You are on page 1of 20

EPP 5 WEEK 3

Isa sa mga unang napapansin natin sa isang


tao ay kung maayos o hindi ang tindig nito. Isa
itong tanda ng isang taong may tiwala sa sarili o
wala.
Bukod dito, una ring napapansin ang iyong
kasuotan at kung ito ay malinis, maayos, at
angkop sa okasyon. Tanda naman ito ng
pagkakaroon ng respeto sa kasamahan at sa
lugar na dadaluhan.
Mahalaga sa isang nagbibinata at nagdadalaga
ang magkaroon ng kaaya-ayang
personalidad.Ang unang impresyong nabubuo
tungkol sa isang tao ay matagal ang epekto.
Kailangan ng mga kabataang tulad mo ang
pagpapanatili ng maayos na tindig.
Hindi lamang tungkol sa kagandahang pisikal ang
maayos na tindig o tikas (posture),paaglalakad o
pa-upo. May ipinahihiwatig din itong dahilan
upang dapat na isagawa palagi_ito ay nakakabuti
sa kalusugan. Ilan sa mga ito ay napagagaan,
napapadali ang maayos na paghinga, pinapataas
ang kakayahang mag-isip nang
malalim(konsentrasyon),pinalalakas at
pinatitibay ang sarili, at higit sa lahat naiiwasan
ang mga sakit gaya ng pananakit ng likod, slipped
disc, at mahinang sirkulasyon ng dugo.
Matatamo ang maayos na tindig, paglakad, o
pag-upo kung sabayan ito ng regular na
ehersisyo, pagkain nang wasto, wastong
pahinga at paglilibang.
MAHALAGANG GAWIN
Sundin ang Food Pyramid para sa malusog
na pangangatawan at isipan.
Iwasan ang pagkain ng mga sitsirya o junk
food dahil kakauinti lamang ang taglay
nitong nutrisyon.
Panatalihing malusog ang pangangatawan sa
pamamagitan ng ehersisyo; wastong pagkain;
wastong paglilibang; at wastong
pagpapahinga.
PAGPILI NG KASUOTAN
Ang matalinong pagpili ng kasuotan ay
mahalagang matutunan sa murang edad pa
lamang. Ang wastong pananamit ay
iniaayon sa angkop na edad, panahon, lugar,
kasarian at kakayahan ng magsusuot.
Mga Kasuotang Mga Kasuotang Pambabae
Panlalaki
Panlabas Polo,kamiseta,pantalon Bestida,palda at blusa, pantalon

Panloob Sando, brief, boxer Kamison o kamisola, half slip,


short bra, panty
Uri ng KASUOTAN
1.Pamasok
 Karaniwang isinusuot ang uniporme sa
oposina o paaralan. Maaari itong blusa at
palda o polo at pantalon. Kailangang
madaling labhan at matibay ito.
2.Pambahay
 Simple, madaling labhan, at preskong suotin,
karaniwang yari sa cotton.
3.Pansimba
 Pormal, may manggas
 Mabuting sundin ang alituntuning ipinapatupad ng
relihiyong kinasasapian hinggil sa pananamit.
4.Pantanging Okasyon
 Magara ang damit na isinusuot sa espesyal na
okasyon tulad ng kasalan, kaarawan, anibersaryo at
iba pa.
5.Panlaro
 Damit na magiginhawa tulad ng shorts at t-shirt
ang karaniwang gamit ang mga kabataan sa
paglalaro.
6.Pantulog
 Maluwag ang damit pantulog tulad ng pajama,
daster,nighties.
MAAYOS NA PAGTAYO
Bukod sa kaaya-ayang tingnan ang maayos na pagtayo,
paglalakad, at pag-upo, mahalaga rin ang mga ito sa
kalusugan ng ating pangangatawan.
1. Kailangang tuwid ang ulo at katawan ngunit relax
ang katawan.
2. Pantay ang mga balikat.
3. Nakataas ang baba.
4. Nakaliyad ang dibdib, nakapasok ang tiyan.
5. Nasa tagiliran ang dalawang kamay.
6. Nakalagay ang isang paa sa unahan ng kabila habang
nakaanggulo ang paang nasa gawing likuran.
7. Pagsalitin ang bigat ng katawan sa dalawang paa.
MAAYOS NA PAGLAKAD
1. Kailangang nakaturo ang mga paa nang
paharap.
2. Katamtamang bilis ang kailangan sa
paglalakad.
3. Manatiling tuwid ang katawan.
4. Nakaliyad ang dibdib.
5. Tuwid at relax ang balikat at nakapaloob
ang tiyan at balakang.
6. Tuwid ang ulo.
7. Kailangang nakatingin sa daraanan.
8. Malaya ang galaw ng mga braso at kamay ng
mga tagiliran.
MAAYOS NA PAG-UPO
1. Bago umupo, tiyaking nasa tama ang
puwesto ang upuan.
2. Panatilihing tuwid ang katawan.
3. Itulak nang dahan-dahan patalikod ang
katawan hanggang dumikit ang likkod sa
sandalan.
4. Sumandal ng tuwid habang nakaupo.
5. Makapatong na ilagay ang palad sa
kandungan.
6. Nakatapak ang mga paa nang tuwid at
maayos.
Mga Simpleng Ehersisyo sa Katawan
Ang simpleng ehersisyo araw-araw ay
nagpapanatili ang mabuting kalagayan ng
mga kalamnan para sa mabikas at maayos
na tindig.
1.Touching and Bending Exercise
2.Shoulder and Chest Exercise
3.Back Bending Exercise
4.Bending Sideward Exercise
Mga Kaugaliang Pangkalusugan
Ang maayos na tindig ay makakamtan kung ang
kaugaliang pangkalusugan ay laging isinaalang-alang.
Hindi sapat ang kaayusan ng tindig sa isang tao
upang ganap na matamo ang kagandahan ng
kaanyuan.Kailangang mapanatiling malusog ang
pangangatawan. Dito masasalamin kung malusog ang
isipan ng tao. Mahalagang naisasaugali ang pagkain ng
masustansyang pagkain, pag-iwas sa sakit, at di-
mabuting mga gawain sa kalusugan. Narito ang ilang
paraan ng pagpapanatili ng kalusugan.
1. Pagkain ng wasto at sapat
Habang lumalaki ang bata, kinakailangang kumain ng
masustansiya at balanseng pagkain.
2. Kumain ng tamang oras at iwasan ang pagliban nito
Upang hindi mawala at balanseng pagkain.
3. Iwasan ang sitsirya o junk food. Hindi ito
nanguhuhulugan ng basurang pagkain kung
hindi ito kaunti at walang taglay na bitamina.
Kaya nga may mga sitsirya na nilalagyan ng
“Fortified with vitamin A” at iba pa ng DOH.
4. Dagdagan ang pagkain ng prutas at gulay para
maayos na pagtunaw ng pagkain.
5. Ugaliing uminom ng walo hanggang sampung
baso ng tubig araw-araw.
6. Mag-ehersisyo araw-araw.
7. Tiyaking may sapat na pahinga at pagtulog.
8. Gawing regular ang pagbabawas at pagdudumi.
Mga Pagkaing Kailangan ng Katawan
Uri ng Pagkain Pinagkukunan Kahalagahan Sakit na Dulo ng
o Sustansiya Kakulangan
1. Carbohydrates Asukal, tsokolate, Tagapagbigay ng Bababa ang
bigas, oatmeal, enerhiya at lakas sa timbang
wheat suman katawan Labis na
Nagtataglay ng paghihina ng
Calories na katawan
kailangan upang
maging masigla ang
katawan
2. Protina Mula sa Hayop Panustos sa mga Mabagal ang
•Karne *Itlog nasirang himaymay paglaki
Keso *Gatas ng katawan Pamamanas
Mula sa Butong Tumutulong sa Kwashiorkor(sakit
Gulay mabilis na paglaki sanhi ng
Munngo*Kadyos ng mga bata kakulangan ng
Tokwa protina)
Mula sa Marasmus(kondis
Lamandagat yon ng katawan
•Hipon sanhi ng
malnutrisyon)
Alimasag
Tulya
Isada
3. Taba Mula sa karneng Nagbibigay init Walang sigla
baboy at lakas ng Tamad
Krema katawan
Mantekilya
Taba
Langis
Margarina
4.Bitamina A Mula sa berdeng Panlaban sa Panunuyo ng
gulay impeksyon balat
Pula ng itlog Normal na Mahina ang
Gatas kalagayan ng mata resistensya sa sakit
Madilaw na gulay Xeropthalmia
(sakit sa mata dahil
sa kakulangan ng
bitamina A)
Soreyes
Color blindness
(hindi nakakilala ng
mga kulay)
5. Bitamina Karne Pinabububuti ang Beri-beri
B Manok taglay ng takbo ng Pellagra
Madahong mga balat Paghina ng
Gulay seentro ng
nervous system
6. Bitamina C Maasim na prutas Mahalaga sa paggawa Madalas kapitan
tulad ng dalandan, ng mga selula ng ng ubo at sipon
bayabas, suha, at katawan Madaling dumugo
mangga Pampatibay ng buto ang gilagid
at ngipin Pagbaba ng
timbang
Scurvy(pagdurugo
ng gilagid dahil sa
kakulangan ng
bitamina C)
7. Bitamina D Atay Tumutulong sa Marupok at
Puso pagsipsip ng calcuim sa Manipis na mga
Pula ng Itlog katawan na kailangan sa buto
Sikat ng Araw pagpatibay ng buto at Sakit na rickets
mga ngipin Sakit na
Pinapalakas ang osteomalacia at
resistensiya laban sa osteoporosis
sakit
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Anong uri ng pagkain ang kailangan ng ating katawan.
a. junk foods b.matatamis
c. maaalat d. masusustansiya
2.Alin sa sumusunod ang inaangkop sa kulay, edad, okasyon, at
panahon?
a. hanapbuhay b. libangan
c. kasuotan d. tirahan
3. Alin sa sumusunod ang makakatulong mapaganda ang kutis?
a. junk foods b. karne
c. gulay at prutas d. kendi
4. Alin sa sumusunod ang mainam na sundin na panuntunan sa
pananamit?
a. kapayakan b. moderno
c. magarbo d. mamahalin
Gawain 2:Hanapin sa puzzle ang mga pagkain, prutas,
at gulay na ilan lamang sa kailangan ng katawan. Isulat
ang sagot sa kwaderno.
I K M A G I N K U B

C A A G I N G A B I

E N N L N G C M I K

C G S U A M A A N O

A K A G T B C T F K

N O N A A U A I A E

D N A W A K K S T S

Y G S A N O E B A O

You might also like