You are on page 1of 36

Batayang Konseptuwal

Tulad ng agham at ng mga agham panlipunan, isa


ring anyo ng pagdalumat sa realidad-makataong
realidad-ang panitikan. Bagamat may kairalang
hiwalay sa kamalayan ang realidad hindi ito
magagagap kundi sa pamamagitan ng kamalayan.
Sinasalamin ng kamalayan ang realidad sa anyo ng
dalumat.
Alalaon baga, ang nagagap na realidad ay isang likha
o kayarian, yamang wala tayong nararanasang
realidad na hindi pinamamagitanan ngating sariling
pananaw at pagpapakahulugan. Anupat maituturing
na obhetibo’t subhetibo kapwa angating karanasan
ng realidad.Ang nasapol na realidad sa isang dako ay
repleksiyon ng obhetibong realidad at, sa kabila, ay
pamuling likha ng dumadalumat batay sa natutunan
o naisaloob na kaparaanan ng pagdalumat.
Sa lipunang nahahati sa mga uri tulad ng sa atin,
hindi maiiwasang maging ideolohikal ang
nasasapol na realidad ng indibidwal. Inililipat-
tanim na sa miyembro mula sa kanyang
pagkabata ang kakanyahang pagtingin o ang
ideolohiya ng uring kinabibilangan o di kaya ang
namamayaning ideolohiya sa lipunan sa
pamamagitan ng mga institusyong panlipunan ng
sosyalisasyon tulad ng pamilya, paaralan,
simbahan, at mass media na ang layon ay
paghubog ng mabuting kasapi.
Magka-gayunman,hindi nangangahulugang
palagian na’t hindi magbabago o mababago
ang pinanghahawakang kaparaan ng
pagpapakahulugan. Maaaring natuto ng
mga bagong kaparaanang magiging daan ng
panibagong pagtingin sa realidad. Sa gayon,
bagongaspekto ng realidad ang masisiwalat
at mawawatasan.
Tulad ng kanyang kapwa, ideolohikal din
ang dalumat sa realidad ng manunulat. Kaya
lamang paglalarawan-diwa ang natatanging
anyo ng pagdalumat niya. Nakasalig sa
kanyang pinanghahawakang ideolohiya ang
kabuluhan ng kanyang larawan-diwa.
Tumatayo itong pagpapatunay o
pagpapasubali sa inuulirang panlipunan
(social ideal) ng manunulat.
Kung gayon, sining ng paglalawan-
diwa ang panitikan at tumatayong
talinghaga ng realidad. Isa itong
makapapangharihan at mabisang
kaparaanan sa paglalarawan sa
minamahalagang makataong
karanasang binigyang-anyo upang
maibahagi sa iba.
Yamang lumalabas na ideolohikal ang kalikasan
ng panitikan umaalinsunod na ang ideolohiya ay
katergoriyang analitikal na makapagpapaliwanag
sa kalikasan at tungkuling panlipunan ng
panitikan.Bilang kategoriyang analitikal kapwa
katunayang pampanitikan at katunayang
panlipunan ang ideolohiya. Masusuri ang akdang
pampanitikan sa pamamagitan ng panloob nitong
balangkas at ng panlabas nitong kasaysayan.
Pagsusuring Ideolohikal sa Dekada ‘70

Tatangkain sa pag-aaral na ito na balangkasin


ang ideolohiyang mahahalaw sa nobelang
Dekada ’70. Nakaugat ang pag-aaral sa
paniniwalang pampanitikan na ang malikhaing
pagsusulat ay isang pagbubunyag ng sarili ng
manunulat yamang siya ang katalinuhang
namamahala sa akdang pampanitikan.
Samakatuwid, kasasalaminan ng pananaw sa
buhay ng manunulat ang kanyang akda. Sa
patalinghagang pagtuturing, ang nobela ay
maipapalagay na isang tala ng sariling
pagbabayuhay na ideolohikal ng nobelistang
si Luwalhati Bautista. Ang hayag na
kamalayan niya angating nakakaharap sa
pagbasa ng nobela.
Ang sarili ring kamalayan ang kanyang
nagagagap sa kanyang paglalarawan at
pagsasaanyo ng kanyang karanasan.Anupat
ang pagsulat ng siya niyang nagiging
kaparaanan upang makilala ang sarili–ang
kanyang mga dalumat at damdamin.Sa
pamamagitan ng pagsulat masasabing nililikha
ng manunulat ang kanyang sarili at, inaasahan,
ang kanyang lipunan.
Dalumat sa Tao/Sarili: Pagpapakatao

Mahuhulo sa paglalarawan-tauhan at sa
aksiyong isinadula na ang saligang
pagpapahalagang iniinugan ng Dekada ’70
ay ang karapatan at pananagutan ng bawat
tao na maisakaganapan ang sarili bilang
indibidwal at sosyal na nilalang.
Pinakatema ng nobela ang maka-taong
katuparan-ang panloob na kaganapan ng
indibidwal sa kanyang sarili at ang panlabas
niyang kaganapan sa kanyang lipunan.
Mahalagang tungkulin ng bawat tauhan ng
nobela na alamin at kilalanin ang kani-
kanilang sarili upang maisakaganapan ang
kani-kanilang sarili upang mai-sakaganapan
ang kanikanilang makataong potensyal.
Pinakapangunahing krisis na kinaharap ng
pangunahing tauhan, ni Amanda, ang pag-alam
sa kung ano’t sino siya bukod sa pagiging
asawa’t ina. (p. 174) Balintuna, sapagkat sa
kanyang pamilya ang patakarang pinaiiral ng
padre de pamilya, ni Julian, ay hayaang ang
mga anak ang magpasiya kung anong karera o
buhay ang nais nila.
Si Gani ay nag-US Navy; si Jules ay sumapi sa
kilusang armado; si Em ay naging manunulat na
komited; at si Bingo, na kumukuha ng
inhinyeriya bilang pagsasaalang-alang sa ama,
ay malamang criminology na ang kunin na siya
niyang talagang hilig matapos maipaunawa ng
ina na “Isang bagay lang ang makaka-please
kay Dad….Yong makita niya na maligaya kayo
sa pinili n’yong buhay!”
Dalumat sa Lipunan: Pakikipagkapwa-Tao
Mahihinuha sa nobela na ang dalumat sa
lipunan ay yaong sa kabuuan ng mga
institusyong panlipunan at ang kaakibat na
ugnayang panlipunang ibinunga.
Pinanghahawakan na ang lipunan na binubuo
ng kairalan at kamalayang panlipunan ang
siyang humuhubog sa kamalayan ng
indibidwal
Ang mag-asawang Amanda at Julian sa simula ay
likha ng mga panlipunang papel (social roles) na
siyang kalakaran sa lipunang ginagalawan. Sa
huli ang pagbabayuhay ng kanilang pananaw ay
ipinakitang buhat sa mga katunayang
panlipunang-pagsasamantala, kahirapan,
karahasan, pagkatiwalag-ibinunga ng umiiral na
kaayusang pangkabuhayan at panlipunan.
Sa simula ang pagbabago ng mag-asawa ay
bunsod ng damdaming-magulang na nag-
aalala sa sasapitin ng mga anak. Nang lumaon
kanilang naigpawan ang damdamin sa
pagkagagap sa kalikasan ng umiiral na
kaayusang panlipunan.Kaya natumpakan ang
wastong pagpapasiya’t pagkilos.
Ang mga nakita rin sa kanilang lipunan ang
siyang humubog sa pananaw nina Jules, na
naging aktibista, at Em, na naging manunulat.
Gayundin kina Gani na nag-US navy at Bingo na
malamang ay kumuha ng criminology at maging
isang militar. Binuod ang dalumat sa sinipi ni
Jules na mga taludtod mula sa isang tula ni
Kahlil Gibran na kanyang ipinadala nang isilang
ang pamangking si Anna Lisa.Ngunit ang tula ay
higit na patungkol kay Em; kay Amanda, sa ina.
Ang inyong anak ay hindi n’yo anak, Sila’y
mga anak na lalaki’t babae ng buhay!
Nagdaan sila sa inyo nguni’t hindi inyo, At
bagamat pinalaki n’yo sila’y walang
pananagutan sa inyo…
Kritikal sa Umiiral na Kaayusang Panlipunan

Sa nobela tinalakay na ang mga katunayang


panlipunan ng pagsasamantala, kahirapan,
karahasan, pagkatiwalag ay hindi katadhanaan o
ugat ng kanser ng lipunan o nagpapatindi sa
kumukulong putik ng nagbabantang sasabog na
bulking panlipunan. Manapa, niliwanag na ang
mga ito ay bunga ng kalakarang kaayusang mala-
kolonyal at mala-piyudal ng lipunan/bansa.
Tinukoy na ang pagdaralita ng
sambayanan ay isang katunayan ng buhay
panlipunan na nakaugat sa kalakarang
pagsasamantala ang puhunan sa paggawa
sa isang mala-kolonyal at mala-piyudal na
lipunan/bansa.
Sa kasalukuyang yugto ng pambansang
kasaysayan, tinurol na ang malakolonyal na
kaayusan ng lipunan/bansa ang pangunahing
sanhi ng marawal na kalagayang panlipunan
ng nakararaming mamamayan. Hawak-sakal
ng mga dayuhang korporasyon, sa
pangunguna ng Amerikano, ang kabuhayan ng
bansa.
Kahaliling Lipunan

Yaman di lamang at binabansot ng umiiral na


kaayusangmala-kolonyal at maka-uri ng
lipunan/bansa ang kaganapan ng pagkatao ng
makapangyayari’t napangyayarihan, tungkulin
ng mga namulat sasamasamang isabalikat na
baguhin ang umiiral na kaayusan upang
mahalinhan ng isang matabang lupang bubuhay
at magpapabulas sa pagkamakatao ng lahat ng
mamamayan.
Sa yugtong ito ngating kasaysayan isang
pambansang demokratikong lipunan
anginaadhika’t ipinakikipaglaban. Ang
pagpapakatao’t pakikipagkapwa-tao ng
indibidwal ay nakasalalay sa isang tunay na
malaya’t nagsasariling lipunan/bansa na siyang
kaganapan ng kabansaan ng lipunan/bansang
Pilipino.
Gayundin, sa isang demokratikong
lipunan/bansa na tumitiyak at nangangalaga sa
karapatan ng bawat indibidwal/mamamayan
hindi lamang sa pantay na pagkakataon kundi,
higit pa, sa pantay na karapatan sa kaparaanan
ng buhay na siyang daan ng kanyang makataong
kaganapan.
Pinanghahawakan ng nobelista na ang
pagpapakatao ng idibidwal ay nagaganap sa
kanyang pakikipagkapwa tao sa loob ng isang
prosesong historikal. Kung gayon ang lipunan
ang siyang larangan ng pagpanday sa sarili ng
indibidwal at ito rin ang layon ng kanyang
paggawa/pagkilos.
Anupat sabay na nagaganap ang
pansarili’t panlipunangn kaganapan. Ang
mabuting lipunan ay katumbas ng
mabuting tao: ganap, matino, maunlad,
malaya, malikhain, nagsasarili.
Hakbangin ng Pagsasakatuparan

Upang maisakatuparan ang minimithing


lipunan kinakailangang malinang ang
kamalayang makabansa upang maturol na
ang imperyalismong Amerikano ang
pangunahing kalaban ng sambayanang
Pilipino.
Kaalinsabay dapat ding malinang ang
kamalayang makauri upang mamulat ang
mga pinagsasamantalahang masa ng
sambayanan na sila ay nabibilang sa isang
uri at dapat nilang ipakipaglaban ang
kanilang kapakanan bilang isang uri
Mangyayari lamang ito kung sila’y
mabubuklod sa isang kilusang malaya’t
mapagpalaya. Sa kanilang pagkilos upang
iligtas ang sarili sa mga mapaniil at di
makataong lakas, gumagawa ng kasaysayan
ang masa. Nasa kanila ang mapanlikhang
lakas na magbubunsod sa lipunan tungo sa
hanap na kaganapan.
Ideolohiya Bilang Salik ng Anyo

Kung ang dalumat sa tao at sa lipunan ng


nobelista ay ang pagkapanday ng pagkatao sa
pakikipagkapwa-tao sa isang tiyak na panahon
at lunan, angkop lamang na ang pamagat ng
nobela ay Dekada ’70. Paksang-diwa ng nobela
ang impluwensiya ng lipunan sa pananaw at
kilos ng tao.
Ipinakita sa nobela kung paano nahubog
ng lipunang kinapamumuhayan ang
pananaw sa buhay ng mag-anak na
Bartolome. Pinalitaw ang dalumat sa
paggamit ng isang pamilyang nabibilang
sa panggitnang uri.
Ito ang uring nananangan sa indibidwal
nilang kakayahan o sariling pagpupunyagi
ang siyang umuugit ng kanilang kapalaran.
Basta’t kanilang niloob ay kanilang
maisasakatuparan. Ang ideolohiyang ito ang
pinabulaanan ng nobela.
Ang tinalakay na dalumat sa tao at sa lipunan ang
siyang nagsasaayos sa Dekada ’70. Sapagkat
dalumat ang prinsipyo ng pagsasaayos
umaalinsunod na didaktikong banghay ang
angkop.Ang aksiyon ng nobela ay napasailalim
ng dalumat. Ang pagiging didaktiko ng banghay
ay hindi kapintasan ng nobela palibhasa’y siyang
angkop na anyo para sa nilayon ng nobelist.

You might also like