You are on page 1of 4

RADYO DASMARIÑAS

5 MINUTONG PAGBABALITA
RZBB 20.1
HUNYO 11, 2019
PAHINA 1 NG 6

THEME MUSIC FADE IN…ESTAB…FADE UNDER FOR

ANCHOR 1 : Nagbabantay oras-oras…

ANCHOR 2 : Ginagalugad bawat panig ng mundo…

ANCHOR 1 : Lahat ng pangyayari siguradong asintado! Ako si Kristine

: De La Cruz.

ANCHOR 2 : At ako naman si Angel Ramirez. Magandang hapon,

: Pilipinas!

MUSIC FADE IN...FADE UNDER FOR HEADLINES

ANCHOR 1 : Lalaki arestado sa cyberporn sa Cebu, walong bata

: nailigtas.

ANCHOR 2 : Para sa iba pang detalye narito si Khim Loisaga.

MUSIC FADE IN…FADE OUT

KHIM LOISAGA : Arestado ang isang 30 anyos na lalaki matapos umanong

: mambiktima ng mga menor de edad para sa cyber

: pornography sa Barangay Cansojong, Talisay City, Cebu

: nitong Huwebes. Naligtas sa operasyon ang 8 menor de

: edad. Kinunan umano ng suspek ng larawan ang mga

: bata gamit ang cellphone habang nakahubad. Ang mga

: hubad na larawan ay ibinibenta niya sa mga foreigner.

ANCHOR 1 : Maraming salamat, Khim.

MUSIC FADE IN…FADE UNDER

ANCHOR 2 : Kasong cyber libel, kontrobersyal. Narito si Ahlexandre

: Olermo.
RADYO DASMARIÑAS
5 MINUTONG PAGBABALITA
RZBB 20.1
HUNYO 11, 2019
PAHINA 2 NG 6

AHLEXANDER OLERMO : Taong 2012 nang maisabatas ang Republic Act No.10175

: o cyber crime prevention act kung saan nakapaloob ang

: cyber libel. Pinaprusahan nito ang paglathala ng

: mapanirang pahayag o akusasyon gamit ang computer

: at ibang kahalintulad na device gaya ng cellphone. Ibig

: sabihin, pati mga post sa social media at mga blog kasali

: sa puwedeng makasuhan. Mas mabigat ang parusa rito

: kumpara sa orihinal na libel dahil aabot ito sa walong

: taong pagkakakulong.

MUSIC FADE IN…FADE UNDER FOR

ANCHOR 1 : Arestado ang labingisa katao matapos itong

: magbenta ng malalaswang larawan at bidyo sa internet.

: Para sa iba pang impormasyon narito si Lorevil Pajarito.

MUSIC FADE IN…FADE OUT

LOREVIL PAJARITO : Todo takip ng mukha ang may ari at 10 empleyado ng

: isang outsourcing and IT Company sa Tapuac District

: matapos salakayin ng mga operatiba ng National Bureau of

: Investigation o NBI. Tumambad sa mga awtoridad ang mga

: compuer kung saan ipinapakita ang malalaswang bidyo at

: larawan ng mga babae. Haharap sa kasong paglabag sa

: Cybercrime Prevention Act ang mga naaresto.

THEME MUSIC FADE IN…ESTAB…FADE UNDER FOR

ANCHOR 2 : Biktima ng cybercrime, lumantad. Ito ang balitang


RADYO DASMARIÑAS
5 MINUTONG PAGBABALITA
RZBB 20.1
HUNYO 11, 2019
PAHINA 3 NG 6

: hatid ni NEWSPRESENTER.

MUSIC FADE IN… FADE OUT

NEWSPRESENTER : Si Mariela, hindi niya totoong pangalan, ay biktima ng cyber

: crime at ang suspek ay ang kanyang Dean sa kursong

: kanyang pinapasukan sa Pamantasan sa Maynila. Dahil sa

: takot na bumagsak sa kursong Hotel and Restaurant

: management, walang magawa ang biktima kundi sundin

: ang kahalayang ginagawa sa kanya ng suspek. Ngunit

: dahil ganap nang batas noong isang taon ang Republic

: Act 9995 o Cyber Boso Law na akda ng Buhay Partylist

: Representative Erwin Tieng, agad na nasampahan ng

: kaso ang suspek.

MUSIC FADE IN…FADE UNDER FOR

ANCHOR 1 : Ang cyberbullying ay masama ang epekto lalo na sa mga

: kabataang gumagamit ng internet.

ANCHOR 2 : Para maiwasan ang mga ito ay dapat mag-ingat sa ating

: mga pinopost online, komento man ito o ating litrato.

ANCHOR 1 : At syempre kailangan rin nating panatilihing secured ang

: ating accounts. Para hashtag, iba rin.

ANCHOR 2 : Kayo, ano ang kuwentong matalino sa paggamit ng internet

: ang nagawa ninyo. I-share ‘yan sa aming social media

: gamit ang hashtag, iba rin.

ANCHOR 1 : At iyan ang mga balitang aming tinutukan on air at online


RADYO DASMARIÑAS
5 MINUTONG PAGBABALITA
RZBB 20.1
HUNYO 11, 2019
PAHINA 4 NG 6

: ngayon.

ANCHOR 2 : Napapanahong isyu at tapat na serbisyong publiko ang

: hatid namin sa inyo, ako si Franchesca Monzon

ANCHOR 1 : Buong kuwento, kumpletong anggulo ang hatid naming sa

: inyo ako naman si Jhigo Pascual. At ito ang. Balita360.

THEME MUSIC FADE IN…ESTAB…FADE OUT

You might also like