You are on page 1of 9

CYCLE 2

FILDIS
Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina

Joanna Mae F. Canonoy


Instruktor

Institute of Arts, Sciences, and Teacher Education

1|Pahina
MODYUL 2
Globalisasyon at Internalisasyon ng
Wikang Filipino
November 15 – 27, 2021

2|Pahina
Globalisasyon at Internalisasyon ng
Wikang Filipino

3|Pahina
Modyul

2
Bibigyang pagtalakay sa araling ito ang mga kaugnay na pag-
aaral gayundin ang kabuluhan at kapakinabangan ng/sa wikang
pambansa. Nilapatan ng lente ng pagsusuri ang kabuuang
modyul sa pagtuklas ng iba’t ibang napapanahong isyu kaugnay
ng usaping pangwika. Globalisasyon at
Internalisasyon ng
Wikang Filipino

MGA LAYUNIN

Kaalaman
1. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino
bilang wikang global at intelektwalisado.
2. Nakapagsasagawa ng isang komprehensibong pagtalakay
sa mga isyung may kaugnayan sa kasalukuyang
panahong global
3. Nasusuri at naiisa-isa ang mga konseptong may
kinalaman sa talang ipinaloob

4|Pahina
Aralin 2 Globalisasyon at Internalisasyon ng
Wikang Filipino
Ang globalisasyon at internalisasyon ay dalawang magkaibang konsepto subalit parehong
iniuugnay bilang hamon sa wikang Filipino.

Tumutukoy ang globalisasyon sa mga kaparaanan kung paano nagiging global o pandaigdigan
ang mga local o mga pambansang gawi o pamamaraan. Iniuugnay dito ang ekonomiya,
kalakalan, teknolohiya, plotika, kalinangan o kultura.

Kung susuriing mabuti ang depinisyong ibinigay, makikina na hindi madali ang landas na
tatahakin ng wikang Filipino sa kadahilanang Ingles ang pandaigdigang lingua franca. Idagdag
pa ang nosyon ng nakararaming akademikong institusyon na ang wikang Filipino ay bakya at
tanging wikang Ingles ang makaaagapay ng mga mag-aaral kung haharapin na nila ang mundo
bilang global na wika ay ang tinatawag na cultural homogenization. Binabawasan ng cultural
homogenization ang dibersidad ng kultura sa pamamagitan ng popularisasyon at pagsabog ng
malawak na hibla ng simbolong pangkultura-hindi lamang ang pisikal na bagay kundi maging
ang kinagawian, ideya, at kaugalian. Binigyan ng depinisyon ni O’Conner (Jennings, retrived
2013) ang cultural hemogenisation bilang proseso kung saan ang isang lokal na kultura ay
kinakain ng dominanteng panlabas na kultura (cultural barrier) at pagsilang ng pandaigdigang
asimilasyon sa iisang kultura. Ang terminong ito ay maaaring tingnan sa konteksto ng
Kanluraning Kultura (Western culture) na nanakop at naninira ng ibang kultura (Berger,
retrieved, 2013)

Naniniwala si Ricardo Ma. Nolasco ng UP na kailangan natin ng kilusang pangmasa tulad noong
1970 na nagsusulong sa wika. Ayon sa kaniya, ito ay hindi lamang suliraning pangwika kundi
suliranin din kung paano tayo nag-iisip. Palatanungan para sa kanya ang pamamaraan ng ating
pag-iisip kung ito ba ay alinsunod sa kultura ng etniko dito sa Pilipinas o paninindigan pa rin sa
balangkas kolonyal. Si Ramon Guillermo naman ay naniniwala na ang pagsasakalakal ng
edukasyon ay naglalayo sa Unibersidad sa dapat nitong tungkuin sa kabataan dahil sa
pagkakamali na itaas ang competitiveness sa pandaigdigang pangangalakal.

Si Lumbera (2003) ay nagbigay ng kanyang konklusyon kung ano ang globalisasyon. Ayon sa
kaniya, ito raw ay tumutukoy sa pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na
naghahanap ng kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y binubuksan ng mga ito ang kanilang
mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang
makipagkompetisyon ng mahihinang ekonomiya sa kanila, kaya’t kalaunan ay nilalamon nila
ang local na kompetisyon.

Sa pagtalakay ni Lumberya, kaniyang sinabi na ang Sistema ng edukasyon ay hinubog upang


tugunan ang pangangailangan ng mga multinasyonal.

Bilang panlahat, sinabi ni Lumberya na hindi niya tinatanggihan ang paghatak ng hinaharap kung
iyon ay magdadala sa atin ng tunay na pag-unlad. Subalit ang identidad ng isang sambayanan ay
hindi naisusuko nang gayon-gayon lamang. Nakatatak ito sa kamalayan hindi ng iisang tao
lamang kundi sa kamalayan ng buong sambayanan. Kung hinihimok tayo ng globalisasyon na
magbagong bihis, itinuturo naman ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang
sambayanan ay laging nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang kultura at may
banal na kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan. Sandatahin natin ang
ganyang kamalayan tungo sa ikaluluwalhati ng Filipino bilang nagsasariling bayan.

5|Pahina
Dagdag pa sa sinabi ni Lumbera ay ang pahayag ni Miclat (2006) sa pagtalakay ni Flores (2015)
na nagawan ng paraan ng mga Tsino, Hapon, Taiwanese, Espanyol, German na makagawa ng
computer at makagawa ng programa gamit ang kanilang sariling wika. Ginamit nila ang kanilang
talino upang kumita. Ang kanilang karunungan sa produksyon at pagpapamana ng karunungan
ay ginawa sa pamamagitan ng sariling pambansang wika. Ang pagpapalaganap ng Siyensya,
Pambansa, at pluralistikong kultura gamit ang kanilang popular na wika ay nakatulong upang
ang kanilang bansa ay higit na maging produktibo.

Sa kabilang dako, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino ay isang usaping matagl na at


patuloy na hinaharap ng mga tagapagsulong ng wikang Filipino bilang isang intelektwalisadong
wika. Pamantayan ng intelektwalisasyon ang paggamit ng wika sa larangan ng akademya lalong
higit sa antas ng paaralang gradwado. Ang intelektwalisasyon ng wika ay makikita sa kilos o
galaw ng mga mag-aaral at dalubguro, pandaigdigang kolaborasyon sa pananaliksik, pang-
akademikong istandard at pagtiyak sa kalidad (academic standards and quality assurance).

Sa totoo lang, ang mga sarili at ang paniniwala ng higit na nakararamo na ang kanilang pag-
unlad ay nakasalalay lamang sa Ingles ang totoong kalaban at hindi ang wikang Ingles.
Pinatutunayan ito ng mga basnsang mauunlad sa Asya na bagamat hindi nagsasalita ng Ingles ay
naging maunlad naman sa larangan ng ekonomiya, katulad ng Tsina, Hapon, at Thailand.

Sa diskurso ni Constantino (2015), kaniyang tinukoy na ang pagtanggap at pagkaalipin sa


wikang banyaga ay siyang patuloy na nagpaparupok at nagpapahina sa intelektwalisasyon ng
wikang Filipino. Ayon sa kaniya, lagi nating isinasaalang-alang sa ating mga pagpapasya sa mga
dayuhang institusyong namamayani sa pambansang kabuhayan ng mga Pilipino. Lumalabas na
ang pagbibigay ng prayoridad sa Ingles bilang wika ng edukasyon ay isinasaalang-alang upang
maging matagumpay sa daigdig ng produksyon at kalakalan. Ayon pa rin kay Constantino, ito ay
hindi sinang-ayunan ng karanasan ng mga Hapon at ng ibang mga kapitbansa na katulad ng
Taiwan at South Korea na naging maunlad gamit ang sarili nilang wika.

Kung lilingunin natin ang nakaraan, masasabi na hindi naging ganap na matagumpay ang Ingles
bilang pamamaraan upang mapaglabanan ang kahirapan ng ating bansa maliban sa ilang
nabigyang pagkakataon na manilbihan sa mga dayuhang korporasyon at mga
makapaghahanapbuhay sa ibang bansa. Iginapos sa dayuhang wika ang ating karunungan sana ay
magiging sandata natin sa ating pag-unlad.

Gawain 1: Pagtatasa ng Natutuhan

Panuto: Sagutin ang mga katanungan base sa nabasang akda sa itaas.

1. Ano ang pagkakaiba ba ang Internasyunalisasyon at Globalisasyon ng Wikang Filipino?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Paano naging wikang global ang Filipino dahil sa internasyunalisasyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Paano ilulugar ang wikang Filipino sa panahon ng Globalisasyon lalo sa konteksto ng
edukasyon ayon sa akda?
6|Pahina
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Bilang isang mag-aaral sa kursong Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina, ano ang maiaambag
mo para manatiling buhay ang Wikang Filipino sa kabila ng globalisasyon at
internalisasyon?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Gawain 2: Dayagram

Panuto: Ang gawaing ito ay isang pangkatang gawain. Ibahagi ang mga mahahalagang
bagay na natutunan sa napiling akda gamit ang isang dayagram mula sa link na ito.

a. Intelektwalismo at Wika ni Renato Constantino.


b. Ang Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon.
c. Tanggol Wika: Mga Susing Argumento ni Prof. David.
d. Nahuhuli at Panimulang Pagtatangka: Ang Pilosopiya ng Wikang
Pambansa/Filipino ni Melania L. Flores

Mga halimbawang diyagram:

A. Fishbone Diagram

7|Pahina
B. Concept Mapping

C. Hierarchy Org Chart

D. Venn Diagram E. Analogy Org Chart

8|Pahina
Mga Sanggunian:

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FilDis) Alinsunod sa CMO 57, Serye ng 2017 at Syllabus na
Inihanda ng Tanggol Wika. Dr. Mario H. Maranan.
Mindshaper Co., Inc. Rm. 108, ICP Bldg., Recoletos St., Intramuros, Manila
(Globalisasyon at Internasyunalisasyon ng Wikang Filipino: p. 21)

Adaya, et. al. (2018). Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FILDIS). Lungsod Malabon:
Jimczyville Publications

GMA Public Affairs (2019). Stand for Truth: Wikang Filipino, naka-ugat sa ating
kultura! www.youtube.com.
https://www.youtube.com/watch?v=axkEc7qG3Tc

GMA Public Affairs (2016). Investigative Documentaries: Wikang Filipino, dapat


paigtingin ang paggamit sa paaralan. www.youtube.com
https://www.youtube.com/watch?v=PWypLTSk27o

Peña, R. (2014). Wikang Filipino: Hininga, Kapangyarihan at Puwersa.


www.research gate.com.
https://www.researchgate.net/publication/317234596_Wikang_Filipino_
Hininga_Kapangyarihan_at_Puwersa

San Juan, et. al. (2019). Siyasat Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina. Lungsod
Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

DISCLAIMER
It is not the intention of the author/s nor the publisher of this module to have monetary
gain in using the textual information, imageries, and other references used in its production.
This module is only for the exclusive use of a bona fide student of Mabalacat City College.
In addition, this module or no part of it thereof may be reproduced, stored in a retrieval
system, or transmitted, in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying,
and/or otherwise, without the prior permission of Mabalacat City College.

9|Pahina

You might also like