You are on page 1of 3

I.

Panimula
Ang “komunikasyon” o pakikipagtalastasan ay
isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa
pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang Araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang
komunikasyon. Ito rin ay ang interaksyon ng mga tao sa isa’t isa (Saludar, 2011).

Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang komunikasyon ay ang
pagbibigyan ng mga ideya na kinapapalooban ng tagapagsalita, tagapakinig at ang pag-
unawa.

Ipinahayg ni Webster, ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin


na siyang ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga
taong nagkalayo at nagagawang bigkisin ang mga damdaming nagkahiwalay.

Ayon sa American College Dictionary ni Barnhart, ang komunikasyon ay ang


pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon sa pamamagitan ng pagsusulat,
pagsasalita o pagsenyas.

Ayon din kina Espina at Borja (1999:6) ang komunikasyon ay isa ring
makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang
maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang
umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang
lipunan. Dahil dito may pagkakaisa rin sa kanilang mga mithiin sa buhay.

Ayon kina Sauco at Atienza (2001:3) ang komunikasyon ay isang paraan ng


pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya
sa isang lipunang kanyang ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa kanyang
kapaligiran.Makapamumuhay nang tahimik ang isang nilalang kung siya ay nakasanib sa
isang lipunang may parehong interes at may pagkakaunawaan. Maiuugnay lamang niya
ang kanyang sarili sa isang lipunan sa pamamagitan ng komunikasyon.

Ayon kina Flores (2001:4), ang kakayahan ng tao sa pakikipagtalastasan ay


nagbibigay-daan upang makasanib sa pinakamataas na lipunan at makasabay sa patuloy
na pagbabago. Ang wika at iba pang pagkilos ng lipunan ay magkakaugnay. Ang interes
at pangangailangan sa bawat panahon ang sapilitang nagpapabago sa wika. At ang wika
ring ito ay kanilang ginagamit sa pagpapahayag ng kanilang mga ideya at ginagamit sa
pakikipagkomyunikeyt.

Ipinaliwanag naman ni Arrogante (1988) na ang salitang pakikipagtalastasan ay


galing sa salitang-ugat na talastas na nangangahulugang “alam”, at sa kabilaang
panlaping pakikipag-…-an na may kahulugang ‘pagsasagawa ng isang kilos na ang
gumagalaw o gumagawa ay hindi iisa kundi dalawa o higit pa”.

Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng


simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat.


(Tanawan, et al., 2004)

Sa libro ni Hernandez (1989) itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang


cooperative enterprise.
https://nikkysaludar.blogspot.com/2011/06/wika-at-komunikasyon.html
https://brainly.ph/question/1582638

You might also like