan.
SOBERANYA O GANAP NA KALAYAAN
Ang soberanya o ganap na kalayaan ay tumutukoy sa kapangyarihan ng pamahalaang
mamahala sa kaniyang nasasakupan. Tumutukoy rin ito sa kalayaang magpatupad ng mga
programa nang hindi pinakikialaman ng ibang bansa. Dalawa ang anyo ng soberanya – panloob
at panlabas. Ang panloob na soberanya ay ang pangangalaga ng sariling kalayaan. Ang panlabas
naman ay ang pagkilala ng ibang bansa sa kalayaang ito.

Hindi maitututring na bansa ang isang bansa kung may isa o higit pang kulang sa alinman
sa apat na binanggit na elemento o katangian. Sa kasalukuyan, may mahigit 200 bansa ang
nagtataglay ng apat na element ng pagiging ganap na bansa. Kabilang ang Pilipinas sa mga
bansang ito. Ilan pang lugar sa mundo na maituturing na bansa ay ang United States of America,
Australia, United Kingdom, Saudi Arabia, at China.
I. ANO ANG NATUTUNAN MO?

Bansa
Lugar o teritoryo na may naninirahang mga grupo ng tao na may magkakatulad na
kulturang pinanggalingan kung saan makikita ang iisa o pare-parehong wika, pamana, relihiyon
at lahi.

4 na ELEMENTO NG PAGKABANSA

1. Tao 2. Teritoryo 3. Pamahalaan 4. Kalayaan o


Soberanya

Tumutukoy sa Tumutukoy sa Isang samahan o Tumutukoy sa


grupong lawak ng lupainat organisyong political na kapangyarihan
nainirahan sa loob katubigan kasama itinataguyod ng mga ng pamhalaang
ng teritoryo na na ang grupo ng tao na mamahala sa
bumubuo ng himpapawid at naglalayong magtatag ng kaniyang
populasyon ng kalawakan sa itaas kaayusan at magpanatili nasasakupan at
bansa. nito. ng isang sibilisasyong kalayaaang
lipunan. magpatupad ng
mga programan
nang hindi
pinakikialaman
ng ibang bansa.
Gawain Blg. 1
Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang bilang at pangungusap na nagpapatunay na ang
Pilipinas ay isang bansa. Gawin ito sa iyong sagutang notbuk.
1. May mahigit sa 100 milyong tao ang naninirahan sa Pilipinas.
2. Ang Pilipinas ay hindi maaaring pakialaman ng ibang bansa.
3. Ang Pilipias ay may sariling teritoryo na binubuo ng mahigit sa 7 100 isla.
4. May pamahalaan ang Pilipinas na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga
mamamayan.
5. Ang mga Pilipino ay gumagamit ng iba’t ibang wika.

Gawain Blg. 2
Lagyan ng THUMBS UP ang bilang ng pangungusap na nagsasabi ng katangian ng isang lugar
para maituring na isang bansa at THUMBS DOWN naman kung hindi maituturing na isang
bansa.
_________1. May mga mamamayang nainirahan sa bansa.
_________2. Pinamamahalaan ng taga ibang bansa.
_________3. Ito’y binubuo ng tao, pamahalaan at teritoryo lamang.
_________4. May sarili itong mapamahalaan.
_________5. May sariling teritoryo na tumutukoy sa lupain at katubigan kasama na ang
himpapawid at kalawakan sa itaas. nito.

Gawain Blg. 3
Iguhit ang simpleng mapa ng Pilipinas. Isulat sa 3 malalaking isla nito ang apat na elementong
dapat mayroon ang Pilipinas para matawag itong bansa. Ipaliwanag ang bawat isa.
DIRECTORY
This material was conceptualized by the
Curriculum and Learning Management Division (CLMMD)
Learning Resources Management Section (LRMS)
Department of Education

DIVISION OF TARLAC PROVINCE

RONALDO A. POZON, PhD, CESO V


Schools Division Superintendent

LEANDRO C. CANLAS, PhD


OIC-Assistant Schools Division Superintendent

PAULINO D. DE PANO, PhD


Chief Curriculum Implementation Division

BOBBY P. CAOAGDAN, EdD


LRMS,Division Education Program Supervisor

Lambert
Araling Panlipunan, Division Education Program Supervisor

LILIAN F. TACPAL, VICTORIA B. MELEGRITO, ROMMEL U. YABIS, HILDA G. APELADO, JORY A. AGAPAY
Writer/ Illustrator/Lay-out Artist

Reference
Araling Panlipunan 4
Kagamitan ng Mag-aaral
(sino AP EPS?)

SYNOPSIS

Ang Self-Learning Kit na ito ay sadyang hinabi para maging supplementary learning material at para
mahasa ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa Konsepto ng Bansa.

Pwede mong matututuhan ang aralin na ito sa pamamagitan ng pagbasa at pag-unawa nang nag-iisa
kahit walang gabay ng magulang.

Picture

Curriculum and Learning Management Division (CLMD)


Learning Resource Management Section (LRMS)
Department of Education
Schools Division of Tarlac Province

Rommel, Bahala kana sa illustration nakkung. Pk edit mo narin. Salamuch

You might also like