You are on page 1of 4

Mga Repleksiyon

Repleksiyon sa inulat: Ang pagtataguyod ng Wikang Pambansa sa mas mataas na antas ng


edukasyon at lagpas pa.

Inulat ni: Aldous Mathew Lucas at Maria Angelica Oliveros

Napaka laki na papel ang ginagampanan ng wika sa ating bansa o kahit sa iba pang bansa 'ang wika ang
nagbibigay identidad sa ating bansa'. Eto ang nagbibigay pagkilala saatin dahil kada bansa ay may iba't
ibang wika. Kung ikukumpara ito sa tao, ang wika ang siyang kaluluwa ng isang bansa. Aming napagtanto
na napaka importante na matutunan ito ng bawat Pilipino, di lamang ang wika mismo kundi ang mga
panitikan o mga libro na ginawa ng mga tanyag na manunulat noon at ngayon. Isa lamang ito sa mga
yaman ng ating bansa na dapat natin bigyang pagpapahalaga at ipreserba upang maipasa natin sa mga
susunod na henerasyon. Ngunit ito ay hinahadlangan ng CHED Memorandum Order no. 20 series of 2013
na nagsusulong na bawasan ang asignaturang filipino sa kolehiyo. Maraming tutol na mamamayan, guro
at studyante na gaya namin ang tutol dito. Naisip namin na napakalaking kawalan sa edukasyon ng
estudyante dahil may mga asignatura silang hindi matutunan. Malaking kawalan din ito sa mga guro sa
kolehiyo at sa mga kasalukuyang nag aaral upang maging guro sa asignaturang filipino. Saan na lamang
sila mapupunta kung tuluyang babawasan ang mga asignaturang Filipino sa kolehiyo?

Tunay na napakalaki ang epekto kung maisasakatuparan CHED Memorandum na ito ngunit kung ano
pa man ang magiging desisyon ay sana naisaalang alang ang kabutihan para sa lahat.

Repleksiyon sa Inulat: Pagpili ng Batis ng Impormasyong Pangkomunikasyon

Inulat ni: John Carlo B. Llave

Ang komunikasyon asy nagsisilbing instrumento sa pagpapalitan ng mga ideya at saloobin ng bawat tao.
Berbal na komunikasyon ang karaniwang ginagamit ng tao sa pakikipagugnayan sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Dahil dito, mahalaga na masuri ang batis ng impormasyong bunga ng komunikasyon sa
pakikipagugnayan sa ibang tao. Ang aking tinalakay ay tungkol sa Pagpili sa Batis ng Impormasyong
Pangkomunikasyon. Ang batis ng impormasyong Pangkomunikasyon ay may dalawang pangunahing uri;
primaryang batis at sekundaryang batis. Ang primaryang batis ay naglalaman ng mga impormasyon na
galing mismo sa bagay o taong pinaguusapan sa kasaysayan. Ang sekundaryang batis naman ay batayan
ang impormasyong nagmula sa pangunahing batis sa kasaysayan. Bukod sa dalawang uri ay meron pang
pitong uri sa pagpili ng batis. Ito ay ang Pasalitang Kasaysayan, Kasaysayang Lokal, History from below,
Pantayong Pananaw, Pangkaming Pananaw at Pansilang Pananaw.

Karaniwang ginagamit ang pagsusuri ng batis ng impormasyon sa paggawa ng mga akademikong papel
tulad ng pananaliksik. Samantalang, bihira lamang sa komunikasyon. Sapagkat, kadalasan kung anong
impormasyon ang makalap ng ibang tao na kung sa tingin nilay tama ay iyon na ang paniniwalaan. Ang
kahalagahan ng pagpili ng batis ng mga impormasyon na ginagamit sa komunikasyon ay sa pagpili ng
taong pagkukuhanan ng impormasyon. Kung ito ba ay totoo or hindi na nakasalalay narin mismo sa
kredibilidad at pagiging totoo ng taong pinagmulan ng impormasyon.

Repleksiyon sa Inulat : Ang Pagbubuod

Inulat ni : Diana Grace Nidea BSME 1B

Ang aking naging report sa aming pangkatang gawain ay tungkol sa Pagbubuod. Ito ay tungkol sa
pag papaikli ng ng mga tekto upang magamit sa mdaliang pagbabasa, sa pagunawa ng tekto.
Kinakailangan mong makuha ang kabuang diwa at detalye nito, ngunit gamit ang iyong sariling salita sa
pagbubuod.

Tinalakay ko rin sa aking naging report ang mga katangian ng pagbubuod ito ay napaka halaga sa
pagbubuod sapagkat hindi mo maisasagawa ang pagbubuod ng hindi nito taglay ang mgakatangian.
Kalakop din ng aking tinalakay ay ang mga hakbang sa pagbubuod sa makatutulong ng lubusan upang
maging epektibo ang iyong ginawang pagbubuod, at ang huling tinalakay ko ay ang ibat-ibang uri ng
buod na may roong limang uri, una ay ang hawig, sumunod ang sinopsis, presi, sintesis, at ang abstrak ito
ay an ibat ibang uri ng pag bubuod na makatutulong sa pag bubuod.

Ang tunay na launin ng pagbubuod aymaihahayag sa mga mambabasa nito ang kabuuang
detalye sa maikling teksto lamang at kung ang aking mga tinalakay napamamaraan ng pagbubuod ay mas
mapapadali ang iyong pamamaraan din ng pagbubuod.

Repleksyon sa Inulat: Komunikasyon

Inulat ni: JM Lunas

Ang komunikasyon ay isa sa mga pinakaimportanteng aspeto ng pamumuhay ng tao. Ito ay isang
proseso ng pagpapalitan at pagbabahagi ng mga impormasyon at ideya. Ang komunikasyon ay ang
nagbibigay daan upang tayo’y magkaisa at magkaunawaan. Nagsisilbi itong tulay upang makapagpakalat
ng tamang imprmasyon at kaalaman sapagkat ang hindi pagkakaunawaan ay madalas na nagdudulot ng
mga kaguluhan sa ating lipunan. Kaya mapag-isa ng komunikasyon ang iba’t-ibang pangkat ng tao kahit
na ito’y may iba’t-ibang kultura at paniniwala. Dahil ditto ay napapanatili ang kaayusan, katahimikan, at
kaligtasan sa ating komunidad. Sa bisa rin ng komunikasyon, ito’y may kakayahang mapakilos ang tao at
siya ring nagpapaikot ng mundo.

Mahalaga nataman ang paggamit ng komunikasyon. Kailangan na maihatid ng tama ang mga
pangunahing ideya at impormasyon. Ang maling paggamit nito ay madalas na nagdudulot ng mga
pagkakawatk-watak sa ating lipunan. Ang tsismisan ay isang gawaing komunikasyon sa pilipinas na kung
saan ito’y bilang pag-uusap at pagsusuri sa isang tao kapag hindi sila naroon. Subalit ang tsismisan ay
madalas na ginagamit upang makapanira ng puri ng ibang tao. Madalas ang mga tsimosa any nagkakalat
ng mga masasamang balita tungkol sa ibang tao na pawang mga kasinungalingan lamang.

Napakahalagang paunlarin ang komunikasyon sapagkat ito ang isa sa mga pinakaimportanteng
pundasyon tungo sa pagkakaroon o pagkamit ng isang progresibong bansa. Lagi lang nating isaalang-
alang ang wastong paggamit nito.

Repleksiyon sa Inulat : Di-berbal na Komunikasyon ng mga Pilipino

Inulat nila: Cristan Rhel Capardo at Nathaniel Carr

Lahat naman ata ng bansa ay nangangarap na magkaroon ng maunlad na ekonomiya. Isang


bansang may kakayahang makipagsabayan sa ibang mga nasyon sa iba’t ibang dako ng mundo. Hindi
natin makakamit ang ating pangarap para sa ating bayan kung walang ‘Komunikasyon’. Ang
komunikasyon ay ang pagpapalitan ng mga impormasyon sa pagitan ng dalawa o mahigit na tao. Kapag
naririnig natin ang salitang komunikasyon, ang laging pumapasok sa ating isipan ay ang alpabeto,
diyalekto, lengguwahe at wika ngunit lingid sa ating kaalaman ay higit pa dito ang sakop ng salitang ito.
Dito, maaaring gamitan ng bibig para sa mga berbal na anyo ng komunikasyon, hindi gamitan ng bibig o
di-berbal na komunikasyon, at maaari ring pagsabayin ang dalawa para sa mas komprehensibong
pagpapahayag ng impormasyon sa kausap.

Sa di-berbal na anyo, nakakapagpahayag ng ibig sabihin sa pamamagitan lamang ng pagkilos ng


katawan (Kinesika). Ilan sa mga halimbawa nito ay ang ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kilos ng
kamay, at ang simpleng pagtindig ay mayroon ding ibig sabihin. Pangalawa sa mga uri ang Proksemika, o
paggamit ng espasyo para magpahayag ng ibig sabihin tulad ng paglayo sa mga tao na nangangahulugang
nalulungkot siya at kailangan niyang mapag-isa. Pangatlo ang Haptics o Paghawak. Nangyayari lang ito
kapag magkalapit ang mga nag-uusap. Ang paghawak ay madalas na mayroong positibong emosyon,
ngunit maaari ring mag-iba depende sa higpit at intensiyon ng kausap. Ikalawa sa huli ang paralanguage,
tumutukoy sa paraan ng pagbigkas ng nagsasalita na nagbibigay ng ibang depenisyon sa salita. Maaari
itong idaan sa pamamagitan ng tono ng tinig, bilis ng pagsasalita, paghinto atbp. Panghuli, ang
katahimikan o hindi pag-imik. Ang pagtahimik ay mayroong iba’t ibang ibig sabihin. Maaaring nag-iisip,
binibigyan ng panahon ang kausap na makapag-salita, at pwede ring gamitin upang ipahayag ang galit.

Bilang mga tagapag-ulat, mapagtatanto nating ang wika ay mabisa para magkaintindihan tayong mga
Pilipino ngunit para mas magkaintindihan tayo, ay kinakailangan rin ng mga di-berbal na paraan na hindi
ginagamitan ng bibig. May mga pagkakataon kasi na iba ang sinasabi ng bibig sa kinikilos. Sa pagkilos,
maipapahayag ang ibig sabihin ng mabilisan. Isang dahilan para mabilis na mag-kaintindihan ang mga
nag-uusap at magkaroon ng mas epektibong komunikasyon.

Repleksiyon sa Inulat: Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino

Inulat ni Jobert Bornilla


Sa aking ginawang pagtalakay ukol sa mga gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino, marami akong
nalaman at natutunan. Sa proseso ng pagtalakay ay aking natuklasan na nakadepende sa layunin ng
isang tao o grupo ng mga tao ang gawaing pangkomunikasyon na kanyang gagamitin.

Ang talakayan na isang uri ng gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino, ay isa sa pinakapamilyar
saakin sapagkat sa loob ng 13 taon ay patuloy itong isinasagawa sa loob ng klase. Kapag may paggrupo
grupong nagaganap ay ang talakayan ang aming gamit upang makipagpalitan ng mga opinyon at saloobin
hinggil sa paksang inatang saamin. Kapag kinakailangan din ang pagpapahayag ng aming panig hinggil sa
isang napakahalaga at pinag uusapang issue sa lipunan ay nariyan ang pagdedebate o pagpapalitan ng
mga ideyang magsusuporta sa panig na aming napili. Kung may nais na mapatunayan, talakayan ang
gamit sa pakikipagpalitan ng mga patunay at ebidensyang nakalap upang palitawin ang katotohanan
hinggil sa pinagtatalunang paksa o issue sa lipunan. Ito rin ay daan upang linangin ang kakayahan ng
bawat isa sa pagbabahagi ng kanyang ideya na maaaring magdulot ng pagbabago sa lipunan.

Sa kabuuan, napakahalaga ng talakayan sa tao sapagkat dito nagkakaroon ng malawak na kaalaman ang
isang tao hinggil sa kanyang paligid at sa mga taong kanyang nakakasalamuha. Isa itong midyum o
kaparaanan ng paglalahad ng mga ideya at saloobin na nais ibahagi o ipabatid.

You might also like