You are on page 1of 3

IPINASA NI: Mieshell B.

Racaza
IPINASA KAY: Dr. Elleine Rose A. Oliva
ASIGNATURA: Filipino 407 – Kontemporaryong Pag-aaral ng Panitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN AT MGA URI NITO

Mga teoryang pampanitikan - ang mga teorya ng panitikan ay may iba’t ibang
paliwanag ang mga kritiko at makata patungkol sa mga nasabing teorya ng
panitikan.

1. Arkitaypal - ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang


bahagi ng akda sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-
basta masusuri ang mga simbolismo sa akda.
2. Bayograpikal - ang teoryang ito ay patungkol sa may-akda ng mga akdang
pampanitikan, siya ang nagsusulat o sumusulat ng mga akdang
pampanitikan na ating nababasa magpasahanggang ngayon. Ang teoryang
ito ay tumutukoy sa bakgrawnd ng may akda sa kanyang sinulat na akda,
makababasa tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng
may-akda upang mas mapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat
na akda. Kakikitaan din ito ng pilosopiya ng may akda sa dahilang
kababasaan ito ng kanyang pananaw patungkol sa mga bagay na nais niyang
ihatid sa mga mambabasa.
3. Dekonstruksyon - ito ay teoryang pampanitikan na pwede mong baguhin ang
katapusan at pwede ka ring magdagdag ng mga tauhan, ngunit hindi mo
pwedeng buhayin ang mga namatay na sa akda.
4. Eksistensyalismo - hinahanapan ng katibayan ang kahalagahan ng
personalidad ng tao at binibigyang halaga ang kapangyarihan ng kapasyahan
laban sa katwiran.
5. Feminismo - ito ay tumutukoy sa kalakasan at sa kakayahan ng tauhang babae
sa isang kuwento o akda. Maaaring ilantad din anng mga de kahong mga
imahe ng mga babae sa akda. Layon nitong labanan ang anumang
diskriminasyon, ekploytasiyon, at opersayon sa mga kababaihan. Mga sikat
na manunulat na sina Lualhati Bautista, Genoveva Edroza Matute, Elynia
Ruth S. Mabanglo atbp.
6. Feminismo-Markismo - ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang
paraan ng kababaihan sa pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang
halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon bilang tuwirang tugon sa
suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin sa lipunan.
7. Formalismo - ang pagpapaliwanag sa anyo ng akda ang tanging layunin ng
pagsusuri; samakatwid, ang pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng
teoryang formalismo. ang tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang:
nilalaman, kaanyuan, o kayarian, paraan ng pagkakasulat ng akda.
8. Historikal - ang teoryang ito ay patungkol sa pinagmulan at pag-unlad ng wikang
ginamit sa mga akdang pampanitikan. Kakikitaan ang mga akda ng mga
pagbabago sa paggamit ng mga salitang naaayon sa panahon at sa kultura
na may kinalaman sa mga pagbabagong nagaganap sa ating bayan, kasama
rito ang mga pagbabagong nagaganap sa ating lipunan, ekonomiya,
edukasyon, agrikultura at higit sa lahat ang ating pananampalataya.
9. Humanismo - sa pag-aaral at pagsusuri ng akda sa pananaw na ito,
pinaniniwalaan na ang tao ang sukatan ng lahat ng bagay kaya’t kailangang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag sa saloobin sa
pagpapasya. Naniniwala ang mga humanista na sibilisado ang mga taong
nakapag-aaral dahil kinikilala ang kultura.
10. Imahismo - naipahahayag ang kalinawan sa mga imaheng biswal, eksaktong
paglalarawan o pagbibigay anyo sa mga ideya.
11. Klasisismo - pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri. Layon ay
katotohanan, kabutihan, at kagandahan. Malinaw, marangal, payak, matimpi,
obhetibo, magkakasunud-sunod, at may hangganan. Ito ay ang sinulat ng
mga dakilang manunulat. Mga halimbawa nito ay ang MARS CITY, FUSE
BOX, POSPORO.
12. Kultural - tumutukoy sa mga kwenotng base sa isang kulturang pinaghanguan
ng kwento o tula.
13. Marsismo - inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan
ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at
malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman.
Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida
at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang
naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas.
14. Modernismo - Ito ay ang makabagong pananaw na may radikal na pagkakaiba
sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng realidad ang sining
kundi interpretasyon (kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo at
hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan) ng bisyon ng mundo. Ang
layuninin ng panitikan ay iparating ni Asiong Salonga ang nais niyang ipaabot
sa mga tao gamit ang tuwirang panitikan. Samakatuwid kung ano ang nais
iparating ni Rizal ay siya ring nais niyang ipaabot sa kanyang mga taga-
tangkilik. walang labis at kulang, ngunit mayroong sapat lamang.walang
halong simbolismo at walang halong kalokohan at hindi kailangan ng
malalimang pagsusuri at pag-unawa.
15. Moralistiko – sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit.
Pinahahalagahan ang moralidad, disiplina at kaayusang nakapaloob sa isang
akda.
16. Naturalismo - Ang mga akdang nagbibigay-diin sa teoryang ito ay nagpapakita
ng mga pangyayaring nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag
upang pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng
kalagayan, katulad ng kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan
nito. Ito'y isa sa mga namamayagpag sa kasalukuyan.
17. Pisikal - nakatutulong nang malaki sa teoryang ito ay ang mga larawang-diwa o
imahe sa ikagaganda ng akda. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag
binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng
mambabasa. Nagpapatalas ito sa pandama ng mga mambabasa. Ito'y
naghari sa panahon ng amerikano.
18. Realismo - Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa
kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at lipunan ayon sa mga realista,
ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad. Karaniwang
nakapokus ito sa pakgsang sosyo-pulitikal kalayaan, at katarungan para sa
mga naapi.
19. Romantisismo - ang teoryang pampanitikang umusbong sa Europe noong
ikalawang hati ng ikalabingwalong dantaon. Kasalungat ng romantisismo ang
klasismo sapagkat ang higit na pinahahalagahan ng romantisismo ay ang
damdamin at guniguni. Nagpapamalas ang romantisismo ng pag-ibig sa
kalikasan, pagmamahal sa kalayaan ay sa lupang sinilangan, paniniwala sa
taglay na kabutihan ng tao, paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga
bagay na materyal, pagpapahalaga sa dignidad hindi sa mga karangyaan at
paimbabaw na kasiyahan at kahandaan magmahal sa babae/lalakeng nag-
aangkin ng kapuri-puri at magagandang katangian, inspirasyon at
kagandahan.
20. Sosyolohikal - ang teorayng sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng
kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento. ang akda rin sy nsgiging salamin sa
mga tunay na nangyayari sa lipunan. Sa kuwentong “TATA SELO” ni Rogelio
Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa lipunan. ang pang aapi sa
mga mahihirap at pagturing dito na mababang uri.
21. Sikolohikal – makikita ang takno ng isip ng may-akda antas ng buhay,
paninidigan, pinaniniwalaan, pinahahalagahan at ang tumatakbo sa isipan at
kamalayan ng may-akda.
22. Teoryang Queer – ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa
paningin ng lipunan sa mga homosexual. Kung ang mga babae ay may
feminismo, ito naman ang teorya ng mga homosexual.

You might also like