You are on page 1of 21

PAGPAPANATILI

NG MAAYOS NA
TINDIG
Isa sa mga unang napapansin natin sa isang
tao ay kung maayos o hindi ang tindig nito. Isa
itong tanda ng isang taong may tiwala sa sarili
o wala.
Bukod dito, una ring napapansin ang iyong
kasuotan at kung ito ay malinis, maayos, at
angkop sa okasyon. Tanda naman ito ng
pagkakaroon ng respeto sa kasamahan at sa
lugar na dadaluhan.
Mahalaga sa isang nagbibinata at nagdadalaga
ang magkaroon ng kaaya-ayang
personalidad.Ang unang impresyong nabubuo
tungkol sa isang tao ay matagal ang epekto.
Kailangan ng mga kabataang tulad mo ang
pagpapanatili ng maayos na tindig.
Hindi lamang tungkol sa kagandahang pisikal ang
maayos na tindig o tikas (posture),paaglalakad o
pa-upo. May ipinahihiwatig din itong dahilan
upang dapat na isagawa palagi_ito ay nakakabuti
sa kalusugan. Ilan sa mga ito ay napagagaan,
napapadali ang maayos na paghinga, pinapataas
ang kakayahang mag-isip nang
malalim(konsentrasyon),pinalalakas at pinatitibay
ang sarili, at higit sa lahat naiiwasan ang mga sakit
gaya ng pananakit ng likod, slipped disc, at
mahinang sirkulasyon ng dugo.
Matatamo ang maayos na tindig, paglakad,
o pag-upo kung sabayan ito ng regular na
ehersisyo, pagkain nang wasto, wastong
pahinga at paglilibang.
MAHALAGANG GAWIN
Sundin ang Food Pyramid para sa malusog
na pangangatawan at isipan.
Iwasan ang pagkain ng mga sitsirya o junk
food dahil kakauinti lamang ang taglay
nitong nutrisyon.
Panatalihing malusog ang pangangatawan
sa pamamagitan ng ehersisyo; wastong
pagkain; wastong paglilibang; at wastong
pagpapahinga.
PAGPILI NG KASUOTAN
Ang matalinong pagpili ng kasuotan ay
mahalagang matutunan sa murang edad pa
lamang. Ang wastong pananamit ay
iniaayon sa angkop na edad, panahon,
lugar, kasarian at kakayahan ng
magsusuot.
Mga Kasuotang Mga Kasuotang Pambabae
Panlalaki
Panlabas Polo,kamiseta,pantalon Bestida,palda at blusa,
pantalon
Panloob Sando, brief, boxer Kamison o kamisola, half slip,
short bra, panty
Uri ng KASUOTAN
1.Pamasok
 Karaniwang isinusuot ang uniporme sa
oposina o paaralan. Maaari itong blusa at
palda o polo at pantalon. Kailangang
madaling labhan at matibay ito.
2.Pambahay
 Simple, madaling labhan, at preskong
suotin, karaniwang yari sa cotton.
3.Pansimba
 Pormal, may manggas
 Mabuting sundin ang alituntuning ipinapatupad ng
relihiyong kinasasapian hinggil sa pananamit.
4.Pantanging Okasyon
 Magara ang damit na isinusuot sa espesyal na
okasyon tulad ng kasalan, kaarawan, anibersaryo at
iba pa.
5.Panlaro
 Damit na magiginhawa tulad ng shorts at t-shirt ang
karaniwang gamit ang mga kabataan sa paglalaro.
6.Pantulog
 Maluwag ang damit pantulog tulad ng pajama,
daster,nighties.
MAAYOS NA PAGTAYO
Bukod sa kaaya-ayang tingnan ang
maayos na pagtayo, paglalakad, at pag-
upo, mahalaga rin ang mga ito sa
kalusugan ng ating pangangatawan.
1. Kailangang tuwid ang ulo at katawan
ngunit relax ang katawan.
2. Pantay ang mga balikat.
3.Nakataas ang baba.
4. Nakaliyad ang dibdib, nakapasok ang
tiyan.
5. Nasa tagiliran ang dalawang kamay.
6. Nakalagay ang isang paa sa unahan
ng kabila habang nakaanggulo ang
paang nasa gawing likuran.
7. Pagsalitin ang bigat ng katawan sa
dalawang paa.
MAAYOS NA PAGLAKAD
1. Kailangang nakaturo ang mga paa nang paharap.
2. Katamtamang bilis ang kailangan sa paglalakad.
3. Manatiling tuwid ang katawan.
4. Nakaliyad ang dibdib.
5. Tuwid at relax ang balikat at nakapaloob ang tiyan
at balakang.
6. Tuwid ang ulo.
7. Kailangang nakatingin sa daraanan.
8. Malaya ang galaw ng mga braso at kamay ng mga
tagiliran.
MAAYOS NA PAG-UPO
1. Bago umupo, tiyaking nasa tama ang puwesto
ang upuan.
2. Panatilihing tuwid ang katawan.
3. Itulak nang dahan-dahan patalikod ang
katawan hanggang dumikit ang likkod sa
sandalan.
4. Sumandal ng tuwid habang nakaupo.
5. Makapatong na ilagay ang palad sa
kandungan.
6. Nakatapak ang mga paa nang tuwid at maayos.
Mga Simpleng Ehersisyo sa Katawan
Ang simpleng ehersisyo araw-araw ay
nagpapanatili ang mabuting kalagayan ng
mga kalamnan para sa mabikas at maayos
na tindig.
1.Touching and Bending Exercise
2.Shoulder and Chest Exercise
3.Back Bending Exercise
4.Bending Sideward Exercise
Mga Kaugaliang Pangkalusugan
Ang maayos na tindig ay makakamtan kung ang kaugaliang
pangkalusugan ay laging isinaalang-alang. Hindi sapat ang
kaayusan ng tindig sa isang tao upang ganap na matamo ang
kagandahan ng kaanyuan.Kailangang mapanatiling malusog
ang pangangatawan. Dito masasalamin kung malusog ang
isipan ng tao. Mahalagang naisasaugali ang pagkain ng
masustansyang pagkain, pag-iwas sa sakit, at di-mabuting
mga gawain sa kalusugan. Narito ang ilang paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan.
1. Pagkain ng wasto at sapat
Habang lumalaki ang bata, kinakailangang kumain ng
masustansiya at balanseng pagkain.
2. Kumain ng tamang oras at iwasan ang pagliban nito
Upang hindi mawala at balanseng pagkain.
3. Iwasan ang sitsirya o junk food. Hindi ito
nanguhuhulugan ng basurang pagkain kung hindi
ito kaunti at walang taglay na bitamina. Kaya nga
may mga sitsirya na nilalagyan ng “Fortified with
vitamin A” at iba pa ng DOH.
4. Dagdagan ang pagkain ng prutas at gulay para
maayos na pagtunaw ng pagkain.
5. Ugaliing uminom ng walo hanggang sampung
baso ng tubig araw-araw.
6. Mag-ehersisyo araw-araw.
7. Tiyaking may sapat na pahinga at pagtulog.
8. Gawing regular ang pagbabawas at pagdudumi.
Mga Pagkaing Kailangan ng Katawan
Uri ng Pagkain o Pinagkukunan Kahalagahan Sakit na Dulo ng
Sustansiya Kakulangan
1. Carbohydrates Asukal, tsokolate, Tagapagbigay ng Bababa ang
bigas, oatmeal, enerhiya at lakas sa timbang
wheat suman katawan Labis na
Nagtataglay ng paghihina ng
Calories na katawan
kailangan upang
maging masigla
ang katawan

2. Protina Mula sa Hayop Panustos sa mga Mabagal ang


•Karne *Itlog nasirang himaymay paglaki
Keso *Gatas ng katawan Pamamanas
Mula sa Butong Tumutulong sa Kwashiorkor(sak
Gulay mabilis na paglaki it sanhi ng
Munngo*Kadyo ng mga bata kakulangan ng
s protina)
Tokwa Marasmus(kondi
Mula sa syon ng katawan
Lamandagat sanhi ng
•Hipon malnutrisyon)
Alimasag
Tulya
Isada
3. Taba Mula sa karneng Nagbibigay init Walang sigla
baboy at lakas ng Tamad
Krema katawan
Mantekilya
Taba
Langis
Margarina
4.Bitamina A Mula sa berdeng Panlaban sa Panunuyo ng
gulay impeksyon balat
Pula ng itlog Normal na Mahina ang
Gatas kalagayan ng mata resistensya sa
Madilaw na gulay sakit
Xeropthalmia
(sakit sa mata
dahil sa
kakulangan ng
bitamina A)
Soreyes
Color blindness
(hindi nakakilala
ng mga kulay)
5. Bitamina Karne Pinabububuti ang Beri-beri
B Manok taglay ng takbo ng Pellagra
Madahong Gulay mga balat Paghina ng
seentro ng nervous
system

6. Bitamina Maasim na prutas Mahalaga sa Madalas kapitan


C tulad ng dalandan, paggawa ng mga selula ng ubo at sipon
bayabas, suha, at ng katawan Madaling dumugo
mangga Pampatibay ng buto ang gilagid
at ngipin Pagbaba ng
timbang
Scurvy(pagdurugo
ng gilagid dahil sa
kakulangan ng
bitamina C)

7. Bitamina Atay Tumutulong sa Marupok at


D Puso pagsipsip ng calcuim Manipis na mga
Pula ng Itlog sa katawan na buto
Sikat ng Araw kailangan sa Sakit na rickets
pagpatibay ng buto at Sakit na
mga ngipin osteomalacia at
Pinapalakas ang osteoporosis
resistensiya laban sa
sakit
Gawain 1
Panuto: Sagutin ang tanong sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Anong uri ng pagkain ang kailangan ng ating katawan.
a. junk foods b.matatamis
c. maaalat d. masusustansiya
2.Alin sa sumusunod ang inaangkop sa kulay, edad, okasyon, at
panahon?
b. hanapbuhay b. libangan
c. kasuotan d. tirahan
3. Alin sa sumusunod ang makakatulong mapaganda ang kutis?
c. junk foods b. karne
c. gulay at prutas d. kendi
4. Alin sa sumusunod ang mainam na sundin na panuntunan sa
pananamit?
d. kapayakan b. moderno
c. magarbod. mamahalin
Gawain 2:Hanapin sa puzzle ang mga pagkain,
prutas, at gulay na ilan lamang sa kailangan ng
katawan. Isulat ang sagot sa kwaderno.
I K M A G I N K U B

C A A G I N G A B I

E N N L N G C M I K

C G S U A M A A N O

A K A G T B C T F K

N O N A A U A I A E

D N A W A K K S T S

Y G S A N O E B A O
THE GREATEST PROMISE OF
GOD

“Jesus called the children and


told His friends,’Let little
children come to me. Don’t stop
them.”
(LUKE 18:16)

You might also like