You are on page 1of 8

Subject: EPP 5 Grade Level: Grade 5

Date Covered: Week 2 Name of Teacher: Mr. Norman S. Cuyugan

3rd Quarter HOME ECONOMICS


Lesson 2: Pagbabagong Pisikal

Learning Competency
Nakikilala ang mga pagbabagong pisikal sa sarili.

Learning Objectives
● Natutukoy ang mga pagbabago sa sarili.
● Naiisa-isa ang mga paraan sa pangangalaga ng katawan ng bagong tuli.

Essential Questions
● Ano ang mga pagbabagong pisikal sa nagbibinata?
● Paano naisasagawa ang pangangalaga sa bagong tuli?

Exploration
Ilang taong gulang na ang mga bata sa larawan?

1
Review:
Tungkulin sa Sarili Habang Lumalaki
A. Pangangalaga sa Sarili
1. Sundin at gawin ang kanais-nais na pag-uugali sa pagkain.
• Sundin ang tamang oras sa pagkain;
• Batay sa food pyramid; kumain ng sapat at masustansiyang pagkain;
• Iwasang magmadali sa pagkain;
• Nguyaing Mabuti ang pagkain; at
• Iwasan ang pagkain ng sitsirya.
2. Ang pag-eehersisyo ay nakakatulong ay nakatutulong sa pagtunaw ng pagkain, pagbabawas ng dumi
sa katawan, at maayos na daloy ng dugo.
3. Kapag tama at wasto ang oras ng pagtulog, nakatutulong ito upang maiwasan ang sakit.
4. Dapat regular ang pagdumi araw-araw ( bowel movement ).
5. Panatilihing maayos ang sarili.

B. Kalinisan at Kaayusan

Narito ang ilan na dapat ugaliin upang mapaunlad ang personalidad sa pamamagitan ng paglilinis at
pangangalaga ng sarili
1. Maligo araw-araw upang mapanatili ang malinis at kanais-nais na amoy. Ang pakiramdam ay
gumagaan at ang daloy ng dugo sa katawan ay nagiging maayos.
2. Ang mag sumusunod ay mga paraan upang mapanattili na malusog at malinis ang buhok.
• Mag-shampoo ng dalawa o tatlong beses sa isang lingo.
• Suklayin ang buhok ng madalas.
• Magpagupit minsan sa isang buwan.
3. Magsepilyo ng ngipin taalong beses sa isang araw pagkatapos kumain. Iwasan din ang madalas na
pagkain ng kendi o anumang matamis.
2
4. Kapag mahaba na ang mga kuko sa kamay at paa, putulin ang mag ito gamit ang nail cutter.
5. Maghugas ng kamay bago at pagkatapos kumain, pagkatapos gumamit ng palikuran o rest room.
6. Palitan araw-araw ang damit panloob at medyas.
7. Araw-araw linisin ng cotton buds ang labas ng tainga at minsan sa isang lingo ang loob ng tainga.
8. Matapos maligo ay gumamit ng tawas o deodorant.
9. Ugaliing magdala ng panyo araw-araw.
10. Palaging kumain ng wasto at masustansyang pagkain.
11. Mag-ehersisyo araw-araw.
12. Magsuot ng malinis at plansadong damit.

Discussion Proper

Pagbabagong Pisikal
Maraming pagbabago ang nagaganap sa nagdadalaga at
nagbibinata sa edad na 10 hanggang 16.
Hindi sabay-sabay at pare-pareho ang pagbabagong pisikal ang
batang babae at batang lalaki. Normal lang na may nuuna ng
ilang buwan o isang taon. Hindi rin pare-pareho ang
pagbabagong nagaganap sa katawan. May bumibigat ang
timbang at may tumatangkad. Mayroon namang nananatili ang
timbang at marami pang pagbabago ang iyong mararanasan.

Habang lumalaki ang isang tao nagbabago ang kanyang


katawan kagaya ng sumusunod:
1. Kumakapal at tumitibay ang masel ng tiyan at kapal ng
mga ugat.
2. Nadaragdagan ang laki ng baga at mga glandulang
pangkasarian o sex glands.
3. Lumalaki ang mga kalamnan at mga buto.
Tumitigil ang mga pagbabagong ito sa pagsapit ng 18 gulang pataas.

3
A. Nagbibinata
Narito ang mag pagbabagong pisikal sa isang
tinedyer na lalaki.
1. Ang balikat ay lumalapad.

2. Tumatangkad at bumibigat ang timbang.

3. Lumalaki at pumipiyok ang boses ( ito naman ay


bumabalik sa normal pagkaraan ng isa o dalawang
taon).

4. Tinitubuan ng balbas, bigote, buhok sa kilikili, at


paligid ng ari.

5. Paglitaw ng gulunggulungan. ( Adam’s apple)

4
B. Pagtutuli o Circumcission
Bahagi ng paglaki ng isang batang lalaki ang
pagpapatuli. Nasa kultura at tradisyon nating mga Pilipino
ang gawaing ito. Ang pagtutuli ay ginagawa upang hindi
manatili at mamahay ang dumi sa kulubot na balat na
maaaring pagmulan ng impeksyon at pangangati.
Karaniwang nagpapatuli ang batang lalaki na may
gulang na 9 to 12 taong gulang at kung hindi na nakadikit
ang balat na bumabalot sa ulo ng penis.

 Pangangalaga sa Katawan ng Bagong Tuli – Para


mablis ang paghilom ng sugat ng bagong tuli ay
dapat pangalagaan ang sarili. Narito ang mga
dapat gawin;
1. Magsuot ng malambot at maluwag na shorts o
padyama para makakilos ng maginhawa at
maiwasang magasgas ang sugat.

2. Iwasan ang pagbutingting sa sugat.

5
3. Ang sugat ay linisin sa pamamagitan ng
pinakulong dahon ng bayabas o gamut na
inireseta ng doctor.

4. Araw-araw na palitan ang balot at linisin ito.

5. Bago hawakan ang sugat magsabon at


banlawang mabuti ang kamay.

6. Siguraduhing malinis ang sugat pagkatapos


umihi, gumamit ng gasa na pampunas nito.

7. Panatilihing malinis ang katawan at kasuotan.

8. Kumain ng masustansiyang pagkain maliban sa


hipon, itlog, pusit at bagoong.

Key Points

Pagbabagong Pisikal

Maraming pagbabago ang nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata sa edad na 10


hanggang 16.

Hindi sabay-sabay at pare-pareho ang pagbabagong pisikal ang batang babae at batang lalaki.
Normal lang na may nuuna ng ilang buwan o isang taon. Hindi rin pare-pareho ang pagbabagong
nagaganap sa katawan. May bumibigat ang timbang at may tumatangkad. Mayroon namang
6
nananatili ang timbang at marami pang pagbabago ang iyong mararanasan.

Habang lumalaki ang isang tao nagbabago ang kanyang katawan kagaya ng sumusunod:

1. Kumakapal at tumitibay ang masel ng tiyan at kapal ng mga ugat.

2. Nadaragdagan ang laki ng baga at mga glandulang pangkasarian o sex glands.

3. Lumalaki ang mga kalamnan at mga buto.

Pagtutuli o Circumcission

Bahagi ng paglaki ng isang batang lalaki ang pagpapatuli. Nasa kultura at tradisyon nating mga
Pilipino ang gawaing ito. Ang pagtutuli ay ginagawa upang hindi manatili at mamahay ang dumi sa
kulubot na balat na maaaring pagmulan ng impeksyon at pangangati.

Karaniwang nagpapatuli ang batang lalaki na may gulang na 9 to 12 taong gulang at kung hindi
na nakadikit ang balat na bumabalot sa ulo ng penis.

Reference:
Gloria A. Peralta, Ruth A. Arsenue, Catalina R. Ipolan, Yolanda L. Quiambao, and Jeffrey De Guzman, Kaalaman at
Kasanayan Tungo sa Kaunlaran. (Quezon City: Vibal Group, Inc,. 2016), 2-6.

Please submit this page only in EPP5.


Thank you and keep safe.
Name: _________________________________________
Gr. & Section: ___________________________________

7
Quick Assessment

Isulat ang tama kung wasto ang isinasaad na diwa ng pangungusap, at mali kung hindi.
______1. Maraming pagbabago ang nagaganap sa nagdadalaga at nagbibinata sa edad na 10 hanggang 16.
______2. Ang pagtutuli ay ginagawa upang hindi manatili at mamahay ang dumi sa kulubot na balat na
maaaring pagmulan ng impeksyon at pangangati.
______3. Hindi na bumabalik sa normal kung pumipiyok ang boses.
______4. Dapat panatilihing malinis ang katawan at kasuotan kahit pa hindi bagong tuli.
______5. Upang maiwasang magasgas ang sugat magsuot ng malambot at maluwag na shorts o padyama
para makakilos din ng maginhawa.

You might also like