You are on page 1of 3

MODYUL 10 BARYASYON NG WIKA: DIMENSYONG SOSYAL

Ang SPEECH COMMUNITY ay isang pangkat ng mga taong may pinagsasaluhang mga tuntunin
at inaasahan ukol sa paggamit ng wika. Ang SOSYOLINGGUWISTIKA naman any pag aaral ng
mga katangiang lingguwistiko ng wika na may halagang panlipunan sa mga taong gumagamit
nito sa loob ng isang speech community (Yule, 2010). Pag aaral-ito ng ugnayan ng wika at
lipunan, o ng iba’t ibang gampanin ng wika sa lipunan (Wardhaugh, 2010). Ang lipunan
naman ay anumang pangkat ng taong nagsama-sama para sa tiyak na layunin habang ang
wika ay ang midyum na gamit nila upang makapag usap at magka unawaan (Wardhaugh,
2010). May malapit ang ugnayan ang sosyolingguwistika sa antropolohiya dahil pinag aaralan
nito ang relasyon ng wika at kultura, gayundin ang sosyolohiya dahil pinag aaralan nito ang
papel ng wika sa pagkakaayos ng pangkat ng mga tao at institusyon sa lipunan (Yule, 2010).

DEYOLEK O INDIVIDUAL DIALECT


Ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsulat ng tao na nagsisilbi niyang
pagkakakilanlan; ito ang barayti ng wika na masasabing “personal” o “ekslusibo” sa bawat
tao.
2.Sosyolek o Social Dialect
Ito ang kolektibong wikang gamit ng partikular na pangkat ng mga tao sa lipunan. Ayon kay
Yule (2010), nakatuon ang sosyolek sa pag aaral ng wika ng mamamayan sa isang bayan o
lungsod, di tulad ng diyalekto na mas nakatuon sa wikang gamit ng mga taga lalawigan.

A. EDUKASYON
Hindi lamang tinutukoy ng edukasyon ang pormal na edukasyon na tinapos sa
paaralan kundi maging impormal na edukasyon, gaya ng ginagawa ng isang taong
nagpapayaman ng kaalaman sa sariling pagbabasa bat ang di pormal na edukasyon
gaya ng ginagawang pagtuturo sa pamamagitan ng radio. Makikita sa sosyolek ng mga
taong nakakapag aral ang higit na sopitikasyon sa pagpapahayag, gaya ng
pagkakaroon ng mas tamang gramatika dahil sa napag aralan ng estraktura ng wika.
Mas alam nila ang tamang pagbigkas ng mga salita (ponolohiya), ang mga paraan sa
pagbuo ng salita (morpolohiya), ang wastong kayarian ng pangungusap (sintaks), at
ang ibat ibang paraan ng pagpapakahulugan(semantiks). Kahit paano ay malay rin sila
sa mga elementong sangkot sa matagumpay na komunikasyon, gaya ng ispiker,
mensahe, awdyens, wika, midyum, konteksto at feedback, ingay, at iba pa, kaya kapag
nagkakaproblema sa pagkakaintindihan ay kaya nilang matukoy kung alin ang depekto
at kung paano ito maayos. Mas malalim din sila sa pagbuo ng ibat ibang diskurso,
pasalita o pasulat, kaya ka nilang makapag hatid nito sa kinauukulan at makaintindi
rin nito kung sila naman ang tatanggap.
B. PROPESYON
Pinayayaman ng propesyon ng isang tao ang wikang gamit niya dahil naipapasok niya
rito ang teknikal na kaalaman ng kaniyang larang. Halimbawa, kapag kinurot ng isang
babae ang kaibigan niyang lalaking abogado, maari siya nitong biruin na sasampahan
ng kasong serious physical injuries o kapag biglang nanghina o nahilo ang kasama niya,
maaring magteorya ang doctor na baka may hypoglycemia ito kaya dapat uminom ng
soda para magkaroon agad ng sugar. Kung magsama sama ang mga taong may
magkakatulad na propesyon, maaring mas mamalasak ang paggamit nila ng mga
teknikal na salita dahil nagkakaintindihan na sila, hindi katulad kapag ordinaryong tao
lamang ang kausap nila na kailangang gumamit ng wikang madaling maintindihan o
gawing limitado ang paggamit ng mga teknikal na salita

ESTILO NG PANANALITA
Tinutukoy nito ang antas ng pormalidad ng paggamit ng wika.
Nakaka apekto rin sa pormalidad ng paggamit ng wika ang kausap. Halimbawa, kapag
nakikipag usap usap ang isang estudyante sa punong guro ng kanilang paaralan, kailangan
nyang makipag usap ng may pitagan. Kaiba naman ang sitwasyon kapag kausap ang
estudyante ang matalik niyang kaibigan; kaswal lamang ang pag uusap at itinuturing na
normal kahit pa mag mura siya. Tinatawag na divergence ang pananalitang lumilikha sa
distansya sa kausap upang iparamdam dito ang pagkilala sa kaniyang katayuan o awtoridad
samantalang convergence ang paggamit ng pananalitang nagpaparamdam ng paglapit o
pagiging komportable sa kausap. Isang halimabawa ng divergence ang pagtawag sa isang tao
sa kaniyang titulo, paggamit ng po at opo, at paggamit ng maraming panghalip kahit iisa lang
siya (hal. “May gusto po akong sabihin sa inyo, Dr. Reyes, kung mamarapatin ninyo”) Isang
halimabawa ng convergence ang paglalambing sa isang tao o pagtawag sa kaniya ng mga
pangalan at ang bigay na bigay na pakikipag usapm sakaniya. (hal. “Uy bro, may sasabihin
ako, kung okay lang”)

2. REHISTRO
Ito ang natatanging wikang gamit sa tiyak na konteksto. Maari itong maging sitwasyonal kung
ang rehistro ay akma sa isang sitwasyon,okupasyonal kung gamit ng mga propesyonal sa
kanilang trabaho,at topical kung ginagamit sa pagtalakay o pag—usap ng isang
paksa.Halimbawa ng sitwasyonal na rehistro ang pagmimisa ng pari gamit ang wikang
eklesiyastiko at ang pagpapaliwanag ng mga kawani ng eroplano ng mga gabay
pangkaligtasan gamit ang wikang pang-abyasyon.Halimbawa naman ng okupasyonal na
rehistro ang pag-uusap-usap ng mga doktor gamit ang wikang medikal,ng mga abogado gamit
ang wikang legal, o ng mga negosyante gamit ang wikang pangkomersiyo.Halimbawa naman
ng topical na rehistro ang pagpapaliwanag sa mga bahagi at gamit ng isang bagong-labas na
smartphone na di maiiwasan ang paggamit ng mga terminong teknikal o ang pagpapaliwanag
tungkol sa red tide na hinde maiiwasan ang paggamit ng mga terminong pang-oseanograpiya

3. JARGON
Ito ang espesyal na teknikal na bokabolaryo ng isang larang.Gamit ito sa rehistro upang
makilala ang pagiging natatangi ng rehistrong iyon sa sitwasyon,okupasyon,ng paksang
pinaggagamitan nito.Ito rin ang nagsisilbing paraan ng mga ’’tagaloob’’ng isang larang upang
makilala ang isa’t isa at magkaroon ng ugnayan,at maihiwalay sa kanila ang mga
‘’tagalabas.’’Ilang halimbawa nito ang mga salitang
international,domestic,accommodation,transportation,attraction,souvenir,inbound,outboun
d,psychocentric,midcentric,allocentric,at iba pa sa larang ng turismo at ang executive chef,
sous chef, chef de partie, saucier, rotisseur, pâtissier, toque, mis en place, at iba pa sa larang
ng culinary arts.

4. BALBAL
Ito ang itinuturing na wika ng kalye na ginagamit sa karaniwang usapan.Produkto lamang ang
wikang ito ng pagkamalikhain ng taong bumubuo ng mga salitang may natatanging kahulugan
para hindi maintindihan ang kanilang usapan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang
pangkat.Iba-iba rin ang mga alituntunin sa pagbuo nito dahil hindi katulad ng morpolohiya sa
Filipino na may mga tiyak na batas, tinatanggap dito ang anuman basta mapapakinabangan
sa usapan at tatanggapin ng mga gumagamit.Ilang halimbawa nito ang ‘’erpat’’ (ama) at
’’ermat’’ (ina) na pagbabaligtad ng orihinal na salitang father at mother , ‘’yosi’’ na nabuo
mula sa mga piling pantig ng isang salita (‘’yo’’ sa huling pantig at ‘’si’’ sa unang pantig ng
salitang ‘’sigarilyo’’);’’baskil’’ na pinagsamang piling mga pantig ng isang salita (‘’bas’’ mula sa
‘’basang’’ at ‘’kil’’ mula sa ‘’kilikili’’); ‘’Crayola’’ (iyak) na bahagi ng salita (cry) ay bumibigkas
sa salitang naglalahad ng kahulugan nito; ‘’Luz Valdez’’ na pangalan ng isang kilalang
personalidad na ganamit para tumutukoy sa isang kalagayan, sa kasong ito, ng pagkatalo ; at
‘’jabar’’ (pawis), ‘’tukneneng’’ (ilog na balot ng harina), ‘’jologs’’ (baduy), at iba pa na
simpleng produkto ng malikhaing pananalita ng mga gumagamit nito.

You might also like