You are on page 1of 30

MARIA CLARA AT IBARRA

Isinulat Dr. Jose P. Rizal

TAGAPAGSALAYSAY: Ang programang ito na hango sa mga nobela ni


Jose P. Rizal ay isasadula gamit ang mga
elementong pang-drama upang itulay ang
kasalukuyan at nakaraang panahon sa isang
natatanging reimagined na obra ng
pinagmamalaking pambansang literatura.

EPISODE 1
ACT 1, SCENE 1
TAGAPAGSALAYSAY: Noong isang gabi ng setyembre, umuulan at tuloy
tuloy ang pagbagsak ng kulog at kidlat....... Dalawang guwardiya
sibil ang sumilong sa ilalim ng ambi ng gusali malapit sa
kumbento ng mga madre.

GUWARDIYA SIBIL 1: Hostia, Fantasma!


GUWARDIYA SIBIL 2: Hindi siya isang multo kabu, nakikilala ko po
ang babae singrikit ng birhen siya po ang
binibini na kung tawagin nila ay si… Maria
Clara.
MARIA CLARA: (umiiyak) Ave Maria, gratia plena, Dominus
tecum. Benedicta tu in mulieribus, et
benedicturs fructus ventris tui, hesus. Santa
Maria, Master Dei, Ora pronobis peccatoribus,
nunc et in hora mortis nostrae. Amen.
Mama!!!!!! Anong at akoy iyong isinilang na
may kakambal na sumpa?! Ipinakikiusap ko sa
iyo, ako’y iyong kunin at dalhin sa iyong
pinaroroonan kasama ang panginoong Diyos,
kung saan hindi na ako maaring masaktan pa…
Oh aking ina, sunduin mo na ang iyong bugtong
na anak kasama ang mga santo at mga
anghel....... Mi vida ya no tiene sentido!!!!
Si te vas!!!
ACT 2, SCENE 2
[Sa silid-aralan ng PLM o Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.]

PROFESSOR: Nagwakas ang kwento ng Noli Me Tangere na


isinulat ni Jose Rizal sa isang epilogo kung
saan isinasalaysay ang mga naganap sa mga
pangunahing character gaya ni Maria Clara na
sinasabing kinatha ni Rizal bilang
paglalarawan sa mga kababaihang Pilipino
noong ika labing siyam na siglo……………… Miss,
Maria Clara Infantes?... Maria Clara
Infantes!
KLAY: Sir?
PROFESSOR: Kamusta tulog mo?
KLAY: Ako sir tulog? Hindi po, nakapikit lang po ko
pero nakikinig po ko sa inyo. Ninanamnam ko
po yung mga sinasabi niyo kasi ang ganda po
eh.
PROFESSOR: Abir, paano nga ulit nagwakas sa kwento si
Maria Clara sa Noli Me Tangere?
KLAY: Ah, sir ano po.
PROFESSOR: See? Palusot pa more. Papano kung dika absent
lagi kang late.
KLAY: Sorry po.
PROFESSOR: Gumawa ka ng book review ng Noli Me Tangere
at ang essay nito kung bakit napapanahon
parin hanggang ngayon ang librong ito! Kapag
ito’y naaprubahan ko e pre present mo yan sa
klase.
KLAY: (nagulat) Sir, teka lang. Agad-agad?
PROFESSOR: Oh bakit? Hindi ba dapat sumasabay ka sa mga
pagbabasa dito sa klase pero anong ginagawa
mo?! Natutulog ka! Napaka iresponsable mong
estudyante! Isa submit mo yan sakin at kapag
hindi.. hmp..... Ibabagsak kita.
KLAY: Sir wag! Hindi naman ako genius sir!....
(tumatakbo) Sir sandali! Sir! Sir! sandali
lang! Sir! Sir! Mr. Torres........ Sir! Sir
Torres! Sir! Sir, sandali lang naman. Sir.
Ah! Sir?
TAGAPAGSALAYSAY: Nagulat si Klay at hindi makapaniwala ng
biglang nawala si Mr. Torres sa kanyang
paningin. Tumitingin tingin siya sa kanyang
paligid nagbabakasakali na baka makita niya
ito ngunit wala siyang nahagilap kahit na
anino ni Mr. Torres..

ACT 3, SCENE 3
[Sa resto ng pinagtatrabahoan ni Klay]

TRABAHADOR 1: O sige na double time oh. Lagay mo yan sa may


gilid.. Alam mo? Dapat hindi ka nagluluto ng
sobra sa atin eh. Pag hindi yan nabili satin
ibabawas yan.
TRABAHADOR 2: Talaga po? Bakit po satin?
TRABAHADOR 1: Hay naku! alam mo yang mga negosyante tuso
yang mga yan. Halimbawa pasobrahan ka ng
inventory, mapanisan ka, matakbuhan ka ng
customer. Alam mo lahat tayo, tayo magbabayad
niyan, tayo mag aabuno e buti sana kung
malaki sahod natin eh. Kaya dapat maging
sigurista tayo huh?!

[Sa kabilang dako.....]

GIRLY: Order ng table 4............. Asan na sila?


Baka may iniwan na pera dito teka..... Klay!
nagbayad naba yung table 8? Check mo nga
diyan.
KLAY: Hindi pa
GIRLY: Ay hala! Baka ka aalis lang.
KLAY: Huh? (natataranta)
GIRLY: Bilis
KLAY: Mga sir! Sorry hindi pa po kayo nagbabayad!
Sir sandali lang! Hindi pa po kayo
nagbabayad! Sir! Hoy! (tumatakbo) Sir!
Sandali! Hoy!..... Hoy! Hindi pa kayo
nagbabayad! Bumalik kayo dito! (napaiyak)
TAGAPAGSALAYSAY: Bumalik sina Klay at si Girly sa resto
na labis ang pagkadismaya dahil tinakbuhan
sila ng customer.

MANAGER NI KLAY: Uhm, diba sabi ko okay lang mag aral basta
wag lang nagpapabaya sa duty niyo.
KLAY: Ma’am sorry po may assignment po kasi ako eh
kailangan ko pong matapos.
MANAGER NI KLAY: No excuses, basta yung bill nila huh iaawas
sayo dahil kasalanan mo.
GIRLY: Hala! Ang dami pa namang inorder nila, pano
na?
MANAGER: Uhm, marisi. May mga customer talaga na
balasubas kaya dapat e look out niyo yan.
Back to work!
GIRLY: Yes ma’am, sige po.
KLAY: Palinis nalang nong table
GIRLY: (bumuntong hininga) sige.
KLAY: (napaiyak)

TAGAPAGSALAYSAY: Labis na nalungkot si Klay sa kanyang sarili


dahil sa nangyari ngunit huli na ito at wala
na siyang magagawa.

ACT 4, SCENE 4
[Sa labas malapit sa resto ng pinagtatrabahoan ni Klay.]

KLAY: Ay!
GIRLY: Day! Day! Hoy! Nakaltas na ni ma’am. 2k daw
ibabawas sayo.
KLAY: Tatlong araw ko nang trabaho yun ah.... Para
naman akong nag tatrabaho ng libre dito eh.
Hindi pako natutulog ng maayos. Makarma sana
yung tatlong lalaking yun. Sana sumakit yung
mga tiyan sa mga kinain nila. Ma LBM sila ng
1 month! Damay mo na yang si.. sir Boomer,
isa pang toxic yan eh.
GIRLY: Oo tama pala, Baka hindi mo matatapos
assignment mo day.
KLAY: Thank you.
GIRLY: Unless hindi ka na naman matutulog pag uwi.
Hmm?
KLAY: Ewan ko bahala na.
*May tumatawag
KLAY: Hello ma?
NARCISA: Nasan ka? Anong oras ka uuwi?
KLAY: Andito pa po ko eh. Ah, turn over po kasi
kaya kami naglilinis para sa next shift.
GIRLY: Charity work na po to tita! Wala kasing pay
yung turn over namin! Ganun sila ka bad sa
amin.
KLAY: Shh
NARCISA: Naku! Tapusin niyo na yan
KLAY: Patapos narin po ko dito. Pauwi narin po
ako.
NARCISA: Okay ingat, see you anak.
KLAY: Sige po ma
NARCISA: Babye.
KLAY: See you, Babye.
KLAY: Hmm saklap talaga oh. Isipin mo ni burger
wala akong iuuwi sa kapatid ko tsaka kay
mama.
GIRLY: Wala day eh, mga HL tayo eh.
KLAY: Hampaslupa talaga no?
GIRLY: Lalo kana. Hmm, 3 days yung kaltas sayo. Alam
mo ALP kana day as in Alipin.
KLAY: (tumawa nang marahan)
GIRLY: Oh dali na. Pasok na tayo.
KLAY: Sige susunod ako.

TAGAPAGSALAYSAY: Pagod na tumingin si Kyay sa mga basurang


nagkalat at pinulot niya ito para makauwi
na siya.

ACT 5, SCENE 5
[Sa bahay nina Klay]
KLAY: Ma! Bat di ka pa natutulog?
NARCISA: Ay, lilipat ko lang ng lalagyanan yung ulam
baka mapanis.. Kakain kaba?
KLAY: (nagtataka) Patingin, patingin.
KLAY: (napatingin sa kwarto ng kanyang ama-amahan
at hinampas ang mesa)
NARCISA: Maria Clara.. Klay!
KLAY: Tito Ronald! (sabay hampas sa pinto)
NARCISA: Klay?!
KLAY: Tito Ronald!
NARCISA: Maria Clara!....
KLAY: Tito Ronald
NARCISA: Bakit ba?... Ha? Bakit?
KLAY: Eh! Namamaga na naman yung mukha niyo
sinaktan na naman kayo ni Tito Ronald noh?
Tito Ronald!!
NARCISA: Mali ka, nadapa ako kanina.. nadapa ako.
KLAY: Tito Ronald!!
RONALD: (lumabas sa kwarto) Ano ba yan!? Bakit ba ang
ingay ingay mo!?
KLAY: Ano to? (tinuro ang pasa sa mukha)
RONALD: Anong ano to?
KLAY: Sabi mo hindi kana uulit diba? Bakit namamaga
na naman mukha ng nanay ko? Sinaktan mo
naman! Anong gusto mo? Mag barangayan na
naman tayo ha!?
RONALD: Hoy Narsing, sabihin mo nga sa anak mo
sinaktan ba kita? Sabihin mo!
NARCISA: Hindi nga kasi, hindi. Hindi ka nakikinig eh!
Nadapa ako, nag bibintang ka ka agad. Mag
sorry ka.
KLAY: Ma!?
RONALD: Oh ano? Baka di mo narinig nanay mo. Hindi ko
sinaktan, bintang ka ng bintang eh!
NARCISA: KLAY, ayokong mag away kami..... (sabay hawak
sa pulso ni Klay) Mag sorry kana.
KLAY: (galit na tumingin) Sorry po. (sabay bawi ng
kamay)
RONALD: Wala kang utang na loob eh. Bakit? Yung tunay
mong tatay pinalamon kaba? Ha!? Hindi ba ako
umako sayo? Tapos gagantuhin mo ko? Pag ito
naulit pa tandan mo ha papalayasin kita!
NARCISA: Nag sorry na....nag sorry na
KLAY: Kaya nga po ako nagtratrabaho para hindi ako
maging pabigat sa inyo.
RONALD: Sumasagot pa talaga to eh! Ano gusto mong
mangyari ha?!
NARCISA: Tumahimik ka na kasi... tumahimik
kana .....Pasensya na.
RONALD: Kausapin mo yan ah
NARCISA: Pasensya kana. Pasensya kana.
RONALD: Wala naman akong problema eh.
NARCISA: Pasensya na
RONALD: Ako lang naman maaasahan dito eh. Bwiset!
Nagpapahinga ang ingay ingay!
NARCISA: Ronald! Ronald!
KLAY: (nagbuntong hininga)

ACT 6, SCENE 6
[Sa kwarto ng kaniyang kapatid]
ELIAS: Uhmm, ate?
KLAY: Hmm
ELIAS: Hmm, May burger ka?
KLAY: Hmm, burger na naman. Sorry wala eh. Hindi pa
sumisweldo si ate.
ELIAS: Uhmm.
KLAY: Sorry na, ikaw naman. Pagod na pagod na si
ate susungitan mo pa eh. Kailangan ni ate ng
super hug. Sige na. Sige na. Sige na
(nagyakapan).................................
................... Elias may tatanong ako
sayo. Nag away ba si mama tsaka ang papa mo?
ELIAS: Opo. Nagalit kasi si papa kay mama eh.
KLAY: Sabi ko na eh. Higa ka na. Bakit na naman daw
siya nagalit?
ELIAS: Hmm, nagastos kasi ni mama yung pera ni papa.
Kasi.. Nag pay daw si mama sa utang kay Aling
Daisy... Tapos bigla nalang ni punch ni papa
si mama. Ganito oh. (sabay suntok ng mahina
sa mukha ni Klay)
KLAY: Aww..... Halika nga dito.... Elias mag
promise ka kay ate ha? Wag na wag mong
gagayahin ang papa mo. Hmm?
ELIAS: Uhm.
KLAY: Wag na wag kang mananakit ng kahit sino.
Lalong lalo na ng babae kasi ang lalaking
nananakit walang kwenta yan… Kaya wag na wag
mong gagawin yun kundi magagalit si ate sayo.
ELIAS: Hmmmm!! Hmm! Ayoko naman ikaw magalit.
KLAY : Di mo gagawin yun?
ELIAS: Opo.
KLAY: Promise?
ELIAS : Promise.
KLAY : Hmmm tulog kana.
ELIAS: Goodnight
KLAY: Goodnight

TAGAPAGSALAYSAY: Kung meron mang isang tao ang pinakamalas si


siguro si Klay na ito. Pinatulog niya ang
kanyang kapatid pagkatapos ay nagpahinga na
at nag-iisip. Kinabukasan....

ACT 7, SCENE 7
[Sa bahay ng kanyang tunay na ama]
KLAY: Ay!
KASAMBAHAY: Uy! Maria Clara magkano daw ba kailangan mo?
KLAY: Eto naman si Ateng Lanie parang others buong-
buo talaga Maria Clara? Klay nalang…
KASAMBAHAY: Sige, Klay.
KLAY: Ahmm, pwede ko bang makausap si papa?
KASAMBAHAY: Naku! busy may phone call. Sabihin mo nalang
kung magkano para ako na magsabi
KLAY: Ahmm… Ano eh. (Pilit na ngumiti) 12k
KASAMBAHAY: Ahh, 12k.
KLAY: Medyo Malaki sorry kailangan kasing ma
bayaran ni mama yung utang sa step dad ko eh
pakisabi kay papa pasensya na talaga sa
istorbo, gipit lang talaga ako ngayon.
KASAMBAHAY: Ohh sige sige akong bahala ako magsabi ha?
KLAY: Sige, thank you (Ngumiti)
KASAMBAHAY: Ohh sige diyan ka lang ha?
KLAY: Sige.
DAD NI KLAY: (nakikipag usap sa tumawag) Hello? Sabihin mo
kay Insik masyadong mataas ang 20 percent na
interest na hinihingi niya.. Ano? Siya nalang
ang kikita? Eh pwede naman tayong pumunta sa
bangko eh. Ang problema sa bangko ang dami
pang dokumentong hinihingi. Oh pero-
KASAMBAHAY: Sir? 12k daw po
DAD NI KLAY: (nakikipag usap parin sa tumawag)Oh sige
patulan na natin… O sige, no problem. Kunin
mo wallet ko sa taas. (pakiusap sa
Kasambahay)
KASAMBAHAY: Sige po.
ASAWA: Malaki nayang anak mo sa labas ha Rondulf,
hindi paba niya kayang tumayo sa sarili
niyang mga paa.
DAD NI KLAY: Hayaan na natin para walang masabi. (Humalik
sa ulo)
Asawa: Hay naku, baka mamaya nag bibisyo nayang anak
mo sa baba emo, masayang lang yung pera
natin.
DAD NI KLAY: Hindi ko babae si NARCISA. Saka wala naman
sakin si KLAY, ayoko na siyang problemahin…
Ya!? Yung wallet ko!
KASAMBAHAY: Eto po. (sabay bigay ng wallet)
DAD NI KLAY: Kulang pala cash ko. Ya, sabihin mo kay KLAY
mag tra transfer nalang ako sa account niya
bukas.
KASAMBAHAY: Sige po (lumakad palabas at biglang tinawag
si KLAY ng makita niya ito)…….. Klay! Klay!
KLAY: (bumaling sa kasambahay) Te!
KASAMBAHAY: Sabi ng papa mo mag tra transfer nalang daw
siya sayo bukas. Wala siyang cash eh.
KLAY: Okay sige, thank you.
KASAMBAHAY: Tara na ihatid na kita.
KLAY: Ah sige.
KASAMBAHAY: Halika na.

KASAMBAHAY: Ay! (tumakbo) KLAY! Etong babae to… KLAY!


KLAY: Magandang gabi po pa.
DAD NI KLAY: KLAY, diba sinabi sayo ni Yaya bukas na ako
mag tra transfer ng pera sa account mo.
KLAY: Opo, nasabi niya na po. Salamat po.. Ah, may
gusto lang po sana akong itanong sa inyo pa
eh.
DAD NI KLAY: Ya e akyat mo nato (sabay bigay ng wallet)
KLAY: Pwede po ba tayong sa labas nalang mag usap?
ASAWA : Naku! Dito nalang para marinig ko na rin yung
pinag uusapan niyo.
DAD NI KLAY: Oo nga. Ano ba yon? Sabihin mo na.
KLAY: Ahm, papa bakit hindi niyo po pinakasalan si
mama nong nabuntis niyo siya?.. Bakit niyo po
kami pinabayaang dalawa?....... Ah, sorry po
ah wala naman po akong masamang intension.
Wala po akong ibang motibo. Gusto kolang po
talagang malaman. Ang totoo po niyan okay
naman na po kami ngayon. Ah, may bago napong
asawa yung mama ko, mabait naman po siya
samin, maganda po yung trato niya samin.
Gusto kolang po talagang malaman kung bakit
wala po kayong ginawa.
DAD NI KLAY: Hindi ko mahal ang mama mo.
KLAY: Po?
DAD NI KLAY: Lasing kami, alam mo na yon. Pareho kaming
nagkamali pero ang importante…. Tinanggap ka
naming.
KLAY: (tumatango)
ASAWA : Ano kaba naman **** e preno mo bibig mo… Iha.
(bumaling kay Klay) Halika kumain ka muna
dito.
KLAY: Ah hindi okay na po, busog po ako.. Thank you
po.. Pa, sir thank you po for being honest.
Una na po ko. (tumalikod)

TAGAPAGSALAYSAY: Agad namang umalis si Klay at dahil sa mga


sinabi ng kaniyang ama nalungkot at umiyak
siya pagkatapos ay hinawi niya agad ang
kanyang mga luha at umalis na.

ACT 8, SCENE 8
[Nagtatawagan sa telepono]
NARCISA: Oh nak. Bakit? (nakikipag usap kay Klay sa
telepono)
KLAY: Ma na send kona po sa inyo yung pera. E cash
out niyo na yon po para mabayaran niyo na si
RONALD.
NARCISA: Pano mo nalaman?... Elias!..
KLAY: Ma okay na po wag niyo nang pagalitan. Hindi
naman siya nag sumbong eh. Ako yung
nagtanong. Tsaka isa pa alam ko naming lagi
mong pinagtatakpan yang si Ronald.
NARCISA: KLAY.
KLAY: Sige na po may klase pa ako. Babo ma! Labyu!
GIRLY: Day!! Hello! Luh? Anong nangyari? Bat parang
bad vibes ka diyan.
KLAY: (bumuntong hininga ng malakas) Ang kapal
talaga ng mga mukha ng lalaki. Hinding hindi
ako mag titiwala sa mga hayop na yan (sabay
tingin ng masama sa mga lalaking naglalakad)
Kung hindi abuser, irresponsable, pag
nakabuntis sasabihin wala. Ganun nalang yon?
Naku! Hindi na hoy.
GIRLY: Hoy! Huwaw naman. Winner ang hugot mo day!
San galing? Spill the tea nga dali!
KLAY: Wag kanang marites. Halika na. Tara na.
GIRLY: Ay! okay.…….
GIRLY: Ay hala ka day! Day di mo matatapos yan.
Promise di talaga.
KLAY: Day wala akong choice ibabagsak ako ni sir.
Sige na isesend kona to ng mabilis. Hay naku
Lord ano pa!? ano pa!?
GIRLY: Day day no more drama na ha. Eto! Jose
Rizal’s Noli Me Tangere book report. Eto na
day e pri print nalang natin to tingnan mo
oh. Basahin mo.
KLAY: Gusto mo kung mag cheat?
GIRLY: Hoy day! dalawa lang ang choice mo ha
babagsak ka or gra graduate? Mamili ka day
ha. Oh basahin mo yan cr muna ako okay? Bye.
KLAY: Hoy!

ACT 9, SCENE 9
[Sa opisina sa ng kanyang Professor sa PLM]
KLAY: Hi sir. Eto na po, pinagpuyatan ko po yan
kaya sana naman ipasa niyo na ko yan nalang
yung back subject ko eh. Excited na kong maka
graduate this year.
PROFESSOR: (binasa) Para sa akin bilang isang anak,
kapatid.. Miss Infantes
KLAY: Po?
PROFESSOR: (binabasa parin) Si Rizal ang unang gumising
sa mga natutulog sa isip at- hindi mo ginawa
ito? Gawa ito ng estudyante ko last year. San
mo to kinuha? Ha? Online? Plagiarism,
cheating, pag nanakaw sa pinag paguran ng
iba. Alam mo ba ang parusa diyan? Expalsion…
Mabuti nalang at naawa ako sa magulang mo
kaya hindi na kita tatanggalin sa unibersiDAD
NI KLAY na ito. Ano? Pangalawang beses mo
nang kinukuha to. Meron bang pangatlo? I
don’t want to see you in my class. See you
again next year. Next sem.
KLAY: Sir sandali lang, eh wag naman pong ganun.
Sir working student po ako at sa totoo lang
hindi ko na po kakayin kung mag aaral ako
hanggang next year. Sarili ko nalang po ang
inaasahan ko at pagod na akong supportahan
ang sarili ko sir.
PROFESSOR: Oh hindi ba dapat ay pinagbubuti mo ang pag
aaral mo dahil diyan.
KLAY: Yon nga po ang ginagawa ko sir. Sobrang okay
ako sa ibang subjects ko dito lang naman ako
hirap eh dahil hindi ko po gets kung anong
saysay ng subject niyo sa course kung
nursing.
PROFESSOR: How dare you say that?
KLAY: Sorry sir I didn’t mean to offend you real
talk lang po. Hindi ko kasi maintindihan kung
pano makakatulong sakin maging skillful sa
pag dre dress ng wounds at sa pagkakabit ng
IV sa isang pasyente like a pro ang pagbabasa
ng Noli. Unfair naman po sakin isang minor
back subject lang hindi ako makakamartsa?
PROFESSOR: Ang ibig mong sabihin walang saysay ang
librong ito na nagbigay ng napakalaking ambag
sa struggles natin as Filipino?
KLAY: Ah struggles po ba? Ay alam na alam ko po
yan. Pagtratrabaho ko araw-araw lagpas 8
hours gabi-gabi sa isang trabahong naghahanap
lagi ng excuse para hindi ako pa sweldohin
pero wala akong choice kasi meron akong amang
walang pakialam sakin at meron akong step Dad
na nasa bahay nga pero walang ibang ginawa
kundi bugbugin ang nanay ko! Yon ang totoong
struggles para sa akin sir.
PROFESSOR: I’m sorry sa mga issues mo pero hindi yan ang
ibig kung sabihin. Kaya walang nangyayari sa
bayang ito dahil sa mga Pilipinong kagaya mo
na walang pakialam sa totoong estorya ng
kasaysayan.
KLAY: Truth be told sir. Ang hirap hirap mahalin ng
Pilipinas… Kaya sa totoo lang wala akong
balak mag trabaho dito pagka graduate ko eh.
At pag nakaalis ako dito hinding hindi na ako
babalik. Kaya sa tingin niyo sir ano pang
pakialam ko sa Noli, sa kasaysayan natin, sa
struggles na sinasabi niyo! Eh everyday.. My
life is a constant struggle here in this
miserable country.. Sorry sir, I’m just
really not in the good place right now.
Nagkapatong patong na po mga personal issues
ko and don’t get me wrong hindi niyo lang po
kasi ako binigyan ng sapat na oras para
makapag submit ng maayos na project sa inyo.
Now all I want is another change to make it
right and I promise aayosin ko sir.
PROFESSOR: Basta gawin mo nalang assignment mo. E submit
mo sakin pag natutunan mo nang aralin at
mabuo ang libro.
KLAY: Wag na sir may libro ako.
PROFESSOR: Eto ang basahin mo, may matututunan ka sa
bersyong iyo ito lalo pat dadalhin ka ng
librong ito sa mundo na ikinatha ni Jose
Rizal ng matutunan mo ang buong kasaysayan…
Miss Infantes kailangan malaman mo ang
nakaraan ng kasaysayan………. Hello? (nakikipag-
usap sa telepono) Ah, A dios.. (lumakad)
Oh?...
KLAY: Bumuntong hininga
PROFESSOR: Buen viaje, Senorita Infantes.

ACT 10, SCENE 10


[Sa bahay nina Klay]
RONALD: Hi baby!
NARCISA: Anong hi baby? Anong oras na? San ka galing?
RONALD: Nag happy happy lang kami ni Jambo. Minsan na
nga lang itong mangyari eh.
NARCISA: Sinungaling! Itinawag kita sa kapatid mo
hindi kayo magkasama! Kala moba malulusotan
mo ko? San ka galing!?
RONALD: Nag happy happy nga kami! San ba ako pupunta?
NARCISA: Saan ka nga galing eh!?
RONALD: (sinampal si NARCISA)
KLAY: Ma! Wag! Ma! Bakit ba lagi mong sinasaktan si
mama ha!?
RONALD: Mainit ulo ko ha baka madamay ka!
KLAY: Talaga!? Talaga!?
NARCISA: Pumasok kana! Pumasok kana sa kwarto!
(pakiusap kay Ronald)
RONALD: Kausapin mo yang anak mo! Nag happy happy nga
ako sinisimulan ako!!
NARCISA: Pumasok kana!
RONALD: Happy happy nga ako eh. (sabay pasok sa
kwarto)
KLAY: Oh ano? ano?
NARCISA: Pasensya kana ha.... Pahinga kana..
KLAY: Kunin ko lang po gamit niyo……
NARCISA: Alam ko balang araw magiging magaling na
nurse ka. Naniniwala ako don.
KLAY: (ngumisi) Sa inyo palang kompleto na training
ko eh. Hmm, last. Ganun. Yon okay na.. Ma
bakit ng aba Maria Clara pinangalan niyo
sakin? Sa totoo lang boomer na boomer.
NARCISA: (tumawa) Eh kasi nga diba yon ang gusto ng
lola mo sumalangit nawa ang kaluluwa
pilosopang Tasha na rizalista e hindi ba nga
ang kapatid mo, Elias o lalayo pa ba tayo ako
nga Narcisa e diba ipinangalan dun sa nabaliw
na Sisa diba kung hindi nga ba lolaloka yong
inang ko (nagtawanan) tagal na yan ha! Yang
hikaw mo nayan nung debut mo pa.

KLAY: 3 years na po ma, pero syempre inaalagaan ko


parin regalo mo eh! (tumawa) Basta ma promise
once maka graduate ako mag aaply agad ako pa
abroad tapos pag afford ko na ako na ang
bubuhay sa inyo ni Elias ilalayo ko kayo dito
ilalayo ko kayo dito kay Ronald
NARCISA: Anak wag kang ganyan para muna rin siyang ama
saka hindi ko pwedeng ilayo si Elias sa papa
niya eh Ikaw lumaki kang walang ama gusto mo
bang gawin yon sa kapatid mo?
KLAY: Una sa lahat ma, hindi ko naman naramdaman na
naging ama ko siya at kung ganon okay lang ba
sa inyo gusto kang gawin na punching bag kong
okay sa inyo sa akin hindi dahil hindi ko
kayang nakikitang nasasaktan kayo... Kasi ma
diba pagmahal mo ang isang tao dapat hindi mo
sinasaktan.
NARCISA: At hindi mo rin iniiwanan tulad ng ginawa ng
ama mo… Ayoko ng marinig pa yan sayo. Ayokong
magkasamaan tayo ng loob. (umiyak)
ACT 11, SCENE 11
{Sa kwarto ng kanyang kapatid, umiiyak]
KLAY: (umiiyak) Tama na Lord bat ganon sawa na ako
sa ganitong buhay.... Tama na..
.............................................................
{Sa labas ng bahay}

KLAY: (nagbabasa ng NOLI ME TANGERE)


(naka tulog)
TAGAPAGSALAYSAY: Nakatulog si Maria Clara habang ng babasa
ng libro
..............................................................
ACT 12, SCENE 12
[Sa bahay nina Klay]
NARCISA: (nagluluto) Hmm, Oy, Mga anak kakain na! Dali
na! (Kumakatok sa pinto) Kain na!
ELIAS: (bumangon)
NARCISA: Elias! Maria Clara! Kain na! Elias! Maria
Clara!
ELIAS: (humikab)
NARCISA: Kakain na, dali na! Ay tawagin mo na yung ate
mo dali para sabay na kayo.
ELIAS: Hindi ko po katabi si ate natulog.
NARCISA: Ha, Eh hindi pa nga lumalabas ng kwarto.
Jinojoke ka lang non.
Teka nga. Maria Clara! Ay.
ELIAS: Sabi ko sayo wala po siya dito eh.
NARCISA: San na yon?(lumabas ng bahay) Klay!....
Klay!..... Klay! (naghahanap) Maria Clara!
Maria Clara! (nakita niya ang libro ng Noli
Me Tangere, kinuha’t tiningnan ang libro)
Asan na yung batang iyon? Maria Clara! Maria
Clara!
TAGAPAGSALAYSAY: Hinanap ni Narsing si Maria Clara ,ngunit
hindi niya ito makita. Kahit si Elias ay
hindi niya alam kung saan nag punta ang ka-
yang ate Klay.

ACT 13, SCENE 13


[Sa silid ni Maria Clara]
KLAY: (nagising at nagtaka)
MARIA CLARA: (nagulat) Ha! Madre Mia!
KLAY: (nagulat) Ha! Sino ka?
MARIA CLARA: Ikaw ang dapat kong tanongin mohira… Sino ka
at bakit nandito ka sa aking silid?
(nagtitigan)

ADVERTISEMENT...........................
EPISODE 2
ACT 1, SCENE 1
[Sa silid ni Maria Clara]
MARIA CLARA: Nombre, quin eres, qui ascii cayendo aqui?
KLAY: Sandali, aah.. Nanaginip ba ako ng Espanola? Pero
bakit? Pano? Anong ginagawa ko dito?
MARIA CLARA: Madre Escucha! Madre Escucha! Bueno aqui!
KLAY: Ah miss ah, ah… No Espanol, aaahh, aaaah
(sumasayaw) Despascito. Ha?.. Ano po bang
nangyayari? Joke time ba ito? Pinaprank mo ba’ko?
MARIA CLARA: Huwag na huwag kang lalapit lalo na’t hindi ko
naiintindihan ang iyong winiwika, Madre Escucha!
Madre Escucha! Ayudame.

MADRE ESCUCHA: (pumasok sa kwarto, at hinihingal)


KLAY: (sumigaw)
MADRE ESCUCHA: Quien es el? (lumapit kay Maria Clara)
MARIA CLARA: (nagsuot ng balabal) No se, monja, nagulat ako’t,
nandito na siya sa aking silid
KLAY: Sandali kahit naman po ako hindi ko alam kung
pano napunta dito, nasan po ba ako?
MADRE ESCUCHA: Ito ang Beaterio de Santa Catalina, at hindi kita
nakikilala, at hindi ka nabibilang sa mga
koleheyalang naninirahan dito, Sino ka!? At bakit
ka naririto?
MARIA CLARA: Madre, hindi kaya isa siyang, ladrona?
MADRE ESCUCHA: Malalaman natin (lumapit kay Klay at kinapkapan
ito)
KLAY: (nakikiliti) Hoy! hoy! Hahahhha, aray ko, aray
ko, sandali lang po... Ano po bang akala ninyo sa
akin, magnanakaw? Hoy! grabe ka naman sa akin…
Maganda ka pa naman sana, mapagbintang ka… Masama
yun ha hindi ako magnanakaw mahirap ako pero
hindi ako magnanakaw.
MADRE ESCUCHA: Susmaryusep, babae.. mag ingat ka sa paraan ng
pakikipagusap sa isang koleheyala, hindi siya
kung sino lamang, si Senorita Maria Clara ay
isang banal na dalaga at anak ng isang deklaseng
ginoo, si Don Kapitan Tiago
KLAY: (sabay takip ng bibig)Hmph, I-ikaw si Maria
Clara? aaooohh, tapos tatay mo si Kapitan Tiago?
(nagbibiro) Aaah ang galing, Noli yarn! Oy kung
ganon, nasan si Crisostomo Ibarra?
MARIA CLARA: At-at kilala mo ang aking nobyo?.... Paano kayo
nagkakilala?
KLAY: Hala siya... Matinding usapin to... O siya ayoko
na, guys kagigising ko lang oh... Sandali lang
ha... Uwi nako...
(lumabas ng kwarto)
MARIA CLARA: Mestizang Sangley
MADRE ESCUCHA: Cuidare de el (hinabol si Klay)

ACT 2, SCENE 2
MADRE ESCUCHA: Taga saan ka ba talaga? At bakit ganyan ang iyong
kasuotan?
KLAY: Ay sorry naman po... At nakapangtulog lang ako...
Di naman kasi ako ready... Di ko naman akalain
na... (nagtaka) Asan po ba tayo? Intramuros ba
to?
MADRE ESCUCHA: Si, nasa Intramuros, kalye Beaterio tayo
KLAY: Ahhh, Beaterio Street... Ahh alam ko yun...
malapit school ko dito eh.. (Napatigil) pero
bakit iba ang itsura at saka iba ang itsura
niyong lahat, yung pananalita niyo Espanol, tapos
yung iba nakacostume pa?... Ano... May cultural
event po ba?
MADRE ESCUCHA: Hindi talaga kita maunawaan.. Taga saan ka ba
talaga? At paano ka uuwi?
KLAY: Ahhh.. Naku ako na po bahala dun... Ahh hiramin
ko na lang po cellphone niyo... Hindi ko nadala
yung sakin eh
MADRE ESCUCHA: Madre De Dios... Ano bang uri ng wika ang
ginagamit mo, at walang kawawaan sakin?
KLAY: Sister, cut na po sister... Okay na po... Good
acting... Sige na po hubarin niyo na po yan...
Ang init eh... Tama na po tong pag paprank niyo
sakin... hehe
MADRE ESUCHA: (nalilito)
KLAY: Di bale na lang po... Mag tataxi na lang ako...
Sige po (at lumakad paalis)
ACT 3, SCENE 3
[Lungsod/kalsada ng Beaterio]
TAGAPAGSALAYSAY: Patingin tingin si Klay sa paligid nagtaka siya
sa lugar kung bakit ngayon lang niya ito nakita
at ang mga kasuotan ng mga tao ay kakaiba.

KLAY: Ate! Ate! Sandali lang! Sorry naliligaw yata ako


eh, san po yung PLM?
BABAE 1: Paumanhin binibini ngunit ano yong.. ano itong P-
P...P...PLM?
KLAY: P-L-M, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.
BABAE 1: Pamantasan? Paumanhin ngunit ano po iyon?
KLAY: Hindi niyo alam? School yon, kilalang university,
unibersidad. Sikat na unibersidad dito yon.
: Teka lang, ano ba talagang nangyayari parang
lahat kayo sinapian?
BABAE 1: Ipag paumanhin niyo na po, ngunit ngayon ko
lamang po kasi narinig ang ngalan na tinutukoy
ninyo.
KLAY: Wee?
Diyaryo yan te? Pwede patingin?
BABAE 1 : Maaari, ngunit huwag niyo lamang pong gugusotin
at baka ako po'y pagalitan nang aking senyor.
KLAY: O sige, sige.
Eleven de Mayo 1884? Ang luma naman ng dyaryo mo
te.
BABAE 1: Hindi Binibini ngayon po ay nasa ika labing isa
ng mayo, taong labing walo’t walongpo’t apat nga
po.
KLAY: Oh, 84, 1884 nga di ba, haaay.. Hindi tayo
nagkakaintindihan ate, ang lakas kasi ng trip mo
eh.
oh sige, Thank you na lang ha.
LALAKI 1: Señorita, isa ka bang mohira libre?
KLAY: Libre?
LALAKI 1: Halika at sumama ka sa amin.
BABAE 1: Pakiusap mga ginoo, huwag niyo siyang
gagambalain.
LALAKI 2: Ah lumayas ka! Forrusuela! Ay Senorita isa kabang
Mohira libre?
Halika sumama ka.
KLAY: (nagtataka at tumitingin sa paligid)
(Flashbacks)
PROFESSOR: Eto ang basahin mo lalo na’t may matututunan ka
sa librong ito. Lalo pa’t dadalhin ka ng libron
ito sa mundo na ikinatha ni Jose Rizal ng
matutunan mo ang buong kasaysayan.

KLAY: Tatay mo si Kapitan Tiago? Nasan si Crisostomo


Ibarra?

MARIA CLARA: At-at kilala mo ang aking nobyo?.... Paano kayo


nagkakilala?
BABAE 1: Ngayon po ay nasa ika labing isa ng mayo

KLAY: Ngayon po ay nasa ika labing isa ng mayo, taong


labing walo’t walongpo’t apat nga po.
(BUMALIK SA REALIDAD)

BABAE 1: Tulong! Saklolo.


ACT 4, SCENE 4

[Sa silid ni Maria Clara]


VICTORIA: Nagbalik na ang kanyang ulirat, tayo na.
KLAY: Hala! Ba’t nandito na naman ako? Ha, sino nag
bihis sakin? Wala akong… sa’n na yung bra ko?
Asan na yon?
..................................................................
[Sa ibang silid]
MARIA CLARA: Ano kaya ang kakaibang tara na ito madre?
MADRE ESCUCHA: Iyan ay bahagi ng kasuotan ng isang moher,
tumatakip sa kanyang pecho.
MARIA CLARA: Kamangha- mangha. Saan niya kaya ito nakuha, at
tingnan niyo ang pagkakatahi napaka sin-sin,
napaka puro.
MADRE ESCUCHA: Hindi lamang yon señorita, mayroon din siyang
napakaikling kasuotan na yari sa sedla, na
tumatakip sa kaniyang pang ibabang . . kasalanan
isang kasuotan na ngayon ko lamang din
natunghayan.
VICTORIA: Maria, Maria. Gising na siya, nagkamalay na ang
Mestisang Sangley.

KLAY: May nag- nakaw ng bra ko, kakaloka.


MADRE ESCUCHA: Mabuti’t nagka malay ka na.
KLAY: Hoy! Akin yan, akin yan eh, oo.
MARIA CLARA: Ipag paumanhin mo, kung aming tiningnan ang iyong
Tapa pecho.
KLAY: Tapa pecho?wala pa bang bra sa panahong to?
MARIA CLARA: Bra?
BABAE 2: Bra? Ano ang bra?
KLAY: Ha? Hindi niyo alam kung ano ang bra? so ibig
sabihin ha! Oh, eh. Underwear? Siguro naman may
underwear kayo.
BABAE 3: Underwear?
KLAY: Huwag niyong sabihing… ah, kaya pjla ang hahaba
ng palda niyo mga wala kayong suot na panty.
MARIA CLARA: Binibini, paumanhin ngunit hindi namin nababatid
ang salitang iyong winiwika.
KLAY: Ay, dadating tayo diyan, tsaka ko na chichika
sayo yan, ngayon gusto ko pong malaman kung pa’no
ako nakabalik dito?
MADRE ESCUCHA: Pasalamatan mo si Señorita Maria at pinasundan ka
niya kaya ikaw ay aking tinulunfan, binihisan din
kita nang mag mukha ka namang desente kahit
paano.
KLAY: Grabi naman, naka pantulog naman ako. desente,
kayo nga di naka bra at panty diyan.
MARIA CLARA: Hindi na ako kailangang pasalamatan pa madre.
Bueno! Mestisang Sangley kamusta ang iyong
pakiramdam?
KLAY: Ito medyo nahihilo pa, pero okay naman na.
Ngayon po gusti ko nalang umuwi, dahil sigurado
nag- aalala nang mama ko sakin. Kung pwede sana
tulungan niyo kong maka uwi samin. Gusto ko nang
maka-uwi eh, Hatid niyo ko sa F.B. Harrison. Taga
don ako eh, don yung bahay namin. Sobrang weird
lang kasi talaga dito. Ibang- iba na yong mga
tao, kayo hindi kayo pamilyar sakin, iba na rin
yong itsura ng lugar na’to kaya hindi ko alam
kung papaano ako uuwi.
MARIA CLARA: Hay, lastima.
Binibini nais ka naming tulungan ngunit hindi
namin nababatid kung san ang F.B. Harrison na
iyong tinutukoy.
VICTORIA: Extrano Hindi pa nga lang kastila ang F.B
Harrison, maaaring ito ay wikang ingles.
MADRE ESCUCHA: Pero kailan ba nagkaroon ng kalyeng may pangakang
ingles sa bayang ito?
BABAE 2: Si! Esta bien.
KLAY: Hala, talaga bang nasa Noli Me Tangere ako?
MARIA CLARA: Noli Me Tangere? Anong ibig mong sabihin
binibini?
MADRE ESCUCHA: Iyan ay isang wikang latin sañorita na ang ibig
sabihin ay huwag mo akong salingin.
KLAY: Mismo sister, tama yan nga po yon. Nobela yon na
sinulat ni Jose Rizal, kaya ikaw Miss Maria
Clara, yung nobyo mo si Crisostomo Ibarra,
Kapitan Tiago, pati narin si PADRE DAMASO lahat
po kayo ay characters lang ng nobelang yon.
MADRE ESCUCHA: Jusmeyo! Tinatakasan na siya ng bait.
KLAY: Sister naman, ang sama ng tingin niyo sa’kin
kung di magnanakaw, baliw. Okay lang po ako, at
totoo lahat ng sinasabi ko, alam niyo kung bakit?
Kaai nabasa ko hanggang kabanata III ng Noli.
Alam ko nga magkakaroon ng Party, gathering,
pagtitipon. Magkakaroon ng isang pagtitipon sa
bahay mo Maria Clara.
VICTORIA: No es, Tama ka nga Madre Escucha, tila siya ay
nasisiraan na ng bait.

ACT 5, SCENE 5
(NARSING’s POV)[Sa kasalukuyan]
NARSING: Klay... Klay!
ELIAS:. Ate… Ate Klay!
NARSING: Klay! Ano bang nangyayari sa batang yon, Nako,
talagang nag-aalala na ako.
KAPITBAHAY 1: Bakit mars? Napagalitan mo ba si Klay? Baka naman
nag tampo na.
NARSING: Eh, medyo napagsabihan ko.
KAPITBAHAY 2: Hala mars baka naglayas yon.
NARSING: Hindi gagawin ng anak ko yon, iniwan yung
cellphone oh! May nag lalayas bang iniiwan ang
cellphone?
KAPITBAHAY 2: Baka iniwan talaga.
KAPITBAHAY 1: Oo nga, ganon naman talaga ang mga kabataan
ngayon, kakaiba ang mga isip. Baka nga talaga
naglayas yong anak mo mars.
ELIAS: Ma!
NARSING: Elias.
ELIAS: Ma.
NARSING: Oh.
ELIAS: Ma wala po si ate sa tindahan, tsaka wala po siya
sa bahat ni ate GIRLY.
NARSING: Maria Clara, nasaan ka na ba! Halika na pumasok
ka na umaambon
Asan na ba yong batang iyon.

ACT 6, SCENE 6
MARIA CLARA: Te equi vocas, VICTORIA ngunit may katotohanan
nga ang kaniyang mga winiwika, may magaganap nga
na pagtitipon mamayang gabi sa aming tahanan.
MADRE ESCUCHA: Maria, batid halos ng buong syudad ang ukol sa
pagtitipon na iyon pagka’t usap- usapan sa lahat
halos sulok ng maynila na dadaluhan ito ng mga de
klaseng tao, kaya wag kang magtaka kung bakit may
alam ang moher na yan.
KLAY: Oh eh, alam niyo po ba na magkakagulo sa
pagtitipon na yon?
MARIA CLARA: Magkakagulo binibini?
KLAY: Hmmm.. chichika ko sayo.
Nagsimula ang lahat, dahil galit na galit si
PADRE DAMASO kasi nainsulto sya, eh pano ba nman
liig at pakpak lang ng tinola ang isinilbi sa
kanya tapos ito na, di galit na galit na nga yong
lolo mo eh nandon si Crisostomo IBARRAoh edi,
pati nobyo mo nadamay, napagdiskitahan.

ACT 7, SCENE 7
(Crisostomo Ibarra’s POV)[Sa hapagkainan]
IBARRA: Sa aking pagdalaw sa iba’t-ibang panig ng Europa
ay napansin ko na ang kahirapan o ang kaunlaran
ng mamamayan ng isang bayan ay katimbang lamang
ng kalayaan o ng kawalan nito.
PADRE DAMASO: Wala ka na bang ibang napuna bukod don? Naglunta
ka pa sa ibang bansa gumasta! Ito lang pala ang
napala mo?
IBARRA: Hindi na ako magtataka kung ganito na lamang ang
pagtrato sa’kin ng iginagalang nating kora.
Ganyan lang talaga siyang mag lambing. Mosmos pa
lamang ako, naaalala niyo po ba nang malimit pa
kayong dumalaw sa aking ama para sumalo ng
tanghalian o haponan?
PADRE DAMASO: Brusca! Pinamumukha mo ba sakin na masiba ako sa
pagkain?

KLAY: Hanggang don lang yong nabasa ko yon na yung


kabanata III, kasi after non natulog ako tas
“poof” nandito na ako.
Pero kung totoong nasa Noli nga ako, Miss MARIA
CLARA maniwala kayo sa’kin magkakatotoo yung
sinasabi ko at kung hindi po ako nagkakamalu,
dito narin magsisimula ang lahat ng problema niyo
sa bugay ng nobyo mong si Crisostomo Ibarra.
MADRE ESCUCHA: Señorita Maria Maniwala ka nasisiraan na nga ata
siya ng bait.
KLAY: Sister, Bakit ba ang init ng dugo niyo sa’kin,
lahat po ng sinabi ko magkakatotoo po yon,
mangyayari talaga yon. Kung gusto niyo mag
pustahan pa po tayo eh.
MARIA CLARA: Wala kang dapat ipag-alala binibini, naniniwala
ako sayo.
KLAY: Thank you!
MARIA CLARA: Magpahinga ka mo na rito, ipaghahanda ka lang
namin ng makakain.
KLAY: Ay sige, salamat.
MARIA CLARA: Madre, tayo na ho.
VICTORIA: Maria, Huwag mong sabihing naniniwala ka sa
estrangherang iyon.
BABAE 2: Oo nga, lubhang nababahala ako sa katinuan o
kakawalan nito.
BABAE 3: Ako man.
Babae 4: Tama, ikaw Maria ano sa palagay mo?
MARIA CLARA: Tama kayo, pati ako ay hindi rin naniniwala sa
kanyang winika, sa palagay ko nga’y totoong
tinakasan na siya ng bait.
VICTORIA: Jusmeyo! Akoy natatakot tuloy sa kanya.
MADRE ESCUCHA: Huwag, Señorita Victoria, pagkat ang kailangan ni
Mestisang Sangley ay tulong.
MARIA CLARA: Tama ho kayo madre, kata Por pabor, ipaghanda
niyo na po ang karwahe ng Beaterio kailangan na
hong madala ng pobreng babaeng iyon sa hospital
sikheyatriko, upang magamot ng dalubhasang doktor
ang kaniyang pag-iisip.
BABAE 3: Si!
MADRE ESCUCHA: Masusunod.
KLAY: Sikheyatriko? Aba dadalhin ako sa mental. Anong
gagawin ko?

ACT 8, SCENE 8
(NARSING’s POV)[Sa kasalukuyan]
GIRLY: Tita ayon na nga po, wala rin po sa school si
KLAY di po siya pumasok kanina eh. Jusko, akala
ko may sakit nawawala na pala siya.
NARSING: Ayon na nga, nasa’n b. yong batang yon! Hindi
naman siya ganito eh, tuwing nagtatampo sa akin o
sumasama ang loob sa akin, hindi yan basta basta
naglalayas eh, sa’n na nagpunta, nasaan? Talagang
papatayin ako sa pag- aalala noh.
GIRLY: Tita, relax lang po, hayaa. Niyo po tutulungan ko
po kayo sa paghahanap kay KLAY promise po.
NARSING: Salamat. Kung nasaan siya sana nasa mabuting
lagay siya, yon lang ng wini-wish ko
lorrd, wag niyo namang pabayaan ang anak ko ha.
GIRLY: Tita, tahan na po.
ACT 9, SCENE 9

LALAKI 3: Nasa’n na po yong dadalhin namin sa pagamotan?


MARIA CLARA: Wala na siya Madre, tumakas na ang Mestisang
Sangley.

ACT 10, SCENE 10


[Lungsod ng Beaterio]
KLAY: Thank you Lord, buti nakatakas ako nakakalokang
Maria Clara gusto pa akong dalhin sa mental.
BABAE 1: Tama na po padre!
PADRE DAMASO: Meron parin pa lang kahihiyan ang isang katulad
mong moher libre na nang-aakit ng mga kalalakihan
para magkasala, pero mas naaawa ako sa mga
mahihinang dalaga na maaaring tumulad sayo, kaya
dapat bigyan ka ng isang leksyon.
Todos escuchan ganito ang ginagawa sa isang moher
swelas!
BABAE 1: Huwag po…huwag po.
PADRE DAMASO: Callarse la boca!
BABAE 1: Tulungan niyo ko, Padre tama na po.
PADRE DAMASO: Yan ang nababagay siyo, yan ang ginagawa sa isang
babae na parang kalapating mababa ang lipad.
Para, Vuelve qui! Detenerio! Agarrarlo.
Ego feci cum eo, kayo nang bahala sa kanya.
GUWARDIYA SIBIL: Si! PADRE DAMASO.
KLAY: PADRE DAMASO?
Teka, sandali! Wala po bang tutulong sa kaniya?
Ate tulungan niyo po, awatin natin sila. Ate!
BABAE 1: Panginoon, kaawaan niyo po ako.
KLAY: Diyos ko, Hindi ko na kaya to, naaalala ko si
mama sa kanya.
Lord kayo nang bahala sakin ha.
PROFESSOR: Huwag, kung ayaw mong saktan ka ng mga Guwardiya
Sibil.
KLAY: Mr. Torres?
TAGAPAGSALAYSAY:. Gulat na gulat si Klay sapagkat nakita niya si
Mr. Torres.

ADVERTISEMENT…………………………………………………………………………………

You might also like