You are on page 1of 13

KROS-KULTURALNA PAG-AARAL SA DI- BERBAL NA KOMUNIKASYON

SA PILING LUGAR SA PILIPINAS

Ipinasa Nina:

Arnobit, Reanna Marie

Baylon, Samantha

Caneo,Eliza Mae

Carpena, Maribel

Cayetano,Jhana Trixie

Dela Cruz, Bryan Chester

Falceso, Gerald

Remollo, Karen Mae

Ipinasa Kay:

Deomedes Rodriguez

Setyembre 2019
KABANATA 1

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula

Isa sa pinakamahalagang sangkap upang mabuo ang pagkatao ng isang indibidwal

ay ang komunikasyon. Ang komunikasyon ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa

pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan ( Bernales 2002). Sa pamamagitan nito,

naroon na naipadadama ng isang tao ang kanyang damdamin sa kanyang kapwa.

Sinasabing may dalawang uri ng komunikasyon. Ito ay ang berbal at di- berbal na

kamunikasyon. Sa berbal ng komunikasyon naroon na madaling naipahahayag ang

damdamin ng isang tao samantalang sa di-berbal ng komunikasyon ay maaring magkaroon

ng maling interpretasyon sapagkat ibat-iba ang tayo ng pagkakaintindi dito. Ayon kay

Charles Darwin, may pagkakatulad ang mga kilos at gawi ng tao kahit iba-iba ang kanilang

pinagmulang kultura dahil sa ilang katangiang likas sa tao. Gayunman, taliwas ito sa

paniniwala ni Birdwhistle na walang unibersal na kahulugan ang mga kilos na

nagpapahiwatig ng damdamin at ang lahat ng kilos at galaw ng tao ay produkto ng kanyang

kulturang pinagmulan at hindi likas o biyolohikal na namamana. Mapapansin na iba-iba

ang pananaw ng mga eksperto patungkol sa usaping ito. Ngunit ang layunin lamang nito

ay mabigyang linaw ang kahulugan ng mga kilos na ipinapakita ng isang indibidwal ng

tao sa kanyang kausap. Kailangan lamang ng tamang pagkakaintindi upang hindi

magkaroon ng mali interpretasyon sa mga kilos na ipinapahayag. Madalas ipahayag ng tao

ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng kilos. Madaming nagsasabi ng mas komportable

sila na gawin ang isang bagay kaysa sabihin ito. Sa pamamagitan ng kumpas ng kamay,

pagturo gamit ang ibat-ibang bahagi ng katawan at pag gamit ng mga bagay bagay, duon

ay na ipahahayag nila ang mensahe na nais nilang sabihin. Kapag ang tao ay malapit na sa
isat- isa ito ay madaling intindihin. Ngunit kung ang iyong kausap ay mula sa ibang lugar

at ngayon lamang nakasalamuha, naroon ang kalituhan sa pagkakaintindi ng mensaheng

nais sabihin. Totoong nakalilito talaga magpahayag ng damdamin ang isang tao. Ngunit sa

tamang paraan ng salita o kilos, naroon ang pagkakaunawaan at ang pagkakaintindi sa

bawat isa.

Tiyak na Layunin

Ang layunin ng pag- aaral ng ito ay:

1. Malaman ang kaibahan ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling lugar sa

Pilipinas.

2. Matukoy ang epekto ng kultura sa pagbibigay kahulugan ng mga di- berbal na

komunikasyon sa mga piling lugar sa Pilipinas.

3. Masuri ang ibig sabihin ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling lugar sa

Pilipinas.

4. Matukoy ang pagkakatulad ng mga di- berbal ng komunikasyon sa mga piling lugar

sa Pilipinas.

5. Maibahagi ang mga bagong kaalaman patungkol sa di- berbal ng komunikasyon sa

pamamagitan ng pag- aaral ng ito.


Paglalahad ng Suliranin

Layunin ng pananaliksik ng ito na alamin kung paano nagkaiba- iba ang mga di-

berbal na komunikasyon sa mga piling lugar sa Pilipinas.

Ang mga sumusunod ay ang mga espesipikong katanungan na bibigyang lunas sa

pag- aaral ng ito.

1. Ano ang demograpikong profayl ng mga respondent base sa kanilang:

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Anu- ano ang mga pagpapakahulugan ng mga di- berbal na komunikasyon sa mga

piling lugar sa Pilipinas?

3. Mayroon bang pagkakaiba-iba ang mga di- berbal na komunikasyon batay sa edad

at kasarian?

4. Paano nagkakaiba ang mga kahulugan ng di- berbal na komunikasyon batay sa mga

piling lugar na nanggit?


KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na pag-aaral at

panitikan na kinuha mula sa nakalimbag na mga libro, mga dyornal, mga abstrak,

at iba pang mga pananaliksik na maaaring maghatid at mag-ambag sa pagtataguyod

ng mabilisang pag-unawa ng mga ideya tungkol sa paksa.

BANYAGANG PAG-AARAL

● Sa kros-linggwistikong pagsusuri ni Wierzbicka, lumalabas na ang iba’t ibang

wika ay kinapapalooban ng iba’t ibang pamamaraan ng pagkokonseptuwalisa at

pagkakategorya ng karanasan ng tao. Ang komunikasyong di-verbal ay tumutugon

sa mga kabatirang dala ng tagapaghatid sa tagatanggap nang walang ginagamit na

mga salita. Magkakaiba ang mga di-verbal na signal ng mga kultura tulad ng

pagkakaiba ng mga wika sa isat isa. Samantala, dahil sa kahalahan sa

komunikasyon ng mga simbolong di-sinasabi, hindi maitatanggi na kulang ang

kabatiran sa isang wika kung hindi kabilang ang sistemang di-verbal ng kultura ng

wikang ito. Ilan sa mga kahalagahang dulot ng komunikasyong di-verbal ay mga

sumusunod: Inilalarawan nito ang kalagayang emosyunal ng tao. Ginagawa nitong

higit na malinaw ang kahulugan ng isang mensahe. Pinapalawak nito ang ating pag-

unawa sa komunikasyon bilang isang prosesong saykolojikal. Pinananatili nito ang

iteraksyong resiprokal ng tagapagpapadala at tagatanggap ng mensahe.

Ayon kay Sapir, Ang komunikasyon ay komplikado. Naging komplikado ang

proseso ng komunikasyon dahil sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa

komunikasyon sa isaI isa. Ito ang tinatawag na persepsyon na hindi lagging pare-
pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa, ang kanilang

komunikasyon ay naiinfluwensyahan ng: a. persepyon ng isa sa kanyang sarili, b.

persepsyon niya sa kanyang kausap, c. iniisip niyang persepsyon ng kanyang

kausap sa kanya. Ang kanyang kausap ay mayroon ding: a. persepyon sa kanyang

sarili, b. iniisip niyang persepyon sa kanyang kausap, c. iniisip niyang persepyon

ng kanyang kausap sa kanya at d. tunay na persepsyon niya sa kanyang kausap.

Komplikado, hindi ba? Bungan g komplikakasyong dulot ng mga persepyong ito,

may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa at humahantong sa hindi

pagkakaunawaan.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Semorlan (1997), ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at

pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito

nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng bawat isa ang

kani-kanilang ideya at saloobin. Ayon din kina Espina at Borja (1999), ang komunikasyon

ay isa ring makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang

maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong

ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Dahil dito

may pagkakaisa rin sa kanilang mga mithiin sa buhay.

Binanggit nina Arnold at Hirsh et al. (2002), na aniya, “nakikipag-komunikasyon ang tao

batay sa gusto nito at dahil naihahatid mo ang gusto mo” Talagang totoo naman sapagkat

kapag nakikipag-usap sa iba o maging sa sarili ang tao, may sarili siyang layunin, may

mensahe siyang gustong ipaabot. Maaaring gusto niyang magbigay-impormasyon,


magkwento, magpahayag ng opinyon, magpahayag ng damdamin tulad ng tuwa o sama ng

loob, makipagtalo o mag-aliw lamang. Anu’t anuman, may mabuting naidudulot sa mga

nagsisipag-usap ang pag-uusap o komunikasyon.

Sa pagpapahayag ng mensahe sa komunikasyon ay kadalasang ginagamit ang

pasalitang paraan o ang tinatawag na berbal na komunikasyon. Ayon kina Lorenzo (1994),

ang komunikasyong berbal ay komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat at

pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga binibigkas at

naririnig. Ang berbal na komunikasyon ang siyang pinakamahalaga at pinakamabisa. Sa

pamamagitan nito, lubos at buong linaw na naipahahayag ng tao ang kanyang naiisip at

nadarama. Samakatwid, wika ang mahalagang kasangkapan sa pagpapahayag, paghahatid

at pagbibigay o pagtanggap ng mensahe.

Ngunit, upang higit na maging malinaw ang isang mensahe ay sinasamahan ito ng senyas

o galaw ng bahagi ng katawan. Ito ang tinatawag na di-berbal na komunikasyon. Ayon kina

Belvez (2004), ang mga di-berbal na komunikasyon ay bahagi ng mga mensaheng berbal

kahit na ang mga ito’y naisasagawa nang wala sa loob o hindi kinukusa. Ito ay sa

pamamagitan ng kilos ng katawan, kumpas ng kamay, galaw ng braso, iba-ibang uri ng

pagtingin at pagtitig, taas ng kilay at mga ekspresyon ng mukha at iba pa.


KABANATA 3

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagbibigay ng isang banghay ng mga pamamaraan ng

pananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Nagbibigay ito ng impormasyon ng mga kalahok,

kung sino ang mga kalahok at kung paano sila ininterbyu. Inilarawan ng mga

mananaliksik ang disenyo ng pananaliksik na pinili para sa layunin ng pag-aaral at ang

mga dahilan para sa pagpipiliang ito. Bukod dito, ang instrumento na ginamit para sa

pagkolekta ng mga datos ay inilarawan gayundin ang mga pamamaraan na sinusunod

upang isagawa ang pag-aaral ay kabilang din sa bahaging ito. Tinatalakay din ng mga

mananaliksik ang mga pamamaraan na ginagamit upang pag-aralan ang nakolektang

datos. Bilang wakas, ang mga isyu na may kinalaman sa etika na sinunod sa proseso ay

tinalakay din.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodolohiya upang makakuha ng

tama at nararapat na datos. Ito ang angkop na disenyo sa pag-aaral sapagkat ang layunin

ng mga mananaliksik ay malaman kung paano nagkakaiba ang pagpapakahulugan ng


mga di-berbal na komunikasyon sa kanilang lugar, ano ang ginagawa nila, o paano nila

ginagamit ang mga ito. Maisasagawa ang pagkuha ng datos sa dalawang tiyak na paraan.

Una ay pakikipagpanayam at pangalawa ay ang paggawa ng survey o talatanungan na

ibibigay sa mga respondente ng pananaliksik.

Isinaalang-alang sa pag-aaral na ito, ang pangunahing pokus ng problema ay upang

malaman ang pagkakaiba-iba ng mga di-berbal na komunikasyon sa mga piling lugar.

Ang penomenolohiya ay isang kwalitatibong pamamaraan ng pananaliksik

na ginagamit upang ilarawan kung paano dumaranas ang tao ng isang tiyak na

karanasan. Ang isang penomenolohiyang pag-aaral ay sumusubok na isantabi ang mga

pagpanig tungkol sa mga karanasan, damdamin, at reaksyon ng tao sa isang partikular

na sitwasyon. Pinapayagan nito ang mananaliksik na malaman ang pananaw, pag-

unawa, at damdamin ng mga taong tunay na nakaranas nito. Samakatuwid, ang

penomenolohiya ay maaaring tinutukoy bilang isang pangunahing pagsisiyasat at

paglalarawan ng mga penomena tulad ng kamalayan na naranasan ng mga taong patuloy

na nabubuhay sa mga karanasang ito. Ang pananaliksik ay karaniwang ginagawa sa

pamamagitan ng paggamit ng mga malalim na pakikipanayam at ng pag-aaral ng mga

pananaw ng mga sumasagot.

Ang makatotohanang penomenolohiya ay nagsasaliksik ng istruktura ng

kamalayan, habang pinapaliwanag nito ang layunin ng iba't ibang uri ng mga bagay,

kabilang ang mga pagkilos ng tao, mga motibo, at ng mga sarili (Stanford Encyclopedia

of Philosophy, 2013). Sinabi rin ni Smith (1997) na ang makatotohanang

penomenolohiya ay naaangkop kung ang ideya ng isang tao ay may sapat na kaalaman
ukol sa pag-aaral, nangangahulugan na ang tao ay nag-isip ng isang ideya at ginamit ang

mga paniniwalang ito upang gumawa ng isang bagay para sa kanyang kaalaman. Sinabi

rin ni Lester (1999) na ang paraan ng pag-uugali ay ang pagpapaliwanag ng mga

kadahilanan at partikular na mga detalye na nakakaapekto sa mga karanasan ng

indibidwal na taong nasasangkot sa isang pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, nais malaman ng mga mananaliksik ang iba’t ibang

pagpapakahulugan ng mga di-berbal na komunikasyon sa mga piling lugar at kung paano

ito nagagamit. Samakatuwid, ang mga mananaliksik ay gumawa ng isang malalim na

pagsisiyasat sa kanilang mga pagtugon.

Metodolohiya at Teknik na Ginamit

Ang mga mananaliksik ay naglalayon na makakuha ng tiyak na

impormasyon. Ilan sa mga kasangkapan na kanilang ginamit ay ang internet, libro at

mga respondente. Isinagawa ito upang mas palawakin pa ang kanilang kaalaman at

siguraduhing may katuturan ang mga impormasyon na kanilang nakalap.

Pagdating sa kanilang mga respondente, ang mga mananaliksik ay gumamit ng “semi

structured interview” upang mapadali ang kanilang pagkuha ng mga datos. Magtatanong

muna ang mga mananaliksik sa kanilang respondente kung bukal sa kanilang kalooban

ang interbyu na kanilang isasagawa. Tinitiyak ng mga mananaliksik na ito ay hindi

magiging sapilitan ang pakikipanayam upang maging komportable ang mga respondente

lalo na sa pagsagot ng mga katanungan na kanilang inihanda. Walang ibang layon ang

mga mananaliksik kung hindi ang makakuha ng wasto, tiyak, tapat at konpidensyal na

mga kasagutan na magmumula sa mga respondente na kanilang napili.


Sinimulan ng mga mananaliksik ang kanilang pag-aaral sa buwan ng

Setyembre at inaasahang ito ay matatapos sa buwan din ng Setyembre sa kasalukuyang

taon. Upang mapaganda at maging maayos ang daloy ng pakikipagpanayam ng mga

mananaliksik sa kanilang respondente, sila ay nakipagkasundo sa iskedyul kung saan at

kailan libre ang mga respondente sa araw at oras na iyon.

Isasagawa ang pakikipagpanayam sa iba’t ibang lugar sa bansa. Ito ay upang

tiyakin na ang mga mananaliksik ay makakakuha ng sapat at wastong impormasyon na

kanilang makokolekta mula sa mga tapat na kasagutan ng kanilang mga respondente.

Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay pumili ng anim na respondente sa ilang piling

lugar sa Pilipinas. Sa pagsunod sa ibinigay na pamantayan, ang mga kalahok ay

maaaring binubuo ng anim (6) na babae na nasa edad labing-walo (18) hanggang

limampung taon (50).

Ang mga kalahok ay pinili sa pamamagitan ng “Purposive Sampling Technique.” Sa

ganitong pamamaraan, ang mga kalahok ay pinili ayon sa edad, kasarian, at iba pang

aspeto. Ayon kay Crossman A. (2018), ang isang ‘purposive sample’ ay halimbawa ng

isang ‘non-probability sample’ na pinili batay sa mga katangian ng isang populasyon at

layunin ng pag-aaral. Ang ‘purposive sampling’ ay kilala rin bilang mapanghusga,

mapili, o subhektibong ‘sample’.


Instrumento ng Pag-aaral

Sa pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay gumamit ng ‘semi-structured

interview’ upang mangalap ng impormasyon mula sa mga kalahok sa pag-aaral batay sa

kanilang kaalaman at kagustuhan. Ang mga mananaliksik ay may kakayahang

makapagbigay ng karagdagang katanungan upang mas mabigyang linaw ang kasagutan

ng mga napiling respondente. Ang mga katanungan sa ‘semi-structured interview’ ay

masasabing ginawa alinsunod sa mga pamantayan. Ito rin ay maaaring makatulong sa

pagpapalawak ng kaalaman at pag-unawa sa karanasan ng pagtuklas ng mga

pagpapakahulugan sa mga di-berbal na komunikasyon.

You might also like