You are on page 1of 23

Pangangalaga sa

Katawan at Kalusugan
ESP Weeks 3 - 4

Grade I - Sumilang
Matapos mong makilala ang iyong sarili at
malaman na mayroon kang mga kakayahan at
kahinaan na dapat paunlarin, alam kong handa
ka na sa susunod na paksa.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay


inaasahang makapaglalarawan ng iba’t ibang
gawain na maaaring makasama o makabuti sa
iyong kalusugan.

Kasama sa iyong matututuhan ang pagkilala


sa mga paraan o gawain na makabubuti o
makasasama sa iyong kalusugan. Malilinang mo
rin dito ang wastong pangangalaga sa iyong
sarili.
Alam mo ba ang pakiramdam ng isang batang
malusog? Ano-ano kaya ang mga paraan upang
mapangalagaan mo ang iyong kalusugan?

7
2
3

6
5

9
8
Basahin mo nang buong sigla ang usapan ng dalawang bata sa
susunod na pahina tungkol sa wastong pangangalaga ng katawan. Maaari
ring magpatulong sa kasama sa bahay upang mas maunawaan ito.
Basahin mo nang buong sigla ang usapan ng dalawang bata sa
susunod na pahina tungkol sa wastong pangangalaga ng katawan. Maaari
ring magpatulong sa kasama sa bahay upang mas maunawaan ito.
Gawain sa Pagkatuto: Sa iyong sagutang papel, gumuhit ng
tatlong maliliit na kahon. Kulayan ng pula kung ayon ito sa
napag-usapan nina Dino at Lena.
Mahalagang pangalagaan mo ang iyong sarili.
Magagawa ito sa pamamagitan ng paglilinis ng katawan,
pagkain ng tama tulad ng mga pagkaing mayaman sa
nutrisyon, pag-eehersisyo, at pagsusuot ng malinis na
damit.
Kailangang iwasan mo ang mga di-wastong gawain na
maaaring makasira sa iyong kalusugan. Halimbawa nito
ang hindi paliligo araw-araw, pagkain ng junk foods o
pagkaing walang sustansiya, pagliban sa pagkain, hindi
pagpapalit ng damit, at labis na paggamit ng
anumang gadget.
Gawain sa Pagkatuto: Sa tulong ng iyong magulang o
guardian, basahin ang mga sitwasyong nakasulat sa ibaba.
At sagutin ang mga katanungan.
1. Naghain ang nanay mo ng pritong isda, ginataang
kalabasa, at softdrinks. Alin-alin ang pipiliin mo?

2. Malamig ang panahon. Matapos maglaro ay pinapili ka


ng iyong nanay kung maliligo o hindi. Alin ang pipiliin mo?

3. Ika-sampu na ng gabi. Saktong palabas sa TV ang


paborito mong pelikula. Manonood ka pa ba o matutulog
na?
Matapos mong matutuhan
ang mga paraan ng wasto at
di-wastong pangangalaga sa
katawaan, magagawa mo na
bang kilalanin ang mga ito?
Gawain sa Pagkatuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan.
Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
Gawain sa Pagkatuto: Kilalanin ang mga sumusunod na
gawain ng isang batang katulad mo. Sa iyong sagutang
papel, iguhit ang puso kung tama o wasto ito at bilog
naman kung mali o di-wastong pangangalaga sa sarili.

_____1. Palagiang paghuhugas ng kamay.


_____2. Mahabang oras ng panonood sa telebisyon.
_____3. Hindi pagpupunas ng katawang basa ng pawis.
_____4. Pagtulog at paggising nang maaga.
_____5. Pagtangging kumain ng gulay at prutas.
Gawain sa Pagkatuto: Piliin ang mga larawang nagpapakita
ng wastong pangangalaga sa sariling kalusugan.
Bilang pangwakas masasabi mo na:
Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na k
_ l _ s _ g _ n.
Mapananatili mong m _ s _ g _a ang
iyong katawan.
Malalayo ka rin sa s _ k _ t.
Matutulungan mo ring malinang ang iyong
kalusugan.
Karugtong na aralin.
Pagmasdan ang dalawang larawan.

1. Ano ang kinakain ng bata sa unang larawan? Sa pangalawang larawan?


2. Sino sa kanila ang kumakain ng masustansiyang pagkain? Sino ang hind?

3. Sino sa kanila ang magiging malusog na bata? At sakiting bata?


4. Sino ang dapat mong tularan? Bakit?
Ang kalusugan ay napakahalaga
na dapat nating alagaan, ito ay
ating sandata upang tayo ay
maging malusog at maiwasan ang
malnutrisyon.
Magbigay ng mga
gawaing nakabubuti sa
kalusugan?
Anu-ano ang dapat mong
gawin para maiwasan ang
pagiging masasakitin?
Narito ang mga gawaing nakakabuti sa ating
katawan
Narito ang mga gawaing dapat mong iwasan.
Pagsasanay: Iguhit ang masayang mukha  kung ito ay
nakabubuti sa kalusugan at malungkot na mukha  kung hindi.
Tandaan
Kailangan na maging maingat sa katawan
at palagiang sumunod sa utos o paalala
ng mga magulang at guro para maingatan
ang katawan at kalusugan. Magagawa ito
sa pamamagitan ng paglilinis ng katawan,
pahkain ng tama at mayaman sa
nutrisyon, pageehersisyo at pagsusuot ng
malinis na damit.

You might also like