You are on page 1of 6

PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA II

(PANITIKAN NG PILIPINAS)
EDD 7

PANGALAN: KURSO:
SKEDYUL:
ARAW AT ORAS:

Module 6
Paksa: Mga Teoryang Pampanitikan

Pagtalakay
Ang Panitikan ay isang sining , kabilang ito sa kategorya na mataas na sining.
Ang ganitong pagkilala at pagpapahalaga sa panitikan ay kasinghalaga ng pagkilala at
pagpapahalaga sa katangian ng tao; sinasabing ang panitikan ay “Kasaysayan ng
Kaluluwa ng Tao” at sa pagbasa ng tao ng panitikan, higit niyang nakilala ang kaniyang
sarili, nalalaman at natutukoy niya ang pinakadahilan ng kaniyang pagkatao at dahilan
ng pamumuhay at pakikipamuhay sa mundo.
Bilang isang sining, naiiba sa nakagisnan nating pagbabasa ang pagbabasa sa
isang panitikan. Bilang guro, mahalagang malaman na sa panitikan, ang mahalaga ay
ang pagbasa at isang pagbasang kakaiba kaysa sa nakagisnan at nakaugalian nating
pagbabasa.
Ano nga ba ang layunin ng tao kapag siya ay nagbabasa? Una, upang matugunan ang
kaniyang pagiging mausisa, masagot ang napakarami niyang mga katanungan,
maragdagan ang kaniyang pananaw sa mga bagay-bagay sa kaniyang kapaligiran, sa
pamumuhay at pakikipamuhay. Ito ay isang pagbabasang ginagawa ng tao sanhi ng
pangangailangan.
Isa pang pagbabasa ang ating ginagawa at ito ay pagbabasang nagpapayaman
n gating kaisipan at damdamin, gumigising ng ating kamalayan, imahinasyon, guni-
guni, isang pagbabasang “dinadama” natin ang mga kaganapan: nagatatawa tayo,
napaiiyak, napaiibig, natatakot, nangangarap, atbp. Ito at ganito ang “Pagbasa” sa
isang panitikan.
Ang kahulugan ng Panitikan ay iba sa kaysa kabuluhan nito.
Ang Kahulugan ay tiyakang makukuha sa pamamagitan ng pag-alam sa nilalaman ng
panitikan at sa pag-unawa rito. Samantala, ang Kabuluhan ay matatamo lamang sa
pag-uugnay ng panitikan sa buhay, sa nakapaloob ng mga damdamin at
pagpapahalagang nakapaloob sa bawat nakalimbag na titik at sa matamang pagsusuri
ng bisa nito sa pag-unlad ng pagkatao. Dahil dito, masasabing ang panitikan ay hindi
lamang bunga, kundi isa ring pamumuna sa mga pangyayari ng buhay. Pinalalawak ng
panitikan ang karanasan ng tao sa paglalarawan ng iba’t ibang uri ng buhay
(Panunuring Pampanitikan, 1979)
Nagiging makahulugan at makabuluhan ang bawat pagbasa ng mga-aaral ng
isang akdang pampanitikan kung ito ay kaniyang “nararamdaman” at “nararanasan” at
ang ganitong pagbasa ang nagiging dahilan ng mataas at malalim na pagpapahalaga
sa bawat panitikan.
Ang anumang binasa ng isang mag-aaral ay magiging bahagi ng kaniyang
buhay, magiging isang gabay, patnubay at inspirasyon sa kaniyang pakikipamuhay at
pamumuhay. Hindi niya ito malilimutan at katulad ng ibang pagbabasa na kapag
natapos nang basahin ay magiging bahagi na lamang ng mga imbak na kaalaman. ang
anumang binasa niya ay magiging bahagi ng kaniyang buhay, ng kaniyang
pagdedesisyon, ng kaniyang hinaharap at bukas.

Mga Teoryang Pampanitikan


Teoryang Klasismo/Klasisismo
 Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa
pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging
nagtatapos nang may kaayusan.
Teoryang Humanismo
  Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay
binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento atbp.
Teoryang Imahismo
 Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa
mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-
adka na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang
salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na
layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.
Teoryang Realismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-
akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.
Teoryang Feminismo
 Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang
pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag
babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang
katangian ng tauhan.
Teoryang Arkitaypal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay
magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at
konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.
Teoryang Formalismo/Formalistiko
 Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot
gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa
– walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit
na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga
salig (factor) sa pagbuo ng naturangbehavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na
mabago o mabuo ito.
Teoryang Eksistensyalismo
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
Teoryang Romantisismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at
mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang
nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o
bayang napupusuan.
Teoryang Markismo/Marxismo
 Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan
ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga
mambabasa.
Teoryang Sosyolohikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng
lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay
sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
Teoryang Moralistiko
 Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa
moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng
isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi,
ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.
Teoryang Bayograpikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng
may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay
ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at
lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa
kanyang karanasan sa mundo.
Teoryang Queer
 Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga babae ay mayfeminismo ang mga
homosexual naman ay queer.
Teoryang Historikal
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Teoryang Kultural
 Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi
nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at
tradisyon minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat
lipi ay natatangi.
Teoryang Feminismo-Markismo
 Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa
pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang
pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip
na ito’y kasamaan at suliranin ng lipunan.
Teoryang Dekonstruksyon
 Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at
mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang
iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-
halong pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

Gawain 1.

1. Ipaliwanag ang kahalagahan ng masusing kaalaman sa mga teoryang


pampanitikan sa higit na pagkatuto at pagpapahalaga sa panitikan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, ano ang antas ng Femenismo sa ating bansa?


Magbigay ng mga tiyak na pangangatuwiran.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

3. Ipaliwanag ang tunay na Kahalagahan ng Pagsusuri gamit ang mga Teorya.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

You might also like