You are on page 1of 14

Edukasyong Pantahanan

at Pangkabuhayan 5 5
Ikalawang
Markahan Home Economics
EPP- Home Economics - Grade 5
Ikalawang Markahan – Modyul 13: Pagpaplano ng Masustansyang
Pagkain
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bernadette B. Enriquez
Editor: Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagasuri: Dolores O. Antolin, Pepito B. Cagunot
Tagaguhit: Edison P. Clet, Arnel R. Ganados
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
EPP 5
Ikalawang Markahan
Modyul 13 para sa Sariling Pagkatuto
Pagpaplano ng Masustansyang Pagkain
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyong Pantahanan at
Pangkabuhayan Home Economics 5 ng Modyul para sa araling Pagpaplano ng
Masustansyang Pagkain !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan


Home Economics 5 Modyul ukol sa Pagpaplano ng Masustansyang Pagkain

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang


nakapagpaplano ng masustansyang pagkain (almusal, tanghalian at
hapunan) ayon sa badyet ng pamilya.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Kilalanin ang mga nasa larawan . Kumpletuhin ang word clue sa
pamamagitan ng paglagay ng tamang titik sa loob ng kahon.

https://images.app.goo.gl/U9KAXtJ3ca25RAV16

FOOD PYRAMID

https://images.app.goo.gl/feEhTc9w2MAE1RQn8

PI NGGA NG PINOY
BALIK-ARAL

Panuto: Ayusin ang scrambled letters at isulat sa patlang ang salitang


tinutukoy nito.

__________ PARNO___1. Pinapatong sa damit upang hindi ito


marumihan habang nagluluto.
_______ AKARYGANA 2. Harapang bahagi ng tela.
______ TOP EDROHL3. Panghawak na ginagamit sa pagbukas ng
mainit na takip ng kaserola.
_____BKAAILGTANAR4. Dito inilalatag ang padron.
______________ NOTOK5. Telang ginagamit sa paggawa ng punda,
apron, o damit ng bata.

ARALIN

Pagpaplano ng Masustansyang Pagkain (Almusal, Tanghalian


at Hapunan ) Ayon sa Badyet ng Pamilya

Maraming naglalabasan na masasarap na pagkain na kakaiba sa ating


paningin at panlasa. Likas sa mga Pinoy ang mahilig kumain kung kaya’t
naeengganyo tayong tikman ito. Hindi masama ang kumain ngunit ang
sobrang kain na walang limitasyon ay maaring makaapekto sa ating
kalusugan .

Sa yugto na ito ng pandemya, ang pagpaplano at pagluluto ng pagkain


ay kailangang pag-isipan at balaking mabuti para sa kapakanan ng ating mga
mahal sa buhay. Mahalaga ang kaalaman na ito dahil makatutulong ito
upang maging gabay natin para maging malusog, masigla at malakas ang
ating resistensya. At dahil dito makakaiwas tayo sa sakit. Hindi rin magiging
hadlang ang pagpili ng masustansyang pagkain na naaayon sa badyet para
sa pamilya kung ating maisasagawa ito ng wasto.
Narito ang mga mahahalagang salik na dapat isaalang-alang sa
pagpapaplano at pagluluto ng pagkain:

1. Menu
Ito ay talaan ng mga pagkain at inuming ihahain sa oras ng
kainan. Nagiging batayan natin sa paggawa ng menu ang tatlong
pangkat ng pagkain para sa isang kumpletong hain.

2. Talaan ng mga Putahe (Menu Pattern)


Gamitin ito sa pagpaplano ng menu upang makabuo ng resipi
para sa tiyak na age group. Mahalaga ang menu pattern sa paghahanda
ng pagkain para sa pamilya dahil pinag-iisipang mabuti ang mga
ihahaing pagkain para sa buong mag-anak.

3. Resipi
Ito ay talaan ng mga sangkap at pamamaraan para sa
paghahanda ng isang lulutuing putahe o ihahandang pagkain. Tiyaking
kumpleto ang mga gagamiting sangkap sa pagluluto upang tuloy-tuloy
ang paghahanda .

4. Sustansyang Nakukuha sa Pagkain


Kinakailangang may sustansya ang mga pagkain na ihahanda.
Bukod sa Tatlong Pangkat ng Pagkain mahalagang bigyan pansin din
ang Food Pyramid at Pinggang Pinoy upang maging gabay sa
paghahanda ng pagkain at makatiyak na wasto at sapat ang pagkain
na ihahain sa hapag kainan.

5. Badyet ng Pamilya
Ibinabatay ang pagkaing ihahanda sa perang gugugulin na
nakalaan para sa lulutuing pagkain.

6. Laki ng Mag-anak
Dito isinasaalang-alang ang bilang , edad at kasarian ng bawat
kasapi ng mag-anak sa paghahanda ng pagkain.

7. Lagay ng Panahon
Masarap kumain ng pagkaing mainit at may sabaw sa panahon
ng taglamig. Kung panahon naman ng tag-init mainam naman kumain
ng malalamig na meryenda.
8. Panahon sa Paghahanda ng Pagkain
Dapat maglaan ng sapat na oras sa gagawing paghahanda at
pagluluto.

9. Mga Kasangkapan at Kagamitan sa Gagamitin sa Pagluluto


May mga pagkain na nangangailangan ng wastong kasangkapan
sa pagluluto. Tingnan muna ang sariling kusina kung sapat ang
kagamitan bago magluto.

Karagdagang Kaalaman:

Mungkahing Dulot ng Pagkain

Pagkain Lalaki at Babaeng Babae at Matatanda


Lumalaki
Grow Foods
(Carbohydrates)
Karne at kauri 3 piraso 2 piraso
(Malaki sa kaha ng
posporo)
Isda (10sm) 2 piraso 1-2 piraso
Gatas ebaporada 2-3 tasa maghapon 1-2 tasa maghapon
Itlog (nilaga o pinirito) 2-3 piraso sa isang 2-3 piraso sa isang
linggo linggo
Butong gulay(luto) ½- 2/3 tasa ½- tasa

Glow Fooods
(Bitamina at Mineral)
Gulay (luto) ½ - ¾ tasa ½ - ¾ tasa
Prutas 1-2 hiwa 1-2 hiwa
Go Foods
(Protina)
Kanin o kauri nito 1 ½ -2 tasa ½ -1 tasa
Tinapay 3 piraso o hiwa 2 piraso o hiwa
Kamote at kauri nito 1 piraso 1 piraso
Asukal, matamis 5-8 kutsarita 3-4 kutsarita
maghapon maghapon
Mantika, mantikilya 5-7 kutsarita 4 kutsarita maghapon
maghapon
Halimbawa ng Menu

Almusal Tanghalian Hapunan


Saging (Glow Food) Nilagang Baboy Adobong Baboy
Pandesal (Go Food) ( Grow at Glow Food) (Grow Food)
Pritong Itlog (Grow Food) Kanin (Go Food) Ginisang Gulay
Mainit na Tsokolate o Manggang Hinog (Glow Food)
Gatas (Glow Food) Kanin (Go Food)
Papaya (Glow Food)

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1

Panuto: Dagdagan ang mga sumusunod na pagkain upang maging


kumpleto ang haing-pagkain (meal) Piliin ang sagot sa loob
ng panaklong at isulat sa patlang.

1. Tinapay , Scrambled egg, Gatas, _____________ (Saging, Juice)


2. Nilagang Baka , Kanin, _____________________ (Mangga,
Sinigang na Baboy)
3. Pritong Isda, Pakbet, Saging, ________________ (Kanin, Tinapay)
4. Chopsuey, Papaya, Kanin, ___________________ (Pritong Manok,
Sinangag na Kanin)

5. Adobong Baboy, Kanin , _____________________(Papaya ,


Tinolang Manok)
Pagsasanay 2

Panuto: Isulat sa patlang kung Go , Grow o Glow Food ang mga


pagkain na kabilang sa menu na ginawa para sa almusal .
1. Papaya _______________
2. Pandesal _______________
3. Pritong itlog _______________
4. Vegetable Salad ________________
5. Gatas _______________
Pagsasanay 3
Panuto: Gumawa ng isang badyet na masustansyang menu para sa
almusal. Piliin sa loob ng kahon ang pagkain para dito.

Pandesal Tsokolateng Inumin


Tinolang Manok Saging
Scrambled Egg Menudo

______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________
______________________________________

PAGLALAHAT

Ano ang natutuhan ninyo sa aralin natin ngayon? Gumawa ng


isang huwarang menu sa tanghalian para sa inyong pamilya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PAGPAPAHALAGA

Ngayong panahon ng pandemya paano mo maipakikita ang


pagmamahal mo sa iyong pamilya gamit ang kaalaman at kasanayan sa
pagpaplano ng isang masustansyang pagkaing ihahain sa hapag kainan?

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang titik nang tamang sagot.


_____1.Gusto ni Mario na magluto ng kare-kare. Ano ang dapat niyang
gawin upang malaman niya ang sangkap at pamamaraan nito?
A. Kunin ang Menu
B. Hanapin sa Resipi
C. Alamin ang Badyet
D. Gawin ang Menu Pattern

_____2. Si Rosa ay nagbabalak magluto ng sopas. Kailan mas mainam


lutuin ito?
A. Kapag malamig ang panahon
B. Kapag mainit ang panahon
C. Kahit anong araw
D. Araw-araw

_____3. Ano ang maaaring maitutulong ng tamang pagbababadyet sa


pagluluto ng pagkain?
A. Magiging sobra- sobra ang pagkain
B. Makatitipid sa gastusin sa pagkain
C. Maaring maaksaya ang nilutong pagkain.
D. Magkukulang sa pangaraw-araw na gastusin

_____4. Saang pangkat nabibilang ang mga pagkain tulad ng karne ,


baboy, isda at manok?
A. Go Food C. Glow Food
B. Grow Food D. Pinggang Pinoy

_____5. Dapat maglaan ng sapat na panahon sa gagawing paghahanda


at pagluluto. Alin sa mga batayan na pagpipilian ang
tumutukoy dito ?
A. Dami ng pamilya.
B. Lagay ng panahon.
C. Panahon sa paghahanda ng pagkain.
D. Mga kasangkapan at kagamitan sa pagluluto.
.
I. Paunang Pagsubok
1. F O O D P Y R A M I D
2. P I N G G A N G P I N O Y
II. Balik-Aral
1. Apron
2. Karayagan
3. Pot holder
4. Kabaligtaran
5. Koton
III. Pagsasanay 1
1. Saging
2. Mangga
3. Kanin
4. Pritong Manok
5. Papaya
Pagsasanay 2
1. Glow Food
2. Go Food
3. Grow Food
4. Glow Food
5. Grow Food
Pagsasanay 3
Pandesal
Scrambled Egg
Saging
Tsokolateng Inumin
IV. Panapos na Gawain
1. B 2. A 3.B 4. B 5. C
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Herminia E. Alviar Ma. Cereza A. Maguyon Timoteo C. Alviar Unang
Edisyon 2008 Angat Kabuhayan 5 Rex Bookstore

Evelyn D. Deliarte Ana B. Ventura Randy R. Emen 2015 Makabuluhang


Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan Adriana Publishing Co., Inc.

Gloria A. Peralta, EdD Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan Yolanda


L. Quiambao Jeffrey D. De Guzman Elain Q. Borazon, PhD (Patnugot)
Batayang Aklat 2018 Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran
Vibal Group, Inc.

You might also like