You are on page 1of 16

PAGSUSURI SA POSITIBONG EPEKTO NG K TO 12 CURRICULUM

SA MGA MAG-AARAL NG SENIOR HIGH SCHOOL

Anunciacion, Marielea S.
Manipon, Mary Grace H.
Nonado, Mark Anthony V.

2021
Abstrak

(Blangko ang bahaging ito dahil ito ang isa sa mga magiging gawain ninyo)
Pagsusuri sa Positibong Epekto ng K to 12 Curriculum
sa mga Mag-aaral ng Senior High School

INTRODUKSYON

Bago pa man ang implementasyon ng programang K-12 Kurikulum sa Pilipinas,


isa ang bansa sa tatlong nananatiling hindi sumasabay sa K-12 Kurikulum, kasama ang
bansang Angola at Djibouti (Ocampo, 2018). Isa ang programang K to 12 Curriculum na
ipatutupad ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong tulungan
ang ating mga kabataan at upang pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi lamang
sa buong Asya, kung hindi sa buong mundo. Ang K to 12 ay ang karagdagang Grades
11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng high school.

Taong 1945 hanggang 2011, ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay


tumatagal lamang ng 10 taon, nagbago ito matapos itulak ni dating Pangulong Benigno
Aquino na kailangang makasabay ang Pilipinas sa pamantayan ng edukasyon sa iba’t
ibang bahagi ng mundo. Hindi lamang tungkol sa pagdaragdag ng dalawang taon ng
Senior High School (SHS) sa unang sampung taon ng edukasyon ang K – 12, kundi
panahon upang lalong makapaghanda ang bawat mag-aaral na harapin ang kolehiyo at
maging mas produktibong manggagawa sa hinaharap (Ocampo, 2018)

Karagadagan pa sa sinabi ni Ocampo (2018) sa pamamagitan ng dagdag na


dalawang taon sa Senior High School (SHS), malalaman ng mag-aaral ang interes,
kasanayan at espesiyalisasyon na makatutulong upang makapasok sa kalidad at tiyak
na kurso sa kolehiyo. Masisiguro rin ang pagbaba ng bilang ng “job-mismatch” na
siyang nagpapababa sa kalidad ng trabaho ng lakas paggawa. Isang hakbang ang
programang K-12 upang maisabay ang kasanayan ng mga manggagawang Pilipino sa
lakas paggawa ng karatig bansa sa pamamagitan ng paghasa sa mga mag-aaral upang
maging Globally Competitive.

Ang nasabing programa ay pinaniniwalaang makakapagbigay sa estudyante ng


sapat na oras para yumabong ang kanilang kakayahan at kaalaman na magagamit nila
hindi lang sa pagkamit ng diploma sa kolehiyo ngunit maging sa larangan ng
pagtatrabaho (Vannie, 2017). Marahil sa iba ay wala naman itong saysay at hindi na
kailangan ngunit marami parin sa atin ang sa tingin ay makakatulong ito at magdudulot
ng pagbabago hindi lamang sa sistema ng edukasyon kundi sa mismong bansang
Pilipinas.

Sa kabilang banda, kahit na magaganda ang naging layunin ng kurikulim na ito,


nang magkaroon na ng unang batch ng mga nagsipagtapos na mga Junior High School
ay mas lalong naging komplikado sa paningin ng lahat dahil na rin sa mga paaralang
hindi pa tapos gawin. Lalo na sa mga estudyanteng magsisipasok sa pampublikong
paaralan (Regeliente 2017). Sa kalaunan, ay nakikita naman na habang tumatagal ay
nakikita naman ang epekto nito sa mga mag aaral, hindi ito para lang sa ikauunlad ng
bansa, para rin ito sa pag unlad ng kaisipan ng mga kabataan tungo sa kaunlaran.

Ayon naman kay Runeld Paps noong 2017. Sa pagsapit ng patuloy na


modernisasyon hindi maiiwasan ang pagbabago ng maraming bagay kung saan ang
mga tradisyon at nakagawian ay tuluyang nagbabago upang linangin ang luma at
palitan ng bago. Sa kasalukuyan ang ating Kagawaran ng Edukasyon ay nagsimula ng
bumuo ng panibagong edukasyon kung saan maghuhubog ito sa mga estudyante na
makamit ang kinakailangang kaalaman at kahusayan sa pagpapatuloy ng pag-aaral o
sa pagtratrabaho.

Ang paglulunsad nito ay makatutulong na maging mahusay sa matematika,


siyentipiko, lingguwistika at araling praktikal na magagamit nila sa pangaraw-araw na
pamumuhay (Manzanilla, 2019) at ayon sa Kagawaran ng Edukasyon, hindi magiging
sagabal ang kakulangan ng paaralan, kagamitan sa pagtuturo at guro dahil ipanatupad
nila na magiging kasapi ang pribadong paaralan upang makamit ang mataas na kalidad
ng edukasyon.

Sa tala naman ng K to 12 Kurikulum pages noong 2014, isinagawa ang


programang ito na naglalayon mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho, kapag
natapos ang mga kabataang ito sa hayskul, nasa sapat na silang gulang (18 taong
gulang) at sapat na kakayahan upang maghanap ng magandang trabaho, Junior High
School pa lamang ay maari na silang makakuha ng Certificate of Competency Level 1,
basta makumpleto nila ang requirements ng TESDA at maipagpatuloy ito sa Senior
High School upang pag sila'y nakapagtapos, maari na silang makakuha ng trabaho.
Marami ng bansa ang nagpatupad ng bagong sistema ng edukasyon na
tinatawag na “K to 12 Curriculum” na kung saan nadagdagan ng dalawang taon ang
lumang sampung taon na pag-aaral. Dahil dito, agarang pinatupad ng gobyerno ng
Pilipinas ang pagpapa-implementa ng K-12 program sa bansa. Layunin nito na
mapataas ang kalidad ng edukasyon, mapaghandaan ang kinabukasang trabaho ng
isang kabataan at makasabay sa umuunlad na edukasyon sa mundo.

Kabilang rin sa pagpapatupad ng K to12 ay ang adhikaing magamit nang wasto


ang mother tongue o unang wika ng mga mag-aaral na mula sa ikatlong baitang. Upang
mapagtanto rin na mahalaga ang unang wikang sinasalita na hindi dapat kaligdan ng
sinuman. Marami ng mag-aaral na Senior High School ang nakapagtapos mula ng
maipatupad ang karagdagang taon ng pag-aaral, at dalawang lamang ang pagpipilian
ng mga mag-aaral kapag sila’y nagsipagtapos ng K to 12; makapagtrabaho o
magpatuloy sa kolehiyo.

Sa kasalukuyan ay lubos nang naisakatuparan ang implementasyon ng


programang K-12 Kurikulum na naglalayong ihanda ang bawat mag-aaral sa
pagtuntong sa kolehiyo at pagiging bahagi ng lakas paggawa matapos ang mahabang
prosesong pinagdaanan nito mula taong 2011-2017. Sa pamamagitan nito, ang mga
mag-aaral na walang sapat na pambayad sa tuition fees ay maaari ng magpatuloy ng
libre hanggang makatapos ng Baitang 12 o ang tinatawag na Senior High School.

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga naging magandang


dulot ng K to 12 Curriculum sa mga mag-aaral ng Senior High School. Tutukuyin sa
pag-aaral na ito ang kaisipan ng mga mag-aaral kasama na rin ang mga guro patungkol
sa programang ito. Sa pananaliksik na ito ay malalaman at matutugunan ang mabuti at
magandang dulot nito sa sistema ng edukasyon, sa mga guro at higit sa lahat ang mga
mag-aaral ng Senior High School ng kasalukuyang panahon.
METODOLOHIYA

Uri ng Pananaliksik/Riserts

Ayon kay De Guzman (1968) ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap


ng mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na. Ang
disenyo ng pananaliksik ay ang pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik
upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng pananaliksik sa maayos at
lohikal na paraan. Ito ang nagtitiyak na masagot ng pananaliksikang suliranin at
matutupad ang layunin na itinakda nito (Valdez, 2019). Ayon kay David de Vaus (2011),
kung mailatag ng maayos ng isang mananaliksik ang sistema at at disenyo ng
pananaliksik, tiyak na matutukoy ng malinaw ang suliranin ng pananaliksik at
makatwiran ang pagkakapili nito.

Ang gagamitin ng mananaliksik bilang disenyo o uri ng riserts ay kwantitatibong


pananaliksik. Sa pamamagitan ng disenyong ito ay itutuos ang dami ng mga naipong
numerong datos sa grupo ng mga tao upang ipaliwanag ang isang partikular na
suliranin. Nagbibigay diin sa mga sukat ng layunin at ang statistical, analysis ng data na
nakolekta sa pamamagitan ng mga survey, o sa pamamagitan ng pagmamanipula ng
mga umiiral nang statistical data gamit ang computational techniques (Castillo, 2018).

Makatutulong ang uri ng pananaliksik na ito sa pag-aaral upang malaman ang


magandang dulot ng K-12 Curriculum sa mga mag-aaral ng Senior High School.
Mapapalawig ng disenyo ng pananaliksik na ito ang mga positibong epekto ng K to 12
Curriculum sa sistema ng edukasyon na ayon sa mga tala ng mga mag-aaral na
sumailalim dito; ang mga ma-aaral ng Senior High School.

Respondante at Pamamaraang Pamimili

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa dalawampung (20) mag-aaral na


nakapagtapos ng Senior High School. Gumamit ang mga mananaliksik ng Convenience
Sampling sa paraan ng pagpili ng mga respondante. Ang convenience sampling ay ang
pagkuha ng mga tagatugon batay sa lapit nila sa mga mananaliksik. Binigyang pokus
lamang sa pagsusuri at pag-aaral na ito ang pagpapatupad sa sistema ng Senior High
School Ang pagpapasagot ng sarbey sa mga nakapagtapos ng Senior High School ay
alinsunod sa COVID-19 Safety Protocol at bukod sa liham na humuhingi ng pahintulot
ay ginabayan ng mananaliksik ang mga tagatugon sa pagsagot sa talatanungan.

Instrumento

Gumamit ang mga mananaliksik ng sarbey o talatanungan alinsunod sa suliranin


ng pananaliksik sa pamamagitan ng Google Form at kasama na rin sa proseso ng
Google Form ang pagkuha ng bahagdan sa mga resulta ng mga nakolektang datos.

Pamamaraan sa Pagkalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ay kumuha ng datos mula sa iba’t ibang artikulo,


pananaliksik at pagsusuri na tumatalakay sa positibong epekto ng K to 12 Curriculum
mula sa internet (google scholar, google, facebook, blog, instagram, twitter). Gumamit
rin ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at ipinasagot sa mga tagatugon, sa
pamamagitan ng pagpapadala ng talatanungan gamit ang "Messenger". Pagkatapos
magpasagot ng mga talatanungan ay nilikom at iti-nally ang bawat aytem na nasa
sarbey at ito rin ay bahagi ng paraan sa pagkalap ng datos ng mga mananaliksik.

Etikal na Konsiderasyon

Ang mga mananaliksik ay humingi muna ng pahintulot bago ipinamahagi ang


mga talatanungan sa mga tagatugong nakapagtapos ng Senior High School, may
karapatan silang tumanggi sa pakikibahagi sa pananaliksik. Ang pagbabahagi ng mga
sarbey ay nakaalinsunod sa ipinapatupad na COVID-19 Safety Protocol at ipinamahagi
sa pamamagitan ng online. Isinali sa nilalaman ng mga liham pahintulot ang pamagat
ng pag-aaral, layunin, proseso, ang inaasahang resulta at paano ito maaaring
makatulong sa pag-aaral na ito. Ang mga magiging kasagutan ng mga bawat tagatugon
ay mananatiling confidential. Walang intensyong pampersonal ang mga mananaliksik
sa kalalabasan ng pag-aaral. Gagamitin lamang para sa pag-aaral na ito upang
matukoy at masuri ang naging magandang dulot at positibong epekto ng K to 12
Curriculum sa mga mag-aaral ng Senior High School

Pag-aanalisa ng Datos

Ang mga mananaliksik ay inipon ang mga datos mula sa mga ipinamahaging
sarbey sa mga tagatugon para sa pag-aaral sa pamamagitan ng online. Ang lahat na
nalikom na mga datos para sa kahingian ng pananaliksik ay pinili ang pinaka-angkop sa
pag-aaral. Pagkatapos malikom ita-tally ito, ipoproseso gamit ang mga tugon sa
Google Form upang makuha ang bahagdan sa bawat aytem ng talatanungan. Gumamit
ng graph ang mananaliksik bilang representasyon sa mga naanalisang datos.

RESULTA AT PAGTALAKAY

Makikita sa Tsart 1 na 100% ang nagsabing kilala na ang K-12 Kurikulum bago
pa man ito naiplementa. Bago ipatupad ang K-12 Program ay ipinakilala muna ng
husto ito upang hindi magkaroon ng maraming suliranin.

Karagdagan pa sa sarbey na ito ang sinabi ng dalawa sa mga tagatugon na


“alam naman na mangyayari ito, kinakabahan lang siguro kami sa mga pagbabagong
dala nito”
Pagkilala sa K-12 Kurikulum
Oo Hindi

100%

Tsart 1

Makikita sa Tsart 2 ang apat na magakakaibang strands na tinapos ng mga


Senior High School sa ilalim ng K to 12 Curriculum. Sa Tech-Voc ay mayroong na 35%,
ang ABM na mayroong 30%, HUMSS na mayroong 20% at ang STEM na mayroong
15%. Ipinakita sa partikular na bahaging ito ang karagdagang dalawang taon sa High
School ay nakatutulong sa mga mag-aaral upang makita ang magkakaibang larang na
nais tahakin. Ang paraang ito ay isang potensyal na maagang pagmumulat sa mga
mag-aaral sa kurso, trabaho o negosyo na nais nilang gawin pagkatapos ng kanilang
pag-aaral.

Ang mga partikular na mga strands/track na ito ng Senior High School ay isa sa
positibong epekto ng K to 12 Curriculum dahil sa maaga nitong hinahasa ang mga mag-
aaral sa mga larang na kanilang napili. Sa kabilang dako ng pagsusuri ang track na ito
sa Senior High School representasyon sa buhay ng bawat mag-aaral. Representasyon
ng kanilang mga potensyal na huhubugin at lilinangin sa ilalim ng K to 12 Curriculum.
Nagsisilbi na rin itong gabay sa propesyong nais simulan ng isang mag-aaral.

Mga Natapos na Track ng mga


Senior High School
ABM HUMSS STEM TECH-VOC

35%
30%

15%
20%

Tsart 2

Ipinapakita sa Tsart 3 na 95% ng mga tagatugon ang naniniwala na ang


magandang dulot ng K to 12 Curriculum ay bilang paghahanda sa kolehiyo, 66.70%
naman ang nagsabing isa itong paghahanda upang makapag-isip ang mga mag-aaral
sa larang na kanilang aaralin, 61.90% ang nagsabi maganda ang dulot nito dahil
nakapag-aaral ng libre, kapwa 57.10 % naman na dahilang paghuhubog ng kaalaman
sa pamamagitan ng maagang pagtuturo at nakatutulong upang makahanap ng maayos
na trabaho, 38.10% naman ang nagsabing nakatutulong ito upang makapasok sa de-
kalidad at tiyak na kurso sa kolehiyo, 23.80% ang nagsabing nakatutulong ito upang
walang kaharaping diskriminasyon sa trabaho sa ibang bansa at 4.80% lamang ang
nagsabing mababa ang tsansang makakuha ng trabaho.

Ilan lamang ang bahagdang ito sa mga itinuturing na positibong epekto ng K to


12 Curriculum sa mga mag-aaral ng Senior High School. Kaakibat man nito ang mas
karagdagang taon sa pag-aaral hindi naman maitatangging ang mga maaaring
benepisyal na dulot nito ay siyang tunay na makatulong paara sa mga mag-aaral.

Mula sa partikular na sarbey na ito ay tumatalakay ang isang kaisipan at


konsepto sa sistema ng edukasyon bilang pantulong sa pagpapalawig at
pagmomodipika sa mga aralin sa ilalim ng Grade 11 at 12. Maaaring makatulong ang
mga nabanggit na dahilan upang gawing komprehensibo ang itinakdang batayan sa K
to 12 Curriculum at maging sentralisado ang layon nito. Nang sa gayon ay episyente pa
lalo ang pag-implementa nito.

Magandang Dulot ng K to 12 Curriculum


sa mga Mag-aaral ng SHS
Nakapag-iisip ang mag-aaral ng mabuti para sa larangang 0.667
kukuhanin
0.571
Paghuhubog ng mga kaalaman sa mas pinaagang pagtuturo

Walang kahaharaping diskriminasyon mula sa ibang bansa. 0.238

Preperasyon para sa Kolehiyo 0.952

Pagbaba ng mga naghahanap ng trabaho


0.048
Makatutulong upang makapasok sa kalidad at tiyak na kurso sa
kolehiyo 0.381
Makahanap ng disenteng trabaho
57.10%
Nakakapag-aral ng libre
0.619

Nakapag-iisip ang mag-aaral ng mabuti para sa larangang kukuhanin


Paghuhubog ng mga kaalaman sa mas pinaagang pagtuturo
Walang kahaharaping diskriminasyon mula sa ibang bansa.
Preperasyon para sa Kolehiyo
Pagbaba ng mga naghahanap ng trabaho
Makatutulong upang makapasok sa kalidad at tiyak na kurso sa kolehiyo
Makahanap ng disenteng trabaho
Nakakapag-aral ng libre
Tsart 3
Sa Tsart 4 ay makikita ang magkakaibang paraan sa paghahanda ng mga mag-
aaral sa isang partikular na aralin bilang mga mag-aaral ng Senior High School. Ang
95.20% ng mga tagatugon ay sinabing naghahanda sila sa pamamagitan ng pakikinig
ng mabuti sa guro, 85.70% ang nagsabing nagririserts tungkol sa aralin, 76.20% naman
ang nagsabing sila ay nakikipag-usap sa mga kamag-aral para sa karagdagang
kaalaman at 71.40% naman ang nagsabing nagbabasa sa o pakikiayon sa bagong
kurikulum. Sa ibayong pagsusuri ang mga magkakaibang paraan na ito ay
representasyon sa inisyatibong paraan ng mag-aaral upang makasabay sa agos at
layon ng K to 12 Curriculum. Simbolo ito ng malikhaing konseptong pang-edukasyon ng
mga mag-aaral sa ilalim ng bagong kurikulum na muling susubok sa kanilang
kakanyahan, abilidad at determinasyong makapag-aral.

MGA PARAAN SA PAGHAHANDA NG ARALIN SA


K-12 KURIKULUM
0.714
Pagbabasa sa makabagong Kurikulum

0.762
Pakikipag-ugnayan sa mga kaklase

Pagrisert tungkol sa mga aralin


85.70%

Pakikinig ng mabuti sa guro


0.952

Pagbabasa sa makabagong Kurikulum Pakikipag-ugnayan sa mga kaklase


Pagrisert tungkol sa mga aralin Pakikinig ng mabuti sa guro

Tsart 4
KONGKLUSYON

Sinasabi na isa ang edukasyon sa susi upang makaahon mula kahirapan. Sa


kabilang banda hindi maikakaila na ang iba ay diskarte ang pinampupuhunan. Ano pa
man ang tinutukoy ng mga kasabihang ito hindi pa rin maitatangging mahalaga ang
may pinag-aralan. Isa ito sa naging batayan sa Pilipinas upang ang baguhin ang umiiral
na kurikulum upang makasabay sa global na istandard na itinakda ng modernong
lipunan.

Sa ginawang pag-aaral at pagsusuri na ito ay makikitang marami ang naging


mabuti at positibong epekto ang K to 12 Curriculum ssa mga mag-aaral ng Senior High
School at maging sa sistema ng edukasyon. Naging tulay ang kurikulum na ito upang
maging preparasyon ng mga mag-aaral para sa kolehiyo, sa iba naman ay para
makahanap ng maayos at disenteng trabaho o makapagsimula ng negosyo, at para sa
ilan naman ito ay nakatulong upang lalo pang hubugin ang kaalaman sa dalawang
taong pag-aaral.

Ayon sa DepEd Primer ang K-12 Kurikulum ay nagpapakita ng "holistically binuo


na mga mag-aaral na may mga kasanayan sa ika-21 siglo". Sa pangunahing
pangunahing programa ng edukasyon na ito ay "kumpletong pag-unlad ng tao sa bawat
nagtapos". Ito ay nangangahulugan na ang bawat mag-aaral ay magkaroon ng pag-
unawa sa mundo sa paligid niya at isang pagnanasa sa pag-aaral ng mahabang buhay
habang tinutugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagkatuto ng mag-
aaral. Ang karagdagng dalawang taon sa High School ay may layuning bigyan ng sapat
na kahandaan at kasanayan ang bawat mag aaral, ibig sabihin lamang nito na sa
orihinal na apat na taon ay sasanayin ang mag aaral sa akademiko, teknikal at
bokasyonal na kurso na kanilang magagamit sa kanilang paglabas sa paaralan at
magsisilbing daan sa mundo ng pagtratrabaho (Adormeo, 2017).

Hindi na rin maiiwasan na sa bawat programang ipatutupad sa bansa ay


makakatatanggap ito ng mga negatibong pidbak ngunit ang mga ito ay unti-unting
nasusolusyunan sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral, pagsusuri at pagsiyasat sa
mga maaaring pang idebelop sa kasalukuyang kurikulum na ito.
REKOMENDASYON

Kasabay ng agos ng modernisasyon ay ang ng pagbabago sa edukasyon.


Kinakailangan ang mga pagbabagong ito upang mabigyang pagmomodipika ang mga
layon sa edukasyon na mas huhubog pa sa potensyal at kakanyahan ng mga mag-
aaral. Ang K to 12 Curriculum ay isa mga pagbabagong naganap sa sistema ng
edukasyon na patuloy pa ring pinauunlad sa pamamagitan ng mga masigasig na pag-
aaral. Maituturing na malaking tulong ang pag-aaral at pagsusuring ito upang masilip
ang magagandang dulot ng kasalukyang kurikulum bilang karagdagan konsiderasyon
sa pagpapaunlad ng kurikulum na ito at mas epektibo pa itong maipatupad sa bansa.

Ang sumusunod ay ang mga nabuong rekomendasyon ng mga mananaliksik sa


pag-aaral na ito:

1. Magsagawa pa ng ibang pag-aaral na sisipat sa ibang anggulo ng positibong


dulot ng K to 12 Curriculum. Nakatutulong ang mga pananaliksik at
pagsusuring ito bilang batayan ng Kagawaran ng Edukasyon sa
pagpapaunlad pa ng kurikulum na ito.
2. Gawing batayan para sa mga susunod na mag-aaral ng Senior High School
ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng ideya sa kung ano ang mga dapat
tandaan sa ilalim ng kurikulum na ito. Batayan rin sa paghihikayat ng mga
mag-aaral na may pag-aalangan sa pag-aaral ng Senior High School.
3. Gawing batayan ang pag-aaral na ito para sa guro bilang karagdagan aralin
para sa mga mag-aaral ng Senior High School upang magsilbing motibasyon
sa positibong dulot ng pag-aaral sa ilalim ng K to 12 Curriculum.
4. Gawing hanguan ng mga susunod pang mag-aaral ang pag-aaral na ito.
Magsisilbing gabay sa kanilang pag-aaral at mas mapalawig pa ang ganitong
uri ng mga paksa
Sanggunian:

Adormeo, J. (2017) Kahalagahan ng Pagdaragdag ng Dalawang Taon sa Hayskul


[Pananaliksik] Wordpress, retrieve from
https://17adormeo1.wordpress.com/2017/10/17/kahalagahan-ng-pagdaragdag-
ng-dalawang-taon-sa-hayskul-by-jp/

Carla, M. (2017) Halaga at magandang dulot ng K-12 program Maikling Kwento


Blogspot, retrieve from
http://carlamae23.blogspot.com/2017/01/halaga-at-magandang-dulot-ng-
edukasyon.html?m=1

Evangelista, J. (2018) Kurikulum ng K to 12: Pananaliksik sa Estado ng Makabagong


Sistema ng Edukasyon, retrieve from
https://www.google.com/amp/s/jennelievangelista.wordpress.com/2018/10/03/
kurikulum-ng-k-12-pananaliksik-sa-estado-ng-makabagong-sistema-ng-
edukasyon/amp/

Lagmay, S.,Lizano, L., Papel, C., Salentes, R. (2017) Mabuti At Di Mabuting Epekto Ng
Programang K12 Para Sa Mga Mmag-Aaral Nasa Senior High Schoolsa Our
Lady Of Fatima University [Pananaliksik], retrieve from
https://www.academia.edu/35844150/Epekto_ng_K_12

K to 12 Page (2014,) Ano nga ba ang tunay na layunin ng pagpapatupad ng K-12


Kurikulum? Blogspot retrieve from
http://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09/ano-nga-ba-ang-tunay-na-layunin-
ng.html?m=1

Manzanilla, E. (2019) Dapat ba o hindi dapat sang-ayunan ang K-12 Program?


Wordpress, retrieve from
https://www.google.com/amp/s/baninablog.wordpress.com/2019/01/13/dapat-ba-
o-hindi-dapat-sang-ayunan-ang-k-12-program/amp/

Ocampo, J. (2018) Ang Magandang Dulot ng K to 12 Curriculum.blog post

Regeliente, S. (2017) Positibo at Negatibong Epekto ng K-12 Curriculum; Maikling


Kwento Blogspot, retrieve from
http://regeliente.blogspot.com/2017/09/positibo-at-negatibong-epekto-ng-k-
12.html?m=1

Valdez, J.M. (2019) Disensyo at Pamamaraan ng Pananaliksik, retrieve from


https://joanamaevaldez.blogspot.com/2019/01/disenyo-at-pamamaraan-ng-
pananliksik.html?m=1&fbclid=IwAR3eDT_TkcD6K-
Velasco, P. ( 2012) K to 12 Program: Narito ang Lahat ng Dapat Mong Malaman
retrieve from
https://www.smartparenting.com.ph/parenting/preschooler/tl/k-12-101-a-primer-
on-the-new-philippine-education-curriculum

Ano ang K to 12 at ang layunin nito?- Kto12 Curriculum | Facebook


https://www.academia.edu/28991270/K_12_at_SISTEMANG_PANG_EDUKASYON
http://www.depedscm.com/mabuting-epekto-ng-k-12-ramdsistem
https://m.facebook.com › permalinkWeb results

You might also like