You are on page 1of 17

DAREL H.

MENDEZA
BSED MATH-II

FIL 3 DALUMAT SA FILIPINO

YUNIT 1 Dalumat – Salita: Mga Salita ng Taon/ Sawikaan

PRE-TEST

Tama o Mali. Isulat ang iyong pangalan kung wasto ang pahayag. Isulat ang iyong apilyedo kung hindi
angkop ang tinutukoy sa nasabing pahayag.

DAREL 1. Ang pagdadalumat ay tumtukoy sa pagteteorya at pagbuo ng mga konsepto o kaisipan na


mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay- bagay sa lipunan.

DAREL 2. Tinatawag na dalumat- wika ang paggamit ng wika sa mataas na antas ng pagteteorya
batay sa masusi, masinop, kritikal, at analitikal na paggamit ng mga salitang kumakatawan ng mga
ideya at kaalamang nagiging konsepto sa malalimang pag- uuri’t paggamit nito.

MENDEZA 3. Ang awiting “Pananagutan” ni Eduardo Pardo Hontiveros, S.J. ay pagdalumat sa


konsepto ng karapatang pantao sa kontekstong Pilipino.

DAREL 4. Nagsimula ang pagpili ng Salita ng Taon noong 2004.

MENDEZA 5. Noong 2016,itinanghal sa Salita ng Taon ang “netizen”.

DAREL 6. Noong 2018, “tokhang” ang naging pangunahing Salita ng Taon.

DAREL 7. Ang awiting “Tuldok” ng asin ay pilosopikal na pagdalumat sa puno ’t dulo ng buhay at
pag-iral o existence

MENDEZE 8. Ang salitang Huweteng ang itinuturing na pinakaunang paramdam ng epekto sa wika
ng umuunlad na industriya ng teknolohiya ng bansa.

DAREL 9. Naging popular ang salitang wangwang bilang sagisag ng pamamahala ng kaluluklok na
pangulo ng Pilipinas noong 2011.

DAREL 10. Ang salitang mungkahi ni Chua na fotobam ay isang pagmumulat at isang panawagan ng
pagkilos hindi lamang sa kapuwa niya historyador kundi sa lahat ng mamamayang Filipino sa buong
bansa.
Pagsasanay 1

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Paano nagagamit sa pagdadalumat ang mga salita o parirala/konsepto?


 Nagagamit sa pagdadalumat ang mga salita o parirala/ konsepto sa pamamagitan ng pag -imbento/
pagkatha ng mga bagong salita, pagsasalin at pagdagdag ng kahulugan at pag-aangkop o
rekontekstuwalisasyon.

2. Bakit mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong “loob” ayon sa awitin ni Jess Santiago?
 Mahalaga sa kulturang Pilipino ang konseptong "loob" ayon sa awitin ni Jesus Santiago dahil
napakaraming mga salita, parirala at konsepto sa kaugnay ng salitang "loob" na napakahulugan sa
atin bilang isang Pilipino.

3. Paano pinipili ang mga Salita ng Taon sa Sawikaan?


 Pinipili ang mga Salita ng Taon sa Sawikaan tungo sa pagbabago p paghahanap ng solusyon sa
isang problema sa lipunan. Naglalatay ito ng mga problema at nananawagan sa pagbabago-
maaaring pagbabago sa sarili, sa pamahalaan o sa bayan.

4. Ano-ano ang karaniwang katangian ng mga nagwawaging Salita ng Taon?


 Ang karaniwang katangian ng mga nagwawaging Salita ng Taon dahil sa tatlong salik: una, dahil
sa paglalarawan nito sa isang mahalagang kasaysayan sa isang tiyak na taon. Ikalawa, sa pagiging
kontrobersyal ng diskursona dahilan ng pagiging bukambibig dito ng mga mamamayan. Ikatlo,
nanawagan ito ng isang pagbabago o solusyon sa isang malalim na problema sa lipunang Pilipino
na hindi napag -uusapan.

5. Paano pinatutunayan ng mga lahok sa Sawikaan na buhay at dinamiko ang wikang Filipino?
 Pinatutunayan ng mga lahok sa Sawikaan na buhay at dinamiko ang wikang Filipino sa
pamamagitan ng pambansag ni Pangulong Duterte ang salitang "Tokhang" na ang ibig sabihin ng
binisayang salita "toktok" ay katok, ang "hangyo" ay pakiusap at malaki ang impluwensiya nito
sa mga tao at maging sa midya.

6. Sa mga nagwaging Salita ng Taon, anong salita ang pinakatumatak sa iyong kamalayan?
Pangatwiran.

● Sa mga nagwaging Salita ng Taon, ang salitang pinakatumatak sa aking kamalayan ay ang
Sawikaan
2014 : Selfie dahil ang mga tao noon at hanggang ngayon ay adik sa selfie. At isa ako sa mga iyon
pero madalang lang akong magkuha ng litrato noon dahil sa kakulangan ng teknolohiya. Pero sa
mga nakalipas na taon, marami ng naadik sa selfie at ipopost nila ito sa Facebook, Instagram,
Twitter at iba pa. Kaya’t ito ang Salita na pinakatumatak sa aking kamalayan.
Gawain 1

Pagsulat ng papel para sa Sariling Salita ng Taon.

BAHAGHARI

Mungkahing Salita ng Taon: Bahaghari

Mga kahulugan ng salita:


Ang bahaghari ay tumutukoy sa makulay na hugis arko na nakikita sa kalangitan matapos ang
mahabang pag – ulan. Ang bahaghari ay sumisimbolo rin ito sa ating mga LGBTQ member.

Etimolohiya o Pinagmulan ng Salita:


Ito ang mga kulay na sumisimbolo sa kanila at bilang pagtanggap sa kanila bilang isang
miyembro sa komunidad mapa anong kasarian man mayroon sila.

Mga Halimbawa ng Aktwal na Paggamit ng Salita sa Pangungusap, Diskurso, Midya, At Iba pa.
Ang bahaghari ay ginamit bilang isang simbolo ng pagkakaiba-iba sa loob ng mahabang
panahon. Sa pamamgitan nito, maipapakita at maipapahayag ng mga LGBTQ ang kanilang mga
saloobin at kung anong karapatan ang kanilang dapat na panghahawakan upang sila ay katanggap-
tanggap sa lipunan. Kung pagbabasehan naman natin sa midya, ang watawat ng bahaghari ang
pinakatumatak dahil sa pagiging kakaiba at dahil sa makulay na watawat mayroon sila. Bawat kulay
nito ay may iba’t ibang kahulugan na sumisimbolo.

Kabuluhang Panlipunan ng Salita:


Ang mga tao ay may karapatang mamuhay ng maligaya alinsunod sa kanilang sariling
paniniwala at damdamin. Bawat taon nang parami nang parami ang mga tao na bukas na pinag
uusapan ang kanilang mga sekswal na kagustuhan, at ang publiko ay nagbabgo ng galit at kumpletong
pagtanggi para sa isang mas tapat na saloobin.

Iba pang Argumento Pabor sa Inyong Lahok:

Ayon sa artikulo ni Philip Tubeza noong 2013, ang Pilipinas ay kasama sa mga pinaka-friendly
na bansa pagdating sa LGBT; ang datos ay mula sa Pew Research Center sa Estados Unidos noong
2002.

Gawain 2
Pagpapalit ng Lyrics ng Popular na Awitin

Kalahok kayo sa patimpalak sa pagbuo ng mga awiting may malalim na mensahing panlipunan. Amg
tema nag pantimpalak ay “Awiting luma, bihisan ng bagong ideya para sa mondo ngayo ’y umakma. ”
Ang awitin ang kailangang nakasunod sa isang popular na awitin ang tono (samakatwid, pagpapalit ng
lyrics ang isasagawa). Isulat ang lyrics ng awitin sa espasyo sa ibaba.

Pamagat ng orihinal na awitin: IKAW ni Yeng Constantino

Pamagat ng binagong awitin: AKO

Bagong lyrics:
I.
Sa pagtahak, sa mundong tayo pa
Sa mundong kasama ka
Pero para lang
Akong nag-iisa

II.
Ako, ako nalang ang lalayo
Sa mundo mong magulo
Hirap pasakit
Sa aking puso

(KORO)
Ako, ako na sinaktan mo
Puso ko’y bigong-bigo
Dahil sa mga pangako mong
Tuluyan naming naglaho

Ako na ginago mo
Kaya’t ako ngayo’y
Lumalayo sa piling mo
At iwanan ang Tayo

III.
Kaya ngayon
Puso ko’y naka move-on
Sa relasyon na mahirap i-on
Kaya’t nagsasaya ang aking puso

IV.
Sa wakas, ako ay Malaya na
Sa piling mo sinta
May pagkakataon na
Akong sumaya

BRIDGE…
At kaya ngayo’y
Nagdadarasal at nangakong
‘kay kalimutan
Sa puso’t isip sinta

( KORO)

GAWAIN 3

Pagtukoy sa Mahahalagang Kaisipan mula sa Awitin

Pamagat ng Awitin 1: PANANAGUTAN


Mahalagang Kaisipan 1:
Ang ibig sabihin nito ay ang lahat ng nilalang ng Diyos maging tao man ito o hayop ay may
mahalagang papel na ginagampanan sa bawat isa. Tayo ay nabubuhay at mabubuhay na kailangan
natin ang ating kapwa. Sabi nga sa isang kasabihan sa wikang Ingles, "No man is an Island" ang ibig
sabihin nito walang tao na mabubuhay tulad ng isang isla na mag-isa lamang.
Mahalagang Kaisipan 2:
Hindi nabubuhay ang isang tao para sa kanyang sarili at hindi rin namamatay ang tao para sa
kanyang sarili dahil ang bawat ginagawa ng tao ay may dahilan. Maaaring mayroon siyang pamilyang
binubuhay o maaari din siyang merong tinutulungan.
Mahalang kaisipan 3:
Ang pakikipagkapwa – tao ay ang pagtugon sa pangangailangan na makipag – ugnayan sa iba.

Pamgat ng Awitin 2: MABUTING PILIPINO


Mahalagang Kaisipan 1:
Pagmamalaki sa iyong lahi which is Filipino...Pagmamalaki ng itsura,kultura at pamumuhay sa
ating bansa..Bottomline, huwag ikahiya sa ibang bansa ang ating bansang Pilipinas.
Mahalagang Kaisipan 2:
Ang isang mabuting Pilipino minamahal ang bayan, tinutupad ang mga tungkulin alinsunod sa
mga alituntunin. Ang mensahe ng kanta ay ang mulatin ang mga Pilipino sa mga mabuting Gawain na
dapat gawin ng isang Pilipino lalo na sa mga kabataang makikinig ng kanta.
Mahalagang Kaisipan 3:
Pinupunto ng awiting ito ang karaniang nangyayri sa ating lipunan- ang pango ngotong, hindi
pagtawid sa tamang tawiran, pagbaba at pagsakay kahit saan, atbp. Ang kantang ito ni Noel Cabangon
ay isang magandang paalala kung paano nga ba ang isang mabuting Pilipino. Sa mga simpleng paraan
ay kayang-kaya natin maging isang mabuting mamamayan.hindi kailangang maging bayani upang
masabing mabuti, kailangan ay sumunod sa mga alituntunin, may nakatingin man o wala.
Pagsusulit

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

Pagdadalumat 1. Panumbas ng Filipino sa pagteteorya

Dalumat-salita 2. Pagteteorya gamit ang mga magkakaugnay na salita

Sawikaan 2014: Selfie 3.Larawang sling kuha na sumasalamin din sa kaakuhan o identidad ng kumuha
ng larawan.

Sawikaan 2007: Miskol 4.Tunog ng trak ng bumbero, ambulansya at iba pa. Na sumasalamin din sa
panawagang pagbabago.

Sawikaan 2012: Wangwang 5.Politikal na terminong pantukoy sa mga konserbatibo, at ngayon nga ay
inaakalang tumutukoy lamang sa mga tagasuporta ng angkang Aquino sa Pilipinas.

Sawikaan 2006: Lobat 6. Tumutukoy sa pagkaubos ng enerhiya ng cell phone at pananamlay ng isang
tao bunsod ng kapaguran.

Pananagutan ni Eduardo Pardo Hontiveros 7. Salitang sariling atin para sa “responsibilidad”.

Karaniwang Tao ni Joey Ayala 8. Awiting tumatalakay sa problema ng tao at ng kalikasan.

Mamamayan ang Mamamayani ni Gary Granada 9. Awiting maiuugnay sa People Power

Pinggan ni Pol Galang 10. Awiting nagdadalumat hinggil sa soberany

YUNIT 2 Dalumat-Salita: Ambagan, mga Susing Salita at iba pa


PANIMULANG GAWAIN
1. Hayahay: kasariwaan o pagiging sariwa
2. Pangga: mahal
3. Gahum: kayamanan o ari arian
4. Pag-uswag: pag unlad
5. Dulganay:
6. Bana: asawa

Pagsasanay 1

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Paano nagkaiba nag proyektong Sawikaan at Ambagan?


Nagkaiba ang proyektong Sawikaan at Ambagan sa pamamagitan ng makabuluhang ambag
dahil ang Sawikaan ito ay mga salita ng taon na mga kontrobersiya at mga mahahalagang usapin na
kailangan mamulat ang madla sa pagkilos na solusyunan ang mga salitang natatampok sa sawikaan
samantala ang ambagan ay proyekto ng FIT na ginaganap kada dalawang taon bilang pagkilala at
pagpapatupad sa hangarin ng ispisipikong probisyong pangwika na dapat ay payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

2. Paano naman nagkaiba ang proyektong Ambagan at Mga Susing Salita?


Nagkaiba ang proyektong Ambagan at mga susuing salita sa pamamagitan ng iba't ibang
mahahalagang paggamit ng mga salita sa kasaysayan sa isang partikular na kaganapan.

3. Sa iyong palagay, sa mga halimbawang ibinigay sa pagtatalakay, ano-anong salitang Kinaray-a at


Tagalog-Binangonan ang mainam na mailagay na sa mga diksyunaryo? Pangatwiran.
Sa aking palagay, ang mga salitang kinaray-a at Tagalog-Binangonan ang mainam na mailagay
na sa mga diksyunaryo ay ang baliskad, binati, binangto, hamod, hanalun, inupong, limpuk, linas,
marinhut, panudlak, pinalinpin, at suka upang maunawaan ang mga ito sa maraming probinsiya sa
kapuluan at ang pagsinop at paggamit sa mga salitang ito sa pagtanghal sa "kaluluwa ng lugar" na
maaring makapagbigay sa atin ng gabay at direksiyon para sa mga inisyatibong alternatibo at
transisyonal sa usapin ng pagbuo, muli at muli, ng mga komunidad.

4. Bukod sa pelikula, saan pang larangan maaaring gamitin ang “indie”? Ipaliwanag.
Sa larangan ng musika maaring gamitin ang indie na madalas pinaiikli sa indie music. Ito ay
ginagamit para itukoy ang pagsasarili mula sa mga malalaking pangkalakalan (commercial) na record
labels, at ang pagtaguyod sa kanilang Do-it-Yourself approach sa pagtatala at paglalathala ng musika.

5. Bakit sinasabing interdisiplinari ang dulog ng Ambagan at Mga Susing Salita?


Sinasabing interdisiplinari ang dulog ng Ambagan at mga susing salita sapahkat binaybay ni
Asenjo ang mga usaping lingguwistiko, ekonomiya, at kultural sa pamamgitan ng mga terminong
kinaray-a sa agrikultura bilang lunsaran.

6. Paano nakatutulong ang Ambagan sa paglutas sa problema ng rehiyonalismo?


Nakatutulong ang Ambagan sa paglutas sa problema ng rehiyonalismo sa pamamagitan ng
paggamit nito bilang pagsulat ng bagong saligang batas sa wikang Filipino at hindi sa ingles, upang mas
mailapit sa karaniwang tao ang mga pamantayan na dapat nilang alamain at sundin.

Gawain 1

Pagsulat ng Papel para sa Ambagan

Tagalog-Binangonan

Ang iba pang barangay sa Binangonan na maipapangkat sa uri ng halaman o punongkahoy ay


Pinagdilawan [pi+nag+dilaw+an] na hango sa luyang-dilaw, at Tayuman [tayom+an] na hango sa
palumpong na mabalahibo at may isang metro ang taas, na ang katas ng ugat ay ginagawang tinà. Ang
iba pang barangay na isinunod sa ngalan ng isda, ibon o hayop ay Kasile na kawangis ng igat na mula
sa tubig tabang at Tabón na katutubong sari ng ibong mahahaba ang binti. Sa mga termino sa
agrikultura at pangingisda, kabilang ang Buhangin [binuhangin] na uri ng maliliit na butil ng bigas,
bukod sa tumutukoy sa pinong-pinong lupa sa baybayin ng lawa o gilid ng ilog; Malakaban, na
tumutukoy sa sisidlan ng palay o bigas, kung hindi man sa sisidlang hugis-kahon at kahawig ng
kaban; Kalinawan [ka+linaw+an], na maaaring tumutukoy sa pook na malinaw ang tubig; Kalawàan
[ka+lawà+an], na pook sa gilid ng lawa o ang buong lawa; Gulód, na tuktok ng buról; at Tatalà
[ta+talà], na pook na nililitawan ng mga bituin o kaya ’y tumutukoy sa paghahanap ng tala. May ibang
barangay na nabahiran ng banyagang termino, gaya Saról, na hango sa Espanyol na “charol ” na taguri
sa pinakinis na katad, at Janosa at San Carlos na pinakabagong tatag na barangay. May ibang
pangalan ng barangay sa Binangonan na mahirap nang matukoy ang ugat, gaya ng Ithan [Itahan?],
Kaytome [Kay + Tome?], at Rayap [na maaaring hango sa “layap ” na sinaunang Tagalog na katumbas
ng “likas na pagkahilig”].

Bagaman nauunawaan sa Binangonan ang iba pang anyo ng Tagalog mula sa ibang
munisipalidad ng Rizal, gaya sa Angono, Antipolo, Baras, Boso-Boso, Cainta, Cardona, Jala-Jala,
Morong, Tanay, at Taytay, may ilang salita sa Binangonan na partikular sa lugar, lalo yaong may
kaugnayan sa pangingisda, pagsasaka, at pagluluto. May ilang pagkakataon na kahit magkalapit
lamang ang mga barangay ay naiiba na ang pahiwatig at pakahulugan ng salita. Masasabing ang mga
salitang taal sa Binangonan ay unti-unti nang nabubura sa alaala, yamang walang masigasig na
pagtatala ng mga salita mula sa antas ng mga barangay. Ang mga salitang Tagalog Binangonan na
dating hitik sa pagsasaka, paghahayupan, at pangingisda ay bibihira nang marinig, maliban sa mga
liblib na looban, libis, o bundok. Ang nakapagtataka ’y ginagamit pa rin magpahangga ngayon ang
ilang salitang taal sa Binangonan, ngunit nakargahan na ng iba pang pahiwatig sa paglipas ng
panahon. Isa pang kapansin-pansin sa Binangonan ang pagpasok dito ng mga salita mula sa iba ’t
ibang rehiyon, at may kinalaman dito ang malawakang migrasyon at paninirahan ng mga tao

Wikang Pagmumulan ng mga Salitang Ambag: Tagalog-Binangonan


Pamagat ng Papel: Halaman, Punungkahoy, Agrikultura at Pangingisda sa Binangonan

Salita 1 at Kahulugan: Pinagdilawan [pi+nag+dilaw+an] na hango sa luyang-dilaw,


Salita 2 at Kahulugan: Tayuman [tayom+an] na hango sa palumpong na mabalahibo at may isang metro
ang taas, na ang katas ng ugat ay ginagawang tinà.
Salita 3 at Kahulugan: Ang iba pang barangay na isinunod sa ngalan ng isda, ibon o hayop ay Kasile na
kawangis ng igat na mula sa tubig tabang
Salita 4 at Kahulugan: Tabón na katutubong sari ng ibong mahahaba ang binti.
Salita 5 at Kahulugan: Sa mga termino sa agrikultura at pangingisda, kabilang ang Buhangin
[binuhangin]
na uri ng maliliit na butil ng bigas, bukod sa tumutukoy sa pinong-pinong lupa sa
baybayin ng lawa o gilid ng ilog;
Salita 6 at Kahulugan: Malakaban, na tumutukoy sa sisidlan ng palay o bigas, kung hindi man sa sisidlang
hugis-kahon at kahawig ng kaban;
Salita 7 at Kahulugan: Kalinawan [ka+linaw+an], na maaaring tumutukoy sa pook na malinaw ang tubig;
Salita 8 at Kahulugan: Kalawàan [ka+lawà+an], na pook sa gilid ng lawa o ang buong lawa;
Salita 9 at Kahulugan: Gulód, na tuktok ng buról;
Salita 10 at Kahulugan: Tatalà [ta+talà], na pook na nililitawan ng mga bituin o kaya’y tumutukoy sa
paghahanap ng tala.

Kabuluhang Panlipunan ng mga Salita:


Ang mga salitang ito ay ginanagamit ng mga taga Binangonan na maipapangkat sa uri ng
halaman o punongkahoy at mga termino sa agrikultura at pangingisda.

Sentesis ng pagkaugnay-ugnay nga mga Salita:

Sa barangay ng Binangonan maipapangkat sa uri ng halaman o punongkahoy ay Pinagdilawan


[pi+nag+dilaw+an] na hango sa luyang-dilaw, at Tayuman [tayom+an] na hango sa palumpong na
mabalahibo at may isang metro ang taas, na ang katas ng ugat ay ginagawang tinà. Ang iba pang
barangay na isinunod sa ngalan ng isda, ibon o hayop ay Kasile na kawangis ng igat na mula sa tubig
tabang at Tabón na katutubong sari ng ibong mahahaba ang binti. Sa mga termino sa agrikultura at
pangingisda, kabilang ang Buhangin [binuhangin] na uri ng maliliit na butil ng bigas, bukod sa
tumutukoy sa pinong-pinong lupa sa baybayin ng lawa o gilid ng ilog; Malakaban, na tumutukoy sa
sisidlan ng palay o bigas, kung hindi man sa sisidlang hugis-kahon at kahawig ng kaban; Kalinawan
[ka+linaw+an], na maaaring tumutukoy sa pook na malinaw ang tubig; Kalawàan [ka+lawà+an], na
pook sa gilid ng lawa o ang buong lawa; Gulód, na tuktok ng buról; at Tatalà [ta+talà], na pook na
nililitawan ng mga bituin o kaya’y tumutukoy sa paghahanap ng tala.

Pagbubuod ng Artikulo/ Sanaysay

KUBETA
Marso 3, 2013
Sanaysay ni Nancy Kimuell – Gabriel

Ang kahirapan ay isang malawak na suliranin ng bansa. Isa itong problema na bagama ’t matagal ng
umusbong ay magpahanggang sa ngayon ay hindi parin masulosyunan ng ating pamahalaan. Ang
nakababahala pa rito ay sa halip na mabawasan ang mga mahihirap sa bansa ay tila padami-dami ito ng
padami. At at isa itong problematikong reyalidad.
Sa akda ni Nancy Kimuell-Gabriel na pinamagatang Kubeta, ay malinaw na naipakita ang
problematikong isyu ng kahirapan sa pamamagitan ng paglalarawan niya ng isang kahindik-hindik na anyo
ng kubeta. Ang kawalan ng maayos na palikuran ay isa sa pinakamalalang problema ng mga mahihirap. Ni’
pagpapagawa nga ng tirahan at paghahanap ng makakain ay hirap sila, paano pa kaya ang palikuran? Kung
kaya’t dahil dito ay nagtyatyaga na lamang sila sa mga palikurang bayan. Sa ganitong sitwasyon ng mga
mahihirap, kung saan ipinapakita ang pagiging salat nila sa salapi na maaaring gastusin nila sa pang-araw-
araw at kawalan nila ng kakayahan na mamuhay ng maginhawa, nakakalungkot unawain kung gaano
kahirap mabuhay bilang isang mahirap. Ipinapakita rin sa akda kung gaano ka-liit ang pagtingin ng mundo
sa mga mahihirap. Kung gaano kadali na lamang iugnay ang isang maruming kubeta sa mga mahihirap, at
ito ang nakakalungkot kasi may katotohanan at may basehan.
Pero ang nakatutuwa sa akda ni Nancy ay hindi lamang ito naging limitado sa kung ano ang
problema, isinalaysay rin dito ang kanyang abilidad na magpursige upang makaahon sa kahirapang
kinalugmukan niya. Sapagkat kung hahayaan natin na lamunin lang tayo ng mga naturang problema, wala
rin tayong magagawa upang sulosyunan ito. Napagtanto ko dahil sa akdang ito kung gaano kalaki ang
pangangailangan na mabigyang atensyon ang problema ng kahirapan at ang mga mahihirap mismo. Hindi
sapat na tuwing eleksyon lamang nabibigyang pansin ang mga mahihirap. Marapat lang siguro na hindi na
mapako ang mga pangakong ibinibigay ng mga politiko tuwing eleksiyon. Sapagkat hindi pangako ang
solusyon sa matagal nang problema ng kahirapan.
Dagdag pa rito, nagkaroon ako ng panibagong perspektiba patungkol sa pag-asenso. Napatunayan ng
naturang may akda na hindi balakid ang kinamulatan mong estado upang maging asensado ka sa
hinaharap. Hindi ang kahirapan ang papatay sa kung sino man, bagkus ang mentalidad ng isang tao na
naglilimita sa kanila na umaksyon upang matamasa nila ang maginhawang buhay.
Isang reyalisasyon matapos kung basahin ang akdang Kubeta, nagsisimula sa sarili ang pag-unlad na
inaasam ng bawat isa. Kung gusto mong umasenso, magsumikap ka, gusto mong magkapera, magtrabaho
ka, kung gusto mo naman na tumalino mag-aral ka. Lahat ng bagay magsisimula sayo. Kung hindi ka
kikilos ngayon upang baguhin ang estadong kinalakihan mo, sino ang gagawa nito para sayo? Kagaya ng
kubeta, kung makukuntento na lamang sila sa isang marumi at baradong kubeta kesyo kaya namang
pagtiisan, habang buhay na lamang silang magtitiis sa kubetang ganito. Pero sa kabilang banda, ang ganito
katinding sitwasyon ay maaring maging lakas at determinasyon upang maghangad ng kaunlaran para sa
sarili.

Paghahanap/ Pag-iimbento ng Katumbas

Basahin ang alinman sa sumusunod na mga artikulo atb pumili ng limang salita na walang
eksaktong katumbas sa English:
Pumili ng salita mula sa mga nabanggit na listahan at subuking ihanap ng katumbas ang mga ito
sa Filipino.

1. Salita: Nakama (Japanese, n)


Kahulugan sa Filipino: Sila ang mga taong karamay at kaagapay natin sa lahat ng problema.
Katumbas sa Filpino: Matalik na Kaibigan

2. Salita: Whakakoakoa (Māori, v.)


Kahulugan sa Filipino: Magsaya o magdiwang
Katumbas sa Filipino: Magsaya

3. Salita: Suaimhneas Croi (Gaelic, n.)


Kahulugan sa Filipino: Isang panloob at personal na kaligayahan maaaring makahanap ang tao sa
anupaman.
Katumbas sa Filipino: Kaligayahan

4. Salita: Cwtch (Welsh, n.)


Kahulugan sa Filipino: Ito ay pagpapakita ng emosyon sa pagkaramay at ng pagmamahal
Katumbas sa Filipino: Yakapin

5. Salita: Mepak (Serbian, n.)


Kahulugan sa Filipino: Ito ay isang bagay na panlabas, kagalakan sa isang bagay o pangyayari
Katumbas sa Filipino: Kasiyahan

D. Pagmamapa ng konsepto
1. Bayan - Ang bayan ay tawag sa isang makabanyagang paraan ng isang lugar. Maaring ito ay isa sa
pinakamamahal na lugar ng tumutukoy. Ang bayan ay isang uri ng lugar na kung saan binabanggit ng
mga nakatira dito kapag sila ay tumutukoy sa kanilang sariling lupang sinilangan. Ang bayan ay maari
ding pinakakahulugan bilang bayang-tinubuan o native land, bansa o country, inang-bayan o
motherland.

2. Liwanag - ang liwanag sa lahat ng elektromagnetikong radyasyon ng lahat ng haba ng daluyong,


kahit na ito'y nakikita o hindi.

3. Kamalayan - isang katangian ng kaisipan. Nangangahulugan ito ng pagiging gising, alisto, at


tumutugon sa kapaligiran.

4. Agham - Isang sistematikong pag aaral gamit ang sistematikong pamamaran upang subukin ang
katotohanan sa likod ng mga haka haka.

At mayroon ding iba’t ibang uri ng agham ang pinagaaralan ang tao. Kabilang na dito ang natural
sciences, biology, chemistry at physics.

5. Kapayapaan - ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at katiwasayan. Kalayaan mula


sa gulo,tahimik at kapanatagan. Kung saan ang lahat ay nagkakaisa na sugpuin at pigilan ang pagkalat
ng mga masasamang bagay na nakakaapekto sa kalusugan ng mga mamamayan sa bansa.

Pagsusulit

Isulat sa patlang ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.

Bugas o Bogas 1.Terminong Kinaray-a para sa bigas.

Binangto 2.Tumutukoy sa sinangag na mais na itinuturing na imahen ng gutom at kahirapan.

Dengan 3.Konseptong Panay na nangangahulugang “kaluluwang kakambal” ng bawat tao.

Nasyonalisasyon 4.Tumutukoy sa ganap na pagiging pambansa – ng wikang pambansa, ang pagtitiyak na


patuloy itong umuunlab batay sa iba pang wika ng Pilipinas at hindi na lamang salig sa Tagalog.

Pagtatahip 5. Paghihiwalay ng natirang ipa sa bigas.


Bodong 6. Panumbas ng Filipino sa peace pact.

Gahum 7. Panumbas ng Filipino sa hegemony.

Ambagan 8.Proyekto ng UP-Setro ng Wikang Filipino na nakatuon sa paglinang ng mga konsepto sa iba ’t
ibang wika ng bansa bilang salayan ng interdisiplinaring pagtalakay.

Varayti 9.Kung ang Filipino ay wika, ang Tagalog-Binangonan ay ng Tagalog.

Indie 10. Tumutukoy sa moda ng produksyon ng pelikulang hindi kontrolado ng mga ministream na
studio.

YUNIT 3 Masining at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa


Pagdadalumat/Pagteteorya sa Kontekstong P/Filipino (Unang Bahagi)

Pagsasanay

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang pagkakaiba ng bipartite at tripartite na pagtingin sa kasaysayan ng Pilipinas?


Bipartite ang kasaysayan ng Pilipinas: panahon na tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro,
walang sariling kultura, at atrasado; at panahon ng kaliwanagan kung saan tinanggap natin ang Nuestra
Maravillosa Civilazacion (Salazar 1983, pp. 105-126).
Ang tripartite o tatlong bahaging historical na ideolohiya ni Rizal na binubuo ng sumusunod:
May sariling sibilisasyon ang Pilipinas at may angking kaunlaran, taglay ang kaniyang kakayahan at
katangian; pagkabulok at pag-atras ng lipunan sa ilalim ng pamamahala ng mga Español. Pagkawala
ng kabutihang sibiko at pagkalulong sa bisyo. Kanser ng lipunan sa huling bahagi ng ika-19 na siglo;
paglaya ng malikhaing pwersa ng ating lahi sa pagkakamit ng kalayaan. Maaaring sa pamamagitan ng
rebolusyon o sa pamamagitan ng reporma.

2. Bakit sinasabing malakolonyal at malapyudal ang katangian ng lipunang Pilipino?


Malakolonyal dahil sa kahit pa sinasabing Malaya na ang Pilipinas ay patuloy na nilalabag ng
United States ang soberanya ng bansa at tiniyak nila na patuloy nilang makokontrol ang ekonomiya,
politika, kultura,military at ugnayang panlabas ng bansa. Malapyudal na bunga ng pagkasanib ng
dayuhang monopolyong kapitalismo at katutubong pyudalismo na nagresukta sa pagkalusaw ng isang
ekonomiyang nakakasapat sa sarili at napalitan ng isang ekonomiyang pangkalakal. Pinipigil nito ang
pag-unlad ng isang pambansang kapitalismo at pinapamalaging mahirap ang malawak na masa upang
makakuha mula sa kanila ng murang lakas paggawa at murang hilaw na materyales.

3. Saan nakasentro ang pantayong pananaw ni Zeus Salazar?


“Ang buod ng pantayong pananaw ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng
mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal at karanasan ng
isang kabuuang pangkalinangan—kabuuang nababalot sa, at ipinapahayag sa pamamagitan ng isang
wika; ibig sabihin, sa loob ng isang nagsasariling talastasan/diskursong pangkalinangan o
pangkabihasnan.” (Salazar, 2004)

4. Paano nagkakaiba ang Kanluraning ideyang nasyon sa katutubong konsepto ng bayan?


Magkaiba ang konsepto ng bayan at nasyon.
Ginamit niya ang konsepto ng bayan bilang katutubong ideya para malinawanag ang konsepto ng
bayan.Upang pag ibahin ito sa nacion at nasyon na aniya ay hindi isang katutubong proyekto ng
pagbubuklod sa mga tao at kalinagan sa ating kapuluan.

5. Ano ang halaga ng wika bilang instrumento ng pagpapalaya ng kaisipan?


Ang wika ay isang kasangkapan sa paglalahad ng ating pambansang kamalayan
(Atienza,1992). Dagdag pa ni Atienza (1992), “ang wikang Pilipino ay isang panlaban sa mga hibo ng
imperyalismo, isang paraan ng pagpigil sa pagsasamantala ng isang bansa sa isa pang bansa.”
Pagsusulit

Basahing mabuti ang pahayag at piliin sa kahon ang salita na tinutukoy nito. Isulat ang titik ng
tamang sagot.

a. Bayan. f. Malapyudal
b. Bansa. g. Tripartite
c. Bipartite. h. Makauring Pananaw
d. Pamayanan. i. Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog
e. Malakolonyal. j. Anotasyon ng Sucesos De Las Islas Filipinas

c 1. Pananaw sa kasaysayan na naniniwalang tayo ay nasa kadiliman, mga barbaro, walang


sariling kultura, at atrasado bago dumating ang mga Español.

d 2. Yugto ng kasaysayan na kinapapalooban ng pagsulpot ng unang tao, at ang pagdating at


pamamalaging mahirap ang malawak na masa.

f 3. Katangian ng lipunan na pumipigil sa pag-unlad ng isang pambansang kapitalismo at


pinapamalaging mahirap ang malawak na masa.

i 4. Isinulat ni Bonifacio upang ipakita na may sariling sibilisasyon na sa bansa bago dumating
ang mga Español.

g 5. Pananaw sa kasaysayan na naniniwalang may sariling sibilisasyon ang Pilipinas at may


angking kaunlaran, taglay ang kaniyang kakayahan at katangian.

a 6. Nakatuon ang bahaging ito ng kasaysayan sa pagawak ng estado o sambayanan ng Maynila


na sasaklaw bilang “Estadong kolonyal” sa malaking bahagi ng kapuluan.

e 7. Katangian ng lipunang Pilipino kung saan patuloh ang kanilang pagkontrol sa ekonomiya,
politika, kultura, at ugnayang panlabas ng bansa.

h 8. Ginamit ito ni Amado Guerrero bilang lente upang dalumatin ang kasaysayn ng mga
Pilipino.

j 9. Isinulat ni Rizal upang pabulaanan ang mga maling pang-unawa sa kultura ng mga Pilipino.

b 10. Ang bahaging ito ng kasaysayan ay sumasaklaw sa pagsusulong ng mga elit na mabuo
ang bansa sa direksyong itinakda ng nacion na dulot ng Propaganda.

YUNIT 4 Masinin at Mapanuring Pagbasa sa mga Pangunahing Sanggunian sa


Pagdadalumat Pagteteteorya sa Kontekstong P/Filipino (Pangalawang Bahagi)

Pagsasanay

Sagutin ang sumusunod na mga tanong.

1. Sa aling bahagi ng ating pagpapahalaga makikita ang sensitivity at pride ng mga Pilipino?
Makikita ang sensitivity at pride ng mga Pilipino sa pagiging matiisin at magpasensiya,
kabilang ang hindi agarang pagkilos para sa pagbabago at manahimik na lamang dahil sa sa kabiguan,
tulad na lamang ng mahabang panahon na inabot upang mapalaya natin ang ating sarili sa mananakop
na Espanol. Dahil na rin sa nasyonalistikong pride kung kaya labis ang pag-aatubili natin na bumuo ng
identidad bilang Pilipno at sa halip na pisikal ang identidad ay kasarilinang diwa (soul identity) ang
ating nahubog.

2. Ano ang pakiramadam? Paano nagkakaiba ang SIR sa SIS ayon kay Enriquez?
Ang pakikiramdam ay nagpapahalaga sa kalooban ng tao na kinapapalooban ng aktibong
proseso ng maingat na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa bago magsalita o kumilos. Isa sa mga
pangunahing bunga ng kaniyang pag-aaral ay ang pagtanggi na ang Kapwa ay salin sa SIR o “Smooth
Interpersonal Relations” na kadalasang nakakamit sa pakikisama. Ayon sa kaniya, mas tamang
kilalanin ang kapwabilang SIS o “Shared Inner Self” Kung saan ito ay bunga ng pinagkaisang
pagpapahalaga ng tao, hindi tulad sa SIR na pag-iwas lamang sa gusot. (Aguiling-Dalisay, 2003)

3. Paano naiimpluwensiyahan ng neoliberalismo ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas?


Naimpluwensiyahan ng neoliberalismo ang sistema ng edukasyon sa pilipinas sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga patakaran sa edukasyon.

4. Ano ang karanasan ng Unibersidad ng Pilipinas sa marketisasyon ng edukasyon?


Makikita ang neoliberal na globalisasyon sa sistemang pang-edukasyon sa pamamagitan ng
pagsusuri sa mga patakaran sa edukasyon. Bahagi nito ang mga tinatawag na tuition scheme katulad
ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) at iba pang patakaran na nagtutulak
na maging komersyalisado ang edukasyon.Makikita pa rin ang impluwensiya ng neoliberalismo sa
nasabing batas kung saan bahagi ng programa ang Tertiary Education Subsidy (TES) na naglalaan ng
pondo para sa mga mag-aaral na nais mag-aral sa mga pribadong pamantasan.

5. Paano nagbago ang estado ng kababaihan sa lipunan mula sa panahon bago dumating ang mga
Espanol hanggang kasalukuyan?
Nagbago ang estado ng kababaihan dahil sa patuloy ang pagsisikap ng mga kababaihan na
isulong ang kanilang interes at karapatan. Nagtataglay ng kagalang-galang at maipagmamalaking
posisyon sa komunidad ang kababaihan sa panahon bago dumating ang mga mananakop na Espanyol.
Sa kanila nakaatang ang produksyon ng ekonomiyang nakasasapat at agrikultural. Gayumpaman,
mabilis na naglaho ang kapangyarihang ito sa pagdating ng mga mananakop na dayuhan. Sa ilalim ng
kaayusang pyudal na punalaganap ng mga Espanol ay naging sapin-sapin ang pagkaalipin sa
kababaihan. Sa pagsulong ng karapatan ng kababihan ay nagkamit ito ng tagumpay tulad na lamang ng
karapatang bomoto. Nagkaroon na rin ng oportunidad na makapagtrabaho ang kababiha, lalo't hindi na
karaniwang sumasapat ang kinikita ng kalalakihan para sa gastusin ng kanilang pamilya.

Pagsusulit

Isulat sa patlang ang salita o mga salitang bubuo sa diwa ng pangungusap.

1. Ang NasyonalistikongPride ang sinasabing dahilan kung kaya labis ang pag-aatubili natin na
bumuo ng identidad bilang Pilipino.

2. Dahil sa sensitivity ng mga Pilipino ay nagiging personal sa atin ang lahat ng bagay.

3. Ang pakikiramdam ay nagpapahalaga sa kalooban ng tao na kinapapalooban ng aktibong proseso


ng maingat na pagmamatyag sa damdamin ng kapwa.

4. Kinasasangkutan ng metodong pakapa-kapa (grouping) ng pagkapa, paghahanap, at pagtuklas ng


isang hindi sistematikong bulto ng sosyal at kultural na datos.

5. Ang neoliberalismo ay ideolohiyang nagtataguyod sa liberalisasyon sa ekonomiya na may layuning


paigtingin pa ang mga karapatan at imperatibo ng pribadong pag-aari.

6. Ang pribatisasyon ay ang pagbebenta at pagpapaubaya sa mga pribadong negosyo ng mga


kompanya at serbisyo na dating pinatatakbo at inihahatid ng gobyerno.

7. Tumutukoy ang deregulasyon sa hindi pagkontrol ng pamahalaan sa presyo ng isang produkto o


serbisyo

8. Isinusulong ng edukasyon ang Ingles bilang wikang panturo upang matugunan ng Sistema ng
edukasyon.

9. Tumutugon ang edukasyon sa anumang uri ng pangangailangan ng tao sa pamamagitan ng taglay


nitong katangian.

10. Catalonan ang tawag ng mga Tagalog sa mga babae na gumagampan bg tungkuling espiritwal at
kultural ng komunidad

You might also like