You are on page 1of 4

COLAND SYSTEMS TECHNOLOGY COLLEGE, INC.

Penas Bldg, Sinsuat Avenue,


Cotabato City

S.Y. 2021-2022
1ST SEMESTER

Name: _______________________________ Schedule: MWF


Contact No. ___________________________ Time: 7:00 – 8:00 pm

Course Code: BSC3B1


Course Title: RETORIKA
Course Units: 3

MODYUL 4
SIMULAIN NG RETORIKA

1. Imbensyon

Hinati ni Hermagores ang paksa sa dalawang uri, tumutukoy sa panlahat na kaso at ang
mga tumutukoy sa mga tiyak o espisipikong kaso. Ang una ay tinatawag niyang tesis at ang
ikalawa ay haypotesis (hypothesis) — na kaiba sa alam nating kahulugan ng haypotesis sa
kasalukuyan.

Nagbigay naman si Aristotle ng dalawang pamamaraan ng imbensyon: malikhain at hindi


malikhain. Isinama ng mga manunulat at orador ang pamamaraang malikhain sa tinatawag na
sining ng retorika at kabilang dito ang pagbibigay ng depinisyon, pagkukumpara, pamamaraang
gamit ang halimbawa (induction), pamamaraang batay sa unibersal na pahayag (deduction) sa
mga karaniwang mga paksa. Samantala, ang hindi malikhain ay itinuturing na hindi na kabilang
sa larangan ng retorika gaya ng mga batas, kontrata, pagpapahayag ng testigo at pagpapaliwag
habang inimbistigahan.

MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGHAHANAP NG ARGUMENTO O IMBENSYON

a. Ang pangangailangan, inaasahan at isipan ng awdyens tungkol sa argumento.

b. Anong uri ng katibayan ang gagamitin (mga katotohanan, testimonya, estadistika,


mga batas, kawikaan, halimbawa o mula sa awtoridad) para mapaniwala ang mga
awdyens.

c. Paanong mas mabisang makapanghihikayat sa awdyens: katwiran (logos), emosyon


(pathos), karakter (ethos).

Katwiran (logos) dito galing ang salitang logic sa kasalukuyan. Ang paggamit ng mga
dahilan, maging ito ay pangatwiran batay sa mga halimbawa (inductive) at pangatwirang
may batayan (deductive) na gumagamit ng mga unibersal na pagpapahayag o paniniwala
para makabuo ng kongklusyon.

Retorika Page | 1
Halimbawa:
Pamamaraang Pabuod (Inductive) Cellphone, Computer, MP3 at marami pang iba na
kagamitang makabago na nagpapatakbo sa buhay ng mga kabataan. Ang mga ito ay
kinababaliwan nang maraming kabataan sa ngayon kung kaya't ang kanilang pag-aaral ay
nauuwi sa kawalan.

Emosyon (pathos) — galing dito ang salitang pathetic. Ito ay ang paggamit ng emosyon
para baguhin ang pananaw ng awdyens.

Halimbawa:
Pamamaraang Pasaklaw (deductive) — alam natin na kailanman hindi tayo tinalikuran ng
Diyos dahil alam niya kung ano ang ating pangangailangan kaya anuman ang nangyayari sa
atin tiyak na mas maganda ang plano ng Diyos para sa atin.

Karakter (ethos) — galing dito ang salitang ethical. Nakasalalay ang personalidad at
kredibilidad ng tagapagsalita upang makaimpluwensya ng mga awdyens. Ang artista ay
sinasabing “in character” kapag isinasantabi niya ang tunay niyang pagkatao sa sandali ng
kanyang pagganap at hinahayaan ang isang tiyak na katauhan na pumapaloob sa kanya
upang mapaniwala ang awdyens na siya iyon.

Halimbawa:
1. Isang binata na hindi pa nakadama ng tunay na pag-ibig pero gumaganap siya bilang
mangingibig na nagdaan sa maraming relasyon upang mapaniwala niya ang mga tao na
eksperto siya sa usaping damdamin.
2. Isang eksperto sa larangan ng pagsulat ng mga akda ang nagbigay ng kanyang
talambuhay kung paanong naging eksperto sa nasabing larangan.

d. Anong mga paksa ang gagamitin para pag-aralan ang sitwasyon at makapagbigay ng
ideya.

e. Ang tamang panahon at nababagay na pagsasagawa para sa komunikasyon.

2. Pagsasaayos — pinahahalagahan ng mga klasikong retorisyon ang tamang paraan ng


pagsasaayos o pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng pahayag.

Karaniwang Bahagi sa Pagsasaayos ng Pagpapahayag:

a. Introduksyon o panimula — inihanda ang mga awdyens para sa isyung tatalakayin.


Kinakailangang ihanda ng tagapagsalita ang tono ng pagtalakay na magiging kaiga-
igaya sa mga awdyens.
b. Pagpapahayag ng katotohanan — tinatalakay naman sa bahaging ito ang
pagpapahayag ng totoong pangyayari kaugnay ng isyu.

c. Pagpapahayag ng Tesis. Naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya. Isa itong


matibay na pahayag na naglalahad ng pinapanigang posisyon o pananaw tungkol sa
paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng mga datos o ebidensya.

d. Pagpapatunay - dito inihahayag ang katibayan kaugnay ng isyu.

Retorika Page | 2
e. Pagpapabulaan — ng mga magkakasalungat ang isyu bilang hamon sa argumento.

f. Kongklusyon – ito ay nagsasalarawan ng buod ng argumentong inilahad.

3. Estilo — binigyang-kahulugan ni Aristotle ang mahusay na estilo bilang maliwanag at


tamang pagpapahayag. Ang pagiging natural ay mapanghikayat, ang artipisyal ay kabaligtaran.

Nagbigay naman ng apat na katangian ng estilo si Cicero:

1. Katumpakan ng gamit ng salita.

2. Kaliwanagan ng pagpapahayag.

3. Kaangkupan sa okasyon at awdyens.

4. Kagayakan o paggamit ng palamuti sa pagpapahayag gaya ng tayutay.

4. Pagmememorya

Ang mga manunulat ay nagbigay ng dalawang uri ng memorya: ang natural at ang
malikhaing pagmememorya. Ang natural ay ang pagtanda sa pamamagitan ng pagtatanim sa
isipan. Ang malikhain ay naisasagawa sa pamamagitan ng pagsasanay at disiplina sa sarili.

Sa kasalukuyan, may mga kagamitang ginagamit bilang pantulong sa pagrnememorya


gaya ng mga teknolohiya (computer, multi-media), presentation at iba pa.

5. Presentasyon o Deliberasyon

Ang kakayahang may malaking gamit sa orador at mas pinahahalagahan para sa


panghihikayat. Ang kumpas at boses ang pinakamahalagang isinasaalang-alang dito.

Retorika Page | 3
COLAND SYSTEMS TECHNOLOGY COLLEGE, INC.
Penas Bldg, Sinsuat Avenue,
Cotabato City

S.Y. 2021-2022
1ST SEMESTER

Name: _______________________________ Schedule: MWF


Contact No. ___________________________ Time: 7:00 – 8:00 pm

Course Code: BSC3B1


Course Title: RETORIKA
Course Units: 3

LEARNING ACTIVITY SHEET


MODYUL 4

Pagsasanay:
Panuto: Sagutin ang mga katanungan ng may pagpapahalaga. Isulat sa papel / bondpaper ang
inyong mga sagot. Maari rin kayong sumagot dito mismo sa activitiy sheet. Para sa sasagot sa
papel/bondpapaer, kunan ng malinaw na larawan at pakisend sa aking messenger.
(Deadline: September 17, 2021 FRIDAY)

1. Magbigay ng halimbawa patungkol sa iyong buhay base sa mga sumusunod: 15puntos


a. Katwiran (logos)
b. Emosyon (pathos)
c. Karakter (ethos)

2. Ipahayag ang iyong sarili/buhay sa pamamagitan ng pagsulat ng sanaysay. Sundin ang


karaniwang bahagi sa pagsasaayos ng pagpapahayag. 35puntos

Retorika Page | 4

You might also like