You are on page 1of 4

HEALTH 3

Unang Kwarter/Ikalawang Linggo

Pangalan ng Bata: ________________ Baitang: ___________


Seksyon: ___________________________ Petsa: _____________

LEARNING ACTIVITY SHEET


Konsepto ng Malnutrisyon

Panimula (Susing Konsepto)

Ang malnutrisyon ay isang kondisyon na sanhi ng kakulangan, sobra o


hindi balanseng nutrisyon sa ating pagkain. Malnourished ang tawag sa taong
may ganitong karamdaman. Mayroong dalawang uri ng malnutrisyon:
Undernutrition at Overnutrition. Ang undernutrition o kakulangan sa nutrisyon
ay nangyayari kapag hindi sapat ang iyong kinakain sa araw-araw ng mga
masusustansiyang pagkain. Undernourished ang tawag sa taong may kakulangan
sa nutrisyon. Ang overnutrition naman o sobrang nutrisyon ay ang pagkain sa
higit na dami ng ating dapat kinakain sa araw-araw. Overnourished ang tawag sa
taong may sobrang nutrisyon. Kapag ang isang tao ay nakararanas ng
malnutrisyon maaaring madali siyang dapuan ng iba pang mga karamdaman.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipapaliwanag ang Konsepto ng Malnutriition (H3N-Iab-12)

Panuto
Ang Learning Activity Sheet na ito ay ginawa para sa mga mag-aaral sa
Ikatlong Baitang. Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit nito:

1. Ingatan at gamitin ng wasto ang kagamitan sa pagkatuto na ito. Iwasang


sulatan ang alinmang bahagi nito.
2. Maghanda ng sagutang papel o kagamitan na gagamitin sa mga
pagsasanay.
3. Basahing mabuti ang mga panuto/direksiyon bago simulan ang bawat
pagsasanay.
4. Maging matapat sa pagsagot sa mga pagsasanay.
5. Tapusin muna ang unang gawain bago dumako sa susunod na gawain.
6. Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.
1
7. Pakibalik ang kagamitan na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Umaasa ako, sa pamamagitan ng kagamitan na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Gawain 1
Ayusin ang mga “jumbled letters” na nasa loob ng kahon upang mabuo ang
salita na tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ito ay proseso ng pagbibigay natin ng wastong pagkain sa ating katawan
upang tayo ay lumaki at maging malusog.

N S I T N Y O U R

2. Isang kondisyon na sanhi ng kakulangan, sobra o hindi balanseng nutrisyon


sa ating pagkain

O N S Y L M A R T I N U
3. Ang tawag sa kakulangan sa pagkain ng sapat at masusustansiyang pagkain.

T U R N D I T N O E U I R N

4. Ang tawag sa taong sobrang mataba dahil sobra ang nutrisyon

E O N E V R I O S U H D R

5. Kapag ang tao ay may sapat na nutrisyon siya ay


magiging_______________.
S A O L G M U

Gawain 2
Punan ng tamang sagot ang patlang sa bawat bilang upang mabuo ang
pangungusap. Piliin ang tamang sagot sa kahon.

overnutrition malnutrisyon undernourished

nutrisyon undernutrition

overnourished malnourished

2
1. Ang batang malusog ay may sapat na _________________.
2. Ang ___________________ ay isang kondisyon na sanhi ng kakulangan,
sobra o hindi balanseng nutrisyon sa ating pagkain.
3. Ang dalawang uri ng malnutrisyon ay ___________________
at___________________.
4. Kapag ikaw ay may sobrang nutrisyon ikaw ay isang
___________________ na bata.
5. Kapag kulang o hindi sapat ang iyong kinakain sa araw-araw, ikaw ay
magiging ___________________ na bata.

Gawain 3
Gawain A. Sa isang malinis na papel, gumuhit ng isang batang malusog at
kulayan ito.

Rubrik sa Pagpupuntos
Pamantayan Puntos
Maayos at malinis ang pagkakaguhit ng larawan 2
Maganda ang pagkakulay ng larawan 1
May kaugnayan ang paksa at ideya sa larawan 2
Kabuuan 5

Gawain B. Sumulat sa isang papel ng dalawa o tatlong paraan kung paano mo


mapapanatiling malusog ang iyong katawan.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa Pagpupuntos
Pamantayan Puntos
Tumutugon sa paksa ang nilalaman ng talata 2

3
Maayos ang Paglalahad ng opinyon at kaisipan 1
Malalim ang ginawang pagpapaliwanag 2
Kabuuan 5

Repleksyon
Ang malnutrisyon ay hindi lamang nangangahulugan ng kakulangan o hindi
balanseng diyeta. Maaari rin itong mangyari sa tao kapag sobra-sobra ang kaniyang
kinakain araw-araw. Kapag ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga nabanggit, ano
ang maaaring mangyari sa iyong katawan?

Mga Sanggunian

Music Art Physical Education and Health Kagamitan ng Mag-aaral pahina 411-412

Music Art Physical Education and Health 3, Patnubay ng Guro pahina 353-354

https://www.youtube.com/watch?v=hGAsyfXW54A

Inihanda ni:

CATHERINE L. FAJARDO
Guro I, SCES

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all time

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
1. Nutrisyon
2. Malnutrisyon
3. Undernutrition
4. Overnourished
5. malusog

Gawain 2
1. nutrisyon
2. malnutrisyon
3. undernutrition at overnutrition
4. overnourished
5. undernourished
Gawain 3
a. Guhit ng isang batang malusog na 4may katamtaman ang laki ng katawan.
(Hindi payat at hindi rin mataba)
Pamantayan Puntos
Maayos at malinis ang pagkakaguhit ng larawan 2

You might also like