You are on page 1of 3

Banghay-Aralin sa Filipino 9

I. Layunin: Sa isang oras ng talakayan, hindi bababa sa 80% ng mga mag-aaral ay


makagagawa ng mga sumusunod na mga layunin na hindi bababa sa 80% na
antas ng kahusayan
a. Nasasabi ang kahulugan ng pangngalan at ang dalawang uri nito.
b. Napapahalagahan ang importansya ng pangngalan sa pagrerespeto at pagtutulungan ; at
c. Nakabubuo ng mga pangungusap gamit ang pangngalan at mga uri nito.

II. Paksang-aralin:
a. Paksa: Pangngalan
b. Reference: Internet at Balarilang Pinagaan ni Genoveva Edroza-Matute et.al.
c. Materyales: Laptop, IM’S, Projector at Wyte Board Marker.
d. Values/Pagpapahalaga: Respeto at Pagtutulungan.

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Drill
Ipepresenta ng bawat grupo ang napagkasunduang gawain noong
nakaraang pagkikita sa pamamagitan ng paggawa ng malikhaing
powerpoint presentation batay sa dalawang bahagi ng pangungusap.
2. Balik-Aral
Ano ang pangungusap?
Mahalaga ba itong pag-aaralan?
Ano ang panaguri at simuno?
Importante ba ito sa pagbuo ng pangungusap?
3. Pagganyak
Bilang pagganyak, ang guro ay magpapakita ng isang “music video” ng
isang kanta na may kalakip na mga imahe at lyrics. Ttitingnan ng maigi ng
mga estudyante para makatukoy ng mga pangngalan na nasa music video.

B. Presentasyon
1. Activity Proper/panlinang na gawain
Video Analysis na kung saan ang mga mag-aaral ay susuriin kung ano ang
ipinararating ng mga imahe na ipinakita.

2. Analisis/pagsusuri
Sa inyong sariling pananaw, ano ang pangngalan? Ano kaya ang
dalawang uri ng pangngalan? Maaari ba natin itong ilapat sa pang-araw-araw
na gawain?
3. Abstraksyon/Pagbubuo

Ang pangngalan ay mga salita o bahagi ng pangungusap na ginagamit na


pantawag sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lunan o pook, gawa o pangyayari. Ito
ay may dalawang uri: Pantangi at Pambalana. Pantangi ay tanging ngalan ng tao,
hayop, bagay, pook, gawa o pangyayari habang ang pambalan ay hindi eksaktong
pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, gawa o pangyayari.

Ang mag-aaral mismo ang makapaglalahat kung anng natutunan sa natalakay


ng guro patungkol sa pangngalan. makukuhang-aral sa natalakay ngayon ay ang
kahalagahan ng respeto sa sarili at sa kapwa tao.

4. Aplikasyon/Paglalapat

Ihanay ang mga salita base sa uri ng pangngalan

Nieves puto lapis Michelle

Maria haraya pulutong amain

Paterno tao langkay,puto

 Bilang isang mag-aaral bakit ba kailangang pag-aralan at matutunan ang


pangngalan?
 Naniniwala ba kayo na sa pamamagitan ng pagkatuto sa mga uri ng
pangngalan ay mapapanatili ang respeto at pagtutulungan ng bawat isa?
 Sa iyong sariling pamamaraan, paano mo gagamitin o mai-aplay ang mga
natutunan sa pangngalan at mga uri nito sa totoong buhay?
IV. Pagtataya
Bilang pagtataya, gagamitin ng mga mag-aaral ang mga ibinigay na pangngalang
salita para makabuo ng pangungusap. (25 puntos)

Malabon Maria lupa puso kapayapaan Dominggo Setyembre 19, 2014

Buhay kabayo lapis Analiza laptop Tomas Family

V. Takdang-aralin
Bilang kasunduan magbigay ng tiglilimang halimbawa ng uri ng pangangalan at
tiglilimang halimbawa bawat kasarian nito. Bawat halimbawa ay may
karampatang pangungusap.
Criteria:
Halimbawa ng Pangngalan:
 Ayon sa uri 10%
 Ayon sa kasarian 10%
Halimbawa ng pangungusap:

Tamang Paggamit ng uri at kasarian ng pangngalam: 30%

Tamang grammar o balarila: 50%

Total of 100%

You might also like