You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na


ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga simbolo. Ang araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin
ay ang interaksiyon ng mga tao sa isa't isa. Ang komunikasyon (galing sa
salitang Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin ay "ibahagi") ay aktibidad ng pagpapahiwatig
ng kahulugan batay sa sistema ng mga senyales at batas semiyotiko. Ang komunikasyon
sa biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa biyokimikal
na paraan. Ang komunikasyong pang-tao naman ay kakaiba dahil sa malawak na gamit ng wika.
Ang hindi pang-taong komunikasyon naman ay inaaral sa biyosemiyotiko. Ang hindi pasalitang
komunikasyon ay naglalarawan sa proseso ng paglalathala ng kahulugan sa pamamagitan ng mga
mensahe na hindi kinakailangan ang mga salita. Ang mga halimbawa ng hindi pasalitang
komunikasyon ay ang komunikasyong sa pamamagitan ng hipo (haptic), komumikasyong
kronemerika, mga pagkumpas, wika ng katawan, pangungusap ng mukha, pagkikita ng mata, at
kung paano manamit ang isang tao. Ang pagsasalita ay maaari ring maglaman ng mga elemento
ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng mistulang wika, halimbawa. ritmo, intonasyon,
tempo at diin. Ayon sa pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng tao ay pangungusap ng mukha at
ang iba pa ay 38% na mistulang wika o paralanguage. Gayun din, ang mga nasusulat na teksto ay
naglalaman din ng mga elemento ng hindi pasalitang komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat at
ang paggamit ng emoji" upang maipahayag ang nararamdaman sa pamamagitan ng porma ng
mga imahe.
Kahalagahan ng Komunikasyon
Ang komunikasyon ay isang paraan para tayo ay magkaunawaan. Isa ito sa
pinakamahalgang sangkap ng pagkaintindihan sa isang lipunan. Dito naipapahayag natin ang
mga saloobin ukol sa ating mga nakikita at nararamdama. Ang komunikasyon ay napapanatiling
kaspayapaan sa isang lipunan. Ang lipunang kulang sa komunikasyon ay kadalasang nakakagulo
at hindi nagkakaintindihan.
Uri ng Komunikasyon
Verbal at Di-Verbal
Verbal na komunikasyon - ay tumutukoy sa paggamit ng salita sa pagpapahayag ng
saloobin ng isang tao. Konkretong anyo rin ito ng komunikasyon dahil tiyak at ispesipiko ang
pagpaparating ng mensahe sa kinakausap.

Di-Verbal na Komunikasyon - Ay gumagamit ng salita, sa di-berbal naman ay gumagamit ng


kilos. Batay sa kasabihang Ingles, "Actions speak louder than words" na nangangahulugan mas
nag tataglay ng matinding dating ang ikinikilos ng tao kaysa kanyang sinasabi.
Mga salik ng Komunikasyon:

 Wika
 Simbolo- sagisag na kumakatawan sa isang bagay o kaisipan. Mga halimbawa ng
simbolo ay ang ilaw ng tahanan, balat sibuyas at salin pusa.
 Tagapagpahayag at tagatanggap- na maaaring dominante, demokratiko, submissive at
walang pakialam.
 Mensahe- tumutukoy sa kaanyuang pisikal na siyang ginagamit sa paghahatid ng
impormasyon at mensaheng nararanasan.
 Tsanel- ginagamit upang iparating ang mensahe.

Maaari ring sumangguni sa mga sumusunod na link:

brainly.ph/question/701928

brainly.ph/question/165545

brainly.ph/question/447584

You might also like