You are on page 1of 26

Archdiocese of Cebu

ACADEMIA DE SAN MIGUEL ARCANGEL


Argao, Cebu

SIMPLIFIED LEARNING MODULE with


TEACHER-MADE LEARNER’S HOME TASK

Module No. _1__ Subject Area: ___ Filipino __________ Quarter: _____1______

A. Module Lessons & Coverage:


Lesson 1
 Si Inem (Maikling Kwento) ni Pramoedya Ananta Toer
 Pang-ugnay bilang Hudyat ngbPagsunod-sunod ng mga Pangyayari
 Banghay ng Kwento at ang Piramide ni Freytag

Lesson 2
 Isang Elepanteng Nagngangalang Maliwan (Sipi ng Nobela) ni Thanom Maha-Paoraya
 Pagpapahayag ng Opinyon at Katotohanan
 Ang Nobela at ang Pagsisimula Nito sa Pilipinas

Lesson 3
 Mga Piling Tula ni Ho Chi Minh
 Iba’t Ibang paraan ng Pagpapahayag ng ssariling Emosyon o Damdamin
 Ang Tula sa Pagpapahayag ng Protesta

Lesson 4
 Paano Mangutang ang Isang Ina (Sanaysay) ni Elyrah Loyola Salanga-Torralba\
 Wastong gamit ng Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw
 Ang Sanaysay at ang Iba’y Ibang Uri Nito

Lesson 5
 Ramayana (Epiko)
 Mga Gamit ng Wika
 Mga Elemento ng Dula

B. Standards
a. Content Standard: Naipapamalas angn mag-aaral ng pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Timog-Silingang Asya.

b. Performance Standard: Ang mag-aaral ay nakapagsasagawa ng malikhaing panghihikayat


tungkol sa isang book fair ng mga akdang pampanitikan ng Timog-Silangang Asya.

c. Formation Standard:

C. EU & EQ
a. Essential / Enduring Understanding:
 Lahat ng mga pangyayari sa buhay mapanoon man o ngayon sa kasalukuyan ay may
kaakibat na dahilan at patutunguhan. Kailangan lamang na may pananalig at
pagpupursige para malampasan ang mga pagsubok na ito.

b. Essential Questions:
 Paano ba nakakatulong o ano ang naiambag ng/ang mga hamon sa buhay sa
kasalukuyang pamumuhay?

D. Performance Task (GRASPS):


Goal:
 Makagagawa ng book fair na magpapakilala ng mga panitikan sa iba’t ibang bansa ng
Timog-Silangang Asya.
Role:
 Company Staff sa isang kombanya na magdadaraos ng book fair sa darating ASEAN.
Audience:
 Mga delegado ng ASEAN na pupunta sa pagtitipon sa Pilipinas.
Situation:
 Magkakaroon ng pagtitipon ang mga delegado ng ASEAN dito sa Pilipinas upang
maipakilala ang mga panitikan sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya kailangan
na bumuo ng book fair ang mga staff ng isang kompanya.
Product:
 Mga aklat na naglalaman ng mga iba’t ibang panitikan na kasama sa ididisplay sa
gagawing book fair.
Standards:

Rubric para sa Isasagawang Book Fair

25 15 5 Puntos

Nakpaglahad ng
Nakapaglahad ng angkop na gawi at
Hindi angkop sa
Kaangkuan sa angkop na gawi at kasanayan ng
kultura ng Timog-
kultura ng Timog- kasanayan ng Timog-silangan
silangang Asya ang
Silangang Asya Timog-Silangang Asya na may
inilahad.
Asya kaunting
pagkakamali

Presentasyon sa Nailhad ng maayos


Mahusay na Hindi naaayon ang
mga piling akda ng ang ilang aspekto at
nailahad ang tema paglalahad sa tema
Timog-Silangan tema ng mga piling
ng mga piling akda ng mga piling akda
Asya akda

Naipakilala nang
Pagpapakilala sa
Mahusay na maayos ang mga Hindi naipakilala
mga piling
naipakillala ang piling manunulat na nang mahusay ang
manunulat ng
mga piling may ilang mga piling
Timog-Silangang
manunulat nalimutang manunulat
Asya
mahalagang detalye

Hindi kinakitaan ng
Malikhain at Bahagyang
husay at
Patalastas (poster, angkop ang mga malikhain ang mga
kaangkupank ang
teaser, trailer) patalastas hinggil sa patalastas hinggil sa
mga patalastas
dula dula
hinggil sa dula.
Enabling/Mini Task 1:
Ang mga estudyante ay inaasahan na makakalikha ng isang poster na
magtataguyod ng pagkilala sa karapatan ng mga kababaihan na nakararanas ng pang-
aabuso at iba pa.

Kaugnayan sa Tema: 30%


Nilalaman: 25%
Pagkamalihain: 15%

Enabling/Mini Task 2:
Ang mga estudyante ay inaasahan na makakasulat ng talumpati tungkol sa isang
pangyayari na nasaksihan, nasaliksik, o nalalaman na maiuugnay sa pagdiriwang ng National Women’s Month,
nararapat na organisado ang paglalahad sa pamamagitan ng paggamit ng mga wastong pang-ugnay.

Nilalaman: 30%
Gamit ng Pag-ugnay: 20%
Orihinalidad: 10%
LESSON 1: Magkapantay sa Karapatan at Kakayahan

Week: _______________________

Day 1 & 2 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano
batay sa napakinggang akda.

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy sa mga pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at napagsunud-sunod
ang mga pangyayari sa kwento

b. Skills: nakasusulat at nakapaglalahad ng isang talumpati tungkol sa isang pangyayari o bagay na


may kaugnayayn sa isang pagdiriwang

c. Attitude: nakapaglalahad ng sariling emosyon tungkol sa isang pangyayari sa buhay na


sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan.

III. Subject Matter


 Topic: Si Inem Ni Pramoedya Ananta Toer
o Pang-ugnay bilang Hudyat ng Pagsunud-sunod ng mga Pangyayari

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at


Wilma E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Activity 1

(pp2-3 Filipino ng Lahi 9)

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng pang-aabuso na nararanasan ng kababaihan?


2. Sa iyong pananaw, bakit marami pa rin ang naitalang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan sa
Pilipinas?
3. Bakit kailangan ng mga batas para protektahan ang kababaihan?
4. Dapat bang may pantay na pagkilala sa karapatan ng mga lalaki at babae? Bakit?

Readings
Si Inem
Ni Pramoedya Ananta Toer
Maikling Kwento mula sa Indonesia
Isinalin ni Christopher S. Rosales
(pp 4-14 Filipino ng Lahi 9)

Pang-ugnay bilang Hudyat ng Pagsunud-sunod ng mga Pangyayari


(pp 14-16 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Bilugan ang mga pang-ugnay sa bawat pangungusap. Pagkatapos, pagsunud-
sunurin ang mga pangyayari ayon sa pagkakaunawa mo sa mga pahayag. Lagyan ng mga
bilang 1 (una) hanggang 5 (lima) ang mga patlang.

_______ Ikalawa, tinukoy ng video ang mga kagamitang kakailanganin sa pagtatanghal


pati na ang mga manood nito.

_______Isa ang wayang (puppet show) sa mga kilalang uri ng pagtatanghal sa Indonesia.
Wayang ang tawag sa isang dula na gumagamit ng mga nilikhang papet kapalit ng mga
aktuwal na tao bilang tagapagtanghal. Sa napanood na video, ipinakita ang mga kailangan
sa paggawa ng isang wayang.

_______ Namili rin ng pangunahing karakter sa mga gagamiting papt. Pinili rin ang
kontrabidang magiging balakid sa mga nainisin ng pangunahing karakter.

_______ Panghuli, tiniyak ang banghay ng kwento para sa mga nilikha mong karakter.
Ang organisasyon ng kwento ang magtatakda ng tagumpay ng isang wayang.

_______ Unang ipinakita sa video na kailangan sa pagtatanghal ng wayang ang script o


ang pangkalahatang diyalogo para sa dula.

ii. Exercise 2
Panuto: Balikan ang kwentong “Si Inem”. Mamili ng liman pinakamahahalagang bahgi
nito. Muling ilahad ang mga ito sa pamamagitan ng pagsulat ng magkakaugnay na talata
sa mga kasunod na patlang. Bilugan ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsasalaysay.

c. Assessment / Application
Ikaw ay komisyoner ng National Youth Commission. Naanyayahan kang
magsalita sa isang pagtitipon kaugnay sa National Women’s Month. Maglalahad ka ng
isang pangyayari na nasaksihan, nasaliksik, o nalalaman mon a maiuugnay mo sa
pagdiriwang. Gawing organisado ang iyong paglalahad sa pamamagitan ng
paggamit ng mga wastong pang-ugnay. Isulat ang iyong talumpati sa short
bondpaper na hindi lalampas sa dalawang pahina.

Day 3 & 4 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano
batay sa napakinggang akda.

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy at nakasusuri sa mga bahagi sa banghay o plot na nkaangkla sa
Piramide ni Freytag.

b. Skills: nakasasaliksik at nakasusulat sa mga batas na nagatataguyod sa karapatan ng mga


kababaihan.
c. Attitude: nakapagbabahagi ng sariling damdamin tungkol sap ag-aaruga at pagbibigay
proteksyon sa mga kababaihan sa lipunan.

III. Subject Matter


 Topic: Banghay ng Kwento at ang Piramide ni Freytag

 References: : Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at


Wilma E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Readings
Banghay ng Kwento at ang Piramide ni Freytag
Banghay o plot ang tawag sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa isang
kwentong sa maramig manunulat, susi ang organisasyon ng banghay sa pagiging epektibo ng
isang naratibo. Ito ay dahil sa pamamagitan nito, nasusundan ng mambabasa ang mga nangyayari
sa mga tauhan sa isang akda at nagkakaroon ito ng buhay na maaaring hawig sa mismong
mambabasa. Sinasabing ang mga pangyayari pa rin sa akda ang pinakakinakapitan ng
mambabasa para tuloy-tuloy na basahinang isang akda.
(pp 17-18 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Isulat sa patlang ang sagot na hinihingi sa bawat bilang.

_______________ 1.Tinatawag din itong resolusyon dahil sa bahaging ito


inilalantad kung nalutas o hindi ng tauhan ang suliranin na naratibo.
_______________ 2.Siya ang Aleman na lumikha ng pagsusuri ng mga kwentong
may linear na banghay.
_______________ 3.Sinasabing ito ang pinakakapana-panabik na pangyayari sa
isang akda.
_______________ 4.Ito ang tawag sa mga pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa isang kwento.
_______________ 5.Ito ang mga dulang naglalahad ng kwento ng tauhang hindi
nagtagumpay sa kanyang misyon.
_______________ 6.Bahagi ito ng kwento na kadalasang nagpapakilala sa mga
tauhan nito. Dito rin naglalatag ng panimulang pangyayari sa akda.

ii. Exercise 2
Panuto: Mamili ng isang pelikulang Pilipino o banyaga att subuking gamitin ang
Piramide ni Feytag upang ilatag ang mga pangyayari nito. Gamitin ang
sumusunod na matrix sa ibaba bilang gabay.

Pelikulang Pilipino Pelikulang Banyaga


Eksposisyon
Pasidhing Pangyayari
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas

c. Assessment / Application

Isa lamang si Inem sa maraming kababaihan na patuloy na nakararanas ng


pang-aabuso. Kabilang sa nag-uudyok ng pang-aabuso sa babae ay ang sinasabing
patriyarkal na Sistema ng lipunan o yaong Sistema na mas mataas ang tingin sa
mga lalaki. Lumikha ng isang poster na magtataguyod ng pagkilala sa
karapatan ng mga kagaya ni Inem.

V. Evaluation
Taong 2009 nang maisabtas sa Pilipinas ang Magna Carta for Womwn.
Nakasaad nakasaad dito ang mga lehitimong karapatan ng kababaihan na
poprotekta sa kanila sa anumang anyo ng pang-aabuso. Magsaliksik ng mga
katulad na batas at/o kampanya sa Timog-Silangang Asya na nagtataguyod
ng karapatan ng kababaihan. I-type ang iyong nasaliksik sa isang short
bondpaper lamang. Tiyaking gumamit ng mga pang-ugnay sa paglalahad.
Huwag kalimutang ilagay ang iyong mga sanggunian.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:

FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT


School Principal
LESSON 2: Kaya rin Nating Tulungan ang Kalikasan

Week: _______________________

Day 1 & 2 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela.

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakahihinuha ng mga opinion at katotohanan sa mga pahayag na may kaugnayan sa
totoong buhay.

b. Skills: nakasusulat ng talumpati para sa mga kabataan na magsisistapos na sa pag-aaral tungkol


sa karapatan ng mga hayop sa ating lipunan.

c. Attitude:naibabahagi ang sariling damdamin at emosyon tungkol sa mga hayop na


pinagsasamantalahan ng mga tao.

III. Subject Matter


 Topic: Isang Elepanteng Nagngangalang Maliwan ni Thanom Maha-Paoraya
o Pagpapahayag ng Opinyon at Katotohanan

 References: : Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at


Wilma E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes
o https://www.youtube.com/watch?v=0ICVDudRoAy.)

IV. Procedure
a. Activity 1
Endangered species kung tawawgin ang mga uri ng hayop na nanganganib nang
maubos sa kalikasan. Sa tala ng World Widelife Foundation (WWF), organisasyong
nangangalaga sa mga papaubos nang mga hayop, daang uri at lahi ng mga hayop ang
pinangangambang tuluyang mawala dahil sa paninira ng tao sa kalikasan.
Noong Marso 2018, namatay si Sudan, ang kahhuli-hulihang putig rhinoceros sa
daigdig. Isa lamang si Sudan sa daan pang mga hayop na nalipol at hindi na
matutunghayan pa ng susunod na henerasyon dahil sa patuloy na pagpapabaya ng tao sa
kalikasan. Suriing mabuti ang mga larawan sa ibaba:
(p 21 Filipino ng Lahi 9)

Pamprosesong Tanong:
1. Sino si Sudan? Bakit itinuturing na iton endangered species?
2. Ano ang ipinapahiwatig ng mga larawan?
3. Ano ang implikasyon ng pagkaubos ng isang species ng hayop o
halaman?
4. Bilang kabataan, paano ka akatutulong sa pagsalba nang mga
papawala ng uri ng hayop?
Readings
Isang Elepanteng Nagngangalang Maliwan
Ni Thanom Maha-Paoraya
Sipi ng nobela mula sa Thailand
Isinalin ni Christopher S. Rosales
(pp 23-30)

Pagpapahayag ng Opinyon at Katotohanan


(pp 31-32)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Mula sa ibinigay na paksa sa bawat aytem, sumulat ng halimbawa ng
opinyo at katotohanan. Huwag kalimutang gumamt ng mga pang-ugnay at/o
sanggunian sa pagsulat ng mga ito.

1. Karapatan ng mga hayop

Opinyon:__________________________________________________________
_.
Katotohanan:_______________________________________________________
.

2. Social Media

Opinyon:__________________________________________________________
.
Katotohanan:_______________________________________________________
.

3. Mataas na Marka sa Klase

Opinyon:__________________________________________________________
.
Katotohanan:_______________________________________________________
.

4. War on Drugs

Opinyon:__________________________________________________________
.
Katotohanan:_______________________________________________________
.

5. “Catcalling”

Opinyon: _________________________________________________________.

Katotohanan:_______________________________________________________
.

ii. Exercise 2

Manood sa social media o alinmang video-sharing site ng panayam sa


isang kilalang personalidad o organisasyon tungkol sa isang usapin na may
kaugnayan sa pang-aabuso sa mga hayop. (Upang mas tuwirang umayon sa tema
ng aralin, maaaring magsaliksik ng panayam sa usapin tungkol sa kalagayan ni
Mali, ang elepanteng nakatira ngayon sa Manila Zoo. Maaaring bisitahin ang
sumusunod na URL: https://www.youtube.com/watch?v=0ICVDudRoAy.)
Unawaing mabuti ang kaniya o kanilang pananaw sa usapin. Isulat ang ilang
piling pahayag sa mga patlang sa susunod na pahina. Salungguhitan ang mga
katagang ginamit ng kinapanayam upang maidiin ang kaniya o kanilang
pagkukuro. Pagkatapos, sa kasunod na patlang, sabihin kung ito ay opinion o
katotohanan. Patunayan ang napiling sagot.
(p 34 Filipino ng Lahi)

c. Assessment / Application

Ikaw ay kasapi ng isang organisasyong kilala sa pagtatanggol sa karapatan


ng mga hayop. Kasama sa inyong mga programa ang pangangalaga sa mga hayop
na endangered species. Naimbitahan ka bilang commencement speaker sa dati
mong paaralan. Sumulat ng isang talumpati na bibigyang-kaalaman ang
kabataang magsisipagtapos hinggil sa pagkilala sa karapatan ng mga hayop.
Kailangan ding lamanin ng iyong talumpati ang maaaring maiambag ng
kabataan sa pangangalaga sa papaubos nang mga hayop sa kalikasan. Ang
iyong talumpati ay dapat na may makabuluhang bitbit nak adbokasiya,
kaangkupan sa kabataan, organisasyon ng ideya, at dating tagapakinig.
Gawing malinaw ang pagpapahayag ng mga katotohanan at opinion sa iyong
talumpati.

Day 3 & 4 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy kung ano ang nobela at ang mga bahagi nito

b. Skills: nakagagawa ng isang dyornal tungkol sa mga karanasan sa buhay at natutukoy ang
tunggalian nito.

c. Attitude: naipabatid ang mga karanasan sa buhay at paano ito nalagpasan.

III. Subject Matter


 Topic: Ang Nobela at ang Pagsisismula Nito sa Pilipinas

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Readings
Ang Nobela at ang Pagsisimula Nito sa Pilipinas

Ang nobela ay isang mahabang tuluyang salaysay sa relatibong mas mahaba kaysa sa
maikling kwento. Karaniwan itong binubuo ng mga magkakaugnay sa kabanata. Ngunit, kagaya
ng maikling kuwento na nakabatay man sa realidad, ang nobela ay itinuturing pa ring kathang-
isip o fiction.
(pp 35-37 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
a. Kasama ang isang kaklase, sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang nobela? Paano mauri ang akda bilang isang nobela?
2. Paano umusbong sa nobela ang nasyonalismo at pagnanais makalaya
sa kolonyalismong Espanyol?
3. Bakit sinasabing koya lamang sa dayuhan ang estilo sa mga naunang
nailimbag na nobela sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano?
4. Bakit sinasabing ginintuang panahon ng Tagalog ang panahon ng
pananakop ng mga Hapones?
5. Sa paanong paraan nasasalamin ng nobela ang mga nangyayari sa
lipunan? Patunayan ang iyong sagot.

b. Mamili ng isang nobela mula sa listahan ng ilan sa mga tanyag na nobela


sa Timog-silangang Asya sa pahina 36. Magsaliksik ng buod ng nobelang
napili na nakasulat sa Ingles at isalin ito sa iyong kuwaderno. Idikit din sa
iyong kuwaderno ang larawan ng book cover ng mapipiling nobela.

ii. Exercise 2
a. Pumili ng isang teleseryeng Asyano (na nakasalin sa Filipino) o kaya ay
isang nobelang Filipino. Kung teleserye ang pipiliin, panoorin ang isang
episode nito. Kung nobela naman, basahin ang unang kabanata nito. Suriin
ang teksto ayon sa tunggaliang tampok dito. Isulat ang iyong pagsusuri sa
isang pahinang papell. Tukuyin ang umiral na tnggalian at ipaliwanag
nangmabuti kng bakit ito ang naisip mong umiral na tunggalian sa episode
o kabanata.

c. Assessment / Application

Sumulat ng isang dyornal tungkol sa isang pangyayari sa iyong buhay. Sa iyong


dyornal, isasalaysay mo nang malinaw ang tinukoy na pangyayari at kung paano mo ito
hinarap. Ipakita mo ang tunggaliang tao laban sa sarili sa iyong pagsasalaysay. Tiyakin
ang makabuluhang pagsasalaysay. Subukin din ang masining na pagpapahayag ng mga
idea.

V. Evaluation
Nobel Prize ang tawag sa taunang internasyonal na pagkilalang ibinibigay sa mga
indibidwal na nagpamalas ng galing sa iba’t ibang larangan kabilang na ang panitikan.
Magsaliksik ng tatlong nobelistang Asyano na nabigyan ng Nobel Prize para sa panitikan.
Gumupit ng kanilang mga larawan at ilagay ang mga ito sa iyong kuwaderno. Sa ilalim
ng bawat larawan, ilahad ang ilang ambag ng tampok na Asyano sa panitikan at sa
mundo. Maghanda ng isang akademikong presentasyon para sa iyong saliksik.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:

FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT


School Principal
LESSON 3: Ang Sining ng Panulaan bilang Protesta

Week: _______________________

Day 1 & 2 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy kung direkta ba o hindi direkta ang emosyon na nakakabit sa pahayag
na binigay.

b. Skills: nakabubuo ng isang audition piece na nagtataguyod sa kahalagahan ng ating kalikasan.

c. Attitude: nailalahad ang sariling emosyon mula sa mga pangyayari sa buhay sa pamamagitan ng
tula.

III. Subject Matter


 Topic: Mga Piling Tula ni Ho Chi Minh
o Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Sariling Emosyon o Damdamin

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Activity 1
Sa isang lipunan, may mga itinayong bilangguan upang n=magsilbing koreksyonal para
tulungang magbago ang mga nagksala sa lipunan. Subalit hindi lahat ng nasa kulungan ay
maysala. Mayroon ding mga ikinulong na hindi pa napatutunayang nagkasala ta nililitis pa ang
kaso. Mayrooon ding kung tawagin ay mga bilanggong political.
Ang bilanggong political ay yaong mga indibidwal na ikinukulong dahil sa kanilang
paniniwalang pampolitika. Sa pangkalahatan, itimuturing silang kaaway ng gobyerno dahil sa
naiiba nilang paninindigan. Sa Pilipinas, sat ala ng Karapatan, isang nongovernment organization
na nakatutok sa karapatang-pantao, tinatayang 500 bilanggong political ang kasalukuyan pa ring
nakapiit simula pa noong panahon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Hindi nalalayo ang ganitong pangyayari sa iba pang bansa sa Timog-Silangang Asya. Sa
tala ng Human Rights Watch (2017), daan-daang katao rin ang ikikulong ng pamahalaan dahil sa
naiiba nilang ideolohiya. Sa Vietnam, halimbawa, nasa humigit-kulang 100 ang bilanggong
political.
Pansinin ang mga larawan hinggil sa bilanggong political at paglimian ang mga bagay na
tanong pagkatapos nito.

(Tingnan ang mga larawan sa pahina 41 sa Filipino ng Lahi 9)

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Sino ang bilanggong political? Bakit sila itinuturing na kalaban ng pamahalaan?
2. Bakit ipinipilit ang mga bilanggong political? Mayroon ka bang nalalamang
bilanggong politikal na tunay na nagksala sa lipunan? Bakit siya ibinilanggo?
3. Bakit kaya marami pa rin ang bilanggong political sa Pilipinas? Sa iba pang bansa sa
Timog-silangang Asya?
4. Sa iyong pagtingin, dabat bang ipinipiit ang isang indibidwal dahil sa kanyang
pinaniniwalaan o prinsipyo? Ibabahagi ang iyong sagot sa klase.
5. Sa iyong palagay, dapat bang palayain ang lahat ng bilanggong political, kahit yaong
mga masasabing may pagkakasala sa lipunan? Manindigan sa sagot.

Readings
Mga Piling Tula ni Ho Chi Minh
Isinalin ni Christopher S. Rosales
(pp 42-44 Filipino ng Lahi 9)

Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag ng Sariling Emosyon/Damdamin

Isang paraan ng pagpapakita ng tiyak na damdamin sa isang pahayag an gang direktang


pagsasaslaysay nito sa isang pangungusap.
Sa kabilang banda, maaari ding gumamit ng hindi direktang pagsasalaysay para
ipahiwatig ang nararamdaman.
(pp 45-46 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Tukuyin kung direkta o hindi direkta ang emosyong kakabit ng mga
sumusunod na pahayag. Ilagay ang sagot sa mga patlang bago ang bawat bilang.

________________ 1. Sadya naming nakatatawa ang mga patutsada ng


komedyante sa kanyang mga programa.
________________ 2. Aray! Sinabi nang masakit ang likod ko.
________________ 3. Umuusok ang ilong ko sag alit dahil hindi niya ibinalik
ang gamit ko.
________________ 4. Nakapanlulumo ang nangyaring pagragasa ng baha dahil
sa bagyong Yolanda.
________________ 5. Naku po! Bakit iniwan mong naksaksak ang mga gamit sa
bahay?
________________ 6. Sa wakas ay nanahimik na ang Bulkang Mayon matapos
ang ilang araw nap ag-iingay nito.
________________ 7. Bakit ako mahihiya sa nararamdaman ko?
________________ 8. Sadyang nakakalungkot na maraming naniniwal sa fake
news.
________________ 9. Nakatutuwa na sa kabila ng kahirapan, marami pa ring
kabataan ang ninanais makatapos ng pag-aaral.
________________ 10. Inilista ba lang niya sa tubig lahat ng pinangako niya sa
akin.

ii. Exercise 2
Panuto: Mula sa mga ibinibigay na usaping panlipunan sa bawat bilang, sumulat
ng pahayag na nagpapahiwatig ng emosyon/damdamin na hindi lalampas sa
tatlong pangungusap. Maaaring ipahiyag ito sa direkta o hindi direktang
pamamaraan.

1. TRAIN Law
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

2. Kahalagahan ng edukasyon sa kalusugang pangkaisipan (menta health education)


sa kabataan
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

3. Responsableng paggamit ng social media


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

4. Batas Militar
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

5. Dagat Kanlurang Pilipinas


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

c. Assessment / Application

May awdisyon para sa mga artista ang isang director para sa isang
pelikulang kanyang binubo. Ang pelikula ay pumapaksa sa pagtugon sa climate
change. Bilang isng artista, tumugon ka sa panawagang ito. Ang kailangan nila ay
pangunahing tauhan na may maalab na paninindigan tungkol sa paksa. Iisip ka ng
isang sitwasyon para sa iyong magiging audition piece. Lumikha ng audition
piece na tutugon sa usaping pangkalikasan. Siguraduhing ang malilikha ay
alinsunod sa wikang maiintindihan ng kabataan sa kasalukuyan at hindi
lalampas sa sampung minute. I-video mo ang audition piece na ipadadala mo
sa pamamagitan ng email sa director. Bibigyang-pagtatasa ang iyong
audition piece batay sa organisasyon ng idea, bitbit na adbokasiya at
malinaw namungkahing pangkalikasan, epektibong pagpapahayag ng
emosyon o damdamin, kaangkupan ng wika at gramatika, pagsunod sa
tamang oras at pagkamalikhain.

Day 3 & 4 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula

II. Objective/s:
a. Knowledge: nahihinuha kung ano ang tulang protesta at ano ang naiambag nito sa lipunan.

b. Skills: naksusulat ng isang tulang protesta na may adbokasiya na pamantayan.

c. Attitude: nakapagpapahayag ng sariling saloobin tungkol sa political na estado ng bansa

III. Subject Matter


 Topic: Ang Tula sa Pagpapahayag ng Protesta
 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Readings

Ang Tula sa Pagpapahayag ng Protesta


Tulang protesta ang tawag sa mga tula na sadyang naglalaman ng usaping panlipnan at
political na mensahe. Mayroon itong malinaw na usaping binibitbit at kasalukuyang programa,
kung hindi man opisyal o institusyon ng pamahalaan, na inaatake at binibgyang-puna.
(pp 48-49 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Sa iyong papel, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang tulang protesta?


2. Kalian sinasabing umusbong ang tulang protesta? Ano-ano ang mga nag-udyok sa
pagkakaroon ng tulang protesta sa iba-ibang bansa?
3. Ilista ang limang katangian ng tulang protesta at isulat ang mga mnunulat na
nagsabi nito.

ii. Exercise 2
Panuto: Mula sa talakayan ng katangian ng tulang protesta, sumulat ng isang
tulang may kaparehong adbokasiya. Maaaring mamili mula sa mga kasalukuyang
usaping panlipunan para sa iyong magiging paksa. Bukas ang aktibidad sa mga
tulang may sukat at tugma, maging sa mga may malayang taudturan. I-encode ang
iyong maisusulat sa isang short bond paper. Tiyakin ang kabuluhan ng tulang
isusulat. Ipakita rin ang kritikal n pag-iisip sa pamamagitan ng malalim na
agtingin sa isyung tinalakay. Sa pagsulat, isaalang-alang din ang mga katangian
ng tula tulad ng talinghaga, amging ang kahalagahan ng direktang mga pahayag.

c. Assessment / Application

Panuto: Gumuhit ng isang mahalagang bagay sa iyong buhay. Pagkatapos,


gumawa ng isang maikling tula na may kinalaman sa iyong iginuhit. Gumamit ng
direkta at hindi direktang pagpapahayag sa damdamin.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:
FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT
School Principal
LESSON 4: Hindi Laging Solusyon ang Pangungutang

Week: _______________________

Day 1 & 2 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag sa sariling pananaw.

II. Objective/s:
a. Knowledge:nakapag-iisip ng sariling pananaw tungkol sa kasalukuyang isyu na kinakaharap ng
ating bansa

b. Skills: nakagagawa ng mga hakbang na maaaring ituro sa mga kabataang Asyano upang
makakatulong sap ag-unlad ng bansang kinabibilangan.

c. Attitude: nagpapamalas ng determinasyon sa pagkatuto

III. Subject Matter


 Topic: Paano Mangutang ang Isang Ina ni Elyrah Loyola Salanga-Torralba
o Wastong Gamit ng Pang-abay sa Pagpapahayag ng Sariling Pananaw

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

https://www.youtube.com/watch?v=aEwfqGx_-O8

http://www.dwiz8821m.com/index.php/utang-ng-bawat-pilipino-aabot-sa-p61k/

IV. Procedure
a. Activity 1
https://www.youtube.com/watch?v=aEwfqGx_-O8

http://www.dwiz8821m.com/index.php/utang-ng-bawat-pilipino-aabot-sa-p61k/

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang utang panlbas?
2. Bakit kaya nangungutang ang Pilipinas?
3. Bakit napakalaki ng utang panglabas ng Pilipinas? Kalian at saan ito
nagsimula?
4. Nakapagbabayad ba tayo ng utang? Sa paanong paraan?
5. Kung ikaw ang tatanungin, dapat bang binabayaran pa natin ang mga utang na
ito?

Readings
Paano Mangutang ang Isang Ina
Elyrah Loyola Salanga-Torralba
(pp 53-63 Filipino ng Lahi 9)
Wastong Gamit ng Pang-abay sa Pagpapahayag sa Sariling Pananaw
1. Pahayag na Pagsang-ayon. Tinatawag na pang-abay na panang-ayon ang mga pahayag na
sumusuporta sa isang usapin. Nagpapahiwatig din ito ng pagtanggap sa isang ideya o
naiibang pananaw.
2. Pahayag na Patanggi. Ginagamit naman ang mga pang-abay na pananggi upang
maipahayag ang pagsalungat sa isang idea at/o paniniwala. Sa pamamagitan ng paggamit
nito, naipapakita ang malinaw na pagtaliwas sa isang usapin.
(pp 64-65 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Gamit ang wastong pang-abay, sumulat ng magkaibang pananaw sa mga
ibinigay na usapin.

1. National ID system
Sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

Hindi Sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

2. Hindi paggamit ng straw


Sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

Hindi sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

3. Pangungutang ng Pilipinas sa IMF-WB


Sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

Hindi sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

4. Pagrotekta ng Pilipinas sa West Philippine Sea


Sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________
Hindi sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

5. Pagtaas ng sahod ng mga manggawa


Sang-ayon:
______________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

Hindi sang-ayon:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________

ii. Exercise 2
Panuto: Gamit ang mga pang-abay, maglista ng mga hakbang na sa iyong palagay
ay dapat gawin ng kabataang Asyano upang makatulong sa pag-unlad ng mga
bansa sa Asya. Isulat ang iyong mga sagot sa nakalaang patlang.

1. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________

2. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________

3. __________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
________________________

c. Assessment / Application

Isa sa pinakamainit na usapin at panukalang batas ngayon ang


pagapapatupad ng kontraktuwalisayon at pagwawakas sa kulturang ENDO sa
Pilipinas. Gumawa ng isang Powerpoint Presentation tungkol sa iyong sariling
pananaw o opinion-sang-ayon o hindi sang-ayon batay sa panukalang batas.
Dapat hindi lampas sampung slides ang pagpapahayag.
Day 3 & 4 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag sa sariling pananaw.

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy sa uri ng sanaysay na isinulat.

b. Skills: nakasusulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa isang bagay o pangyayari sa buhay

c. Attitude: nagpapakita ng pagpupursige na malampasan ang hamon sa buhay.

III. Subject Matter


 Topic: Ang Sanaysay at ang Iba’t Ibang Uri Nito

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Readings
Ang Sanaysay at Ang Iba’t Ibang Uri Nito
Sanaysay ang tawag sa mga tekstong pampanitikan na nagpapahayag ng pansariling
pananaw ng may-akda hinggil sa isng usapin at/o pangyayari. Nagsimula ito sa Europa noong
mga unang dekada ng 1500 at ginamit ng iba’t ibang manunulat upang bigyang-diin ang kanilang
mga paniniwala. Isa sa mga kilalang pinakunang mananaysay at itinuring na “Ama ng Sanaysay”
ay si Michael de Montaigne ng Pransya.
(p 69 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung naaayon ang mga pahayag sa talakayan.
Kung hindi palitan ang salitang nagpamali sa pahayag.

____________ 1. Sinasabing sa Timog-silangang Asya naunag sumibol ang


porma ng sanaysay.
____________ 2. Mayroon lamang dalawang pagunahing uri ng sanaysay.
____________ 3. Tinatawag na travelogue ang impormal ma sanysay na
naglalarawan ng paglalakbay ng isang manunulat.
____________ 4. Ang tesis o mga akademikong papel sa klase ay mga halimbawa
ng pormal na sanaysay.
____________ 5. Sa katawan ng sanysay makikita ang paglalagom ng may-akda
sa kanyang mga inilatag na pansariling pananaw
____________ 6. Maaring maglangkap ng opinion ang may-akda ng isang
sanaysay.

ii. Exercise 2
Panuto: Humanap ng isang sanaysay at tukuyin ang uri nito. Sumusunod na
kahon, idikit ng kopya nito at isulat sa iyong kwaderno ang tatlong mahahalagang
punto ng sanaysay na iyong pinili.
c. Assessment / Application

Mamili ng isang lumang larawan. Gamit ang larawang mapipili, lumikha ng


maikling sanysay na gumagamit ng isa sa mga uri nito. Limitahan lamang ang
mabubuong sanaysay sa 300 salita. Bigyang-konsiderasyn ang wastong gramatika,
organisasyon ng ideya, at katuturan ng iyong mga pahayag. I-encode ang iyong sanaysay
at ilathala sa isang social networking site.

V. Evaluation
Ilan lamang sa mga kilalang mananaysay sa Pilipinas sina Virgilio Almario,
Cristina Pantoja-Hidalgo, Ferdinand Jarin, Joey Barquin, at Rene Villanueva.
Magsaliksik ng ilan pang kilalang mananysay sa Timog-silangang Asya at kumuha na rin
ng sipi sa kanilang mga teksto. Pumili ng isa at lagumin ang nilalaman ng napiling
sanaysay. I-encode ang iyong lagom sa isa hanggang dalawang pahinang papel, isama sa
kasunod na mga pahina ang sipi ng mga na nakalap sanaysay.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:

FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT


School Principal

LESSON 5: Kultural na Pananda, Marka ng Pagkakakilanlan ng Isang Bayan

Week: _______________________

Day 1 & 2 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC: Nakabubuo ng panghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda.

II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy kung anong gamit ng wika ang ginamit sa pahayag.

b. Skills: makagagawa ng diyalogo para sa komiks gamit ang mga gait g wika
: nakakaguhit ng mga larawan para sa gagawing komiks.

c. Attitude: nakababahagi ng saloobin sa mga natutunan sa epikong Ramayana

III. Subject Matter


 Topic: Ramayan isinalin ni Christopher S. Rosales

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

https://www.youtube.com/watch?v=n37Tojrq1TA

IV. Procedure
a. Activity 1
https://www.youtube.com/watch?v=n37Tojrq1TA

Mga Pamprosesong Tanong:


1. Ano ang Angkor Wat? Bakit itinuturing itong pinakamahalagang kultural na
pananda ng bansang Cambodia?
2. Mula sa iyong napanood, ano-anong pamamaraan ang isinasagaw sa kanilang
bansa upang mapangalagaan ang nasabing templo?
3. Gaano kahalaga ang pamanang kultura sa isang lahi? Paano ito nagiging
pagkakakilanlan ng mga mamamayan at yaman ng bayan?
4. Kung ikaw ang tatanungin, ano-anong mga hakbang ang maaari mong gawin
bilang kabataan upan makatulong sa pangangalaga ng ating mga kultural na
pananda gaya ng monument ng bayani?

Readings
Ramayana
Halaw mula s epiko ng India
Adaptasyon mula sa Cambodia
Isinalin ni Christopher S. Rosales
(pp 75-81 Filipino ng Lahi 9)

Mga Gamit ng Wika


Ang unang gamit ng wikaay ang interaksyonal. Ito ang paggamit ng wika upang
mapatibay ang pakikisalamuha at/o relasyon sa mga tao.
Regulatoryo naman ang gamit ng wika kung ito ay kumokontrol o gumagabay sa kilos o
asal ng iba.
Nagiging instrumental naman ang gamit ng wika kung ginagamit ito upang matugunan
ang mga pangangailangan o kagustuhan sa porma ng mungkahi, panghihikayat, o pagbibigay-
utos na hindi kasinsidhi ng pagkontrol ng kilos.
(pp 82-81 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Tukuyin ang gamit ng mga sumusunod na pahayag. Isulat sa patlang kung
ang pahayag ay nasa gamit sa regulatoryo, interksyonal, o instrumental.

____________________________ 1. Mungkahi kong ipatigil ang pagpapatayo ng


gusaling nakasisira sa tanawin ng monument ni Rizal.
____________________________ 2. Uy, Mars. Kumusta ka na? ang tagal nating
hindi nagkita a!
____________________________ 3. MMDA: Bawal tumawid. Nakamamatay.
____________________________ 4. MMDA: Bawal ang dumaan sa EDSA nang
mag-isa sa sasakyan tuwing rush hour.
____________________________ 5. Maaari mo bang isarado ang ilaw
pagkatapos mo diyan?
____________________________ 6. Isarado moa ng ilaw pagkatapos mo diyan.
____________________________ 7. Tinatawagan ang panauhing pandangal: Si
Kagalang-galang na Congressman Santos.
____________________________ 8. Hello, Mark. Saan ka pupunta?
____________________________ 9. Kung hindi mo siya tatawagan, isusumbong
kita kay Daddy!
____________________________ 10. Hinihiling ko pong maipagpatuloy ang
pagsasaayos ng museo bago ang pagdagsa ng mga bisista sa susunod na linggo.

ii. Exercise 2
Panuto: Pumili ng mga gamit ng wika mula sa talakayan. Pagkatapos, sumulat ng
pahayag na gumagamit ng napili ayon sa kalagayan sa bawat bilang. Isulat sa loob
ng panaklong ang gamit ng wikang napili.

Halimbawa:
Kalagayan: Mambabatas na hindi pabor sa pagtatayo ng gusali na nakasisira sa
tanawin ng monument ni Rizal.
Mambabatas: Ipatitigil ko ang pagpapatayo ng gusaling iyon. (Regulatoryo)

(p 84 Filipino ng Lahi 9))

c. Assessment / Application

Ikaw at iyong kasama ay mga comic strip creator/writer. Isang


publikasyon ang kumuha sa inyo para gumaw ng “komik strip’ tungkol sa
epikong Ramayana. Ilalathala ito para sa muling pagbuhay sa industriya ng
komiks. Isulat ang mga diyalogo ng komiks at ang mga gabay para sa
ilustrasyon. Gawing gabay ang nagtalakay na tatlong gamit ng wika ayon
kay Halliday sa paggawa ng diyalogo. Pagkatapos ng mga diyalogo ay iguhit
ang mga larawan. Tatanggapin lamang para sa publikasyon ang komiks
kung ito ay angkop sa kahingian, tumpak sa karakterisasyon, at
pagkamalikhain.

Day 3 & 4 – Synchronous or Asynchronous

I. MELC Nakabubuo ng panghuhusga sa karakterisasyon ng mga tauhan sa kasiningan ng akda


II. Objective/s:
a. Knowledge: nakatutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang dula.

b. Skills: nakagagawa ng isang iskrip na itatanghal sa pamamagitan ng Reader’s Theater.

c. Attitude: nagpapamalas ng positibong pananaw sa pagkatuto.

III. Subject Matter


 Topic: Mga Elemento ng Dula

 References: Filipino ng Lahi 9 nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V. Tapar, at Wilma
E. Hermogenes
o Filipino ng Lahi 9 Gabay sa Pagtuturo nina Abigail E. Pariente, Isaac Ali V.
Tapar, at Wilma E. Hermogenes

IV. Procedure
a. Readings
Mga Elemento ng Dula
Dula ang tawag sa serye ng mga pangyayaring isinulat upang itanghal sa madla.
Natatangi ito sa lahata ng genre ng panitikan dahil ang pinkamahalagang element nito ay ang
pagsasalaysay ng naratibo sa pamamagitan ng entablado.
(pp 85-86 Filipino ng Lahi 9)

b. Exercises
i. Exercise 1
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat bialng. Isulat ang sagot sa patlang.

______________________1. Tawag sa mga nakasasaksi sa isang pagtatanghal


______________________ 2. Itinuturing na kaluluwa ng isang dula.
______________________ 3. Mga indibidwal na magsisipagganap sa isang
tanghalan.
______________________ 4. Porma ng panitikan na sadyang itinanghal sa harap
ng madla.
______________________ 5. Isa sa mga kinikilalang muhon sa pagsulat ng dula
sa Pilipinas.
______________________ 6. Sa kaniyang kumpas, nabibigyan ng karagdagang
tagubilin ang mga nagsisipagganap sa isang dula.
______________________ 7. Lugar kung saan itinanghal ang isang dula.
______________________ 8. Element ng dula na naglalaman ng kabuuang
pinapaksa ng isang pagtatanghal.

ii. Exercise 2
Panuto: Manood ng isang pagtatanghal ng isang akda sa internet. Siguraduhing
ang mapipiling akda ay mula sa kulturang Asyano. Suriin ang akda batay sa
taglay nitong mga element at sumulat ng isang rebuy hinggil ditto. Bumuo ng mga
tanong na magsisilbing gabay sa pagsusuri ninyo sa dula. (Halimbawa: gaano
kaepektibo ang karakterisasyon ng mga tauhan sa pagiging masining ng dula?
Gaano kamakatotohanan ang kwento?) marapat na may minimum na 300-500
salita ang malilikhang rebuy. I-encode ang iyong rebyu at I print sa bondpaper.

c. Assessment / Application
Mamili ng isang kilalang kwento sa Timog-silangang Asya. Marapat na ang
mapipiling kwento ay may malinaw na layuning itanghal ang kultura ng isang bansa.
Mula rito, gumawa ng isang iskrip na itatanghal sa pamamagitan ng Reader’s Theater o
yaong pagtatanghal na nagpapakita lamang ng pagbabasa ng mga diyalogo ng isang dula
at hindi sinasabayan ng iba pang bahagi ng produksiyon. Tatayain ang Gawain ayon sa
kahandaan ng pangkat, linaw ng pagsasalita ng bawat isa, presentasyon at ekspresyon, at
kontribusyon ng bawat isa sa epektibong pagsasagawa ng Reader’s Theater.

V. Evaluation

Lakhon ang tawag sa mga pagtatanghal sa Cambodia. Marami itong uri na maaaring
pasayaw, paawit, at/o pinagsamang pasayaw at paawit. Hindi din iilan ang uri ng dula na
umusbong at kinilala sa mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Magsaliksik ng iba’t ibang porma
o estilo ng pagtatanghal na iniluwal ng mga bansa sa nasabing lugar. Ilagay ang iyong makikita
sa iyong kwaderno.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:

FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT


School Principal
Proyektong Pangyunit

(p 88 Filipino ng Lahi 9)

25 15 5 Puntos

Nakpaglahad ng
Nakapaglahad ng angkop na gawi at
Hindi angkop sa
Kaangkuan sa angkop na gawi at kasanayan ng
kultura ng Timog-
kultura ng Timog- kasanayan ng Timog-silangan
silangang Asya ang
Silangang Asya Timog-Silangang Asya na may
inilahad.
Asya kaunting
pagkakamali

Presentasyon sa Nailhad ng maayos


Mahusay na Hindi naaayon ang
mga piling akda ng ang ilang aspekto at
nailahad ang tema paglalahad sa tema
Timog-Silangan tema ng mga piling
ng mga piling akda ng mga piling akda
Asya akda

Naipakilala nang
Pagpapakilala sa
Mahusay na maayos ang mga Hindi naipakilala
mga piling
naipakillala ang piling manunulat na nang mahusay ang
manunulat ng
mga piling may ilang mga piling
Timog-Silangang
manunulat nalimutang manunulat
Asya
mahalagang detalye

Hindi kinakitaan ng
Malikhain at Bahagyang
husay at
Patalastas (poster, angkop ang mga malikhain ang mga
kaangkupank ang
teaser, trailer) patalastas hinggil sa patalastas hinggil sa
mga patalastas
dula dula
hinggil sa dula.

Prepared by:

Ms. Karen Kate R. Navarrete


Subject Teacher

Checked by:

MS. RHEAMA B. LUCERO


Academic Moderator

Approved by:

FR. LEINAD CASTRENCE R. GARCES, MAT


School Principal

You might also like