You are on page 1of 198

Mga Paraan ng

Pag-iingat ng
Katawan
Edukasyon sa Pagpapakatao 2
UNANG MARKAHAN, IKALIMANG LINGGO
MELCS Naisakikilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalinisan,
kalusugan at pag-iingat ng katawa
EsP2PKP- Id – 11
DAY 1
Panuto: Tukuyin kung saan
nabibilang ang mga larawan ng
pagkain sa ibaba.
Isulat ang GO FOODS, GROW
FOODS at GLOW FOODS. Sagutin
ito sa iyong kuwaderno o sagutang
papel.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng katawan
upang ito ay maingatan.
Pansinin ang mga larawan ng
pagkain sa ibaba. Tukuyin ang
mga pagkaing iyong kinakain.
Sa dami ng mga bagay na kailangan
mong gawin
araw-araw bilang mag-aaral,
nararapat lamang na
kumain ka ng mga masusustansiyang
pagkain na magpapalusog at
magpapalakas ng iyong katawan
Basahin ang usapan ng tatlong batang
magkakaibigan na sina Lina, Lino at Lita
tungkol sa mga paborito nilang mga
pagkain
Lina: Ang paborito kong mga
pagkain ay tinapay na
may palaman, kanin at kamote.
Ang mga pagkaing ito ay nabibilang sa
Go Foods na
nagbibigay ng lakas para sa aking araw-
araw na mga gawain.
Lino: Isda, gatas at manok
ang mga gusto kong kainin.
Ang mga ito ay nagpapalaki at
nagpapatibay ng aking katawan.
Nabibilang ang mga ito sa pangkat
ng Grow Foods.
Lita: Papaya, saging at
pinya ang ilan sa mga
paborito kong prutas.
Gustong-gusto ko rin kapag
nagluluto si nanay ng saluyot at
sitaw. Ito ang mga paborito kong
pagkain.
Ang mga ito ay nabibilang
sa pangkat na Glow Foods.
Nagsisilbi ang mga ito na
pananggalang sa sakit at
impeksiyon.
Sa usapang ito nina Lina, Lino at Lita ay
iyong natutuhan ang mga pagkaing dapat
mong kainin upang mapanatiling malusog
at masigla ang iyong katawan.
Ang mga kaalamang ito ay
makatutulong sa iyo upang
mapagtagumpayan ang susunod na
gawain.
Mahalagang malaman ang mga
masusustansiyang pagkain na mabuti para
sa ating kalusugan upang maging malakas
at masigla ang ating pangangatawan.
May tatlong pangkat ng pagkain na
makatutulong upang maging malakas at
malusog ang ating
pangangatawan. Ang mga ito ay ang
sumusunod:
1. Go foods – ito ang mga pagkaing
nagbibigay ng lakas at enerhiya para
sa ating araw-araw na mga gawain.
Halimbawa:

Tinapay, kanin at
kamote
2. Grow foods – ito ang mga
pagkaing nagpapalaki at
nagpapatibay ng katawan.
Halimbawa:

Isda, manok, at gatas.


3. Glow foods - ito ang mga
pagkaing nagsisilbing
pananggalang sa sakit at
impeksyon.
Halimbawa:

Papaya, Saging at sitaw


May tamang oras din sa pagpili at
pagkain ng masusustansiyang pagkain
ayon sa pangangailangan ng katawan.
• Umagahan- karaniwang mula ika- 6
hanggang ika- 7 ng umaga. Ang mga
pagkaing makapagbibigay ng lakas ang
dapat kainin.
Gatas, kanin, karne at
prutas ay mainam na
umagahan.
• Minandal- maaari itong paglaanan
ng oras sa umaga tuwing ika- 9
hanggang ika- 10 ng umaga o ika- 3
hanggang ika- 4 ng hapon
upang mapanatili ang lakas bago
mananghalian o maghapunan.
Tinapay, sopas, spaghetti, pancit, saba,
at iba pang
masusustansiyang pagkain at inumin
ang maaaring
ibaon o bilhin.
• Tanghalian- karaniwang ika-11
hanggang ika-12 ng
umaga.
Mula sa paggawa ng mga
gawaing pang umaga
kinakailangan na muling punan
ang tiyan.
Isda, kanin at gulay; karne, kanin
at gulay, ang mga
pagkaing maaaring pagtambalin.
• Hapunan- karaniwang mula
ika- 6 hanggang ika- 7 ng gabi.
Maaaring kumain ng pagkain tulad
ng pananghalian ngunit dapat sapat
lamang ang dami
upang magkaroon ang katawan ng
sapat na oras
upang matunaw ang mga pagkain
kinain sa maghapon.
Pagkaing madaling tunawin ang
dapat kainin tulad ng gulay at isa.
Panuto: I-tsek (/) ang mga naibibigay ng
sumusunod na
pagkain. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang
papel.
Panuto: Sumulat ng limang (5)
halimbawa ng sumusunod
na pangkat ng mga pagkain. Sagutin ito
sa iyong kuwaderno o sagutang papel.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang
kung ito ay masustansiyang pagkain at
(x) kung hindi. Sagutin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang papel.
1. Saging
2. Softdrinks
3. Doughnut
4. Karne
5. Ampalaya
Panuto: Itala sa loob ng plato ang
tamang oras at pagkain ayon sa
hinihingi ng bawat hati. Gawin ito sa
iyong kuwaderno o sagutang papel.
Ang _____, _____ at _____ foods ay mga
pangkat ng mga pagkain na dapat na kainin
ng isang lumalaking
bata upang siya ay maging malusog at
malayo sa anumang sakit.
Makatutulong ang mga ito upang
makakuha ng sapat na lakas para sa
mga gawaing dapat isagawa.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
Tukuyin kung saang grupo nabibilang
ang mga pagkain. Isulat ang iyong sagot
sa kuwaderno o sagutang papel.
1. Ang tatlong pangkat ng pagkain
na dapat kainin ng
isang bata ay_________
A. Go, Grow at Gone foods
B. Go, Grow at Glow foods
C. Grown, Go, Grow foods
2. Ito ay halimbawa ng Go foods
A. Isda B. Sitaw
C. Tinapay
3. Halimbawa ng Grow foods
A. Gatas B. Kanin C.
Talong
4. Nabibilang naman sa Glow
foods ang mga ito.
A. Kanin B. Gatas C.
Papaya
DAY 2
Panuto: Iguhit ang nakangiting
mukha 🙂 kung tama ang isinasaad ng
pangungusap at malungkot na mukha
kung ito ay mali.
Sagutin ito sa iyong kuwaderno o
sagutang papel.
1. Ugaliing mag-ehersisyo araw-
araw.
2. Huwag panatilihin na malinis ang
inyong tahanan.
3. Itapon ang mga basura sa tamang
lalagyan.
4. Ang malusog na puso at baga ay
magdudulot ng
malakas na pangangatawan.
5. Sa maruming kapaligiran mas
lalakas ang iyong
pangangatawan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng katawan
upang ito ay maingatan.
Bukod sa mga gawaing dapat mong
gawin bilang isang mag-aaral,
mahalaga na magkaroon ka rin ng
oras upang mag-ehersisyo.
Gumawa ng mga bagay na
makapagpapalakas at
makapagpapatibay ng iyong
katawan.
Gayundin, kailangang panatilihin
ang kaayusan at kalinisan ng
kapaligiran.
Basahin ang kuwentong may
pamagat na “Susi sa
Mabuting Kalusugan Ko”.
Ang mga kaalaman na magmumula rito
ay makatutulong sa iyo upang
masagutan ng tama ang
susunod na gawain.
“Susi sa Mabuting
Kalusugan”
Araw-araw, tuwing ika-anim ng
umaga, ay gumigising si Jose upang
mag-ehersisyo. Isinasagawa niya ito
upang:
mapanatili niya ang kaniyang tamang
timbang; mapalakas ang puso at baga, at
upang maging magaan at mabilis sa
paggawa ng iba’t ibang mga gawain.
Pagkatapos ng pag-eehersisyo
tumutulong siya sa
pagwawalis ng kanilang kapaligiran.
Tuwing araw ng sabado,
tumutulong siya sa paglilinis ng
kanilang tahanan.
Gayundin, naghuhugas siya ng mga
pinggan. Sinisikap din ng kaniyang
pamilya na paghiwa-hiwalayin ang
kanilang mga basura.
Inihihiwalay nila ang nabubulok
sa di-nabubulok na basura.
Ang mga gawaing ito ay
nakatutulong upang siya
ay maging malusog at masigla.
Gayundin, upang
magkaroon ng malinis na
kapaligiran.
Sa bahaging ito ng iyong pagkatuto,
ating isa-isahin ang mga gawain na
makatutulong upang magkaroon ng
malakas at malusog na pangangatawan.
Pag-eehersisyo - ito ay mahalagang
gawain na dapat isinasagawa ng isang
tao sa kaniyang pang-araw-araw na
buhay.
Ito ay makatutulong upang
mapalusog at mapalakas ang
ating pangangatawan.
Malinis na Kapaligiran
Ang malinis na kapaligiran ay mahalaga
sa atin dahil ito ang makapaglalayo sa
atin sa anumang sakit at karamdaman.
Tamang disiplina ang kailangan
upang mapanatiling malinis ang
ating kapaligiran.
Mga Gawain na
Nagpapanatiling Malinis sa
Kapaligiran
1. Pagwawalis.
2. Pagpulot ng mga kalat at
pagtatapon sa
tamang lalagyan.
3. Pagtatanim ng mga
punongkahoy.
4. Pangangalaga ng mga ilog at
dagat.
Tukuyin ang mga gawain na
nagpapalakas ng ating katawan at
nagpapanatiling malinis sa
kapaligiran.
Panuto: Bilugan ang nagpapakita ng
pangangalaga sa kapaligiran at
nagpapalakas ng katawan.
Gawin ito sa iyong
kuwaderno o sagutang
papel.
Ang ________________ ay
nakapagpapalakas at
nakapagpapatibay ng inyong
pangangatawan.
Ang pagpapanatili ng
__________________________ay
mailalayo ka sa anumang sakit at
karamdaman.
Panuto: Basahin at tukuyin ang gawi sa
pagpapalakas ng katawan at
pagpapanatiling malinis sa kapaligiran.
Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong kuwaderno o sagutang
papel.
1. Nakakita si Lito ng balat ng
kendi sa daan. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Ipapupulot sa kaniyang kasama
B. Hahayaan ang balat ng kendi sa daan
C. Pupulutin at itatapon sa tamang basurahan
2. Ginising si Ana ng kaniyang
ate upang magehersisyo. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Ipagpapatuloy ang pagtulog
B. Babangon sa higaan at mag-
eehersisyo
C. Sisigawan ang ate niya dahil sa
panggigising
3. Nakita mong maraming basurang
nakakalat sa
inyong bakuran. Ano ang iyong
gagawin?
A. Wawalisin ang basurang nakakalat
B. Hindi papansinin ang basurang nakita
C. Ilalagay ang basura sa tapat ng
kapitbahay.
A. Wawalisin ang basurang nakakalat
B. Hindi papansinin ang basurang nakita
C. Ilalagay ang basura sa tapat ng
kapitbahay.
DAY 3
Magbigay ng mga pamamaraan
upang mapanatiling malusog at
malakas ang iyong katawan.
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng katawan
upang ito ay maingatan.
Basahin ang maikling
dayalogo.
Mayroon ka pa bang alam na mga
paraan upang mapanatiling malinis at
malusog ang iyong katawan ?
Ano-ano ang mga ito?
Ibahagi sa klase.
Lagyan ng tsek(/) kung gaano mo
kadalas ginagawa ang mga
sumusunod.
Iguhit sa loob ng kahon ang mga
pamamaraan na iyong ginagawa upang
mapanatiling malinis at ligtas sa sakit
ang iyong katawan.
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang
larawang nakatutulong sa
pagpapalakas at pagpapatibay ng
katawan at ekis (x)
naman kung hindi.
Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno o
sagutang papel.
Ang ________________ ay
nakapagpapalakas at
nakapagpapatibay ng inyong
pangangatawan.
Ang pagpapanatili ng
___________________________ay
mailalayo ka sa anumang sakit at
karamdaman.
DAY 4
Tungkol saan ang araling
tinalakay natin kahapon ?
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng katawan
upang ito ay maingatan.
Basahin ang maikling
kuwento.
Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1. Sino ang mga tauhan sa
kuwento ?
2. Anong pagkain ang
madalas na kainin ng
magkapatid ?
3. Ano ang nangyari kay
Pio isang araw ?
4. Dapat ba tayong kumain ng
mga masusustansiyang pagkain
tulad ng prutas at gulay ? Bakit ?
Hulaan ang tinutukoy ng tanong
gamit ang alphabet code.
Pansinin ang mga larawan
sa ibaba.
Sa loob ng puso, isulat kung paano
nakatutulong ang mga bagay na ito
upang ikaw ay maging malakas at
malusog.
Paano mo ibabahagi sa iyong pamilya,
kaibigan o sa ibang tao ang kahalagahan
ng pagkakaroon ng malusog at malakas
na pangangatawan?
Ano ang maipapayo mo sa
mga taong madalas
magkasakit ?
Paano mo magagamit ang natutuhan
mo ngayong araw upang
matulungan ang iba na maging
malusog ?
Piliin ang titik ng
tamang sagot.
DAY 5
Tungkol saan ang
araling tinalakay natin
kahapon ?
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang
maisakilos ang mga paraan ng
pagpapanatili ng kalusugan ng katawan
upang ito ay maingatan.
Basahin at unawain ang
dayalogo.
Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
• Sino ang nag-uusap sa
dayalogo ?
• Ano ang kanilang pinag-
• Bakit dinala sa ospital si
Ronnie ?
• Ano ang mga nagging payo ni
Ronnel kay Ronnie ?
• May alam ka bang mga pamamaraan
upang mapangalagaan mo ang iyong
katawan ? Ano ang mga ito ?
Lagyan ng tsek(/) ang mga larawan na
nagpapakita ng pangangalaga sa sarili
at ekis(X) naman kung hindi.
Kumpletuhin ang
graphic organizer.
Isulat sa bituin ang mga bagay na
gagawin mo upang mapanatili ang
Magandang kalusugan ng iyong
katawan.
Isulat naman sa mga puso ang mga
pagkain na iyong kakainin upang
makatanggap ang iyong katawan ng mga
sustansiya na kailangan nito.
Kumpletuhin ang
pahayag sa ibaba.
Ako si ___________ ay
nangangakong aalagaan ang aking
sarili.
Kakain ako ng mga
__________________ upang
masigurong magiging malusog ang
aking katawan.
Iiwasan ko ang mga gawain tulad ng
______________________ upang
maiwasan ko ang pagkakaroon ng
sakit.
Ano ang natutuhan mo
ngayong araw na ito ?
Ano-ano ang mga pamamaraan na
tinalakay at ibinahagi ng iyong mga
kamag-aral upang mapangalagaan mo ang
iyong sarili.
Basahing mabuti ang bawat
tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

You might also like