You are on page 1of 1

MASINING NA PAGPAPAHAYAG Hanelyn Dalit Salamat BA COMM 2A

Pagiging Modernong Pilipino

ang bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya, ito ay nagkakaroon ito ay nagkakaroon


ng maraming kahalagahan upang maka ambag sa ating pamumuhay sa pang araw – araw. Sa
paglaganap ng makabagong uri ng media o ‘social media’ hindi makapani- paniwalang ang bilis ng
impluwensya nito sa buhay ng Pilipino. Naging bukas ang isipan ng bawat isa sa mga nangyayari sa
loob at labas ng bansa.

Social media din ang isa sa naging mitsa ng matinding pamamayani ng pag alipin sa atin ng
ating dila. Namamayani ito di dahil sa gusto or inanais natin na pasunudin tayo ng makamundong
bagay . subalit ito ay upang makasabay tayo sa ibang bansa. Upang madali tayong makauganay sa
mundo., Madali nating nalalaman ang mga napapanahong pamumuhay. Pansisnin na lang natin ang
kasalukuyang pag ‘sikat ng mga “KPOP” kung tawagin ng mga kabataan ngayon. Diba’t ang
mistulang grupo ng mananayaw at mangangawit ay madalas natin naririnig sa mga bibig ng
karamihan sating mga kabataan, pilit na binibigkas at sinasaulo ang mga liriko ng kanta ng kanilang
idolo, dahil kung hindi ay mababansagan kang nahuhuli ka sa uso.

Ngunit sa kabialang banda sa pagiging modern lang ba ng bansa ang dahilan ng pag kaalipin
satin n gating mga dila? Tingnan natin sa banda ng kongreso or gobyerno n gating bansa. Diba pati
ang ating mga batas ay orihinal na nakasulat sa wika ng ingles. Dahil ito ay sinulat or nilathala ng
mga tapos at mga bihasa na kongregista, na patuloy na nahubog ang pagsasalita at pagsusulat sa
wika ng ingles. Lingid din sa ating kaalaman na ang iba sa kanila ay nangibang bayan pa para pag
yamanin ang kanilang kaalaman tungkol sa pag gawa ng batas. At kadahilang nais nilang matuto
pinilit ilang aralin ang mga wika at kultura ng bansang pinuntahan nila, sa gayon ay makasabay sila
pamamalakad at paraan ng pag aaral.

Impluwensya ang malaking bagay na naging dahilan ng pang aalipin ng ating dila, ngunit
paano nga ba naman natin maiiwasan maimpluwesyahan kung ang sarili nating gobyerno or mga
namumuno ay unang nagpadala sa mga makabago at napapanahong bagay sa labas ng bansa.
Masisi ba natin sila o bawat isa kung tayo ay nagiging alipin na? kung ang nais lang ng bawat isa ay
mapagyaman at makatuklas ng bagong kaalaman mula sa ibang bansa na mayaman sa teknolohiya at
kabuhayan.

You might also like