You are on page 1of 2

Komunikasyon

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya na


kadalasang ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema o mga simbolo. Ito ay
isang paraan ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng
cues na maaring berbal o di-berbal .

Sampung (10) Kahulugan ng Komunikasyon Hango sa Sampung Aklat

1. Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig na


kapwa nakikinabang nang walang lamangan. (Atienza et. Al. 1990)  
2. Ayon kina Sauco at Atienza (2001:3) ang komunikasyon ay isang paraan ng
pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha
niya sa isang lipunang kanyang ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa
kanyang kapaligiran.
3. Ayon sa isang Sikologo na si S.S Stevens, ang komunikasyon ay ang napiling
pagtugon ng organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o
reaksiyon.  
4. Intensyonal o konsyus na paggamit ng anumang simbolo upang makapagpadala ng
katotohanan, ideya, damdamin, emosyon mula sa isang indbidwal tungo sa
iba. (Greene at Petty, Developing Language Skills)  
5. Ito ay pagpapahayag; paghahatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan;
isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan (Webster).  
6. Ang komunikasyon ay paghahatid ng mahahalagang impormasyon sa isang paraang
masining upang maging mabisa at mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang
palagay o saloobin sa kanyang kapwa, anuman ang paksang inaakala niyang
mahalagang mapag-usapan (Verdeber, 1987).  
7. Ayon kay Ayon kay Semorlan (1997:32) ang komunikasyon ay ang proseso ng
pagbibigay at pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa
pamamagitan nito nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil
naipahahayag ng bawat isa ang kani-kanilang ideya at saloobin.
8. Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang komunikasyon ay ang
pagbibigyan ng mga ideya na kinapapalooban ng tagapagsalita, tagapakinig at ang
pag-unawa.
9. Ayon sa American College Dictionary ni Barnhart, ang komunikasyon ay ang
pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon sa pamamagitan ng pagsusulat,
pagsasalita o pagsenyas.
10. Ayon din kina Espina at Borja (1999:6) ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang
kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang
buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang
matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Dahil dito may
pagkakaisa rin sa kanilang mga mithiin sa buhay.

You might also like