You are on page 1of 4

GASIC, RICCI ANGELA A.

ABEL 1

A. Panuto: Panoorin ang pelikulang “ANAK” ni Rory V. Quintos at suriin ito gamit ang
mungkahing balangkas na nasa ibaba.

Mungkahing Balangkas ng panunuri ng isang napanuod


(KSAF, Carpio et.al, 2012)

1. Pamagat ng Pinanood: ANAK (2000)

2. Petsa/Lugar ng Pinanooran: Disyembre 21, 2022. Sa aming tahanan sa Sitio


Tamaraw, Poblacion 3, Victoria.

3. Sumulat at Direktor: Ricardo at Raymnod Lee, Rory B. Quintos

4. Producer ng Produksyon: Charo Santos-Concio, Malou N. Santos, at Trina N. Dayrit

5. Direktor ng Musika: Jessie Lasaten

6. Gantimpala at Pakilalang Natanggap:

 Best Screenplay - Ricardo Lee (FAP Awards)


 Best Supporting Actress - Amy Austria (FAP Awards)
 Actress of the Year - Vilma Santos (Star Awards for Movies)

7. Buod ng Napanuod:

Ang pelikula ay pumatungkol sa buhay ng isang ina na si Josie (Vilma Santos), isang
OFW na domestic helper (DH) sa Hong Kong. Si Josie ay may tatlong anak na sina Carla
(Claudine Barretto), Michael (Baron Geisler), at Daday (Sheila Mae Alvero). Ang kanyang
namang namayapang asawa ay si Rudy (Joel Torre). Matapos ang mahabang panahon na
pagbababanat ng buto sa ibang bansa, napagdesisyunan ni Josie na umuwi na ng Pilipinas
at doon na lang maghanap ng mapagkakakitaan. Nais nya ring bumawi sa kanyang mga
anak na sa matagal na panaho’y hindi niya naalagaan. Nang umuwi si Josie sa Pilipinas, tila
hindi na nya kilala ang kanyang mga anak maging ang mga hilig ng mga ito. Niregaluhan nya
si Michael ng rubber shoes bagamat Chess ang nilalaro nito. Si Carla ay ni hindi sya halos
kibuan at imikan. Si Daday nama’y hindi agad nakilala ang kanyang ina ng salubungin sa
airport. Puno ng galak si Josie sapagkat nakapiling nya ulit ang kanyang mga supling. Ngunit
sa paglaon ng panahon, mas nakilala nya ang totoong katauhan ng kanyang mga anak.
Marami na pala talaga ang nagbago. Marami na syang hindi alam tungkol sa mga ito. Si
Michael ay hindi na pala iskolar sa kanyang eskuwelahan and marami na silang matrikulang
utang sa paaralan. Si Carla nama’y natuklasan nyang marami ang bisyo at dalawang beses
nagdalang tao at nagpalalag. Isa pang suliranin na kinaharap ni Josie ay pinansyal. Siya at
kanyang dalawang kaibigan na sina Lyn (Amy Austria) at Mercy (Cherry Pie Picache) ay
sumubok ng iba’t ibang pagkakakitaan ngunit naging madamot ang swerte sa kanila. Nang
lumaon ang istorya, si Carla ay lumayas sa pugad ng ina sapagkat madalas silang hindi
magkasundo.Sinundo naman ito ni Josie at nang sila’y umuwi nagkaroon sila ng marubdob
na pag-uusap. Ipinahayag ni Carla sa kanyang ina ang matagal nyang kinikimkim na mga
sama ng loob. Bagaman luhaan, ipinaliwanag ni Josie ang mga totoong rason kung bakit nya
kinailangang iwan sila at maghanap buhay sa ibang bansa. Sa wakas ng kwento,
nagkapatawaran at nagkaayos naman ang mag-ina. Ngunit dahil sa hirap ng buhay sa
Pilipinas, napilitan ding bumalik ng ibang bansa si Josie. Naging magkalayo man ulit ang
mag-iina mas naging malapit naman ang loob sila isa’t isa.

8. Mga Piling Diyalogo na Naibigan at Kahulugan

 “Kung magkakaanak man ako, sisiguraduhin kong magkasama kami sa hirap at


ginhawa. Hindi ko sya ipagpapalit dahil lang sa pera.” -Carla (Claudine Barreto)
Kahulugan: Kung magiging ina man si Carla ay hinding-hindi sya susunod yapak ng
kanyang ina. Ganito nya na lamang kasuklaman ang kanyang ina at ang paraan nito ng
pagpapalaki sa kanila. Sisiguraduhin nyang kailanma’y hindi nya iiwan ang kanyang
anak.

 “Kung ayaw mo sakin, ayaw ko rin sayo. Sana hindi na lang ako ang naging ina mo.
Sana hindi rin kita naging anak. Ngayon kung iniisip mong hindi mo ko pinili bilang ina
mo, sana maisip mo rin na hindi ito ang buhay na pinili ko para sa inyong mga anak
ko.” - Josie (Vilma Santos)
Kahulugan: Hindi natutuwa at wari’y may halong pagsisi si Josie ng bitawan nya ang mga
katagang ito. Bagamat sa tingin nya’y ginawa na ang lahat ng makakaya para
mapaalwan ang buhay ng kanyang pamilya, hindi nya alam na ganito pala ang sukli sa
kanya ng tadhana. Iginiit nya na hindi ito ang buhay na pinlano at pinangarap nya para
sa kanilang lahat.

 “Pahingi nga. Nagulat ka no? Ngayon mo lang kasi ako nakitang naninigarilyo. Gawain
ko to sa Hong Kong lalo na ‘pag winter, wala kasing heater yung kwarto e.”-Josie
(Vilma Santos)
Kahulugan: Isang matibay na katunayan lamang ito na hindi talaga ganoong kilala ng
mag-ina ang isa’t isa. Tila marami pa rin talagang mga lihim ang pumapagitan sa
kanilang relasyon.
9. Pinakamahusay sa Pagganap:

Ayon sa mga eskpertong nagsuri at naggawad ng parangal, sina Amy Austria at Vilma
Santos ang mayroong mahuhusay na pagganap. Ang kanilang mga natanggap na tropeyo
ang katunayan nito. Ngunit para sa akin, bilang isang manonood, ang pinaka-epektibo ang
pagganap ay si Claudine Barreto. Mahusay nyang naipamalas ang pagiging isang anak ng
OFW na maraming hinanakit at tampo sa magulang.

10. Kaangkupan ng “Sound and Light Effects” at Musika sa Napanuod:

Para sa akin ay swak ang mga musika at ilaw na ginamit sa buong pelikula, Ang mga
kanta ay tugmang-tugma sa mga scenario lalo’t higit na sa eksenang kumanta sina Josie,
Lyn, at Mercy ng kantang Manila. Para sa mga OFW, epektibo iyon sa emosyon lalo na sa
mga matagal ng hindi nakakauwi sa bansa. Maganda rin ang pagkapasok ng kantang Anak
sa wakas ng pelikula.

11. Mga Simbolismo o Pahiwatig:

Ang simbolismo o pahiwatag ng buong palabas ay walang katulad ang pagmamahal


ng isang ina. Hindi sinukuan ni Josie ang kanyang ang mga anak kahit maraming mga
problemang idinulot ang mga ito. Isang higit pa na katunayan ng pagkadakila bilang isang ina
ay nang bumalik ulit sya sa ibang bansa upang magtrabahong muli.

12 Maglakip ng larawan ninyo mismo habang nanonood ng Pelikula


B. Sumulat ng sampung makabagong linya batay sa mga makabagong artista ngayon.

1. “Pero bakit parang galit ka? Pero bakit kasalanan ko…parang kasalanan ko? Eh, sa totoo
lang naman ako nga yung inggit na inggit sa inyong lahat.” -Bea Alonzo, Four Sisters and a
Wedding (2013)

2. “Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay? I deserve
an explanation. I deserve an acceptable reason .” -Piolo Pascual, Starting Over Again (2014)

3. “There was never an us. There will never be an us. Kaya please, wag mo na kong landiin.”
-Sarah Geronimo, Maybe This Time (2014)

4. “Ito ba yung paggising mo, hindi ka pa dumidilat pero kung kani-kaninong boses na yung
naririnig mo. Hm? Nang paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit na sa bawat ulit pasakit
nang pasakit. Ha? Tama ba?” -Pia Wurtzbach, My Perfect You (2018)

5. “Ayaw mong ginaganun ko yung diyos mo? Ha? Hindi mo kasi ako nararamdaman eh.
Sige, palit tayo. Ikaw yung may kanser. Ano payag ka? Umalis ka na please, Mika” -Joshua
Garcia, Love You to the Stars and Back (2017)

6. “Am I not enough? May kulang ba sakin? May mali ba sakin? Pangit ba ako? Pangit ba
ang katawan ko? Kapalit-palit ba ako?” -Liza Soberano, My Ex and Whys (2017)

7. “Wag mo kong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ko dahil mahal mo ko because that is
what I deserve.” -Kathryn Bernardo, Barcelona (2016)

8. “Hanggang kailan ba ako magiging anak? Hanggang kailan ba ako magiging kapatid?
Minsan kasi nakakapagod na eh. Ilang beses pa kita kailangang patawarin para magtino ka.”
-Daniel Padilla, Crazy Beautiful You (2015)

9. “Ayoko manira ng relasyon ng iba eh. Ayoko makasakit. Ayoko masaktan Audrey pero
alam kong masasaktan ako eh kasi may mahal ka ng iba.” -Enrique Gil, Everyday I Love You
(2015)

10. “In 2 years time, dapat magiging brand manager na ako eh pero anong ginawa ko? Ni-let
go ko kasi gusto ko maging masaya ka. Dahil mahal kita. Dahil hindi ako selfish. Cafe
assistant….brand manager….tingnan mo nga kung gaano kalayo yan.” -Nadine Lustre,
Never Not Love You (2018)

You might also like