You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon 8 (Silangan Visayas)
Sangay ng Leyte
Distrito ng Pastrana

IKALAWANG MARKAHAN
LAGUMANG PAGTATASA SA EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN (EPP/Agrikultura)
Ikalimang Baitang (5)
Taong Panuruan 2021-2022
Pangalan:______________________________________________ Marka:_______
Paaralan:______________________________________________ Petsa:_______
I.MULTIPLE CHOICE
Natatalakay ang kahalagahan at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko (EPP5AG-Ob-4).

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kahalagahan sa paggawa ng abonong organiko?
a. Pinatataba nito ang halaman ng walang gastos.
b. Pinapaganda ang kapasidad ng lupa sa paghawak ng tubig.
c. Pinabubuti nito ang hilatsa ng lupa.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.

2. Kung walang bakanteng lupa o espasyo sa bahay, ano ang maaaring gawin upang makagawa ng
compost?
a. Eresaykel ang mga lumang gulong ng sasakyan sa pamamagitan ng pagpapatong-patong para magsilbing
hukay ang mga ito.
b. Bumili ng lupa sa kapitbahay.
c. Gamitin ang batyang ginamit ng iyong nanay sa paglalaba.
d. Magahanap ng malaking karton para gawing compost.

3. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng mga pakinabang ng fermented fruit juice maliban sa
isa. Alin ito?
a. Ito ay nagbibigay ng elementong potassium (K) para sa pagpapalaki ng bunga.
b. Ang fermented fruit juice ay nagbibigay ng karagdagang resistensiya sa tanim laban sa insekto.
c. Ang lupa at mga tanim ay pinatataba ng fermented fruit juice.
d. Pinapaiksi ng fermented fruit juice ang buhay ng mga pananim.

4. Alin sa mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa ng abonong organiko ang unang ginagawa?
a. Pagsama-samahin ang mga tuyong dahon, bulok na prutas, gulay, tira-tirang pagkain, at iba pang
nabubulok na mga bagay.
b. Araw-araw itong diligan. Takpan ito ng kahit anong pantakip.
c. Gumawa ng hukay na may isang metro ang lalim.
d. Sa hukay ilagay o ilatag ang mga nabubulok na bagay hanggang sa umabot ito ng 12 pulgada o 30
sentemetro ang taas.

5. Bago gamitin ang mga nabulok na mga bagay tulad ng dahon, gulay, prutas, tirang pagkain at dumi ng
hayop ay kailangang palipasin muna ang ______________.
a. Dalawang araw
b. Dalawang linggo
c. Dalawang oras
d. Dalawang buwan
1.4.2 Nasusunod ang mga pamamaraan at pag-iingat sa paggawa ng abonong organiko. (EPP5AG0b-4)

6. Ilang buwan ang pinakamainam bago gamitin ang compost o abonong organiko?
a. isang buwan
b. dalawang buwan
c. tatlong buwan
d. apat na buwan

7. Ang mga sumusunod ay pwedeng gamiting materyales sa paggawa ng compost, maliban sa isa. Ano ito?
a. dumi ng hayop
b. apog
c. mga di-nabubulok na bagay
d. tuyong dahoon

8. Ang mga sumusunod na mga bagay ay hindi lubusang nabubulok, maliban sa isa. Ano ito?
a. balat ng prutas
b. maliliit na bato
c. tira-tirang pagkain
d. dayami

9. Ang __________ ay proseso ng pagbubulok ng basura upang gawing pataba.


a. basket composting
b. organikong pataba
c. di-organikong pataba
d. recycling

10. Ang pang-apat na hakbang sa paggawa ng organikong abono ay ang:


a. Gumawa ng hukay sa lugar na tuyo, patag, at malayo sa bahay.
b. Patungan ito muli ng lupa, abono, o apog.
c. Diligan ang ibabaw araw-araw. Kung tag-ulan, takpan ito ng yero.
d. Patungan ito ng mga dumi ng hayop.

Naipapaliwanag ang maidudulot na kapakipakinabang sa paggamit ng pamuksa ng kulisap at peste.


Sundin ang masistemang paggamit ng mga pamatay kulisap at peste na may pag-iingat
Sugpuin ang mga kulisap at peste na sumisira sa mga pananim sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
masistemang paraan (EPP5AG-0c-6).

11. Anong uri ng pamamaraan ng pagpuksa ng peste ang ginagamitan ng mga kamay?
A. mekanikal
B. kemikal
C. attractants
D. insect repellant
12. Alin sa mga sumusunod ang organikong paraan ng pagsugpo ng mga kulisap o peste?
A. pagpapa-usok
B. pag-abono
C. pagbubungkal
D. pagdidilig
13. Alin sa mga sumusunod na kulisap ang bumubutas ng mga dahon?
A. Webworm
B. Ladybug
C. Plant hopper
D. Leaf Roller
14. Alin sa mga sumusunod ang pinakamabisang organikong pamuksa ng peste?
A. dinurog na carrots at singkamas
B. dinurog na bawang
C. dinurog na paminta na may suka
D. dinurog na sili, sibuyas at luya
15. Alin sa mga sumusunod ang napupuksa sa pamamagitan ng pagputol at pagsunog ng sapot na kasama
ang uod?
A. Leaf rollers
B. Plant hoppers
C. Armored Scale
D. webworm

1.1 Naipaliliwanag ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop na may dalawang paa at pakpak o isda
EPP5AG-0e-1
16. Si Gabriel ay may alagang manok sa likod bahay nila, ano ang kabutihang dulot nito sa kanyang
pamilya?
a. dagdag kita sa pamilya
b. nakapagdulot ng kalat sa bakuran
c. dagdag gastos wala namang pera
d. walang kabutihang dulot sa pamilya

17. Paano mapakinabangan ang balahibo ng alagang manok?


a. gawing pagkain
b. gawing palamuti sa bahay at kasuotan sa mga paligsahan.
c. itago sa loob ng bahay
d. itapon sa bakuran

18. May palaisdaan ang iyong pamilya, ano ang kabutihang dulot nito sa inyo?
a. ulam ng pamilya
b. dagdag gastos
c. palamuti sa bahay
d. ipamigay sa kapitbahay

19. Ano ang maaaring gawin sa mga dumi ng iyong alagang hayop?
a. hindi lilinisan
b. itatapon sa dagat
c. gawing pataba sa halaman
d. pabayaan lang ang dumi

20. Piliin ang angkop na kabutihang dulot ng pag-aalaga ng kalapati sa tao.


a. nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip
b. nakadagdag stress sa pamilya
c. pabayaan na lamang
d. ipamigay sa kapitbahay
1.1 Naisasapamilihan ang inalagaang hayop/isda .
Naipaliliwanag ang mga palatandaan ng mga alagang maari ng ipagbili.
Nakakagawa ng estratehiya sa pagsasapamilihan. (EPP5AG-0j-18)

21. Ano sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng pag-aalaga ng hayop


a. Nagdadala ng sakit
b. Nakapagbibigay saya at nakakaalis ng inip
c. Nagpaparumi sa kapaligiran
d. Nakakapanakit ng mga tao.

22. Paano nakakatulong sa pangangailangan ng pamilya ang pag aalga ng hayop?


a. Nakakapagdagdag ng gawain sa tahanan
b. Maaring ipagbili ang alagang hayop at makadagdag ng kita
c. Nakakadagdag ng gastusin sa pamilya dahil sa pagbili ng pagkain nito.
d. Nakakakuha ng sakit ang mga miyembro ng pamilya dahil sa mga dumi na dulot ng mga hayop.

23. Ang mga sumusunod ay mga estratehiya sa pagbebenta ng hayop maliban sa isa.
a. Pagbenta sa palengke
b. Pagbenta sa online na tindahan
c. sa paglathala sa mga dyaryo, TV at radio
d. Pagbibigay ng mga product.

II.
Matutukoy mo ang mga hayop na maaaaring alagaan at pagkakakitaan sa iyong sariling tahanan o
komunidad. (EPP5AG-0g-15)
Panuto: Piliin ang mga salita mula sa kahon na tumutugon sa bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
patlang.

manok itik at pato tilapia

layer broiler pugo

______________21. Isa sa mga hayop na madaling alagaan at paramihin. Ito ay inaalagaan para sa kanyang itlog at
karne. Karaniwang ulam ito ng mag-anak sa hapagkainan.
______________22. Ang itlog nito ay mayaman sa protina kung kaya’t ito ay mainam sa pagpapalaki ng katawan at
mga kalamnan.
______________23. Uri ng isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay ito ng bitamina na kailangan ng
ating katawan gaya ng protina. Karaniwang pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod-bahay.
______________24. Isang uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito.
______________25. Karaniwang inaalagaan ang mga ito sa mga lugar na malapit sa tubig kung saan may mga suso at
tulya para sila ay maipastol at makatipid sa pagkain.
III.
1.2 Naisasagawa ang masistemang pangangalaga ng tanim na mga gulay
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng abonong organiko (EPP5AG-Oc-5).

Panuto: Pagtambalin ang Hanay A sa Hanay B tungkol sa mga masistemang pangangalaga ng mga gulay.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B
___26. Panahon sa pag didilig a. haluan ng abonong organiko
___27. Gamit sa pagpapalambot ng lupa b. Hose
___28. Basal application method c. ang abonong organiko ay inilagay sa ilalim ng lupa
malapit sa
___29. Foliar application method d. ang abonong organiko ay inihalo sa lupan bago
magtanim
___30. Broadcasting method e. 15 to 20 minuto
___31. Gamit sa pagdilig sa malawak na taniman f. ikalat sa lupa ang abonong organiko
___32. Ilang minuto bago diligan muli ang gulay g. sa umaga
___33. Matapos bungkalin ang lupa h. Bolo, hand trowel, farmer’s claw
___34. Ayon sa karanasan, i. Dinidilig ang abonong organiko sa dahon
___35.Side dressing j. Ugaliing makipag-usap sa tanim

-------------------------------------------------------GALINGAN MO!!!---------------------------------------------------------------

Inihanda nina:
ORLAN Q. MENDAROS
JOSEPH C. CAMPOS
WILFREDO D. TOLIBAS
Talaan ng Ispesipikasyon
Kinalal
Blg.
Ng
agyan BLOOMS TAXONOMY Bahagdan
Layunin Ng
Ayte Aytem %
m REMEMBERI
NG
UNDERSTAN
DING
APPLYING ANALYZING EVALUATIN
G
CREATIN
G

Natatalakay ang 5 1-5 5 14.2%


kahalagahan at
pamamaraan sa
paggawa ng
abonong organiko
(EPP5AG-Ob-4).
1.4.2 Nasusunod ang 5 6-10 5 14.2%
mga pamamaraan at
pag-iingat sa
paggawa ng
abonong organiko.
(EPP5AG0b-4)

Naipaliliwanag ang 5 11-15 5 14.2%


maidudulot na
kapakipakinabang sa
paggamit ng
pamuksa ng kulisap
at peste.
 Sundin ang
masistemang
paggamit ng
mga pamatay
kulisap at
peste na may
pag-iingat
 Sugpuin ang
mga kulisap
at peste na
sumisira sa
mga pananim
sa
pamamagita
n ng
pagsunod sa
mga
masistemang
paraan
(EPP5AG-0c-
6).
1.1 Naipaliliwanag 5 16-20 5 14.2%
ang kabutihang
dulot ng pag-aalaga
ng hayop na may
dalawang paa at
pakpak o isda
EPP5AG-0e-11

Matutukoy mo ang 5 21-25 5 14.2%


mga hayop na
maaaaring alagaan
at pagkakakitaan sa
iyong sariling
tahanan o
komunidad.
(EPP5AG-0g-15)
1.2 Naisasagawa ang 10 26-35 10 29%
masistemang
pangangalaga ng
tanim na mga gulay
1.5.1 pagdidilig
1.5.2 pagbubungkal
1.5.3 paglalagay ng
abonong organiko
(EPP5AG-Oc-5).

Total 35 35 5 5 10 5 0 10 100%

Susi sa Pagwaawasto:
I.
1.D 2.A 3.D 4.C 5.D 6.B 7.C 8.B 9.A 10.D
11. A 12.A 13.D 14.D 15.D 16. A 17.B 18.A 19.C 20.A

II.
21.manok 22. Pugo 23. Tilapia 24. Layer 25.itik at pato

III.

26.G 27.H 28. 29.i 30.F 31.B 32.E 33.A 34.J 35.C

Inihanda nina:
ORLAN Q. MENDAROS
JOSEPH C. CAMPOS
WILFREDO D. TOLIBAS

You might also like