Tanong sa isip ko, sana magkaintindihan tayo Iminulat ko ang aking mga mata Kasabay ng aking pagtayo sa kama Lumabas ako at tumingin sa kalangitan Tumingin sa paligid at aking pinagmasdan Mga punong pinutol, na ang tao ang may kagagawan Mga nagbeberdihang dahong nagsisilagas at walang mapaglagyan Mga ibong wala ng masilungan Mga taong nakakasalamuha mo tapos di kayo magkaintindihan Gusto ninyo ba ganito, ang nangyayari sa mundo? Bakit ba ganito ang dming nabago? Isa na ditto ang mga salitang ginagamit mo Itong pinupunto ko ang pambansang wikang totoo Kasabay ng pagbabago ng paligid ang pagbabago ng wikang pambansa Na ginagamit ko, ginagamit mo, ginagamit nating lahat Sinuri ang pagbabago, maraming napalitan, maraming nahirapan at hindi nagkaintindihan Maraming salitang nadagdag, ibang tao’y naguguluhan Dahil ba sa moderno, kailangan makisabay sa uso. Sino nga ba ang nagpapabago? Hindi ba’t tayong mga tao? Kung sa pag-ibig nga gumagawa ka ng paraan para mahalin ka niya Para mahalin mo siya Kahit hindi mo rin magawa sa wika, ang pagmamahal na ginagawa mo sakanya? Nandiyan si facebook, instagram, twitter Ang kajejemonan ay hindi maiwasan Sa halip na ang salita ay kompleto Ngunit iyong binabawasan Paano uunlad ang ating bansa Kung tayo mismo ang gumagawa ng paraan Upang ito’y lumagpak sa kalupaan Paano uunlad ang ating bansa kung salita at pagsasalita ay pabago Bago ang ginagamit na wika Yun ngang pagmamahal mo sakanya, kaya mong ipaglaban Sana’y wika’y ganon din na kaya mong panindigan. Wikang Pilipino ang kailangan ng ating bansa Huwag kalimutan ang tamang salita at pagsasalita Salitang kanto, balbal at iba pa Dapat ito’y balewalain na lamang Wikang Pilipino, ang siyang dapat pagaralan Gumising ka sa pagkakahimbing mong pagkakatulog Huwag mong hayaang wikang pambansa ay kalimutan Dahil ito ang susi ng pagkakaunawaan Ang dilang pumapalipit, sana’y unatin sa katotohanan Wika ko, wika mo, wika nating lahat Kung anong nakasanayan yun dapat Kung ikaw ay tunay na Pilipino Ang lahat ng ito’y magiging sapat..