You are on page 1of 4

John Carlo B.

Llave BSME-1B

Sosyedad at Literatura: Pagsusuri sa Panitikan

Pamagt ng Akda: Langaw sa isang basong gatas

May-akda: Amado Hernandez

Si Amado V. Hernandez, o mas kilala sa mga ngalang Amante Hernani, Herminia dela Riva, Julio

Abril, ay isang sikat na makata at manunulat sa wikang Filipino. Siya ay binansagang “Manunulat

ng mga Manggagawa”, dahil isa siyang pinuno ng mga manggagawang Pilipino at naging lakas

siya ng mga ito.

Simula pagkabinata, napalapit na ang puso ni Hernandez sa pagsusulat. Buong puso at isip niya

ay itinalaga niya sa pagsusulat. Ang kanyang pinakaunang sulat sa wikang Filipino ay naitala sa

pahayagang Watawat (flag). Katagalan, nagsulat siya para sa mga Pagkakaisa at naging bunga

ang Mabuhay. Sa edad na 19 taong gulang, naging parte si Hernandez sa samahan na

pampanitikan na Aktang Bayan na kung saan nakasama niya ang mga magagaling na manunulat

na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.

Halos lahat ng mga isinulat ni Hernandez ay tungkol sa mga pakikipagsapalaran at pakikibaka ng

mga manggagawang Pilipino. Sa sobrang pagmamahal niya sa mga ito, minsan niya na ring

sinulat ang Isang Dipang Langit noong siya ay nakulong.

Mga Tauhan:

Badong - Pangunahing Tauhan

Ana- asawa ni Badong

Pinuno ng korporasyon
Panganay na anak at mga anak ni Badong at Ana

Kapatid ni Ana

Buod/Lagom ng Akda:

Isang araw nagising ng malakas na ingay ang pamilya ni Badong dahil sa mga makinaryang

sumisira sa bahay nila. Pinilit silang umalis sa kanilang bahay sa dahilan sa walang titulo ang

lupang kinatatayuan ng kanilang bahay at sa pagbabalak na gawing subdibisyon ang kanilang

lugar ng isang korporasyon. Nakahanap ang kanilang pamilya ng pansamantalang mautuluyan sa

bahay ng kapatid ng asawa ni Ana, ang asawa ni Badong. Dahil sa nangyari, naglunsad ng isnag

kilusan ang magasawa kasama ang ibang biktima ng pagmamalabis at pinamunuan ito laban sa

korporasyon. Nagsagawa sila ng mga rally sa pagasang ibabalik sa kanila ang lupang kanila sa

loob ng mahabang panahon. Hindi dito natuwa ang korporasyon lalo na ang pinuno nito.

Hanggang isang araw, habang namimili ng makakain para sa pamilya si Ana ay dinukot siya ng

mga kalalakian. Nakaranas siya ng karahasan sa kamay ng mga dumukot sa kanya. Siya ay

pinagsamantalahan, hinalay at pinatay. Samantala, labis ang pag aalala ni Badong sa kanyang

asawa hanggang makarating ang masamang balita sa kanya. Natagpuan sa isang damuhan ang

bangkay ng kanyang asawa. Labis ang poot na naramdaman ni Badong at tanging sinisisi niya ay

ang pinuno ng korporasyon.

Nagsagawa ng pagkilos si Badong na lingid sa kanilang kilusan. Pinagplanuhan niyang mabuti ang

gagawing hakbang laban sa pasimuno ng pangyayari sa kanyang asawa. Hanggang sa nakahanap

siya ng pagkakataon at sinaksak ang pinuno ng korporasyon. Dahil dito naging WANTED siya at

malaki ang patong sa kanyan ulo. Pinadukot ang kanyang mga anak ng korporasyon para sumuko
si Badong at harapin ang kanyang kasalanan. Sumuko si Badong kapalit ng kalayaan ng kanyang

mga anak. Si Badong ay binitay sa salang pagpatay.

Pagsusuri:

1) Panahon ng kinabibilangan

Ang panahon ng kinabibilangan ng akda ay panahon na umuusbong ang parusang pagbitay dahil

batay sa akda binitay ang pangunahing tauhan sa salang pagpatay. Subalit ang panahong ito ay sa

panahon din na umiiral ang pagtayo ng mga subdibisyon na masasabing nasa modernong

panahon at mayroon na ding "braodcast media" na tulad ng radyo. Maaring ang panahon ng

kinabibilangan ng akda batay sa konteksto ng kuwento ay sa panahon na tinatawag na

"Contemporary Period" ( pagkatapos ng WW11).

2) Sariling Puna

Ang akda ay gumamit ng mga simbolismo sa pamagat nito. Nauso sa panitikang Filipino ang

paggamit sa salitang "gatasan" para tukuyin ang korapsiyon na laganap sa pamahalaan at sa

lipunang Pilipino. Ang kuwentong ito ay isang halimbawa na nagpapakita ng isyung panlipunan.

Sa kuwento, walang makikitang langaw, walang makikitang baso at lalong walang makikitang

gatas. Ang akda ukol sa isang magbubukid na pinipilit na paalisin sa lupang kanyang sinasaka

sapagkat siya ay isang "eye sore" sa bagong subdibisyong itinatago sa gilid ng inukapa niyang

lupa. Sa maikling kwento ay ipinapakita ang pag-uuri ng tao batay sa kanyang katayuan sa buhay

at sa pagpanig ng batas sa mga may kaya. Malinaw na isang pagmamalabis sa kapangyarihan ng

mga taong may kapit sa may kapangyarihan.

Ang may-akda ay gumamit ng payak na mga salita na naging dahilan upang maging

maayos pag-unawa sa kwento. Naging mainam ang bisa ng kwento sapagkat


nagdudulot ito ang bugso sa damdamin ng mambabasa at nabubuksan ang kamalayan

ng mambabasa sa umiiral na panlalamang ng mga nakatataas sa mga mahirap.

3)Gintong Kaisipan/Balyus na nakapaloob sa katha

Ang gintong kaisipan na mapupulit sa akda ay " Ang paghihiganti ay hindi instrumento sa

pagkamit ng katarungan at hustisya"

Inilahad din sa akda ang pagmamalabis ng mga may kapangyarihan laban sa mga walang laban.

Makikita dito ang laki ng agwat sa pagitan ng may kapangyarihan sa mahina at mayaman sa

mahirap.

4)Mga mungkahi

Nais ko lang imungkahi ang pag-aaral ng ganitong uri ng pantikan sapagkat nakapaloob dito ang

mga kaisipan at paglalapat ng isyung panlipunan sa kwento. Makikita dito ang pagiging

naturalismo ng may akda sapagkat kanyang binatay sa pangyayari sa lipunan ang nilalaman ng

kuwento. Ang mga ganitong uri ng panitikan o akda ay nagdadala ng kamalayan sa mga

mambabasa tungkol sa mga isyung panlipunan na kinakakaharap. Ito ay mahalagang pag-aralan

ng mga mag-aaral sa sekondaya man o mas mataas ng lebel ng edukasyon.

You might also like