You are on page 1of 5

Teoryang Istrakturalismo

Pananaw Istrakturalismo
 Nagsimula ito noong dekada ng ika-20 dantaon. Ito anila, ay
pinangungunahan ni Ferdinand de Saussure ng France
 Ang panitikan ay parang wika – hindi ito masasabing may indibidwaliti
kundi likha ng lipunan
 Ang hubog at hugis ng wika at panitikan ay naaayon sa hugis at hubog ng
lipunang bumubuo nito
 Nakabaon sa wika at panitikan ang istraktura ng politika at ekonomiya
 Kung ang lenggwahe ay parang isang ataul na sinisidlan ng patay na
pagpapahayag panlipunan (social discourse), ibang klaseng ataul ito dahil
sa loob nito mismo muling nabubuhay ang wika at diskors (mula sa The
Savage Mind ni Claude Levi-Strauss)
Istrakturalismo sa Panitikan
 Pagturol hindi lamang sa gamit ng wika kundi pati na rin sa kamalayang
panlipunan
 Ang teroya ay angkop lamang sa pagpapaliwanag sa mga kahalagahang
panlipunan na nakabaon sa wika
 Pinakaangkop na gamiting teorya sa pagpapaliwanag at pagsusuri sa
mga panitikang-bayan (folk literature)
 Pagkilala sa kinahihinatnan ng karakter at ang impluwensya ng
pakikipagrelasyon ng tao sa kanyang lipunan, ng kasaysayan ng tao at ng
lipunan sa kanyang kinahinatnan
 Pagsusuri sa kamalayang panlipunang nakapaloob sa akda
 Pagtingin sa lenggwahe ng teksto – akma ba sa pagpapanauhan at sa
atmospera
 Pagsusuri sa iba’t ibang diskursong ginamit sa akda
Paglalapat sa Pagtuturo
 Kailangang iakma ang hugis at anyo ng literature sa hugis at anyo ng
literaturang alam na ng mga mag-aaral
 Paghanap sa pagkakatutubo ng akda
 Paghuli sa mga kaisipang nakapaloob sa mga panitikang bayan
 Paghanap/ pagbubuo ng mga kamalayang panlipunan sa tamang
pagtanggap ng panitikang bayan
 Pagsusuri sa mga salita sa akda batay sa kaangkupan nito sa lipunan
 Pagpapaliwanag sa mga kahalagahang panlipunan (social values)
Feminismo
Pananaw Feminismo
 Sa teoryang ito ang mga manunulat na babae at ang kanilang kakayahan
bilang babae ang higit na pinagtutuan ng pansin.
 Pinaniniwalaan sa teoryang ito ang sistemang pangkababaihan bilang
mga indibidwal na di-kapantay ng kalalakihan gaya nang nais patunayan
sa kilusang itinatag ni Simone de Beauviour na sinusugan naman ni
Virginia Woolf
 Ipinapakita ang papel na ginagampanan ng babae sa lipunan
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.

Paglalapat sa Pagtuturo
 Pagtukoy at pagsuri sa pangunahing tauhan sa akda (babae)-kadalasan
ipinamayagpag ang mabubuti at magagandang katangian.
 Sinusuri ang imahen, ang sitwasyon o kalagayan at ang wikang
nagtataglay ng ibang sensibilidad.

Feminismo-Markismo
Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan
sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip
na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.

Marxismo
Pinapakita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang
magkasalungat na puwersa: malakas at mahina, mayaman at mahirap,
kapangyarihan at naaapi.
Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang
nagpapakita ng paglalaban ng malaks at mahina;mayaman at mahirap.
Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas; ng mahirap ang
mayaman.
Ginagamit ang mga oryentasyon na ito kung paano mabuksan ang mga
isipan at ang mga mata ng tao sa pang-aapi at pagsasamantalang nagaganap sa
lipunan. Ito’y sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman
sa makabagong panahon.
Layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay
may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampolitika.
Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Ang teoryang Marxismo ay nagsusuri ng kalagayang panlipunan, pag-
uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kuwento.
Binibigyang pansin dinsa pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian;
tauhan sa sarili niya, sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan
Kinikilatis sa mga akda ang tinatawag na binary opposition o klase ng tao,
tulad ng mataas vs. mababa

Mga Proponent:
 Karl Marx – Isang pilosopong Aleman, ekonomista at
rebolusyonaryo
 Friedrich Engels – Pilosopo ring Aleman, social scientist,
mamamahayag at mangangalakal; nakapglimbag ng The Condition
of the Working Class in England.

Sosyolohikal
 Naniniwala ang mga tagapagtaguyod nito na ang manunulat ay produkto
ng kanyang panahon, lugar, mga kaganapan, kultura at institusyon sa
kanayng kapaligiran kung saan itinuturing sila bilang boses ng kanyang
panahon.

 Layunin din ng teoryang ito na ipakita ang kalagayan at suliraning


panlipunang kinabibilangan ng may-akda. Ipinapakita din dito ang mga
pamaraan ng tauhan sa pagsugpo ng suliranin o kalagayan ng lipunang
nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa pagpuksa sa mga katulad na
suliranin.

 Sa panunuring ito, ang binibigyang diin ay anng interaksyon ng mga


tauhan (lalo’t ng pangunahing tauhan) sa kapwa at sa lipunan, ang sanhi
ng pagkakaroon ng mga ganoong pangyayari sa buhay, ang kanilang
pakikibaka saa lipunan, maging sa kanilang kabiguan o tagumpay.

Saykolohikal
 Ito ang panunuring ang diin ay nasa pagtatalo ng kaisipan ng
pangunahing tauah at ng uba pang tauhan sa akda. Dito isinasaalang –
alang ang pagtitimbang-timbang sa mga ikinikilos ng mga tauhan kung
makatarungan o hindi ang kanilang mga naging kapasyahan.

 Pagtanaw ito sa sikolohiya ng tao; ang udyok (instinct) ay nagkakaiba sa


pangangailangan (need) at sa ating mga nasa (desire). Ang mga kathang
tumutukoy sa sex ay maipaliliwanang nang maayos sa paggamit ng
teoryang ito. Kung paano mag-isip ang mga taong nagtatangi sa kanilang
libog ay pinapaksa nang padaplis ng karamihan ng ating mga manunulat
mula kina Balagtas (Kay Selya) at Rizal ( sa kanyang dalawang nobela).
Ang paglalarawan ni Rizal sa “psychological state” ng kanyang mga
tauhan tauhan ay hindi matatawaran tulad ni:
1. C. Ibarra na larawan ng isang inosenteng may mataas na pinag-
aralan
2. Simon, na ‘obsessive-compulsive’ at ‘manic depressive’
3. Tasyo na isang ‘ivory towerite’
4. Sisa at Maria Clara na niniwalang mahina sila at walang laban kaya
agad nasiraan ng loob/bait/isip.

Arkitipal
 Ayon kay John Loui Medina, naniniwala siya sa pananaw ni Freud at Carl
Jung na may di malay na bahagi ang tao, subalit hindi ito personal na
unconscious, bagkus ay kolektibong unconscious na nagmumula sa
“tendency na mabuo ang isang motif”.
 Layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda
sa pamamagitan n simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang
konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong
napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa.

 Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala


ng may-akda sa mga mambabasa.

Historikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasasn ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan ay bahagi ng kanyang paghubog.
Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at
ng mundo.

Modernismo
 Makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na
hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining kundi
interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaa, puno ng misteryo at
hiwaga at minsan ay walang kabuluhan) ang bisyon ng mundo.

 Ang layunin ng panitikan ay iparating ang nais niyang apaabot sa mga tao
gamit ang tuwirang panitikan
 Samakatuwid kung ano ang nais iparating ni Rizal ay siya ring nais
ipaabot sa kanyang mga taga-tangkilik, walas labis at kulang, ngunit
mayroong sapat lamang; walang simbolismo at walang halong kalokohan
at hindi kailangan ng malalimang pagsusuri at pag-unawa.

Teoryang Queer
 Nagsimula ito noong kalagitnaan ng dekada ’80 pinag-ugatan nito ang
teoryang feminism mula sap ag-aaral sa social construction, sekswalidad
at identidad ng tao. Sa kalaunan, naging pag-aaral na ito na sinusuri ang
mga bagay na itinuturing na nasa kategoryang normative at deviant na
sinusuri ang pagiging kakaiba o hindi karaniwang gawi at pagkakakilanlan.
Sa madaling salita, pag-aaral ito sa mga nasa ikatlong kasarian o third
sex.

 Iginigiit ng teoryang ito na ang lahat ng pag-uugaling sekswal, ang lahat


ng mga kaisipang nag-uugnay ng pag-uugaling sekswal sa
pagkakakilanlang sekswal, at lahat ng mga kategoryang normative at
deviant ay hinubog o itinakda ng lipunan na lumikha ng panlipunang
kahulugan.

 Ang social media ay naging susi hindi lamang sa kabuuang kaunlaran ng


teoryang Queer kundi pati na rin sa pagpapalakas ng kompyansa sa
kanilang sarili at tulungan silang magkaroon ng puwang sa lipunan.

You might also like