You are on page 1of 3

SARAGOZA, CHARLS DAVE S.

BSE-FILIPINO 3

DISKURSO

 Paraan ng pagpapahayag, pasulat man o pasalita.

 Nangangahulugan din ng pakikipagtalastasan.

 Ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.

 Interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga impormasyon.

 Ayon sa diksunaryo ang ibigsabihin nang diskurso ay ang pagsusulat at pagsasalita na may katagalan o
kahabaan. Ito rin ay nangangahulugan na isang pormal na paraan ( sa pamamagitan nang
pakikipagtalastasan, pakikipagusap o anumang paraan nang pagpapahayag nang mga ideya) nang
pagtatalakay sa mga iba't ibang paksa.

ITO AY MAYROONG DALAWANG ANYO (DISKURSO):

Pasalita

- karaniwang may mga taong nakikinig kaya't ang mga salitang sinasambit ay may kahalagahan at
binibigyan nang pansin. Mahalaga rin sa aspeto na ito ang pagbigkas, tono, diin pagkilos, galaw nang
kamay, tinig, tindig at mga iba't ibang aksyon na makakapgpabago sa kahulugan nang mensahe na nais
ipabatid.

Pasulat

- vmas matinding pagiingat ang kinakailangan sa anyong ito. Sapagkat, sa sandaling ang mga nakasulat ay
nabasa nang mga makakatanggap, hindi na ito maaring baguhin nang manunulat.
TALASTASAN

 Ang isang salita na kasingkahulugan ng talastasan ay negosasyon o usapan.


Ito ay isang uri ng komunikasyon kung saan may dalawa o higit pang panig na may magkakaiba o
magkasalungat na mga paninidigan.
Sa pamamagitan ng talastasan, nagkakaroon ng pagpapalitan ng ideya, kuro-kuro, at impormasyon ang
mga partidong kasali.
Kung malaya at may sistema ang pakikipag-komunikasyon ng dalawang panig, maari nilang
masolusyunan ang suliranin na kinahaharap nila. Ang bawat panig na pumapasok sa isang talastasan ay
kailangang maging handang makinig at magkaroon ng bukas na isipan upang hindi makabastos.
Maari silang magkasundo sa ilang bagay o maari nilang tanggapin ang ilan suwestiyon kung saan
magkakaroon ng pakikipagkompromiso ang magkabilang panig sa bawat isa.

 pagbibigayan o pagpapahatiran ng kaalaman at katulad


 sistema o paraan ng pagpapalitan o pagpapahatiran ng kaalaman, impormasyon, at iba pa

Ang talastasan ay madalas na ginagamit sa pagitan ng mga sumusunod:

 amo at empleyado
 kumpanya at unyon ng mga manggagawa
 magulang at anak
 guro at mag-aaral
 mga organisasyon na magkaiba ang pinaniniwalaan o paninindigan

KOMUNIKASYON

 Ang komunikasyon ay paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng impormasyon, ideya, kaalaman,


pilosopiya, prinsipyo, opinion, katalinuhan, balita at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin at
niloloob ng tao sa anumang paraan na nais gamitin. Ang tao ay mapamaraan sa paghahatid ng kanyang
mensahe, maaaring gumamit ng wika o ng ibang paraan (Rodrigo 2001).

 Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang
nang walang lamangan (Atienza et. al. 1990).

 Ang masining at mabisang pakikipagtalastasan/komunikasyon ang proseso ng pagbibigay (giving) at


pagtanggap (receiving), nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman,
kaisipan, impresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkakaunawaan at
kaunlaran ng lipunan (E. Cruz et. al. 1988).
 Ang salitang komunikasyon ay mula sa salitang Latin na communicare na ang ibig sabihin ay
maibahagi. Ito ay pagtatalaga ng kahulugan sa mensaheng kilos o pangyayari.

  Ayon naman kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag- ugnayan. At ang
prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay
nakakaapekto sa isa’t isa.

You might also like