You are on page 1of 19

KAKAYAHANG

PANGKOMUNIKATIBO
NG MGA PILIPINO
(KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO O GRAMATIKA)
Mahalagang tanong

Bakitmahalagang hindi lang


makapagsalita kundi magamit ang
tamang salita at may tama ring
gramatika kapag nag- uusap tayo?
Pagpapalalim na gawain

Sa araling ito’y tutukuyin at


papalitan mo nang mga mas angkop
na salita o pangugusap ayon sa
konsteksto ang paksang napakinggan
sa mga balita sa radio at telebisyon.
Simulan natin!

PANUTO:
Matutukoy mo ba kung may mali o wala sa
sumusunod na mga pangungusap? Ilahad ang
titik na makikita mong mali kung walang mali
ipahayag lamang ang titik D at pangatuwiran
ang iyong sagot.
Simulan natin!
1. Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang
A B
kabataang tulad mo. Walang mali.
C D

C. ang isang kabataang tulad mo

C. ang isang kabataang tulad mo?


Simulan natin!
2. Marami ang naniniwala sa kakayahan ng mga
A B
kabataang pilipino . Walang mali.
C D

C. ng mga kabataang pilipino

C. ng mga kabataang Pilipino.


Simulan natin!
3. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang
A B
pagharap sa totoong buhay . Walang mali.
C D
B. sina

B. sila
Simulan natin!
4. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya
A B
ay magkakaisa . Walang mali.
C D
D. Walang mali
Simulan natin!
5. Sila ay mahusay sa iba’t ibang larangan.
A B C
Walang mali.
D

C. sa iba’t ibang larangan

C. sa iba’t-ibang larangan
Alam mo ba?
 SiDell Hathaway Hymes ay
mahusay , kilala, at maimpluwensiya at
isang
anthropologist na maituturing na
“higante” sa dalawang nabanggit.
 Siyaay inilarawan bilang sociolinguist,
anthropologist, linguist, at linguistic
anthropologist
 Siyaay higit ns interesado sa simpleng
tanong na “Paano ba
nakikipagtalasatan ang isang tao?
 Mula sa kanyang pag- aaral ay ipinakilala niya ang
konsepto ng kakayahang pangkomunikatibo o
communicative competence na nakaapekto nang
malaki sa mundo ng lingguwistiko.
 Ang kakayahang lingguwistiko ay tumutukoy sa
abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng
maayos at makabuluhang pangungusap.
 Ang kakayahang komunikatibo naman ay
tumutukoy sa angkop na paggamit ng mga
pangungusap batay sa hinihingi ng isang
interaskyong sosyal.
 Hinihimok ni Dr. Hymes ang kanyang mga
tagasunod na pag-aralan ang lahat ng uri ng
diskursong nangyayari sa buhay tulad ng usapan ng
mga tao sa mesa; mito, alamat, at mga bugtong;
mga testimonya sa korte, talumpating pampolitika,
mga elehiya, ta mga saluting ginagamit sa
pamahalaan.
 Bahagi na gusto niyang malaman ay kung paano
nagkakaiba- iba ng mga ito sa iba’t- ibang kultura.
Kakayahang Komunikatibo
 Sa pagututro at pagkatuto ng wika, hindi sapat na
matutuhan lang ang mga tuntuning panggramatika.
 Ang pangunahing layunin sa pagtuturo ng wika ay
magamit ito nang wasto sa mga angkop na sitwasyon
upang (1.) maging maayos ang komunikasyon, (2.)
maipahatid ang tamang mensahe, at
(3.)magkaunawaan nang lubos ang dalawang taong
nag- uusap.
 Kapag umabot na rito, masasabing ang taong ito ay
nagtataglay na ng kakayahang komunikatibo at hindi lang
basta kakayahang lingguwistiko o gramatikal kaya naman
maituturing na isang mabisang komyunikeytor.
 Ang kakayahang komunikatibo ay nagmula kay Dr.
Hymes na nilinang nila ng kasamahan niyang si
John J. Gumperz ang konseptong ito bilang
reaksiyon sa kakayahang lingguwistika (linguistic
competence) na ipinikilala naman ni Noam
Chomsky noong 1965.
 Ayon sa orihinal na ideya ni Hymes, ang
nagsasalita ng wika ay hindi lang dapat magkaroon
ng kakayahang lingguwistika o gramatikal upang
epektibong makipagtalastasan gamit ang wika.
 Nararapat din niyang malaman ang paraan ng paggamit
ng wika ng lingguwistikang komunidad na gumagamit nito
upang matugunan at maisagawa ito nang naaayon sa
kanyang layunin.
 Simula nang maipakilala sa diskursong panlingguwistika
ang konsepto ng kakayahang komunikatibo, maraming
pag- aaral at mga mungkahi na ang inilabas ng mga
dalubhasa patungkol dito.
 ang isang taong may kakayahan sa wika ay dapat
magtaglay hindi lang ng kaalaman tungkol dito kundi ngg
kahusayan, kasanayan, at galing sa paggamit ng wikang
naaangkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo galing
sa paggamit ng wikang naangkop sa mga sitwasyong
pangkomunikatibo. (Bagaric, et. al. 2007)
 Sa pagtamo ng kakayahang pangkomunikatibo,
kailangang pantay na isaalang- alang ang pagtalakay
sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma o
kayarian (gramatika) ng wikang ginagamit sa teksto
(Higgs at Clifford 1992).
 Naniniwala naman si Dr. Fe Otanes (2002), na ang
paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang
idudulot nito sa mag-aaral, na matutuhan ang wika
upang makapaghanapbuhay, makipamuhay sa
kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang
kagandahang ng buhay sa kaniang ginagalawan.
 Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sumasakop sa
mas malawak na konsteksto ng lipunan at kultura-
ito’y wikang ginagamit at hindi lang basta wika at
mag tuntunin nito (Shuy 2009).
 Bilang isang lingguwistika, binigyan diin ni Dr. Hymes
sa kanyang mga katrabaho ang pag- uugnay ng
kultura sa wika.
 Ito’y isang kakaibang pananaw sa panahong siya’y
nagsisimula pa lang sa kanyang karera noong mga
huling taon ng 1950’s subalit hindi siya napatinag sa
paniniwalang sa pahayag ng mga tao’y gumagamit
sila nang higit pa sa salita.
 Sa kasalukuyan, ang pananaw na ito ay tanggap at
ginamit na sa pag- aaral ng wika sa iba’t-ibang panig
ng mundo kasama na ang ating bansa.
 Isng pagpupugay para sa dakilang lingguwistikang
sumasalungat sa nakasanyan at nagbigay nang higit
na kahulugan sa paraan natin ng pagkatuto ng wika.

You might also like