You are on page 1of 3

A.

SANHI AT BUNGA NG KAHIRAPAN

Sistemang Hacienda
Sa kabila ng saganang likas na yaman ng bansa, tila kataka-taka ang
pag-iral ng
kahirapan sa Pilipinas. Mailalantad ang sanhi ng kahirapan sa Pilipinas kung muling
babalikan ang mga pagsusuri sa sistemang ekonomiko sa bansa. Gaya ng ulat ng
Bertelsmann Foundation (2014), isang institusyong nakabase sa Germany, ang
pagkontrol ng mga iilang pamilyang elite sa politika at ekonomiya ng bansa ang
pangunahing hadlang sa pag-unlad nito at sa paglutas sa kahirapan ng mga
mamamayan nito. Kontrolado ng mga pamilyang ito na tinatawag ding mga
dinastiyang politikal. Ang mga lokal at pambansang mga posisyon sa sangay
ehekutibo at lehislatibo. Dahil dito madali nilang naikikiling ang mga batas at
patakaran ng bansa pabor sa interes nila at ng iba pang kapuwa nila bahagi ng elite.
Sa kasalukuyan, konsentrado pa rin sa kamay ng iilang pamilya ang
malaking porsyento ng lupain sa Pilipinas. Nananatiling walang sariling lupa ang
mayorya ng mga magsasaka. Bunsod ng ganitong sitwasyon, nananatili silang
mahirap dahil hindi nila ganap na napakikinabangan ang kanilang pinagpaguran,
sapagkat hindi sila ang may-ari ng lupang kanilang sinasaka. Ang mga asendero
lamang ang yumayaman sa ganitong sistema sapagkat maliliit lamang ang bahaging
tinatanggap.

Disempleyo
Isa pang sanhi ng kahirapan sa bansa ay ang mataas na antas ng
disempleyo o
unemployment at mataas na antas ng kakulangan sa trabaho o underemployment.
Direkta itong sanhi ng kahirapan dahil hinahadlangan ng mga ito ang pagkakaroon
ng mga mamamayan ng sapat na kita upang sila’y mabuhay at lagpas pa rito ay
magtamasa ng mga oportunidad sa pag-unlad. Kawalan ng sapat na access ng mga
mamamayan sa edukasyon, lalo na sa kolehiyo, ang isa pang sanhi ng kahirapan sa
bansa.
Sa kabila ng libreng publikong edukasyon sa bansa na
ginagarantiyahan ng
konstitusyon, marami pa ring mga mamamayan ang hindi nakakapag-aral. Walang
bansang nagkamit ng papataas na antas ng kita nang hindi muna nagtatala ng
pagtaas ng bilang ng mga mamamayang nakatapos ng kolehiyo kaya napapanatili
nila ang pagbabago ng kanilang ekonomiya.
Dapat ding tandaan na ang mga highly skilled na propesyonal na
mahalaga ang
ambag sa pagpapa-unlad ng bansa ay pawang college graduate din. Samakatuwid,
ang mas kakaunting college graduate ay nangangahulugang mas kakaunti ring
highly skilled na propesyunal para sa isang bansa. Ilan pa sa mga bunga ng
kahirapan ang pagkakaroon ng mga protesta laban sa umiiral na kalakaran sa
lipunan, pagtaas ng antas ng kriminalidad (crime rate) gaya ng pandurukot at
pagnanakaw, pagkakaroon o paglakas ng mga rebeldeng grupo, pagdami ng mga
Pilipinong migrante, malnutrisyon, paglala ng prostitusyon, at iba pang gawaing anti-
sosyal, at kawalan ng sapat na partisipasyon ng mga mamamayan sa mga
prosesong politikal.

Rebelyon
Ito ay karaniwang mauugat sa pag-iral ng matinding kahirapan ng mga
mamamayan
kasabay ng paglago ng ekonomiya na pinakikinabangan ng iilang pamilya lamang.
Ilan sa mga halimbawa ng mga bansang hindi pa gaanong maunlad ay ang India at
Nigeria sapagkat ito ay may malalaking pangkat ng rebelde.

UNEMPLOYMENT: MAY SOLUSYON BA?


Dahil sa matinding kahirapan at mataas na antas ng unemployment sa
Pilipinas
marami ang napipilitang mangibang bansa, dahilan kungb kaya’t kailangang lutasin
ng bansa ang suliranin ng unemployment. Maraming walang trabaho sa bansa dahil
sa kakulangan ng paglinang sa sektor ng agrikultura at industriya. Kapansin-
pansin na sa mga nakalipas na taon, higit na lumalaki ang share ng mga trabaho sa
sektor ng serbisyo- kung saan mayorya ng mga trabaho ay kontraktuwal o di
pangmatagalan kaysa sa sektor ng agrikultura at industriya.
Sa makatuwid dalawang pangunahing reporma ang maaaring maging
gulugod o
backbone ng paglutas ng unemployment at sa pag-unlad ng bansa: ang tunay na
reporma sa lupa at modernisasyon ng agrikultura, at makabansa at pambansang
industriyalisasyon. Tinatayang 60% ng mga lupang agrikultural sa bansa ay
kontrolado ng mayayamang pamilya na bumubuo sa 13% lamang ng populasyon ng
bansa, at pito sa sampung magsasaka ang walang sariling lupa. Ang ganitong
konsentrasyon ng lupa sa iilang pamilya ang dahilan ng kawalan ng sapat na
pagkain ng bansa at sapat na trabaho para sa mayorya ng mga mamamayan. Ang
pagliit ng share ng agrikultura sa pambansang ekonomya na bunga ng kawalan ng
reporma sa lupa ay nagresulta rin ng matinding kahirapan at kawalan ng oportunidad
para sa mga tagaprobinsya.
Pagkatapos ng reporma sa lupa, dapat ding pasimulan ang
modernisasyon ng
agrikultura sa bansa. Ang modernisasyon ng agrikultura ang magtitiyak sa food-self-
sufficiency sa bansa at ang kasapatan sa pagkain ay isa ring porma ng pagtitipid.
Walang magiging matibay na gulugod ang pambansang industriyalisasyon kung
hindi magiging moderno ang agrikultura sa bansa.
Kailangang isulong ang pambansa at makabansang industriyalisasyon
o pagtatayo ng mga industriyang Pilipino na lilikha ng mga trabaho para sa mga
Pilipino at magsusuplay ng mga pangangailangan ng bansa. Kinakailangan nating
maunawaan ang konsepto ng sustentableng kaunlaran.

Ngunit ano nga ba ang konsepto ng Sustentableng Kaunlaran?


Bunsod ng paghahangad ng mga dambuhalang korporasyon na
palakihin ng palakihin ang kanilang tubo kahit na mangahulugan ito ng pagkawasak
ng kalikasan sa pamamagitan ng walang habas na pagmimina, pagkalbo sa mga
kagubatan, overextraction ng tubig, at polusyon sa hangin, lupa, at tubig. Malinaw na
dapat limitahan o kaya’y higpitan ang kanilang mga aktibidad upang maisalba ang
kalikasan.
Binibigyang-diin ng konseptong ito na ang magandang kinabukasan ng
sangkatauhan ay nakasalalay sa pagpapanatili ng isang sustenableng ekonomiya na
hindi nakakasira o kaya’y limitado lamang ang impact sa kalikasan. Sa madaling
sabi, ang kapakanan ng sangkatauhan at kapakanan ng kalikasan ay magkarugtong
at hindi mapaghihiwalay. Samakatuwid, ang tunay na kaunlaran ay kinakailangang
hindi lamang makatao kundi makakalikasan din.
Ano ang mga hamon sa Sustentableng Kaunlaran?

1. Mabilis na paglobo ng populasyon ng daigdig.


Bunsod nito lalong lumalaki ang pangangailangan para sa mas
maraming
mapagkukunan,bagay na maaaring lalong magpabilis sa pagkawasak ng kalikasan o
kaya’y di sustentableng paggamit sa mapagkukunan.
2. Kahirapan
Suliranin ito sa pagkamit ng sustentableng kaunlaran sapagkat para
malutas ito, kinakailangang gamitin ng mga mamamayan ng daigdig ang likas na
yaman sa kani-kanilang mga bansa.
3. Konsumerismo
Tumutukoy ito sa labis na pagkonsumo sa iba’t ibang produkto lagpas
sa kinakailangan, at lagpas sa antas na sustentable para sa kalikasan.
4. Inequality sa kalusugan
Batay sa mga estadistika, relatibong mas malulusog at mas mahahaba
ang buhay ng
mga nasa mauunlad na bansa kaysa mga nasa mahihirap na bansa. Bunsod nito,
mas nakalantad o exposed sa iba’t ibang sakit ang mga nasa mahihirap na bansa.

You might also like