You are on page 1of 4

IBA’T IBANG LAYUNIN NG KOMUNIKASYON AYON KINA

EADIE AT GORET (2013)


Komunikasyon bilang Panghubog ng Opinyon ng madla

 Ginagamit ng gobyerno sa buong mundo ang komunikasyon upang


palaganapin ang isang kaisipan hinggil sa mga programa upang mapabilis
ang pagtanggap ng mga mamamayan sa pamamagitan ng radyo at
telebisyon.

Komunikasyon bilang panlinang ng ugnayan

 Tungkuling luminang ng ugnayan at relasyon


 Nagsimula sa interaksyon sa pagitan ng dalawang nilalang na may
napagkakasunduang bagay
 Nagpapatibay ng ugnayan ng mga miyembro ng isang komunidad
 Dahil sa tuloy tuloy na dayalogo ng mga lider ng bansa (ASEAN)
Komunikasyon bilang paghahatid ng impormasyon at pagpapalaganap ng Kultura
 Gamit sa pagpapalaganap ng impormasyon.
 Nagiging posible ang pagpapasa ng karunungan at kaalaman upang mas
maraming tao ang makisangkot sa pagbabagong panlipunan dahil sa
pakikipag ugnayan.

Komunikasyon Bilang Paghahatid ng Impormasyon at Pagpapalaganap ng


Kultura

 Marahil isa sa pinakamahalagang tungkulin ng komunikasyon ay ang gamit


nito sa pagpapalaganap ng impormasyon.
 Maraming buhay ang naililigtas dahil sa maaga at maagap na pagpapakilala
ng interbensiyon at gamut sa isang pasyente ng isang doctor.
 Nagiging possible rin ang pagpapasa nf karunungan at kaalaman upang mas
maraming tao ang makisangkot sa pagbabagong panlipunan dahil sa
pakikipag-ugnayan.
 Malaki rin ang ginagampanang tungkulin ng komunikasyonbilang
tagapaghasik ng binhi ng kultura.
 Bilang halimbawa ng komunikasyon, pinagtibay ng mga komersyal ang pag-
iisp ng mga Pilipino na mas maganda ang maputi kaysa tangkilikin ang
pagkakayumanggi.
 At dahil na rin sa lumalawig na access ng mga tao sa social media, na
mabisang flatform ng komunikasyon, nagging mas mas mabilis na
maipalaganap ang ibat’ ibang kultura.
MGA ANTAS NG KOMUNIKASYON

INTRAPERSONAL NA KOMUNIKASYON
 Pakikipagugnayan sa sarili sa pamamagitan ng replektibong pag-iisip o
internal vocalization (Dance and Larson 1972)
 Uri ng komunikasyon na nagaganap sa loob lamang ng isipan ng isang tao,
na nagdidikta ng kanyang magiging tugon sa mga pangyayari at paligid.
 Sa mas personal na antas ginagamit din ang intrapersonal na komunikasyon
upang kumbinsihin ang sarili na mas pagtuunan ng pansin ang mas
magagandang pangyayari sa buhay ng sa gayo’y lalong ganahan na
magpatuloy sa buhay.
 upang maging malalim at epektibo ang pakikipagugnayan sa kapwa.

INTERPERSONAL NA KOMUNIKASYON
 Pakikipagugnayan ng mga tao sa kanilang kapwa.
 Uri ng komunikasyon na ginagamit upang bumuo, magpanatili, at maging
tumapos ng mga relasyon.
 Madalas matunghayan sa pagitan ng mag-asawa, miyembro ng pamilya,
magkaibigan, amo, empleyado at iba pa

Halimbawa
 Interaksyon sa pagitan ng fitness coach at trainee
 Doktor at kanyang pasyente
 Konsultant at opisyal ng gobyerno
 Nangangailangan ng mataas na antas ng kakayahan sa pakikinig at conflict
manangement (Jones,2008) upang maging lubusang maging epektibo.

PANGKATANG KOMUNIKASYON
 Ito ay ugnayan sa pagitan ng tatlo o mas marami pang taong may iisang
layunin.
 Gaya ng ibang uri ng komunikasyon maaring maganap ang pangkatang
komunikayson sa personal o maging sa iba pang platporm gaya ng
groupchat, sa social media at video conferencing.
 Bilang mag-aaral malimit na maganap ang pangkatang komunikasyon
upang tuparin ang mga kahingian sa isang asignatura gaya ng
KOLABORATIBONG PANANALIKSIK na nangangailangan ng
pagtalakay at pagpapasiya.

 Pagpupulong sa barangay o sa munisipyo na naglalayong solusyunan ang


isang suliranin.
PAMPUBLIKONG KOMUNIKASYON
 pinakakinatatakutang uri ng komunikasyon.
 mas nakapokus sa tagapagpadala ng mensahe kaysa sa tumatanggap na
malimit ay higit sa apat.
 pinakamalayunin sapagkat mas madalas itong pormal.
 mainam itong paraan ng pagpapalaganap ng impormasayon at kaalaman
dahil na rin sa bilang ng mga kalahok nito.

Halimbawa:
 Pagbigkas ng talumpati
 Pangangampanya

PANGMADLANG KOMUNIKASYON
 layon din nito ang makipag-ugnayan at maghatid ng mensahe sa madla.
 naiiba ito sa nauna sapagkat ang mensahe ay ipinadadala nang palathala
(dyaryo o magasin) o sa pamamagitan ng electronic device gaya ng
telebisyon at radyo.
 layunin nitong maipakalat ang nilalaman o mensahe sa mas malaking
tagasubaybay.

Halimbawa:
 pagbabahagi ng rebyu ng isang pelikula o album ng isang musikero
 Suri sa isang bagong panukalang batas
 Ulat sa kaganapang pangkalikasan
 Pampulitika o kultural
 ATBP

MGA TIYAK NA HALIMBAWA NG SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON

A. PANGKATANG KOMUNIKASYON

1. Roundtable at Small Group Discussion

 kalimitang kinasasangkutan ng tatlo hanggang 12 kalahok, upang


makapagbahagi ng kaalaman tungo sa paglutas ng isang isyu o suliranin.

 Mainam din itong venue upang makapagmungkahi ng solusyon para


mapabuti ang pagsasagawa ng isang bagay (desisyon, proyekto, atbp.)

Iminumungkahi angsumusunod upang maging maayos ang nasabing gawain:


 Paglalahad ng layunin ng talakayan
 Pagpapakilala ng mga kalahok
 Pagtalakay sa paksa
 Pagbibigay ng opinyon, puna at mungkahi ng mga kalahok
 Paglalagom ng mga napag-usapan at napagkasunduan
 Pagtukoy ng susunod na mmga hakbang
Format sa pagsulat ng dokumentasyon o minutes ng pagpupulong:
 paksa ng pagpupulong
 Oras at lugar ng pagpupulong
 Mga kalahok
 Mga mungkahi at komento ng mga kalahok
 Mga napagkasunduan
 Mga susunod na hakbang ng grupo

Brainstorming

 Nilalayon ng estratehiyang ito na mangalap ng iba’t ibang tugon o mungkahi


sa mga kalahok, na malimit ay may iba’t ibang perspektibo hinggil sa paksang
pinag-uusapan.

Six Thingking Hats ni De Bono (1985)

 Ang estratehiyang ito ay nagtatakda ng tiyak na tungkulin sa mga kabahgi ng


gawain depende sa sombrerong kanilang isinusuot upang mas maging
maayos ang talakayan. Ang bawat sombre ay tumutukoy sa tungkulin ng may
suot.

 Puti – nagbabahagi ng mga impormasyon tungkol sa paksa

 Dilaw – nakapokus sa positibog epekto ng mungkahi

 Itim – nakapokus sa pagpapalutang ng mga panganib na dulot ng mungkahi

 Pula – nagpapahiwatig ng pakiramdam

 Berde – nakapokus sa pagbibigay ng alternatibo at bagong ideya

 Asul – tagapagdaloy ng pagpupulong

You might also like